webnovel

Utang Na Loob

"Siguro naman madadala ka na!"

Galit na tanong ni Rowena kay Alicia.

"Mam, hindi ko naman po talaga alam na totoong Daddy nya yun!"

Palusot pa din ni Alicia.

"Hindi ka pa rin ba nagsisisi sa ginawa mo? Alam mo na mali ka kahit anong ipaliwanag mo, MALI ka pa din! Naninira ka ng reputasyon ng tao dahil sa maling akala at masama yun! Buti na lang hindi ka inexpelled ni Principal Cole sa pinagkakalat mo!"

"Pero hindi ko naman po talaga alam e!"

"So dahil sa hindi mo alam, mas tama na gumawa ka ng kwento at ipagkalat ito, ganun ba?"

Napakagat labi si Alicia. Alam nyang mali ang akala nya pero para sa kanya wala syang kasalanan dahil hindi nya ito alam.

"Alicia, alam kong bata ka pa pero tatandaan mo ito, hindi porket hindi mo alam ang isang bagay lusot ka na sa pagkakamali! Ang ginawa mo ay paninirang puri at pwede kang makasuhan dito! Hindi tama na basta ka na lang mag hihinala at ipagkakalat mo pa ang maling hinala mo tapos pag nagka bukingan ang idadahilan mo hindi mo alam! Hindi sapat na dahilan yun para matakasan mo ang pagkakamali mo!"

Naiinis na paliwanag ni Rowena.

Hindi nya alam kung paano ba pinalaki ng ex nya ang batang ito at ganito kung magisip.

"Sorry po! Huwag na po kayo magalit sa akin, Mama Weng!"

Mangiyak ngiyak na pakiusap ni Alicia.

Ayaw nyang magalit si Rowena sa kanya kaya sya nagso sorry pero hindi dahil sa may kasalanan sya.

"Huwag ka sa akin mag sorry, dun ka kay Principal Cole at kay Eunice mag sorry!"

"PO?! A..ayaw ko po!"

"Ayaw mo? Akala ko ba tinuturing mo na akong parang Mama mo, tapos ayaw mo akong sundin! Pwes, pag hindi ka nagsorry sa kanila huwag mo na akong kausapin! Ang tigas ng ulo mo!"

"Pero... nahihiya po kasi ako!"

"Haaay, gagawa gawa ka ng kalokohan tapos hirap na hirap kang magsorry dyan!"

"Sige halika, tumayo ka na dyan!"

Sinamahan nya si Alicia sa principal's office, sumama naman si Alicia dahil ito ang gusto ni Rowena na kinikilala nyang nanaynanayan nya.

Simula ng dumating ito sa school naging masaya na sya dahil ramdam nyang may nagbibigay ng importansya sa kanya pero wala pa ring alam si Alicia na ito ang totoong nanay nya.

Hindi ito kayang ipagtapat ni Rowena sa kanya, natatakot sya baka hindi matanggap ng bata.

"Principal Cole, andito po si Alicia, may gusto po syang sabihin sa inyo!"

Kita ang hiya sa mata ni Rowena ng humarap kay Nicole.

At si Nicole, hindi maitago ang inis sa mukha. Seryoso ito at salubong ang kilay na hinarap sila, halatang galit.

"Mam prinicipal, sorry po hindi ko po kasi alam!"

Tiningnan nya ng matalim si Alicia tapos ay si Rowena.

"Alicia mag sorry ka ng maayos!"

Sabi ni Rowena ng makitang lalong nagalit si Nicole.

"Sorry po, Mam Prinicipal, hindi ko po kasi talaga alam na Daddy ni Eunice yung kasama nya!"

"Saan ka ba talaga nag so sorry Alicia, sa kasalanan mo o sa hindi mo alam? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin naintindihan ang bigat ng pagkakamali mo, Alicia?"

"Nag so sorry ka ba talaga? Sa edad mo na yan hindi mo pa rin ba alam ang tama at mali?!"

"Huwag mong idahilan na hindi mo alam, dahil hindi sapat na dahilan yun para magkalat ka ng chismis!"

Nanggigil na paliwanag ni Nicole pero wala pa rin syang nakikitang pagsisisi sa bata.

Kaya napipikon na ito at unti unti ng lumalabas ang pagkamaldita nya.

"Tapatin mo nga ako Alicia, anong dahilan mo bakit ganyan na lang kalaki ang galit mo sa anak ko? What's the deeper reason behind this?"

"PO?!"

Kinabahan si Alicia, kaya napatingin sya kay Rowena, humihingi ng saklolo.

"Bakit dika magsalita, tungkol ba saan at ganyan na lang kung sisihin mo si Eunice sa lahat ng nangyayari sa'yo?!"

Natataranta na si Alicia sa takot.

"Principal Cole please, maghinay hinay naman po kayo sa bata! Hindi naman ho tama na husgahan nyo sya agad ng ganyan!"

"Hinuhusgahan? KO?!"

"Bakit, Ms. Rowena, nabasa mo na ba ang files ni Alicia? Sa dami ng kalokohan ginawa nya, candidate na sya for expulsion! This is not the first time na napunta sya dito sa principal's office at madalas dahil sa pambu bully nya sa anak ko! Pero ni minsan ba gumanti si Eunice sa kanya?"

"HINDI!"

Si Eunice mismo ang umiiwas sa kanya! Pero hindi ka ba nagtataka kung bakit andito pa rin si Alicia?"

Napaisip si Rowena. Nabasa nya ang folder ng bata at totoong may pagka pasaway ito. Hindi nito makita kung ano ang tama at mali. Halatang sinasadya ang mga kalokohan nya na.

"Gusto mo bang malaman ang dahilan Ms. Rowena, Huh?"

Napatingin si Rowena sa kanya at saka tumango.

"Dahil sa anak kong si Eunice!

Ilang beses akong pinakiusapan ng anak ko na patawarin na si Alicia dahil ayaw nyang mapahamak pa ito!"

Tiningnan ni Nicole ang mag ina tinitingan kung may epekto ba kay Alicia ang mga sinasabi nya. Pero wala! Wala itong pakialam at sadyang napilitan lang na magpunta dito.

Sa nakita nyang reaction, hindi na kayang pigilan ni Nicole ang sarili nya. Lumalabas na ang kamalditahan nya.

"Rowena, sa tingin mo anong dahilan kung bakit kita tinanggap dito?"

"Ha?"

Nalilito na si Rowena. Anong kinalalaman nito sa issue ni Alicia?

"Kilala kita Rowena, alam ko ang background mo! Taga Zurgau din ako! Pinahanap ka ni Eunice sa Daddy nya kaya kilala kita, nuon pa!"

'Taga Zurgau siya? Ibig sabihin kilala nya ang family ko?!'

Nanlaki ang mata ni Rowena.

"Pero, ano sa tingin mo ang totoong dahilan kaya kita tinanggap na magtrabaho dito?"

Pagpapatuloy ni Nicole, halatang may gustong puntuhin sa mga tanong nya.

Blanko ang isip ni Rowena. Nagulat sya sa rebelasyon ng principal.

'Pinahanap sya ni Eunice ..... bakit?

"Tinanggap kitang magtrabaho dito kahit walang pang bakante nun dahil sa isang dahilan, si Alicia!"

Pakiramdam ni Rowena gustong kumawala ng puso nya, ang lakas ng kabog.

DUGDOG! DUGDOG! DUGDOG!

Nagpatuloy si Nicole, kailangan na nyang masabi ito dahil kunghindi baka masampal nya ang mag inang ito.

"Pinahanap ni Eunice sa Daddy nya ang biological mother ni Alicia, gusto mong malaman kung bakit? Una, dahil laging kinukumpara ni Alicia ang sarili nya kay Eunice!

Bakit si Eunice mas matalino sa kanya bakit si Eunice pinapansin nila pero sya hindi!

Pangalawa, dahil wala syang ginawa kundi magreklamo sa buhay nya!

Bakit si Eunice kahit mataba may kaibigan, bakit sya walang friends bakit si Eunice laging mataas ang mga grades, bakit laging sya?!"

Ikatlo, dahil lagi nyang sinisisisi si Eunice sa mga kamalasang nangyayari sa kanya! Kaya lagi nyang pinagiinitan di Eunice. Lagi nyang iniisip na napaka swerte ni Eunice at sya hindi! Puro na lang si Eunice!"

"....at yan ang mga dahilan kaya ka nandyan ngayon Rowena! Ikaw ang nanay nya kaya pwede ba maging nanay ka sa kanya! Baka pag pinabayaan mo Yan sa kulungan na pulutin yang anak mo!"

Nagimbal si Rowena sa sinabi ni Nicole, hindi nya napansin na umiiyak na pala sya.

"Kaya pwede ba Rowena, UTANG NA LOOB, disiplinahin mo ang anak mo! At least for once, do something for your child, bago mahuli ang lahat!"

"... and this will be the last time na pagbibigyan ko si Alicia! Sa susunod, sisiguraduhin kong maiiexpelled na sya! MALIWANAG!"

*****

次の章へ