AIKKA's POV
Monday na ngayon.
Nasa loob ako ng napakaingay naming classroom. I texted Nathan if nasa school na siya but walang nagreply.
Hay, ano na kayang nangyari sa kanya?
"okay ka lang?" ask ni Mr. Nerdy sa akin.
"I don't know if okay lang ako" tanging sabi ko while nakatingin sa window.
Tumawa lang si Jotham.
Tss. Ano bang nakakatawa doon?
Anyways, akala ko ba ngayon na ang start ng plan ni Spade? ba't wala pa siya hanggang ngayon?
"Aikka, alam mo bang may interschool competition ang men's basketball ngayon?" biglang tanong ni Jotham.
INTERSCHOOL COMPETITION???
"ha?!!! hindi...."
"ah...eh...hehe...hindi mo kailangang magulat okay? nagtatanong lang naman ako" pabulong na sabi ni Mr. Nerdy.
Shocks naman. Ba't hindi ako sinabihan ni Nathan na may laro pala sila sa ibang school ngayon?
"one week ata sila doon sa Baguio"
"one week?!!! sa Baguio??" sabi ko.
"o ..oo"
Peacock. Why? Why he didn't even texted me? So okay lang na malayo siya sa akin ng ganon katagal?
Bwiset!
"bakit may problema ba Aikka?"
problema??? Oo malaki ang aking problema dahil sa mga nalaman ko.
"nothing"
Kinuha ko na lang ang libro ko para magbasa when suddenly someone entered the classroom.
Akala ko si ma'am na for our first subject kasi biglang tumahimik ang classroom.
si Spade pala....
Wait.
Parang may nagbago sa kanya.
Tinitigan ko siya nang mabuti, ano nga ba?
Tiningnan ko ulit siya...ow?
He's wearing his uniform na. Anong nakain niya't biglang bumait ang isang toh?
Nakapamulsa siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Then, sinenyasan niya si Mr. Nerdy na umalis sa seat niya.
Shocks!
Part ba ang lahat ng ito sa plan niya?
Inilapag niya ang kanyang bag sa seat ni Jotham tapos umupo na siya katabi ko.
Napakunot ang noo ko bigla.
"is this your first move?" bulong ko.
Tumango lang siya in a cute way. Peacock, kahit nagiging awkward na ang mga pangyayari, hay, tuloy pa rin ang plan. Mukhang wala na talagang atrasan toh.
"Why? what's happening between them?" biglang rinig kong sabi nung nasa likod namin. Talagang nagiging effective na ang plan. I need to be ready na sa pagbabakasakaling may mga things na naman na itatapon sa akin.
"bwiset talaga ang babaeng iyan! napakaepal, sarap sabunutan" dagdag naman ng kasama niya.
Kung nabubwiset siya sa akin, mas lalong nabubwiset ako sa kanya. Nananahimik lang ako dito eh.
"oo nga, akala mo kung sinong maganda! eh maputi lang naman siya"
Shocks! nadawit na naman ang word na iyan! Inggit lang ata siya eh kasi kahit anong gluta ang gamitin niya, 'sing itim pa rin ng pag-uugali niya ang balat niya! Hmp.
"anong naririnig kong bulungan dyan?" biglang pagsasalita naman ni Spade.
Well, in fairness...he's really acting as if he's my bf right now.
Akala ko kasi hahayaan niya lang lait-laitin ako ng mga babaeng iyon eh.
"kapag may narinig pa akong hindi magagandang salita patungkol kay Aikka, humanda kayo sa akin! It's either I will make your life miserable or make you cry for forgiveness in front of many students."
Because of what he said, napayuko yung mga babae sa likod.
"by the way, the way you guys treated me will be the same with Aikka because...." agad niyang hinawakan ang kamay ko at pinatayo ako kasama siya.
"Aikka is my girlfriend"
Shocks!
Pati ako nagulat sa revelation na iyon kahit na alam kong part lang iyon sa plan. As in, kailangan talagang ipagsigawan..ngayon? agad-agad?
Wala man lang siyang 'go signal' sa akin to do my part as well, eh di sana..mas maganda ang scene na iyon.
"what?!!!" gulat na sabi ni Misy.
Makareact naman ito wagas.
"but why her?" ask naman nung katabi niya.
"anong why her ka dyan? do you really think I will choose you against her?" agad na sabi ni Spade. Ito naman, napakaharsh naman ata nun.
"booo!" react naman nung mga boys.
Isa pa ang mga ito eh, napakabully din sa mga girls.
Tapos pinaupo na ako ni Spade before siya umupo.
Napaubo tuloy ako bigla.
"best actor ah" mahinang sabi ko.
Kinindatan niya lang ako tapos nagsimula na siyang yumuko to sleep.
"hey, sayang naman ang outfit mo kung matutulog ka lang sa class" sabi ko.
"talaga, you noticed my uniform?" nakangiting sabi niya.
"of course, hindi naman ako bulag eh" sabi ko.
"well, nagsuot na ako nito para naman maging kapani-paniwala ang lahat. So ano, nailista mo ba kung sino yung may violent reaction kanina?"
"don't worry, natatandaan ko kung sino ang mga iyon. Apat sila dito sa classroom"
"okay, mukhang kailangan mong maghanda ng maraming papel kasi hindi lang sila ang magiging suspect mo" confident na sabi niya.
"eh di ikaw na ang heartthrob" sabi ko na lang.
"of course, ako pa ba"
Tss. Sarap nitong kurutin eh, masyado talagang mahangin.
"Spade, di ba sa unahan ka, katabi ni Miss Milky?" dramatic entrance naman nung kapatid niya.
Tss. Pa as if din toh eh.
Ewan ko ba, kahit anong gawin ni Jenna, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Siguro.....dahil na rin sa mga nangyari in the past at sa lahat ng pambubully niya sa akin.
Tiningnan lang siya ni Spade.
Mukhang may nakalimutan ata siyang importanteng bagay. (the plan)
tsk..tsk..tsk...
"Ow...yeah, I forgot, kayo na pala nang babaeng iyan, kahapon ko lang nalaman eh. Congrats" tapos dumiretso na siya sa kanyang kinauupuan.
Ano ba iyan, magiging extra na nga lang sa scene, hindi pa inayos eh.
Pati ba naman sa pagpapanggap? ganun pa rin ang ugali niya? eh di wow.
Nagpatuloy na lang ako sa aking binabasa.
"baby" biglang sabi ni Spade. Kinilabutan ako bigla sa mga narinig ko.
Baby?
Shocks.
"anong baby ka dyan? anak mo ako?" sabi ko.
"hmmm...babe?"
"eew, huwag mo nga akong tawaging ganyan" me. Parang gusto kong dumura sa mga naririnig ko eh.
"eto naman, ano bang gusto mong tawag ko sa iyo? Manang? Ale?" mahinang sabi niya.
"just call me in my name okay" pabulong ko namang sabi.
"tss. eh di wag" mahinang sabi niya.
Bahala ka dyan, magtampo ka na kung gusto mo. Basta huwag mo lang akong tatawaging baby or babe or kahit ano pang endearment dyan. Shocks!