webnovel

Chapter 1.10

Dalawang linggo ang nakalilipas matapos ang muling pagkagiising ni Evor. Masasabi niyang mabuti naman ang kalagayan niya maging ang pag-aaral niya.

Isa pa ring palaisipan kung paano'ng naging estudyante siya eh alam naman niyang walang dahilan para mapabilang siya.

Hindi naman siya naniniwalang gumalaw ang katawan niya noon at nakipaglaban ng hindi niya alam.

Masyadong maswerte siya pero hindi iyon ang naiisip niya. Mayroon pang ibang dahilan kung bakit nakapasok siya sa Azure Dragon Academy.

Sinubukan na ni Evor na hanapin ang nasabing dalaga na nagngangalang Gira ngunit mukhang minamalas siya. Di niya mahagilap ito.

Ngayon pang mayroong espesyal na okasyon ang nangyayari ay talaga namang itinigil ni Evor ang paghahanap dahil napakaraming estudyante ang kasalukuyang nasa malawak na open auditorium na nasa gitna ng field.

Tunay ngang napakaganda ng Azure Dragon Academy. Sa malayo ay tanaw niya ang isang malaking estatwa ng Azure Dragon habang mayroong isang pambihirang ibong nakadapo sa kanang pakpak ng nasabing dragon.

"Ibinagbibigay-alam sa lahat ng estudyante, lahat ay obligadong pumunta sa loob ng Auditorium. Kapag may lumabag sa palatuntunan ay hindi na po sagot ng pamamahala ng Azure Dragon Academy ang mga parusang ipapataw sa mga estudyanteng lumalabag. Maraming salamat po!" Paulit-ulit na wika ng isang boses mula sa Open Auditorium.

Lahat ng estudyante ay may ideya na sa nangyayari at excited na rin ang lahat dahil ang araw na ito ay ang pagpili sa magiging direct disciple ng mga Masters. Taon-taon itong ginagawa ng mga Masters ng Azure Dragon Academy. Sila ay mga tagapagturo sa Azure Dragon Academy at nagsisilbing protektor ng buong paaralan laban sa mga kumakaaway rito.

Mabilis na narating ni Evor ang nasabing auditorium at nakita niyang napakaraming mga estudyante ang nakaupo.

Isang espesyal na okasyon nag magaganap maya-maya lamang kung kaya't ang lalahok ay talagang napakarami din.

Alam ni Evor na hindi magiging madali ang magiging kalaban niya kung sakali.

Random Battle ang mangyayari sa huling bahagi ngunit sa unang bahagi ay magte-teleport sila patungo sa isang lugar na pasimula ng Elimination Round.

Sisiguraduhin ni Evor na hindi siya matatalo muli at palalagpasin ang pagkakataong ito.

Nang makarating si Evor sa nasabing Auditorium ay nagpasimula na kaaagad ang nasabing Elimination Round.

Napakarami nilang lumahok at halos lahat ng estudyante ay talagang pursigidong makakuha ng pwesto lalong-lalo na si Evor.

Baka kapag hindi niya galingan sa paligsahang ito ay wala na talaga siyang lugar dito sa Azure Dragon Academy.

Hindi siya naniniwalang naawa lamang sa kaniya ang mga Masters ng Azure Dragon Academy. Walang lugar ang awa at mahihina dito, lakas at kapangyarihan ang namamayani rito.

Kung ano man ang nakita ng mga Masters sa kaniya ay gusto niyang ipakitang malakas at may maibubuga din siya.

...

Sampong minuto na ang nakalilipas nang mai-teleport sila patungo sa malawak na kagubatan ng Green Cliff Forest.

May dalawampong golden keys na rin siyang nakuha mula sa mga nakasagupa niyang mga kapwa niya estudyante. Swerte niya lamang dahil hindi masyadong matatalino at malalakas ang mga ito.

Pinagmasdan ni Evor ang buong kapaligiran na kinaroroonan niya. Sigurado si Evor na hindi ordinaryong lugar ito sapagkat kombinasyon ng Kagubatan at matarik na Cliff raw ito. Di nga niya matukoy kung saan ang Cliff rito dahil masyadong malawak at masukal ng lugar na ito.

Hindi lang labanan ang mangyayari sapagkat may mga kayamanang nakabaon sa lugar na ito na maaaring magpabago sa buhay ng lahat ng mga kalahok kasama na siya rito.

Summon Troves, Summon Chest maging ang mga Summon Beasts na nababagay sa iyo ay baka makuha mo rin.

Hindi lubos maisip ni Evor na makakapunta siya sa malaparaisong lugar na ito.

Ngunit sa paggalugad niya sa lugar na ito ay biglang...

BANG! BANG! BANG!

Rinig na rinig ni Evor ang malalakas na pagsabog sa hindi kalayuan. Kitang-kita niya ang paglipad ng isang Rising Blue Bird at isang Giant Kingfisher.

SHRRIIIIEEEKKKKK! SHRRIIIIEEEKKKKK!

Rinig ni Evor ang tunog ng mga dambuhalang summoned beasts na naglalaban sa himpapawid.

Ang layunin lang naman sa elimination Round ay padamihan ng makukuhang ginintuang susi na mayroon ang bawat kalahok na estudyante sa kahit anong klaseng pamamaraan at bawal ang patayan dito.

Mabilis na nilampasan ito ni Evor. Hindi ang mga katulad nito ang dapat niyang pagtuunan ng pansin. Marami pa siyang dapat asikasuhin lalo na mas importante.

Mabilis na tumalon-talon si Evor sa mga sanga ng puno. Ayaw niyang gamitin ang enerhiya ng summon niya sa simpleng paglalakbay niyang ito. Sigurado siyang kuta ito ng maraming mga kayamanan dahil madaanan niya lang naman ang mga naglalakihang mga Summon Beasts na halos lumampas ang taas ng mga ito sa naglalakihang mga puno.

Halos matulala at magimbal pa si Evor nang makita niya ang mga ito ng aktuwal. Mayroon palang nag-eexist na katulad ng mga ito? Iyon ang kaniyang pakiwari.

Habang sinusuyod ni Evor ang direksyong gusto niyang tunguhin ay talaga nga namang labis ang pagtataka niya dahil tumatanda ng tumatanda ang mga punong kaniyang nakikita at sobrang napakatayog ng mga ito.

Nakaramdam ng kilabot si Evor lalo pa't hindi niya malaman kung gaano na katanda ang mga ito. Ang sigurado lamang siya ay kailangan niyang mag-ingat dahil hindi magiging madali ang pagkuha niya sa mga kayamanang maaaring magpabago ng buhay niya bilang isang summoner.

Sqquuuuiiiicckkkk!!!! SHRRIIIIEEEKKKKK!!!!!

Mula sa himpapawid ay natanaw niya ang mga dambuhalang mga summoned beasts na nagliliparan.

Halo-halo at napakaraming klase nila. As if there's something out there na parang binabantayan nila. Hindi sigurado si Evor sa kaniyang mga napansin ngunit talagang nakakamangha lamang dahil parang napakarami ng mga summoned beasts na maaari niyang makuha doon.

Maya-maya pa ay biglang sumakit ang summoner's tattoo niya ng napakainit. Hindi mapakali si Evor ngunit isa lamang ang naiisip niya at ito ay nangangahulugan lamang na mayroong suitable summon na maaari niyang makuha.

Ramdam ni Wong Ming na masyadong mabilis ang pangyayari ngunit ilang buwan na rin ng huli siyang nagkaroon ng summon na si Zhaleh.

Sigurado siyang sa pagkakataong ito ay kailangam na niyang magkaroon ng pang-apat na summoner niya para maging Third Level Summoner na siya (except sa Void Familiar niya).

Kumpara sa kapwa niya familiar ay talagang hindi pa rin siya maiko-konsidera na isang Third Level Summoner lalo pa't hindi niya nagagamit man lang ang Ikalawang Familiar niya.

Napangiti na lamang si Evor. Isang blessings in disguise din kung tutuusin ang paligsahang ito dahil maaari siyang makakuha ng suitable familiar niya.

Mas binilisan ni Evor ang paglalakbay niya kahit na nakaramdam siya ng sobrang sakit sa palapulsuhan niya kung saan naroroon ang summoner's tattoo niya.

Kailangan niyang makakuha kaagad kung ayaw niyang sa susunod na pagkakataon pa siya makakuha. Kailan pa kaya mangyayari iyon?!

次の章へ