webnovel

BIRTHDAY VISITOR

"ma'am, bakit po kayo tumatakbo?" ask ng driver ko.

"nakakahiya, manong can you take me home na?"

"okay po ma'am" dali-dali na siyang pumasok ng kotse at nagmaneho na.

Shocks!

Huminga ako ng malalim.

Siguro, mga 30 minutes rin akong namilipit sa pagpipigil. Dudumi na talaga ako eh.

Nang makarating na kami sa bahay, agad akong tumakbo sa c.r.

Nagtaka nga sila manang dahil sa pagmamadali kong iyon. Ano ba kasing nakain ko kanina't nagoover acting 'tong tiyan ko?

After ng that shameful happening, nakalabas na rin ako ng c.r. at dumiretso na ako sa room ko sa itaas.

"ma'am, handa na po ang pagkain. Bumaba na lang po kayo if gutom na po kayo" sabi ni Manang Rose.

Well, wala na akong ganang kumain. Humiga na ako sa bed matapos kong magbihis.

"ah...Nathan"

"bakit"

"ah..yung..."

"ano?"

"yung_"

Peacock! Peacock! Peacock!

Hinampas-hampas ko ang unan. Bakit ko ba iyon sinabi?

Hindi talaga ako nag-iisip!

Grrrr!

Aikka, you're so stupid!

Ipinikit ko ang aking mga mata. Matutulog na lang ako. I need to.

Kailangang kalimutan ko na ang happening na iyon. Okay.....

Erase.

Erase.

Erase.

Bumaba ako para uminom ng malamig na tubig. Midnight na pala. Napakabilis ng oras. At ang mga oras na iyon ay naigugol ko sa pag-iisip sa kanya.

Lumabas muna ako at pinagmasdan ko ang bilog na buwan habang nakatayo ako sa porch ng bahay.

Pinagmasdan ko ang mga bituing nag-aalab sa kalawakan. Napakapeaceful ng sandaling ito. Bigla ko tuloy naalala si mommy. Well, sa pictures ko lang siya nakita but namimiss ko siya.

I never felt how to have a mom, how to be cared by a mom and how to be loved by a mom. Hindi kaya siya nagsisi na isinilang niya ako kapalit ng buhay niya?

Siguro, if I didn't exist, hindi sana malulungkot si dad, hindi sana mawawala si mom....hindi ko sana maeexperience ang lahat ng ito. Yung pag-iisa ko, 'yung pagcrave ko ng attention ng ibang tao, 'yung pagcrave ko ng applause nila, appreciation nila sa lahat ng efforts ko....

"ma'am Aikka,"

"Manong Mike, ikaw pala"

"matulog na po kayo at isasarado ko na po ang pinto, baka magkasakit po kayo dyan"

Well, I am thankful to have them. Manong Mike (my bodyguard), Manang Rose and Manang Esther(my yayas), Manong Selso(our hardinero), Kuya Edmundo(Personal Assistant ni dad na parang kuya ko na rin) and (my driver) Manong Osle....for taking care of me. Sa pagtitiis nila sa pagiging moody ko at sa pagiging loyal nila sa amin ni dad.

"okay Manong Mike" pumasok na ako sa loob at umakyat na sa kwarto.

Okay rin lang namang magpuyat ako since Saturday naman bukas. But I have a lot of things to do tomorrow kaya I need to sleep na.

(hearing the tick of the clock)

Hanggang sa nakatulog na ako.

(I am hearing somebody's whispering)

Mula sa mahina hanggang sa nagiging clear na ang voices nila. Para silang kumakanta.

Minulat ko ang aking mga mata. I was so shocked ng makita ko sila Manang Esther and Manang Rose with a huge cake habang yung iba ay kumakanta ng birthday song.

Birthday ko na nga pala.

I almost forgot, buti pa sila.

Iginala ko ang aking paningin, andoon sila Manong Mike, Manong Selso, Kuya Edmundo and Manong Olse.....but wala si dad.

As usual, wala na naman siya sa birthday ko.

"Happy birthday aming anak!" sabi ni Manang Esther.

"thank you po" me.

"blow your candle na" sabi naman ni Kuya Edmundo.

"where's dad? nasa work pa rin po ba siya?"

"ah..yes, may emergency kasi sa office kaya maaga siyang umalis pero sabi niya, pipilitin niyang umuwi mamayang gabi para macelebrate ang birthday mo."

"okay na po ito, di na po kailangan ng party" then I blew the candle.

Nakita ko sa mga mata nila na nalulungkot sila para sa akin but of course, mas nalulungkot ako kasi ever since, hindi ko nakasama si dad sa birthday ko. Lagi siyang wala...mas lagi niyang pinipili ang trabaho niya kesa sa akin.

Bumaba na ako para sa breakfast.

Time check: 6:45 a.m.

Plano kong magjogging sa green area ng aming bahay.

Well, malawak naman din kasi ang lot na pinili ni dad.

May flower garden nga kami sa likod na half hectare din ang pinagtatamnan with solar panels sa itaas nito para sa source of energy na rin ng bahay.

Sa front naman ng bahay ay may malaking fountain na napapaligiran ng roses. Tapos sa bandang kanan ng grassy area ay may tennis court. Sa bandang kaliwa naman ay ang little forest na may pathway sa gitna papunta ring gate. Tapos sa center kung saan kami madalas dumadaan ay may mga tanim na mga punong nagiging red ang dahon tuwing taglagas. Then may pond pa sa bandang dulo nito mga ilang lakad lang mula sa gate. Tapos nagpagawa rin si dad ng landscape sa gilid ng pond para kapag may bisita kami sa bahay eh, maappreciate nilang our family also adores nature.

Yung green area where I could jog is nasa kaliwang bahagi lang ng area. Lumabas na ako ng bahay wearing my tank top na blue tapos jogging pants na black.

After kong magjogging, umupo muna ako sa may swing at nagpahinga ng konti.

"ma'am, may naghahanap po sa inyo" sabi ni Manong Mike.

"huh? did I invite someone? sino daw?"

"Nathan daw po ang pangalan eh"

Namulagat ang aking mga mata. Lagi na lang lumalaki ang mga mata ko kapag naririnig ko ang name niya.

Ano ba kasing ginagawa nya dito?

"papasukin ko po ba?"

"ah..."

Paano ba ito? If I let him in, ano namang gagawin namin? magtititigan?

Shocks, hindi ko iyon kaya.

"ah, pakisabi na wala ako" I said.

Dali na akong tumakbo papasok ng bahay.

But...

"Birthday mo pala ngayon? Happy birthday!" Nathan.

"Shocks! sino ang nagpapasok sa iyo dito?" me.

"Ah..pasensya na. Hindi ko naman alam na_"

"Naku, ma'am..ako po ang nagpapasok sa kanya. Di ba kaklase mo siya?" sabi ni Kuya Edmundo.

I looked at him. His face looks amazed while looking...

AT ME.

wait...

Whutttt?!!

次の章へ