CONFIRMED: JEREMY ASK MILES TO BE HIS DATE @ THE PROM
May kasamang mga pics ang post, pagpapatunay na totoo ito.
"Waaah! Ang romantic ni Jeremy, may pa luhod luhod pa habang hawak ang rose!"
"Kakilig naman ng mga pics! May kwento pa!"
"Grabe naman 'tong si Jeremy nag ask lang ng date sa prom may paluhod luhod na may flower and gift pa! Sino ba namang babaeng tatanggi nyan!"
"Grabe ka Miles, ang haba ng hair mo girl! Mas mahaba pa sa traffic sa EDSA!"
Nanlaki ang mga mata ni Jeremy.
'Confirmed? Bakit hindi ako aware?'
'Kelan nangyari 'to?'
'Saka bakit parang alam na lahat ng buong school ako na lang ang hindi?'
Tinawagan nya ulit si Mel.
"Hello Jeremy my friend, nakita mo na yung post?"
"Oo Mel my friend!"
"Tapatin mo nga ako Jeremy my friend, kaya ka ba may hawak hawak na rose kanina ay para kay Miles? Naku, ano na lang ang mararamdaman ng Sissy ko kung mapanuod nya ito?"
"Yung rose? Diba inabot ko sa'yo yung rose kanina para ibigay kay Eunice! Naibigay mo ba?"
"Naku hindi ko naibigay kay Sissy Jeremy my friend, tulog na tulog kasi sya buong byahe papuntang house namin! Nasobrahan ata sa pagiisip! Kaya inabot ko na lang kay Tita Mommy Principal!"
"Teka, kung yun ang rose na dala mo, ano yung rose na nakay Miles? Dalawa ang binili mo?"
"Hindi ko talaga binili yung rose!
Kanina may Grade 7 na pilit na nagabot sa akin hindi ko naman alam kung bakit, ngayon naintindihan ko na!"
"Saka, bakit ko naman pagaaksayahan ng pera si Miles! Makinig ka Mel my friend, mukhang scheme na naman ito ni Miles at ng grupo nya para mapapayag ako na maging date nya!"
"Anong ibig mong sabihin my friend? Nalilito ako!"
"Ginagamit ni Miles ang mga estudyante, at mga nasa paligid para makumbinsi akong maging date sya sa prom! Dahil alam na ng lahat, iisipin ng grupo ni Miles na wala akong choice kundi pumayag or else masisira ako sa mga tao at kapag may iba akong date na dinala, tyak na madadamay!"
"Teka, diba si Sister Kate ang date mo sa prom? Paano pag nalaman nya?!"
Sa kasalukuyan nasa isang dinner si Kate kasama ang mother nya na si Nadine, ang Tita nya na si Nicole, si Ames at si Professor John.
Pinaguusapan nila ang nangyari kanina.
"Na cu curious ako, paano nasagutan ni Eunice ang problem kanina? May nagturo ba sa kanya nun?"
Tanong ni Ames.
"Wala po Tita! Nakita nya lang po sa akin!"
"Ha? Nakita nya lang yun?"
"Yes po Tita! Everytime po na umuuwi ako galing sa isang competition yun agad ang hinahanap ni Eunie sa akin!"
Nagulat si Professor John
"What? Really?!"
"Yung question na yun ang last question sa competition that you attended recently, so that means nakita nya lang yun recently? Wow!"
Napaisip si Kate
'Anong Wow dun e si Eunice yun, laro lang sa kanya ang Math!' (roll eyes)
Si Nadine ang sumagot.
"Kasi mas magaling si Eunice sa Math kesa kay Kate!"
"Sa Science talaga magaling ang anak ko at madali syang ma bored sa Math!"
'Ang galing talagang mag explain ng Mommy ko!'
Nakangiting pagsangayon ni Kate sa ina.
"Hindi ko alam 'to ah!"
Sambit ni Ames.
"Sa Daddy kasi ni Eunice nya namana ang galing nya sa Math! Nung bata pa kami, sya parati ang number 1 sa subject na yan! Ewan ko ba bakit iba ang feeling ni Edmund sa tuwing nakakakita ng Math problem. Makikita mo ang enjoyment nya pagsinosolve yun!"
Paliwanag ni Nadine.
"May something kasi sila ng asawa ko dati! Ex nya yun!"
Biro ni Nicole.
Tiningnan sya ng matalim ni Nadine tapos ay tumingin kay Kate na para namang walang nadinig dahil busy na sa phone.
Halatang bored na ito dahil puro matanda ang kausap nya. Kaya naisipan nyang buksan ang phone para maglaro pero laking gulat nya ng makita ang naka post sa school website.
Pumalahaw ito ng tawa.
"BUWAHAHAHAHA!"
Kaya napahinto ang lahat para tingnan sya.
"Kate anong nakakatawa?"
Tanong ng mother nyang si Nadine.
Pero hindi nya masabi dahil hindi nya mapigilan ang pagtawa. Kaya ipinakita nya ang nabasa nya.
"Ano bang problema ng anak mo, bakit tawa ng tawa?"
Tanong ni Nicole sa Ate Nadine nya.
"Aba malay ko dyan? Inabot lang sa akin itong binabasa nya!"
Nang mabasa ni Nicole natawa din ito.
Na curious na rin tuloy si Ames at si Professor John kaya iniabot nya sa kanila ang phone.
"Oonga pala prom na! Halos sabay ang prom ng main at mga branches ng Ames Academy!"
"Is this Jeremy guy your nephew? Yung nandun sa room kanina?"
"Yes!"
"So bakit sya ganyan tumawa ng mabasa ito?"
"Sya kasi ang tunay na date ni Jeremy hindi si Miles!"
Paliwanag ni Nicole.
"Aaahhh kaya pala! You mean fake news yan?"
"I can't believe na kaya ng gumawa ng ganyang scheme ang ganyang edad!"
Sabay tingin nila kay Kate dahil namimilipit ito sa sakit ng tyan.
"O loko, buti nga sa'yo ang kulit mo kasi e!"
Sabi ng Mommy nya sa kanya
Kate: (pout)
'Grabe talaga si Mommy ang harsh sa akin! Huhuhu!'