webnovel

Chapter 48

Shall I?

MESSAGES.365GREETINGS.COM

Shall I forget the face of a bright sunshine?

Whose beauty is comparable to an angel so divine;

Shall I overlook your smiles that are so sweet?

Just a glimpse of you knocks me off my feet.

Shall I pass a day without seeing you?

Or miss a chance to prove my feelings are true;

Shall I think twice to win your heart?

Living without you will tear me apart.

Shall I not recall the way your hair dances in the summer air?

And how your laughter warms my cold winter;

Your gentle breath swifts right through the autumn's call,

Shall I confess this love or wait until the next fall?

Shall I hold your heart or will forever yearn for it?

I long for the day when our lips would meet;

Shall I live another without saying how much I love you?

Or shall I die as a friend veiling these feelings for you?

Feeling ni Hayley ay sasabog na ang tiyan niya. Masasarap ang lutong pagkain na ipinahanda ni Nanay Editha. Naalala niya ang mga luto ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Sobra siyang nabusog dahil walang ginawa si Nanay Editha kungdi lagyan ng pagkain ang kanyang plato. Tiningnan niya si Nico pero nagkibit balikat lang ang binata at pinagpatuloy ang pagkain. Matapos kumain ay gusto sanang tumulong ni Hayley sa pagliligpit ng mesa pero pinigilan siya ni Nanay Editha at inaya sa may veranda matapos magtimpla ng tsaa.

"Nasabi na sa akin ni Levi kung ano ang dahilan kung bakit kayo nandito. Iha, wala kang dapat ipag-alala habang nandidito ka. Kami ang bahala sa iyo." Nakangiting sabi ni Editha habang nakahawak ang kamay sa kamay ni Hayley. "Salamat po." Magalang na sagot ni Hayley. Nagkwentuhan pa sila sandali at ng humikab si Hayley ay si Nico na ang pumutol sa kadaldalan ng kanilang mayordoma. Natawa naman si Nico ng tingnan siya ng masama ng matanda.

"Nay, huwag kang mag-alala. Sa mga susunod na araw ay pwede kayong magkwentuhan ni Ley kahit maghapon pa. Kailangan na namin magpahinga lalo na siya. Nakakapagod ang maghapon na ito para sa amin." Pagkasabi noon ay kunwaring humikab na din si Nico. Walang nagawa ang matanda kungdi pakawalan ang dalawa. Hinatid ni Nico si Hayley sa kwarto nito na katabi ng kwarto niya. Kung hindi lang nakakahiya ay sasabihin sana ni Hayley na kung pwede ay sa iisang kwarto na lang sila mag-stay dahil natatakot pa din siyang mag-isa kahit na wala naman siyang dapat ipag-alala gaya ng sabi ni Nanay Editha.

"Good night, Ley." Sabi ni Nico. "Good night..." Sagot ni Hayley at pumasok na sa kwarto. Ganoon din ang ginawa ni Nico. Nang matapos maglinis ng katawan at magbihis ay humiga na si Nico pero bigla ding bumangon ng maalala na wala pa lang pampalit si Hayley. Kumatok siya sa pinto ng kwarto ni Hayley pero hindi siya pinagbuksan ng dalaga. Kumatok muli si Nico pero hindi pa din lumabas ang dalaga. Binuksan na ni Nico ang pinto at nakita niya si Hayley na natutulog na sa kama. Bumuntong hininga siya. Alam niyang pagod si Hayley hindi lang physically pero emotionally din. Nakuyom niya ang mga kamay ng maalala ang muntik ng pakakadukot sa dalaga at ang threat na nakasulat sa pader. Nilapitan niya ang dalaga at kinumutan, lumabas at saka bumaba para tawagan si Levi.

"What happened?" Bungad ni Nico ng sagutin ni Levi ang phone. "The usual, we still don't have any lead kung sino ang pumasok sa condo. He chose the blind spots kung saan hindi siya makikita sa CCTVs. That only proves na kabisado niya ang buong floor." Sabi ni Levi. "Just continue investigating. By the way, I need Hayley's belongings tomorrow morning." Sabi ni Nico. "How is she?" Tanong ni Levi. "She's already sleeping." Sabi ni Nico. "Okay, leave everything to us. Just focus on her." Sabi ni Levi at tinapos na ni Nico ang pag-uusap nila. Papasok na sana muli si Nico sa sariling kwarto ng madinig niya ang sigaw ni Hayley. Halos takbuhin niya ang kwarto at nagmamadaling binuksan ang pinto. Naabutan niya si Hayley na halos nagwawala sa kama pero nakapikit pa din ang mga mata nito.

"Ley, Ley, you're dreaming. Wake up, wake up, Ley." Dahan-dahang binukas ni Hayley ang mga mata at mahigpit na niyakap ang binata ng makita niya ito. "Ssssshhhh...it's only a dream." Sabi ni Nico habang hinahagod ang likod ng dalaga na humihikbi dahil sa pag-iyak. Lumingon si Nico sa may pinto ng madinig ang mga yabag ni Nanay Editha at nangiti siya ng may dala itong gatas.

"Inumin mo ito iha habang mainit pa. Makakatulong sa iyo ito." Sabi ni Nanay Editha. Humiwalay naman ang dalaga sa pagkakayap sa binata at inabot ang gatas.

"Nay, matulog na kayo. Ako na pong bahala kay Hayley." Sabi ni Nico ng mapansing nakatayo pa din si Nanay Editha kahit ibinigay na sa kanya ni Hayley ang baso na wala ng laman. "Ah, ganoon ba? Oh siya sige, maiwan ko na kayong dalawa." Sabi ni Editha pagkatapos ay lumabas na.

Napansin ni Nico na hindi makatingin sa kanya si Hayley ng deretso pero hindi niya ito binigyang pansin.

"Bukas pa madadala ni Levi ang mga gamit mo dito pero may extra toiletries ako diyan na pwede mong gamitin." Sabi ni Nico ng makitang kalmado na ang dalaga. "Dapat ay mahihiga lang ako kanina then, saka ako magbihis pero nakatulog pala ako." Sabi ni Hayley na nakayuko dahilan para kumunot ang noo ni Nico. "I think I need to freshen up and I think you should wear your shirt." Doon lang naalala ni Nico na naka-boxer shorts nga lang pala siya. "Ah, sorry, nataranta kasi ako kanina nung sumigaw ka." Sabi ni Nico. "Pasensiya na, I thought I was being abducted again." Sabi ni Hayley. "Ley, you're safe here. Don't be afraid, he will not harm you here." Sabi ni Nico na hinawakan ang kamay ni Hayley. Tumingin ang dalaga sa binata pero binawi nito muli ang tingin ng makita ang sexy abs ng binata. Nangiti naman si Nico ng makita ang mapulang mukha ng dalaga.

"Take a shower, I'll look for something na pwede mong ipampalit." Sabi ni Nico at tumango ang dalaga.

Bumalik si Nico sa kwarto at naghanap na pwedeng isuot ng dalaga pero nadismaya lang siya na puro jeans, shirts, at boxers lang ang nasa closet niya. "Bahala na." Sabi nito saka kinuha ang isang bagong t-shirt na nakalagay pa sa plastic nito. Nang muling pumasok siya sa kwarto ng dalaga ay nadinig niya ang tunog ng shower kaya iniwan lang niya ang dalang pampalit sa kama.

Paglabas ni Hayley ay nakita niya ang t-shirt sa kama. Wala siyang choice kungdi isuot muli ang undergarmets kesa naman wala siyang isuot na panloob. Nang matapos magbihis ay nagpasalamat siya na malaki sa kanya ang damit ni Nico. Parang naging dress sa kanya ito. Nakaramdam si Hayley ng uhaw kaya nagdesisyon siya na lumabas. Tiyak naman na natutulog na ang iba kaya wala ng makakakita sa kanya. Sumilip si Hayley sa labas at ng makita na halos patay na ang lahat ng ilaw ay dahan-dahan siyang bumaba. Nang marating ang kusina ay nakita niya si Nico na nakaupo sa upuan ng dining table na alam niyang alak ang iniinom. Buti na lang at naka-tshirt na ito dahil kung hindi ay baka bumalik na lang siya sa kwarto. Kahit nasa pangit siyang sitwasyon ay hindi niya maiwasan na maglaway sa magandang katawan ng binata.

Nang maramdaman ni Nico ang presensiya ng dalaga ay nilingon niya ito para lamang mapalunok dahil suot ng dalaga ang damit niya. Nang makita niya ang magagandang binti ng dalaga ay para na siyang nalasing sa iniinom na alak na mababa naman ang alcohol content. Pinilig niya ang ulo para bumalik sa sarili.

"Can I have that?" Noong una ay gusto sana ni Hayley na tubig ang inumin niya pero parang mas kailangan niya ang alak para makatulog siya. Kumuha si Nico ng wine glass at nilagyan ng laman saka ibinigay kay Hayley. Nagulat siya ng isang inuman lang ang ginawa ng dalaga. Lalo siyang nagulat ng humingi muli ang dalaga.

"I want to sleep so that I can forget everything that's happening to me right now." Sabi ni Hayley na alam ni Nico na medyo tipsy na. Tumayo ang dalaga at ng makita ni Nico na mabuay na ito ay tumayo na din siya para alalayan ang dalaga. "Ooopppsss, sorry." Nakangiting sabi ni Hayley ng matapakan niya ang paa ni Nico. Iiling-iling naman ang binata dahil sa cute na itsura ng kaharap na sinamahan pa ng hagikgik na sa pandinig ni Nico ay "sexy". Huminga ng malalim si Nico ng maayos na maihatid ang dalaga sa kwarto nito kahit ilang beses silang muntik mahulog sa hagdan dahil sa kalikutan ng dalaga.

"No more drinking for you." Sabi ni Nico ng maihiga si Hayley sa kama nito. Humagikgik na naman si Hayley sabay saludo sa binata. "Sleep now, Ley." Sabi ni Nico saka kinumutan ang dalaga. Lalabas na sana si Nico pero biglang humawak ang kamay ng dalaga sa mga kamay niya. "Please...stay..." Sabi ni Hayley. Napabuntong-hininga si Nico at pagkatapos ay tumabi sa dalaga. Nang tuluyang na siyang nakahiga ay automatikong yumakap sa kanya ang dalaga na akala mo bata na takot maiwan ng ina. Nagdikit ang mga balat nila at muling napabuntong-hininga si Nico. "This would be a long night." Bulong ng binata.

次の章へ