webnovel

KWINTAS

Punong-puno ng nagtitingkadang mga ilaw ang bahay ni Mang David. Ngayon kasi ang huling burol ng sinisinta nitong si Manang Lupe.

Mga taong walang humpay na nagsusugal at mga kamag-anak nilang halos mamugto ang mga mata dahil sa lubos na kalungkutan ang tanging bumungad sa kanya.

Ang bahay at ang kanilang nag-iisang anak ang tanging iniwan nito sa kanya. Noong una'y hindi talaga makapaniwala si Mang David sa sakit ng kanyang asawa.

Ikinunsulta nila ito sa espesyalista ngunit huli na ang lahat, kumalat na ang tumor sa katawan ni Manang Lupe. Unti-unti nitong nilalamon ang resistensiya ng kanyang asawa hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Napa-upo na lamang siya sa isang itim na upuan. Habang pinagmamasdan ang mga taong dumalo sa huling burol ng kanyang asawa.

"Mang David, nakikiramay po ako."

Isang tinig ang bumalik sa kanyang diwa. Inabot niya ang kanyang kamay upang makapag-mano ang isang babaeng naging malapit sa kanilang pamilya.

Si Irez ang isa sa kamag-anak niya. Inilapat niya ang kanyang kamay sa palad ng dalaga at sabay niya itong pinisil ng marahan.

"Salamat… salamat." basag na ang boses nito nang mga oras na magsalita ito.

Inihilig niya ang kanyang ulo sa upuang sinasandalan niya at pinagmasdan muli ang ang mga taong ngayo'y iniwan na ang kanilang inupuan.

Nagsimula niya ng hakutin ang mga kalat na iniwan ng mga dumalo sa burol. Nakaramdam siya ng lamig dahil na rin sa magmamadaling araw na sa kanilang lugar.

Mga pasado alas tres ng umaga nang makarinig siya ng hagulgol sa loob ng kanyang bahay. Papaano nangyari iyon, e siya lang mag-isa ang naninirahan sa bahay niya.

Bukas pa uuwi ang kanyang anak galing sa Baguio. Miss na miss niya na rin ito, matagal na rin niyang hindi nakikita ang nag-iisang anak nito. Marami kasi itong inaasikaso lalo na't malapit na itong magtapos sa kursong Education.

Kahit hindi siya matatakutin ay nakaramdam siya ng kaba na ngayon lang naramdaman. Sunod-sunod ang kabog ng kanyang puso, halos mamuo ang pawis sa buo niyang katawan dahil na rin sa kabang nararamdaman niya.

Sa mga oras na ipinihit niya ang door knob ng pintuan ay napadasal siya sa kanyang isip. Paano kung makakita siya ng mga bagay na hindi nakikita ng isang ordinaryong tao?

Paano kung ikamatay niya ang pagpaparamdam at pananakot ng mga bagay na hindi maipalawanag ng kahit sinong tao?

Nagbubuo na siya ng mga iba't-ibang konklusyon na lalong dumagdag sa kabang nararamdaman niya.

Marahan niyang itinulak ang pinto dahilan upang bumukas at bumungad sa kanya ang isang MADILIM NA SALA?

Kinapa niya ang switch ng ilaw ngunit kahit ilang beses niya ito galawin ay tanging kadiliman lang ang nanaig sa kanyang tahanan.

Paano na ito, takot pa naman siya sa dilim?

Nasagi sa kanyang isip ang balita noong umaga na magkakaroon ng rotating brownout sa lungsod nila. Mukhang ito na yata 'yon?

Lakas loob niyang inilapag ang mga platong lilinisin sa kusina. Bago niya ito linisin ay nakarinig ulit siya ng ingay, sa mga oras na ito ay sigurado siyang nanggagaling ito sa kwarto niya.

Sa bawat paghakbang niya'y damang-dama ang kaba at takot. Hindi niya na ipinihit ang door knob dahil pinapanatili niyang bukas ang kwarto nito.

Sa mga oras na iyon ay halos manlumo ang kanyang katawan dahil sa kanyang nasaksihan. Ang asawa nito ay walang habas sinasakal ang babaeng malapit sa kanya sinasakal siya gamit ang isang bagay—

"Ahhhh!!!!"

Hawak niya ang dibdib niya nang mga oras na bumangon siya. Punong-puno ng mga pawis ang kanyang mukha at halos habulin niya ang kanyang hininga.

Panaginip lang pala, pero bakit siya nito pinatay? Umaalingawngaw pa rin sa kanyang isipan ang mga katanungan na kanina pa niya iniisip.

Ngunit isa lang ang makakasiguro niya. May mangyayaring masama sa dalagang iyon…May masamang mangayayari kay — Irez.

******

Sapong-sapong bumangon si Iriz sa kanyang higaan. Alas nuebe na ng umaga nang magising siya sa tilaok ng manok.

Sa mga oras na iyon ay papungay-pungay siyang lumakad patungo sa kanilang kubeta upang magayos ng kanyang mukha.

"Mukhang bagay ito sa akin, mabuti nalang at nakita ko ito sa burol. Sayang naman kung maisasama sa bangkay ni Manang Lupe." nakangisi niyang saad habang pinagmamasdan ang kwintas na suot niya.

Kumikinang ang bawat metal habang tumatama ito sa sinag ng araw. Meron itong isang bato na kulay berde na walang humpay na kumikindap-kindap.

Kaya siya napapunta sa burol ni Manang Lupe ay upang nakawin ang nag-iisang alahas na ipinagkait sa kanya noong kaarawan niya.

Ginusto niya itong angkinin upang mas lalo siyang gumanda at mapansin ng lalaking kanyang napupusoan.

Naligo muna siya bago siya makipagkita sa lalaking kanyang tinuturing na crush. Mukhang malaki ang tulong ng kwintas na kanyang kinuha sa malamig na palad ni Manang Lupe, mukhang may angking gayuma ito.

Pagkatapos niyang maligo ay nagpaganda siya gamit ang isang kemikal na nakakaputi ng balat. At isang bagay na nagpapapula ng labi. Habang isinusuot niya ang kwintas ay bigla nalang namatay ang ilaw.

"Shit, nagbayad naman ako ng bill kahapon ah!" sumalubong ang dalawang kilay habang siya'y sumisigaw.

Tanging sinag lang ng araw ang nagbibigay liwanag sa kanyang bahay. Habang nagsusuklay siya ng kanyang buhok gamit ang kanyang kamay ay bigla nalang sumara ng kusa ang bintanang nagsisilbing lagusan ng liwanag.

Nandilim sa kanyang kwarto, nakaramdam siya ng kakapusan ng kanyang hininga. Pinipilit niyang lumanghap ng sariwang hangin ngunit wala siyang maramdaman.

Unti-unting namanhid ang kanyang katawan nang biglang bumukas ang ilaw. Kitang-kitang niya ang isang babaeng pulang-pula ang mata, nagtatagisan ang mga panga nito at halos mahulog ang naagnas nitong balat.

Hindi nga siya namamalik-mata, siya nga si Mang Lupe.

"May mga bagay na dapat hindi kinukuha ng walang paalam dahil ang buhay mo ang magiging kapalit nito."

Ang boses na iyon ang dahilan upang mangatog siya sa takot. Unti-unti niyang nakita ang mga dugong nagsisimulang dumaloy sa kanyang leeg.

"P-pa..tawad po." Kahit siya'y namimilipt na sa sakit ay sinusubukan niya pa ring buoin ang salitang patawad.

Ngunit huli na ang lahat, ngumisi si Manang Lupe at hinila ang kwintas na suot ni Irez hanggang sa bumulwak ito ng sariwang dugo at tuluyang humiwalay ang ulo nito mula sa katawan niya.

Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ni Manang Lupe.

"Magkita nalang tayo sa impyerno, Irez!"

Pagkatapos nu'n ay tanging halakhak lang ang nanaig sa tahanan ni Irez.

次の章へ