webnovel

BUKID EXPERIENCE

AIKKA's POV

Pinapapasok na kami ni Nathan sa bahay nila.

And I'm so amazed with what I saw.

Hindi lang kasi typical na nipa hut ang bahay nila Nathan.

I mean, with what I am seeing right now, is so awesome!

Maganda ang pagkakadesign ng dingding ng bahay nila which is made of bamboo na dinikit-dikit to form a diamond-style sa labas. Tapos 'yung sa bintana nila, made of bamboo rin pero stylish naman. Tapos sa palibot ng bahay, para lang akong nasa park dahil punung-puno ng iba't-ibang bulaklak with different colors ang nakikita ko.

May mga fruit-bearing trees din na maganda ang pagkakahanay sa gilid. May jackfruit akong nakikita at naamoy ko na rin ( dahil hinog na ito at pwede nang kunin) also may mango trees din akong nakikita but unlike sa jackfruit , wala pa itong bunga.

Tapos sa ground naman nila ay may bermuda grass na kung tatawagin. Shocks! parang gusto ko tuloy humiga dito.

"tama ka nga Aikka, we can relax here since tahimik ang paligid." sabi ni Abby habang magkasabay kaming naglalakad papalapit sa bahay nila Nathan.

Tahimik talaga sa paligid kasi wala naman akong nakikitang ibang bahay dito. Puro patag lang tapos kakahuyan na sa bandang dulo.

Ang swerte ni Nathan kasi may ganito katahimik silang buhay dito sa bukid.

"hello po ate...ano pong pangalan mo?" sabi ni Mac-Mac sa akin matapos niya akong lapitan.

Doon ko lang narealize na magkamukhang-magkamukha sila ni Nathan.

"ah...ako pala si ate Aikka..tapos siya naman si Ate Abby" turo ko kay Abby.

"ah..hello po ate Aikka at ate Abby" tapos nagsmile siya showing his dimples.

Awh. Ang sarap niyang panggigilan. He's so cute kasi eh!!

"hi Mac-Mac! alam mo bang may pasalubong kami sa iyo?" nakangiting sabi ni Abby.

"talaga po? ang bait nyo naman po ate Abby....teka lang po, kilala niyo na po ba ang totoo kong ate?" sabi niya.

Tapos sabay kaming napasmile ni Abby habang tinitingnan si Jonamee na kasama nila Nathan at Elaine.

"di ba Jonamee ang name ng ate mo?" sabi ko.

"hala, paano niyo po nalaman ate Aikka?"

Hinawakan ko ang kamay niya tapos sa kabila naman si Abby kasi malapit na kami sa hagdan ng bahay nila Nathan. (Medyo nakaangat kasi sa lupa iyong sahig.) And we need to alalay him kasi baka mahirapan siya sa pag-akyat.

"nakwento kasi sa akin ng kuya Nathan mo" sabi ko.

"ah. ganon po ba...ibig sabihin po magkaibigan kayo ni kuya?"

"oo, magkaibigan kami ni kuya Nathan mo"

"mabuti naman po, at dahil magkaibigan po kayo ni kuya, ibig sabihin..magkaibigan na rin po tayo ate Aikka?"

"ay, si ate Aikka mo lang? paano naman ako?" sabi naman ni Abby.

"ah....pati rin po ikaw ate Abby"

"oo naman Mac-Mac, magkaibigan tayo at ni ate Abby...pati na rin si Ate Elaine at Kuya Jotham mo" sabi ko.

Dahil sa sinabi ko, natuwa si Mac-Mac at daling tumakbo kay Nathan, ikwinento ata niya sa kuya niya ang mga sinabi ko.

Until....

Nakapasok na kami sa loob mismo ng bahay nila Nathan.

"aba eh maupo muna kayo d'yaan at magsasalog lang ako ng maiinom natin" sabi ng tatang ni Nathan ng mapansing wala nang laman ang jar nila.

"ah..tatang, ako na po ang magsasalog ng tubig" offer ni Nathan.

"naku anak, magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka sa biyahe..saka ikaw na muna ang bahala sa mga kaibigan mo't dadaan na rin ako sa bayan para mamili ng uulamin natin mamaya"

"ay! pwede naman po nating gamitin ang sasakyan para hindi po kayo magabihan sa daan tatang" sabi naman ni Jotham.

Buti at nabanggit niya iyon.

"tama po si Jotham tatang, magsasakyan na lang po kayo papuntang bayan at si Jotham na po ang bahala sa inyo" sabi ko.

"ah..eh.....nakakahiya naman mga ijo at ija"

"naku tito, huwag na po kayong mahiya..lalo na kay Aikka kasi magiging manugang niyo po iyan sa future" sabi ni Elaine while smiling.

Peacock talaga itong si Elaine...kung anu-ano na lang ang pinagsasabi.

Pero.....kinilig ako doon huh. Bwahaha.

"sino ba si Aikka?" natanong tuloy bigla ni tatang. Nahiya tuloy ako bigla.

"ah tatang, ako na po ang bahalang mag-asikaso dito, sumama na lang po kayo kay Jotham at siya na ang magmamaneho ng sasakyan." bigla namang sinabi ni Nathan.

Medyo naging awkward kasi ang moment na iyon. Pati nga si Abby eh, ramdam kong medyo nagulat siya sa mga narinig.

Naku talaga itong si bestie. Masyadong pahamak. Lagot ka talaga sa akin ngayon.

"and Elaine...samahan mo na lang rin sila kasi alam kong gusto mo ring mamasyal sa bayan"

"h_ha? hindi ka_"

"talaga po ate Elaine? sige po!! sasama na rin po ako sa bayan!! gusto ko rin po kasing makasakay nung sasakyan niyo" excited na sabi ni Jonamee.

"oh bestie, narinig mo iyon...niyayaya ka na ng kapatid ni Nathan" sabi ko.

Bwahaha... alam ko naman kasing ayaw niyang sumama kasi andoon si Jotham. Pero dahil sa ginawa niya kanina, hihi! Hindi ako maaawa sa kanya. Saka para magkasundo naman sila ni Jotham, siguro naman..mahihiya na siyang makipagtalo sa kanya kasi andoon si tatang saka si Jonamee.

"okay fine..I'll go with them" tapos nagpout siya ng lips kasi halatang napilitan lang siya.

Go bestie.

"ikaw Mac-Mac, ayaw mong sumama sa kanila?" tanong naman ni Abby.

"ahm...magkakasya pa po ba ako doon?" tanong niya. Napasmile ulit kami ni Abby.

Ang kyuut talaga nya! Sarap pisil-pisilin ang cheeks niya kasi medyo may pagkachubby si bunso eh.

"aba! of course, kasyang-kasya pa..ano, gusto mong sumama?" Abby.

"sige po ate Abby!" smile niya.

"sige...ihahatid kita doon. Aikka...labas lang muna ako saglit huh?" sabi ni Abby.

"sige Abby"

Lumabas na rin si Abby kaya kaming dalawa na lang ni Nathan ang naiwan sa bahay.

Napatingin ako sa kanya kasi bigla na lang siyang nagsmile. 'Yung parang may biglang kumiliti sa tagiliran niya't napakasaya ng mukha niya ngayon.

"bakit?" tanong ko.

"wala, masaya lang ako kasi nakita ko sila tatang, Mac-Mac at Jonamee" him tapos bigla siyang tumayo.

"saan ka pupunta? lalabas ka rin?"

"kukuha lang ako ng panggatong sa ibaba kasi magsasaing na ako"

"wait! sama ako." me.

"huwag na Aikka, malamok na sa labas, saglit lang ako okay?" tapos bumaba na siya.

After ng ilang minutes, bumalik na siya with firewoods.

"marunong kang magsaing?" ask ko sa kanya kasi medyo busy na siya sa pag-aarrange nito at hindi na niya ako kinakausap.

"oo naman, tinuruan kasi ako ni tatang kung paano magsaing, maglaba, magsibak ng kahoy at mag-igib. Sa totoo lang, sobrang swerte ko kasi nagkaroon ako ng magulang na kagaya niya. Kahit mahirap lang kami, lagi niyang itinuturo sa amin kung paano mamuhay na responsable at may dignidad bilang isang tao."

Awh. I'm happy dahil proud siya sa kung anong buhay ang meroon siya. Nakakainggit.

"alam mo, si tatang...sobrang napakasipag n'yan kaya isa siya sa mga taong tinitingala at sobrang nirerespeto ko. Simula nang mamatay si mama, inako niya ang lahat ng responsibilidad at kahit magkanda-kuba na siya sa pagtatrabaho, binibigyan niya pa rin kaming mga anak niya ng panahon para pangaralan at turuan sa mga bagay-bagay na dapat na naming malaman. Kaya mahal na mahal ko si tatang eh." nakangiti niyang sabi.

Now, I'm thinking na ako pala ang mas maswerte sa aming dalawa kasi I met someone like him na hindi ikinakahiya kung ano ang meroon siya, na sobrang proud sa tatay niya at mahal na mahal ang kanyang pamilya.

Shocks! Papakawalan ko pa ba ang lalaking kagaya niya?

Siguro.... dapat ko nang aminin ang tunay na nararamdaman ko for him.

Peacock....but how?

Updates! Updates!

MissKc_21creators' thoughts
次の章へ