webnovel

REASONS WHY

Hinabol ko si Jenna at kinausap siya. This time she's crying. Umupo siya sa may swing at nasa forest park kami ngayon. Alam kong gusto niyang pag-usapan namin ang tungkol dito na walang ibang tao.

"Jenna"

Lumapit ako sa kanya at inoffer ko ang aking panyo. Hindi niya ito tinanggap.

"How could you do this to me Nathan?" patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Gusto ko siyang icomfort ngayon pero ang kailangan niya this time is my explanation.

Kaya kahit labag ito sa kalooban ko, kailangan kong magpakatotoo sa kanya.

"I'm sorry kung umabot pa sa ganito pero sinabi ko na sa iyo noon Jenna... wala akong gusto sa iyo"

Tumingin siya sa akin.

"is it really hard for you to love me? I did everything for you. Tinulungan kitang makapasok dito sa Academy, pinilit ko si dad na ifull ang scholarship mo para hindi ka na mahirapan. I show you kindness tapos in return? basta mo na lang ako ipagpapalit sa babaeng iyon?"

"Jenna, hindi lang siya basta babae. Si Aikka ang gusto ko kaya sana matanggap mo iyon. Mas deserve mo ang lalaking kaya kang suklian sa pagmamahal na ibinibigay mo"

"Pero ikaw lang Nathan ang gusto ko! Ikaw lang. How can you say that I deserve someone better if you're the best for me? How can you say that I can love someone when you already have my heart?"

Nang marinig ko ang mga sinabi niya.....parang nakaramdam ako ng guilt sa aking puso.

"Jenna, patawarin mo ako kung nasaktan kita ng sobra pero mas masakit ang umasa. Ayokong paasahin ka Jenna. Kaya sana, pakinggan mo ako....mas magiging masaya ka kapag hindi ako ang minahal mo. Alam kong mahirap but I'll try my best to help you na maka- move on.....iiwas na ako sa iyo."

Kailangan ko nang umalis. Hindi ko na kaya pang saktan ang damdamin niya.

Binigo ko si tatang.

Ngayon ko lang napagtanto na sa buhay, dumarating talaga sa point na kahit hindi mo sadyain ay may masasaktan at masasaktan pa ring tao sa paligid mo.

Kapag puso na ang pinag-uusapan, wala talaga iyang pinipili....

Kusa na lang siyang tumitibok para sa isang tao.

Kusa na lang siyang natututong magmahal kahit may nasasaktan.

Binalikan ko si Aikka...magkasama na sila Elaine.

"Totoo Nathan? pinuntahan ka dito ni Jenna?" agad na tanong ni insan. Ayoko na sanang pag-usapan ang tungkol doon.

"ano, kumusta? galit na galit ba siya sa iyo?" tanong naman ni Aikka.

Alam kong nag-aalala rin siya para sa akin pero hindi naman ako ang nasaktan eh..hindi ako ang biktima.

"alam kong magiging okay rin siya" tanging sabi ko na lang.

"sus, magiging okay? baka mas lalong maging bitter ang babaeng iyon. Mortal enemy pa naman iyon ni Aikka"

"Elaine....siguro hayaan na muna natin si Jenna okay? alam naman nating malaki ang pagkagusto niya kay Nathan kaya....siguro, kung ako ang nasa kalagayan niya eh mahihirapan rin ako...but...she has a strong personality kaya tama si Nathan....in the process of time, magiging okay din siya" sabi ni Aikka.

Napangiti ako sa mga sinabi ni Aikka. Naniniwala akong lahat ng sinabi niya ay totoo.

"bah! isang malaking hug nga bestie!!!" tapos niyakap niya si Aikka.

Tumingin sa akin si Elaine.

"Huwag ka nang magpakipot pa Nathan, ihokage mo na iyan!" alok niya pa sa akin.

May pagkaloka-loka talaga ang pinsan kong ito eh. Kaya nga siguro siya nagtransfer ng school this year dito...baka nakick out sa dating school niya. Haha.

(Pero hindi ko talaga alam huh, mabait naman itong si Elaine.)

"ano guys? sa booth tayo?" biglang sabi ni Aikka matapos siyang yakapin ni Elaine.

"tara! doon tayo sa photo booth para may remembrance tayong tatlo!"

"ano Nathan?" sabi naman ni Aikka.

Ang cute niya lang ng sabihin n'ya iyon. Ngumiti ako at inakbayan ko siya.

"tara.." sabi ko.

"oy! oy! ano iyan? ako dapat ang gagawa n'yan kay bestie! excited lang? di ba nanliligaw ka pa lang? di ba? di ba?...." sabi ni Elaine.

Akala ko ba okay lang sa kanya ang maghokage ako? Ang gulo din nito ah. Guluhin ko rin kaya ang buhok niya ngayon.

"oops! I can read your mind! don't touch my hair kasi baka di ka na sikatan ng araw bukas.." sabi niya.

"ang violent mo naman"

"siyempre, ang mahal kaya ng ibinayad ko para maipaayos lang ang buhok na ito kaya heh! don't.....ever.....touch.....my....hair...hmp!" sabi niya tapos ikinawit nya ang kamay niya kay Aikka.

"eh di fine, behave lang ako ngayon" sabi ko tapos inilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa para tumahimik na rin siya.

Ilang minuto lang ng paglalakad, nakarating na kami sa booth na sinasabi nila. Ang daming nakapila.

"bestie, ang haba ng pila..sumingit na lang tayo" sabi ni Elaine.

"naku, baka masabunutan tayo ng di oras kaya mas better if makipila na lang rin tayo"

Doon na kami sa pinakadulo ng oval dahil ang booth ay malapit rin naman sa edge ng green ground. Siguro halos mag-isang oras rin ang lumipas bago kami makapasok mismo sa photo booth.

"Oy! Nathan..bro!" kinamayan ako ni Markus.

"bro, anong ginagawa mo dito? officer ka ba?" tanong ko.

"hindi, nagvolunteer lang" ngumiti siya.

Tiningnan ko kung sino ang mga kasama niya sa booth. Tapos nakita ko si Ms. Milky Alvarez. Gets ko na, mukhang pinopormahan niya ang kaklase ni Aikka. Kilala ko kasi itong si Markus eh, hindi niya gagawin ang mga bagay-bagay na ito na walang dahilan.

"volunteer huh?" tinawanan ko lang siya tapos umupo na ako sa upuan sa gitna.

"ikaw, sino ang kasama mo?" tanong niya habang inaayos ang background.

"sila Aikka at Elaine, nag-aayos lang sila saglit"

"wow, Ms. Montero? yung masungit na chick?"

"bro, mabait kaya siya" sabi ko.

"ohw, so siya ba yung babaeng lagi mong ikinukwento sa amin? 'yung reason why you are here?" sabi niya.

"yeah man, tama ka" ngumiti ako kasi halata kong hindi siya makapaniwala.

Well, may iba siguro silang iniisip na ideal girl ko kaya ganon na lang ang reaksyon nya.

"bestie, tabi kayo ni Nathan sa upuan. Kayo muna" sabi ni Elaine ng makapasok na sila.

"akala ko ba, kasali ka?" tanong ni Aikka.

"oo, pero mamaya na bestie"

Agad na tumabi siya kay Markus. Nakakatawa lang dahil sa pagkakaalam ko, may gusto siya sa kaibigan ko. Iyan ang tunay na hokage. Haha.

Lumapit na sa akin si Aikka. Parang nahihiya pa siyang gawin ang bagay na iyon. Pero okay lang, alam ko namang darating din ang time na gagaan rin ang loob niya sa akin.

"okay, camera is ready. With your pose...1...2....3.....smile!" Markus.

Tapos biglang nagflash.

"isa pa" sabi ni Elaine.

"okay isa pa daw.....okay...1....2...."

"wait, ano ba iyan! di ba sabi smile? ba't parang namatayan kayo ng pusa. Ang seseryoso niyo" reklamo ni Elaine.

"she's right bro...bigyan niyo naman ng buhay ang picture, dikit ng kaonti then smile!" Markus.

Tiningnan ko ang reaction ni Aikka, namumula ang pisngi niya. Sa make up ba niya iyon o dahil hindi maganda ang pakiramdam niya?

Tapos bigla siyang lumingon kaya nagulat ako. Napakalapit pa naman nang mukha ko sa mukha niya dahil nga sabi ni Markus na dumikit daw ng konti.

Tae .

.

.

.

.

Parang gusto ko ito ah.

"Very good! ganyan lang kayo, okay crush...este.....irush mo nang pindutin ang camera Markus! go!!" sabi ni Elaine.

"okay...1...2...3.....smile"

Nagflash ulit.

"perfect!!! isang magjowa-like picture naman dyan!" ngiting sabi ni Elaine.

Kung anu-ano na lang talaga ang pumapasok sa isip niya.

"bro, ganito dapat eh.." lumapit si Markus at sinuportahan si Elaine sa mga plano niya.

(Salamat sa suporta niyo sa akin. Ang saya. Haha!)

Pinaakbay ako ni Markus tapos si Elaine naman, inilean niya ang ulo ni Aikka sa balikat ko.

"yan! very good!" pumalakpak si Markus.

"bagay na bagay! kuhanan mo na ng pictures" Elaine.

"okay.....look at the camera...1.....2....3.....smile!"

Nagsmile ako, siyempre! Pabor na pabor ito sa akin eh.

Tiningnan ni Elaine ang pictures.

"awh. Nakakainggit. Sama na ako!"

Pinaalis niya ako sa inuupuan ko tapos niyakap niya si Aikka. Makayapos naman toh...

"1....2.....3.....smile!!!"

After 30 minutes, lumabas na kami ng photo booth dala ang pictures. May kanya-kanya kaming copy ng pictures namin.

Ang saya lang.

Pinagmasdan ko yung pictures na kaming dalawa ni Aikka ang magkasama. Napapangiti tuloy ako bigla.

"Ases! mamaya mo na pagpantasyahan iyan. Ienjoy muna natin itong gabi na ito. The best day ever in my life!!!! Nakapagpapicture pa ako kay Prince Markus!" tuwang-tuwa na sabi ni Elaine.

"guys, I am really thankful to have you." sincere na sabi ni Aikka.

Yung manggaling mismo sa kanya ang mga salitang iyon? Nakakagaan talaga ng pakiramdam.

Well, masaya ako na nagkaroon ng magandang dahilan ang gabing ito. Kahit hindi man naging perpekto ang lahat. Tama lang na sinabi ko ang gusto kong sabihin kay Aikka.

One of my favorite part! Keep reading po!

MissKc_21creators' thoughts
次の章へ