webnovel

Mag Iingat Ka Sa Isang Yun

"Saka.... may inoobserbahan kasi ako!"

Sabay nguso ni Issay kay Tina na nasa sala at nagaaral.

Nalilito si Nicole.

"Magiingat ka sa isang yun!"

"Ano pong ibig nyong sabihin Nanay Issay?"

Tanong ni Nicole.

Kahapon ko pa sya napapansin, iba ang tingin nya kay Edmund, lalo na pagnakikita nyang naglalambing ang mga anak mo sa asawa mo!"

Hindi ito napapansin ni Nicole. Kaya nung naghapunan sila pinagmasdan nya si Tina.

Kitang kita nya sa mga mata ni Tina na parang gusto rin nya ng atensyon mula sa asawa kahit ni sulyap hindi sya binibigyan ng pansin nito.

Si Earl lagi ang kakulitan nito at paminsan minsan si Eunice.

"... basta baby Eunie, yung promise mo sa akin ha, huwag mong kalimutan!"

Reminder ni Edmund sa anak tungkol sa gagawin nilang father and daughter date bukas.

"Yes Dad!"

Laking gulat nila ng si Tina ang sumagot at hindi si Eunice.

Napatingin silang lahat kay Tina na ipinagtataka naman nito kung bakit lahat nakatingin sa kanya.

Hindi kasi napansin ni Tina na nakapagsalita pala sya ng malakas dahil ng mga oras na iyon iniimagine nyang sya si Eunice at sya ang kinakausap ni Edmund.

Ganito sya laging nahuhuli ni Issay. Lalo na nung isang araw may kausap ito sa phone at binanggit nya ang "Daddy Edmund ko".

'Bakit Daddy Edmund ang tawag nya kay Edmund?'

Hindi basta basta magpapatawag ng Daddy si Edmund, takot lang nito kay Nicole.

"Huy Tina, ano ba? Bakit nakiki Daddy ka dyan?"

Pabulong na suway ni Mel sa kapatid. Hiyang hiya si Mel sa inasal ng kapatid.

Medyo napahiya si Tina sa pagsuway ng Kuya nya kaya sya napatungo, pero kita pa rin sa labi nito ang ngiti.

"Siguro na mi miss na ni Tina ang Papa nya!"

Si Issay ang unang nagsalita.

"Kamusta na ba ang Mama mo at Papa mo Mel?"

Tanong ni Nicole.

"Okey naman po sila! Sabi nga po ni Papa nabayaran na raw nya ang mga utang nya kay Diego at magsisikap daw sya na makapag ipon para makuwi na daw kami!"

Sagot ni Ian.

"Yehey makakasama ko na ulit si Mama!"

Masayang sabi ni Ian.

CRASHHH!

Nagulat sila sa pagbagsak ng baso ni Tina.

"Tina ano ba? Magdahandahan ka nga! Nakakahiya!"

"Sorry po! Sorry po!"

Hiyang hiyang sabi ni Mel.

Sabay tayo nito at kinuha ang daspan at walis para linisin ang nabasag ng kapatid, pagkatapos ay pinunasan ito.

"Pasensya na po ulit!"

Tapos ay hinila na nito si Tina at Ian palabas ng kusina.

Nagkatinginan si Issay at Nicole. Pareho kasi nilang nakita na sinadya ni Tina na tabigin ang baso.

Sa taas sa guest room kung saan nanatili si Mel at mga kapatid nya.

"Ano ka ba Tina hindi ka nagiingat! Nakakahiya sa kanila!"

"Hindi pa kami tapos kumain ni Ian, Kuya, kaya bakit mo kami inakyat agad dito?"

Galit na sabi ni Tina.

Ito na nga lang ang pagkakataon nyang makita at makasama ang Daddy Edmund nya sisirain pa ng Kuya nya.

"Ikaw pa ang may ganang magalit! Dahil sa nangyari papaano kung magalit sila at paalisin nila tayo?"

Napaisip si Tina sa sinabi ni Mel.

"Posible ba yun Kuya? Anong gagawin ko? Hindi ko naman sinasadya yun!"

"Nakita mo ba ang mga gamit nila dito, Tina? Mamahalin ang mga yun at yung nabasag mo, minsan nadinig ko sa mga kasambahay na imported daw yun, regalo ni Tito Edmund kay Tita!"

Ngayon mas kinabahan si Tina.

'Jusko, baka nagalit sa akin si Daddy! Ano na ang gagawin ko? Ayaw kong umalis dito!'

"Kailangan kong magsorry sa kanila lalo na kay Da... Tito Edmund!"

"Tina, magingat ka naman sa mga kilos mo sa susunod pati sa pananalita mo!"

Pangaral ni Mel sa kapatid.

"Oo Kuya, pangako, magiingat na talaga ako sa mga kilos ko mula ngayon!"

'Hindi ako dapat mawala dito sa bahay na ito!'

*****

Sa Master bedroom.

"Hon, sa tingin ko pwede ng bumalik ang mga bata sa kanila!"

Sambit ni Edmund kay Nicole.

"Tama ka! Mukhang kailangan na ng mga bata ang mga magulang nila! Lalo na si Ian. Pero kakausapin ko muna si Carla tungkol dito!"

Kinabukasan pagkahatid ni Nicole sa mga bata, nagtungo ito sa bahay nila Carla.

"Kamusta? Mukhang okey ka na?"

"Ih..kaw ... pa..la,... Ni..co..le. O..key na ... a..ko ... sa..la..mat... sa... yo!"

"Hindi na ako magpapaliguyligoy sa'yo, Carla, pero kagabi, nakita ko si Ian na sabik na sabik na sa'yo! Maliit pa ang mga anak mo at alam kong nagaalala ka sa asawa mo pero ... naawa kasi ako kay Ian. Parang lately lagi syang malungkot!"

"A..ko ... d..in ... sa..bik .. na .. sa... ka.. ni.. la! Pe.. ro ... si ... Ti... na.... "

Kung gusto mo ganito, tuwing weekend dito muna sila sa inyo, para maka bonding naman nya kayo! Umpisahan natin ngayon, since Friday naman, dito ko na sila iuuwi!"

Nangiti si Carla.

Gusto nya ito.

Kaya ng araw din na yun, duon sila hinatid ni Nicole sa bahay nila na pinagtataka ni Tina.

"Bakit po Tita? Nagalit po ba kayo dahil sa nakabasag ako? Sorry po, hindi na po ako uulit! Pangako po magpapakabait na po ako!"

Naiiyak nitong sabi.

"Hindi Tina, ni request kasi ng Mama mo na makasama kayo, gusto ka nyang makita! Dun pa rin kayo titira sa bahay, susunduin ko kayo bukas!"

"Tina, ano ba? Umaayos ka nga! Akala ko ba magpapakabait ka pero bakit mo sinusuway si Tita? Sige na bumaba kana!"

Sabay hila ni Mel sa kapatid.

Si Ian naman ay tuwang tuwa at patakbong sinalubong ng akap ang ina.

"Sa.. la.. mat, .. Ni... cole!"

At si Tina....

Masama ang loob nito.

Padabog syang nagtuloy sa silid nya at nagkulong, ni hindi binati ang Mama at Papa nya.

次の章へ