webnovel

Chapter 8(paghahanda para sa nalalapit na anebersayo.)

Napakasama ng loob ni alleen dahil sa nangyari at kahit anong pilit niyang paliwanag sa mga magulang ay hindi ito naniwala sa kanya.Napagalitan pa siya ng ama ng malaman nitong pumasok siya sa ipinagbabawal na kwarto sa taas ng mansion.Pinilit niya kasi itong isama sa taas kung saan niya nakita ang libro, ngunit wala pa ring nangyari dahil pag akyat nila ay nakakadena naman ang pintuan.

"Napaka imposible naman yata na nakabukas iyon kanina gayung mahigpit ang pagkakakadena ng pintuang iyon.

Halos magdamag siyang hindi nakatulog. Samantalang ang kanyang kapatid ay mahimbing na itong natutulog sa kabilang kama.

Huminga siya ng malalim at pinilit ang sariling makatulog,maya maya pa ay dinalaw na siya ng antok at marahan siyang pumikit upang makapagpahinga,ngunit saglit lamang iyon dahil sa kanyang panaginip ay may nagpakita na isang nakakatakot na halimaw,.Nakakatakot ang itsura nito, nagbabaga ang mga mata, may sungay at mayroong bunto't.Halos hindi siya makagalaw sa sobrang takot lalo na ng lumalapit ito sa kanya.

"Lapastangan!!isang nakakapangilabot na tinig ang lumabas mula sa bibig nito.Halos hindi niya ito maintindihan dahil nga sa napakalaking boses nito na tila ba nanggagaling sa ilalim ng lupa."sino ka upang sirain at pakialaman ang aking santuaryo!"!!dagundong ang tinig nito habang papalapit sa kanya.Pinilit niyang kumawala ngunit hindi siya natinag.

"Diyos ko po tulungan mo po ako.. Halos paulit ulit na usal niya sa sarili dahil sa sobrang hirap ng kanyang paghinga.Pinipilit niyang ipikit ang sarili upang subukang mawala ito sa kanyang harapan ngunit walang nangyari.Kaya sumigaw na lamang siya ng pagkalakas lakas."Jesus name!!bulalas niya sabay bangon sapul ang kanyang dibdib.

"Diyos ko po, salamat at panaginip lang pala"naisambit niya habang mangiyak ngiyak sa sobrang takot.Pero bakit parang totoo,bakit parang sinakal talaga siya ng halimaw na iyon.Marahan niyang kinapa ang kanyang leeg at talagang ramdam niya ang sakit sa kanyang balat dulot ng pagkakasakal sa kanyang panaginip.Kinakabahan siya sa mga maaring mangyari lalo pa at naalala niya ang sinabi ng halimaw!.Lapastangan?"kinurap kurap niya ang mga mata upang alisin ang ang bigat ng kanyang mga mata dahil sa mahapdi ito.Lumipas pa ang mga oras ay hindi na siya muling natulog pa dahil natakot siyang baka muling bumalik ang halimaw na iyon sa kanyang panaginip.Natatakot siya na baka mahirapan na siyang makawala sa ganoong klase ng bangongot kaya minabuti niyang manatiling gising.

KINABUKASAN:

hindi na hinintay pa ni alleen ang mga kapatid para pumasok sa eskwela, nauna siyang umalis at nagpaalam sa kanyang mga magulang.Nagtatampo pa din siya dahil sa hindi nito pagdinig sa kanyang mga sinabi noong nakaraang gabi.

"kailangan ko ulit makausap si lola lara,"bulong niya sa sarili habang naglalakad papalabas ng hacienda.Ngunit hindi patungong school ang kanyang tinatahak kundi ang patungong baranggay Cabyan, upang makausap ang lola ni anafie umaasang makakausap niya ng maayos ang matanda at maalala na nito ang mga nakaraan at baka makatulong ito para matapos at matahimik na ang mga pagpaparamdam sa mansion.

"Tao po, Tao po!""Magalang niyang tawag sa harapan ng kubo ng kaibigan ng makarating doon. Ngunit Tanging katahimikan lamang ang sumalubong sa kanya.

"anafie, lola lara"!! tawag niya sa pangalan ng mga ito ngunit wala pa ring sumasagot.Marahil ay nakaalis na ang kaibigan niya papasok sa eskwela.

"anong ginagawa mo dito.!"bigla siyang napaigtad nag may biglang sumulpot sa kanyang likuran.Si tandang Lara pala iyon.

"Mano po lola, magandang umga po.. magalang na kinuha niya ang mga kamay ng matanda saka nagmano.

"magandang umaga naman..Anong atin.?:'kunot noong tanong nito sa kanya.

Mabuti na lamang at naaalala pa siya ng matanda kahit may pagka ulyanin na ito.

"wala na si anafie, ineng pumasok na sa eskwela"pagkaraa'y wika nito.

"kayo po talaga ang sadya ko lola lara."Napansin niya ang pagtataka sa mukha ng matanda.

"bakit ako ineng? Tungkol ba saan iyan?"Halika pumasok ka muna".binuksan nito ang maliit na pintuan at pinapasok siya nito.Kaya nang makaupo ay hindi na siya nag alinlangan pa at sinimulan ang sasabihin sa matanda.

"lola lara, alam ko pong noong nakaraan na pagpunta ko dito ay nahirapan po kayong maalala ang tungkol sa Hacienda at mansion de Saavedra,pera nakikiusap po ako lola lara, kailangan ko po ng kasagutan sa mga tanong ko lalo na po at wala naman po akong kapangyarihan para malaman ang mangyayari lola.

Ang sinabi niyo po sa akin noon ay kailangan namin maging handa, lola alam kung hindi lamang nagkataon ang mga nangyayari, kundi talagang mangyayari lola." Nakita ko po sa libro sa pinagbabawal na kwarto ng mansion naroon ang libro,,'

"libro kamu?"napatigil siya ng kunot noo itong nagtanong kasabay ang pagkabuhay ng kanyang pag asa na papaniwalaan siya ng matanda.

"opo lola lara, libro po ng kamatayan.."nakita niya ang bahagyang panlalake ng mga mata nito.

"nakita mo ang libro ng kamatayan? papaanong nangyari iyon?!"maging siya ay nagtaka din sa ikinilos ng matanda at sa biglang pagkakaroon nito ng interest sa libro.

"opo, nakita ko po lahat ng nangyari doon p-pero",bigla siyang nag alinlangan ngunit nagpatuloy siya."pero may isang bahagi ng libro na walang laman".aniya.

"Imposible!!bulalas ng matanda na bakas ang takot sa pagkakataong ito.

"anong ibig mo pong sabihin lola lara?May alam ka po ba tungkol sa libro.?"

"sandali, hindi ito sumagot sa mga itinanong niya."maaari mo bang isalarawan ang mga nakita mo ineng at ang hitsura ng sinasabi mong libro.?"bigla ay wika nito na agad niyang ibinahagi ang mga nakakapangilabot na mga larawan na nakapaloob sa libro.

"Diyos ko!!'bulalas nito ng matapos siyang magkwento.

"bakit lola lara, alam niyo po ba ang tungkol sa libro?"

"Hindi ako maaaring magkamali,Kung ang tinutukoy mong libro ay ang libro ni Don Temoteo na libro ng kamatayan ay kailangan natin iyong makuha ulit at maibalik sa tamang pagkalagyan.Matagal nang nakalibing ang librong iyon ngunit isa lamang ang ibig sabihin nito, isang napakalaking trahedya ang nagbabadaya hindi lamang sa mansion at hacienda kundi maging sa kalakip baranggay cabyan at iba pa."Bigla siyang kinilabutan sa mga sinabi nito.

"Anong ibig ninyong sabihin lola lara?"naguguluhang tanong niya sa matanda.

"Gaya ng nasabi ko alleen,kailangan natin maibalik ang naturang libro sa dapat nitong kalagyan upang tuluyan ng matahimik ang lugar na ito.Mapanganib ang libro ng kamatayan, iyon ang nagsisilbing kulungan ng mga kaluluwang namatay nang dahil sa kasamaan ng mag asawang De Saavedra"mga kaluluwang naging alay upang mapanatili lamang ang kagandahan ng naturang mansion.Bawat taon ay nagdadagdag ng mga taong kinukuha na siyang nagiging alay ng mansion, ang siyang nananatiling nagpapatatag sa estraktura nito."

"Diyos ko po.. ang mga mga magulang ko.. ang mga kapatid ko.. anong gagawin natin lola lara."?mangiyak ngiyak niyang tanong sa matanda.

"kailangan bago mag ikalabing tatlo ng agosto bago ang pagtunog ng orasyon ay kailangan nasa dapat ng kalagyan ang libro ng kamatayn dahil kung hindi natin maibalik iyon ay marami na namang mga kalukuwa ang madadamay at isa na ang buo mong pamilya alleen"bulalas nito na ikinatakot niya ng husto.

"huwag naman po!!"takot na takot niyang wika.

"kung gayun, kailangan magawa mo ang pagkuha ng libro at madala sa akin bago pa mahuli ang lahat alleen.,Kailangang balikan mo sa mansion ang librong iyon..kailangan mo ding maging matapang sa ngayon alleen dahil napakamapanganib na para sa ating lahat kung hindi natin mapupuksa ang kasamaan ng mag asawang de saavedra."!

Sa mga sinabi nito ay nagkaroon siya ng mga katanungan kung bakit naging ganun na lamang ang mag asawang De saavedra.

"teka lang po lola lara, naguguluhan po kasi ako,.

"ano iyon ineng,?

"ano po ba ang dahilan kung bakit naging ganun kaganid ang mag asawa?"Interesado niyang tanong.

Ayun sa nagingg kwento,ang mag asawa ay isang mahirap lamang, ngunit ng dumating ang mga kastila at nagkaroon ng isang kulto anf mag aswa ay nag iba ang mga ito.. Mabilis silang umunlad ngunit ayon sa mga kwento, kapalit naman noon ay buhay ng ibang tao na dapat nilang ialay upang mas mapanatili ang kanilang kapangyarihan."salaysay nito.

"kaya ho ba nangyayari ang mga ito.?tanong niya.

"oo.. dahil ibininta ni don Temote De saavedra ang kaluluwa niya kay satananas"

mas lalao siyang kinilabutan sa mga nalaman.

"kaya alleen, maghanda ka maging ang iyong pamilya,Kailangan mong gamitin ito upang maligtas kayo."Iniabot nito ang isang makinang na kwentas na animoy may araw sa gitna nito.

"ano po ito?!kunot noo niyang tanong habang hawak ang kwentas.

"iyan ang kwentas ng kabutihan, matagal ko na iyang itinatago ngunit sayo ko lamang iyan ipagkakatiwala ineng, "

"bakit po ako, mukhang napaka importante po nito sainyo,."wika niya habang tinititigan ang naturang kwentas.

"sayo ko nakita ang pagiging isang matapang at matatag na tatapos sa kasamaan ng mga halimaw na namamahay sa mansion..Saiyo ko naramdaman ang isang matinding lakas na siyang gugupo at sisira sa pintuan ng impyerno.!"paliwanag nito na lalong nag pagulo sa mga iniisip niya.

"ho?"hindi ko po kayo maintindihan lola lara..napakaimposible po ng sinasabi ninyo.'nagugulahang sagot niya rito.

"huwag ka nang makulit alleen, maiintindihan mo rin kong ano ang ibig kong sabihin.. oh siya umuwi ka na ngayon, kailangan makuha mo ang libro ng kamatayan at nang matapos na ito.. huwag na tayong mag aksaya ng oras at tatlong araw na laman at muli na silang babalik.."Mag iingat ka alleen,"seryusong wika nito at tumayo ng matapos ang kanilang pag uusap.

"Sa halip masagot ang kanyang mga katanungan ay lalo lamang siyang naguluhan dahil sa mga paliwanag ng matanda na mas malabo pa yata sa putik sa palayan.

"bakit niya sinabing ako ang tatapos,,ano ba ang kwentas na ito."Anong ibig niyang sabihin."naiiling niyang wika sa sarili habang naglalakad pauwi dahil hindi siya papasok sa eskwela nang araw na iyon.

Ang tanging inaalala niya ay kung papaano niya mapapaniwala ang mga magulang sa paparating na kasamaan,? Dahil kahit anong pilit niyang papaniwalain ang mga ito ay nagagalit lamang ang kanyang ama at sinasabi lamang nito na napakalaki ng naitutulong ng pamilya de Saavedra sa kanila lalo na ang isang anak ng mga ito na si Ivana.Ayaw naman kasi maniwala nito kahit anong pilit niya.

Ang ipinatataka niya lamang ay kung bakit sa kanya lamang nagpaparamdam ang mga kaluluwang iyon.Samantalang sa mga ito ay hindi man lamang nagpapakita.

次の章へ