webnovel

ASTOUNDED

Friday.

Time check: 10:50

After nang nangyari kahapon, hindi tuloy ako makapagconcentrate sa discussion ni ma'am ngayon. History class kasi namin this time and the topic is all about classical civilization.

Tss. Bakit ba kasi ang hilig-hilig nating balikan ang past kung meroon na namang present?

"Aikka" napalingon ako kay Mr. Nerdy.

"what?" sabi ko.

Gusto ko pa sanang mag-emote eh, kaso panira moment 'tong isa.

"tinatawag ka ni ma'am Dizon"

"huh?" napatingin ako sa terror naming teacher. Nakataas na ang isang kilay niya habang dala ang kanyang patpat sa pagtuturo.

"pardon ma'am" me after kong makatayo.

"iyan kasi ang napapala ng mga hindi nakikinig. Hik..hik.." sabi nung babae sa unahan ko. Pakealam ba nila kung ayaw ko sa subject?

"please focus Miss Montero, hindi ka pumasok dito para tumunganga lang dyan" her.

"ano na naman kaya ang ini-imagine ng baliw na ito?" bulong naman nung kaklase ko sa likod. Babatukan ko sana siya eh kaso kawawa naman kung lalong magiging flat ang mukha niya.

"I'm sorry ma'am" sabi ko na lang. Hay, hanggang kailan pa kaya matatapos ang klase na ito?

"well, hindi ka uupo hangga't hindi mo ididiscuss sa amin ang topic ngayon. Its all about classical antiquity." tapos umupo na siya sa seat ko at pinapunta ako sa harapan.

Tss. Bwiset.

Ang sasama pa naman ng tingin ng ibang babae dito, ano bang problema nila? Ba't ang laki ng galit nila sa akin eh nananahimik lang naman ako dito. Tapos yung iba naman, nakangiti na parang ewan. Pinagtatawanan ata nila ako. Hay naku, itong section na ito, hindi ko maintindihan kung ano ang trip ng mga tao dito. Kailangan ko nang umalis dito sa front.

tsk.

Buti na nga lang at may kaonting knowledge ako about sa topic na iyan... kasi si dad, maraming world history books sa study area ng bahay kaya if tinatamad akong lumabas, doon ako nagkukulong at nagbabasa-basa ng libro.

"Well, classical era is the period of cultural  history  comprising of interlocking civilizations of ancient Greek and  Rome known as the Greco-Roman world. It is when both society have flourished and wielded great influence throughout Europe, North Africa and Asia." me.

While I am speaking, everyone is attentive. Buti naman at natuto rin silang rumespeto kahit ngayon lang.

"Moreover, it begun with the earliest-recorded  Epic Greek  poetry of Homer  and continues through the spreading of Christianity upto the fall of Roman Empire which ends with the dissolution of classical culture at the close of Late Antiquity, blending into the Early Middle Ages"

After kong sabihin iyon, pumalakpak si ma'am.

"Excellent Miss Montero but to be exact, it is the period of cultural  history between the 8th century BC and the 6th century AD centered on the Mediterranean sea comprising the  Greco-Roman world.

Conventionally, it is taken to begin with the earliest-recorded  poetry of  Homer during (8th–7th century BC) and continues through the emergence of Christianity  and the  fall of Roman empire during  5th century." her tapos tumayo na siya sa upuan ko kaya umupo na rin ako.

"give her a round of applause" sabi ni Miss Dizon kaya nagpalakpakan ang mga classmates ko.

"wow Aikka, nakaka-amaze ka talaga" sabi ni Jotham nang makaupo na ako.

Hindi na lang ako umimik, hindi ko kasi alam kung sincere ba ang appreciation na iyon o hindi.

Nang matapos ang class namin, dumiretso na ako sa labas sa pagbabasakaling maabutan ko si Abby.

Okay.

Inhale..... Exhale.....

Inhale.... Exhale.....

Aikka, kaya mo ito, you need to face her.

(sigh.)

Nagsimula na akong maglakad papuntang section C when Elaine has shown up.

"bestie! I really missed you!" her tapos dali niya akong niyakap. Magaling na kaya siya?

"are you okay na, Elaine?"ask ko sa kanya kasi feeling ko, nagkasakit siya because of the incident noong nakaraang araw eh.

"yes, magaling na ako" ngiti nya.

"Shocks, nagkasakit ka ba because of what happened noong wednesday?"

"honetly, yes. Napilayan kasi ako kaya nagpahilot ako sa physical therapist namin. But don't worry, okay na okay na ako" her.

"ikaw kasi eh, basta-basta ka na lang sumusugod kahit agrabyado tayo." me.

"well, you should thank me for that Aikka, I saved your life" tapos inakbayan niya ako.

Shocks, mukha tuloy kaming magjowa sa situation na ito.

"Elaine? porke nakapagpahilot ka na eh ganyan ka na? ano, maayos ba ang pagkakahilot?" me.

"ay, bestie huh? parang iba na yang meaning mo. Natututo ka na sa akin! I'm so proud, high five nga!" her.

Shocks, puro putik na talaga ang laman ng utak nitong si Elaine. I didn't mean anything from it. Bakit ganoon ang pag-iisip niya?

"well, by the way, I'm just curious, how did you learn to fight?" me. I mean, alam kong almost all students dito ay marunong magself defense kasi 'yun ang ginagawa namin during our leisure time. Hindi ko alam kung sino ang nagpauso nun dito but 'yun ang napapansin ko. Kaya nga ang aangas ng mga tao dito eh di ba?

But her....sobrang galing niya, para siya yung bida sa action movies na kayang-kayang patumbahin ang sobrang daming kalaban. Sobrang namangha talaga ako sa galing niya kaya gusto kong malaman kung saan siya natuto nun.

"ah....well, pumasok ako sa isang Real-Basic Self Defense (RBSD) school para matuto nang ganon. Of course, basta mga ganong bagay, nag-eexcel ako kaya okay lang na ma-amaze ka sa akin bestie" proud na sabi niya.

"sa totoo lang, tama ka. I want to learn how to fight kagaya mo so that I can defend myself too." me.

"I thought tinuruan ka ng daddy mo ng self-defense?" her.

Wait, did I told her about it?

"how did you know Elaine?" me.

Wala naman kasi akong naaalalang nagkwento ako sa kanya about doon ah.

"ah...eh.....hindi ba? of course, sino naman ang ibang magtuturo sa iyo? unless, pum..pumasok ka rin ng school for self-defense"

I don't know pero medyo utal-utal pang paliwanag niya. Anyways, we need to go na. I need to talk to Abby.

"tss. Samahan mo na lang ako sa Section C."

"huh, Section C.. why?"

"I need to talk to Abby."

"Abby?"

"di ba naikwento ko na siya sa'yo the other day?"

"ah, yung bestfriend mo dati? okay , ano pang hinihintay natin? let's go na"

Then, pinuntahan namin ang classroom nila Abby. But we got shocked when we arrived there.

次の章へ