webnovel

Chapter 1.15


"Mga inutil! Sa pagkakataong ito ay muli na naman kayong nabigo!" Malakas na sambit ng isang nilalang sa baritonong boses nito habang nakaupo ito.

Nasa isang malawak na bulwagan sila habang nababalot ng kadiliman ang buong silid na ito.

Tanging ang liwanag lamang mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw sa lugar na ito.

Walang ano-ano pa ay mabilis na itinapon ng nakaupong nilalang na ito ang hawak-hawak nitong babasaging baso na may mga laman pang wine.

TTTTCKKK!

Rinig na rinig sa buong lugar na ito ang pagkabasag ng nasabing babasaging wine glass.

Napatahimik naman ang tatlong nilalang na ang isa sa mga ito ay may mga benda pa sa iba't-ibang parte ng katawan nito.

"Hi-hindi namin aakalaing napakalakas ng isang iyon, ginoo! Noong una ay akala namin ay sobrang hina nito ngunit hindi!"

"Ka-kakaiba ang summon nito sa lahat. Isa pa ay napakapambihira nito. Nakatawag pa ito ng naglalakihang kidlat na muntik ng ikamatay ng pinuno namin!"

Biglang napatayo ang nasabing nilalang. Ngunit imbes na maglakad ay nanatili lamang itong nakatayo.

Biglang nabalot ng katahimikan ang buong bulwagang ito.

"Isang thunder type summon ba kamo?! Nakakatuwa naman. Hindi ko aakalaing masuwerte pa rin ang matandang iyon hanggang sa kasalukuyan!" Seryosong saad ng nilalang na ito sa baritonong boses nito ngunit mahihimigan ang labis na inis sa tono ng pananalita nito.

"Itutumba ba namin ang binatang iyon?! Ngunit kahit pagsamahin pa namin ang lakas namin ay hindi pa rin sasapat iyon upang matalo ang nilalang na iyon!" Sambit ng pinuno ng maliit na grupong ito.

"Tama po siya Ginoo! Sa pasa na natamo namin ay siguradong hindi kami makakagawa ng plano upang gapiin ang kalaban namin!" dugtong ng kasamahan nito.

"Malakas talaga ang isang iyon. Kahit ang pinuno namin ay nagapi nito!" Sambit naman ng isa pa upang suportahan ang sinabi ng kasama niya.

"O siya... Naniniwala na ako. Isang pagkakataon na lamang ang ibibigay ko sa inyo. Kapag nabigo pa kayo ay siguradong may kalalagyan kayo sa baryong kinabibilangan niyo. Maliwanag?!"

"Masusunod po!" Magalang na wika ng tatlong nilalang nang sabay-sabay pa itong yumuko.

...

Hindi namalayan ni Evor na isang linggo na ang nakalilipas mula ng mangyari ang bagay sa loob ng kakaibang lugar na iyon.

Ngunit naging daan din iyon upang mas paghusayan niya pa ang pagpapalakas at pagpapaunlad ng kaniyang sariling kakayahan maging ang kontrol sa mga summons niya.

Ngayon bibisita si First Former Aleton, Second Former Mario, Third Former Serion at ang Village Chief Dario sa Azure Dragon Academy para kamustahin sila ni Marcus Bellford.

Masasabi niyang binawasan na rin ni Marcus Bellford ang pagiging mayabang nito ngunit hindi ibig sabihin niyon ay magkaibigan na talaga sila.

Marcus Bellford ay nananatili na mataas ang pride nito at mas dumoble ang sipag nito sa pag-eensayo.

Hindi kagaya niya, hindi pa rin nakikita ang anumang pag-unlad rito para makakuha ng ikaapat nitong summoner.

Hindi kagaya niya na nasa ika-apat na summon na ang pagmamay-ari.

Ngunit dahil isa siya sa mayroong void summon ay nananatili pa rin siyang third summoner sa mata ng lahat ng mga nilalang na nakakasalamuha niya.

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit inatake siya noon ng mga nilalang na iyon.

Magkagayon pa man ay hindi siya nawawalan ng pag-asa ng lumakas pa lalo.

Naniniwala siyang mataas ang talentong meron siya kumpara sa ibang mga summoners sa mundong ito.

Ngunit ang wala sa iba na meron siya ay ang masusing pag-iingat. Naniniwala siyang kailangan niyang mag-ingat lalo na sa mga nilalang na nakakasalamuha niya.

Itinuring pa rin siyang mahina ngunit kapag sineryoso siya ng iba ay siguradong malalagay sa panganib ang buhay niya.

Lapitin pa naman ng gulo si Marcus Bellford at hindi niya hahayaang mapaslang ito kahit na may kasamaan pa rin ang ugali nito minsan.

Masama pa rin at may pagdududa pa rin si First Former Aleton sa pinapakita niyang kabutihan.

Naniniwala siyang si Marcus Bellford ang isa sa maaaring humaliling lider sa hinaharap ng kasalukuyang nayon na kinabibilangan niya.

Kahit na sabihin niya ang mga bagay na gustong niyang sabihin sa kahit na sinuman sa mga ito ay magiging katawa-tawa lamang siya.

Ang aksidenteng pagkapadpad nga niya ay isa ng misteryo para sa mga ito. Ngayon naman ay ang bagay na nangyayari.

Magkagayon pa man ay naiintindihan niya ang ganitong pakiramdam at saloobin ng mga Village Formers.

Malaki ang pasasalamat niya sa mga ito dahil sa pagkupkop ng mga ito sa kaniya. Sisiguraduhin niya ring gagawin niya ang lahat upang maprotektahan ang nayon maging ang mga nilalang na itinuring siyang miyembro ng nayong pinangangalagaan mismo ni Apo Noni.


...

Mula sa malayo ay natanaw ni Evor ang tatlong pamilyar na mga nilalang na ilang buwan niya ring hindi nakikita. May ngiti sa mga labi ng mga ito habang kumakaway-kaway.

Walang iba kundi sina First Former Aleton, Second Former Mario at ang Village Chief Dario.

Nakita naman sila ng mga ito at agad na lumapit sa gawi nila.

Nang makalapit siya sa mga ito au hindi siya makapaniwala sa pagbabago sa mga ito.

Kapwa naglevel up ang mga ito at kakikitaan ng sigla ang presensya ng mga ito.

Nginitian lamang siya ng dalawang formers at agad na nilapitan si Marcus Bellford.

Imbes na magalit siya sa mga ito ay nagpipigil na lamang siya ng tawa dahil may pagkaisip-bata ang mga ito.

Nakakatuwang isipin na kahit konti ay itinuring na siyang hindi iba sa mga ito.

Naglakad papunta sa gawi niya si Village Chief Dario at nagwika.

"Kamusta ka na Evor, tumaba ka ata ha... Hahaha." Panimulang wika ni Village Chief Dario.

"Hindi naman po Village Chief Dario. Ikaw nga po itong tumaba ahahaha!" Sambit naman ni Evor pabalik.

"Okay lang ba kayo dito, Evor?! Balita ko ay naging opisyal na estudyante ka na ng paaralang ito. Tama ba ko?!" Sunod-sunod na tanong ni Village Chief Dario habang nakangiti.

"Oo naman Chief Dario. Sa katunayan ay marami akong natutunan sa akademyang ito." Pagmamalaki ni Evor.

Totoong marami siyang natutunan. Talagang naisaisip niya lahat ng mga importanteng hakbang upang maging mahusay na summoner.

Naikwento niya rin kung paano sila nag-eensayo at mga eksperimentong ginagawa nila.

Hindi namalayan ni Evor at ni Village Chief Dario ang oras at masaya silang nag-uusap.

"Asan po pala si Third Former Serion? Akala ko nga ay sasama din si Apo Noni." Nagtatakang tanong ni Evor upang ibahin ang usapan.

Alam niya kasing gustong-gusto ding gumala paminsan-minsan ni Third Former Serion lalo na sa Dragon City.

"Hindi ka mabibigla Evor ngunit ito na siguro ang huling pagpunta namin sa Dragon City... O gumala sa labas ng nayon." Seryosong saad ni Village Chief Dario habang umaamin.

"Bakit naman? May nangyari ba kay Third Former Serion at kay Apo Noni?!" Nag-aalalang tanong ni Evor. Kitang-kita na kating-kati na itong malaman ng binata kung okay lang ang mga ito.

Sa lahat kasi ng nilalang na maaari niyang pagkatiwalaan, si Village Chief Dario lamang iyon liban kay Apo Noni.

Kung may mangyaring masama sa mga ito ay alam niyang mag-aalala talaga siya. Sila lamang kasi ang mga nilalang na hindi humusga at nagpakita na iba sa mga nilalang na nabubuhay sa mundong ito.

次の章へ