The Meaning Of Love
by : Krina Shah
To love is to share life together,
to build special plans just for two,
to work side by side, and then smile with pride,
dreams all come true.
To love is help and encourage
with smiles and sincere words of praise,
to take time to share, to listen and
care in tender, affectionate ways.
To love is to have someone special,
one on who you can always depend
to be there through the years,
sharing laughter and tears,
as a partner, a lover, a friend.
To love is to make special memories
of moments you love to recall,
of all the good things that sharing life brings.
Love is the greatest of all.
I've learned the full meaning of sharing
and caring and having my dreams all come true;
I've learned the full meaning of being in love
by being and loving with you.
"What a beautiful day!" Nasabi ni Nico sa sarili ng isang magandang view ang nag-welcome sa kanya pagmulat niya ng kanyang mga mata. Sa tabi niya ay ang natutulog pang si Hayley. Nakayakap sa kanya ang dalawang kamay nito at ganoon din ang mga kamay niya. Dahan-dahan siyang gumalaw para makitang mabuti ang mukha ng dalaga. Nangiti siya at nahiling niya na sana lahat ng umaga niya ay ganito. Gumalaw si Hayley para bumaling sa kabilang parte ng kama dahilan para malayo sa binata. "Come here." Bulong ng binata saka ibinalik dahan-dahan ang dalaga sa kanyang tabi. Hindi napigilan ni Nico na halikan sa noo ang dalaga. Natawa si Nico ng hindi pa din dumilat si Hayley. "What a heavy sleeper?" Bulong ni Nico.
Hindi malaman ni Hayley kung paano ang gagawin niya. Nauna lang siya ng kaunti na magising sa lalaking katabi niyang natulog. Nang imulat niya ang mga mata ay muntik na siyang tumili ng makita ang position nila ni Nico sa kama. Dahan-dahan niya sanang ilalayo ang katawan mula sa binata pero bigla naman itong nagmulat ng mata dahilan para ipikit niya muli ang mata. Nang lumuwag ang pagkakayakap sa kanya ng binata ay nagkaroon ng pagkakataon si Hayley para makawala kay Nico pero ng maramdaman niya na ibinalik siya ng binata sa dating pwesto ay napabuntong-hininga siya ng lihim. Lalo siyang nanigas sa pagkakahiga dahil hinalikan siya ng binata sa noo. "Think, Hayley, think!" Sigaw niya sa sarili. Nakahinga ng maluwag si Hayley ng tumunog ang telepono ng binata at dahan-dahan itong tumayo para sagutin ang tawag.
"Where are you, dude!?" Nag-aalalang tanong ni Dashiell. "Tagaytay. Why?" Sagot ni Nico. "Is Hayley with you? Kagabi pa nag-aalala sila Ashley at Lily. Hindi siya umuwi kagabi and they thought something happened to her." Sabi ni Dashiell. "Yes, she's with me. We met the owner of Twin Lakes Hotel and finalized the incoming show. I had a drink and can't drive home so we stayed here. Tell Ashley and Lily not to worry, she's safe with me." Paliwanag ni Nico. "Really?" Sabi ni Dashiell na alam ni Nico ang ibig sabihin ng kaibigan. "We only slept together." Sabi ni Nico. "You what!?" Gulat na tanong ni Dashiell na ikinatawa ni Nico. "Chill, dude! Natulog lang kami, nothing happened, okay?" Natatawang sabi ni Nico habang pulang-pula naman si Hayley. Alam niyang kailangan niyang maghanda ng mahaba-habang paliwanagan para sa dalawang kaibigan at idagdag pa si Quinn.
Nang matapos ang pag-uusap ng dalawang mag-kaibigan ay saka lang kunwaring nag-inat si Hayley para isipin ng binata na kagigising lang niya.
"Morning, sleepy head." Nakangiting sabi ni Nico. "Morning..." Ganting bati ni Hayley na hindi makatingin ng deresto sa binata. Tumingin silang pareho sa pinto ng suite ng may kumatok dito. Binuksan ni Nico ang pinto at bumungad sa kanya ang isang babae na sa tingin niya ay staff ng hotel. "Good morning, Sir. Pinabibigay po ito ni Sir Fin at pinasasabi niya po na nag-iintay sila ni Ma'am Amanda sa lobby." Sabi ng babae. Pagakatapos abutin ang dala nito at magpasalamat ay umalis na din ang staff.
"Just what I thought. Buti na lang magka-size tayo pero don't worry, hindi ko pa naman nasuot 'yan." Nakangiting salubong ni Fin ng makita ang dalawa na palapit na sa kanila ni Amanda. "Thank you, bro." Nakangiti din sabi ni Nico. "It's cute. The shirts suited both of you well." Bulong ni Amanda ng makalapit sa kanya si Hayley. "I hate you." Ganting bulong naman ni Hayley sa pinsan dahilan para matawa ito. "And I love you." Sabi ni Amanda na ikinaikot ng mga mata ni Hayley.
Dala ng babaeng staff ang damit pampalit ng dalawa. Simpleng white t-shirt at maong pants ang laman ng paper bag kasama na din ang undergarments. Naunang mag-shower si Hayley at sumunod si Nico. Pagkatapos ay lumabas na sila para i-meet sila Fin at Amanda sa lobby. "Cute shirt." "Nice shirt." Ito ang ang mga comments ng mga tao bago lumabas ng elevator na kinakunot ng noo ng dalawa. Nang tumingin si Hayley sa nadaanan nilang salamin ay saka lang niya nakita ang nakasulat sa likod ng t-shirt niya. "Addicted to him" na may nakalagay na arrow. Unti-unti niyang sinilip ang likod ni Nico at napamura siya ng makita ang nakasulat dito. "Addicted to her" na may arrow din.
"Mag-breakfast muna tayo tapos ay saka tayo mag-ikot sa lugar." Sabi ni Fin. "We need to go back to Manila. Madami kaming gagawin ni Nico sa office." Sabi ni Hayley. "One day wouldn't hurt, right, Mr. Bermudez?" Nakangising sabi ni Fin para ikataas ng kilay ni Hayley. "Yeah. Let's go back later this afternoon. You need to relieve your stress sometimes, Ley." Sang-ayon ni Nico. "Sige na, isang araw lang naman, Ley. Kailan pa tayong huling nagkasama?" Dagdag ni Amanda na nagpaawa pa sa pinsan. "Okay, okay." Pumalakpak pa si Amanda ng madinig ang pagpayag ng pinsan.
Gaya ng napag-usapan ay kumain muna sila ng breakfast sa loob ng hotel pagkatapos ay nagpunta sila sa Taal Volcano and Lake, Picnic Groove, Museo Orlina, Sonya's Secret Garden at ang panghuli ay sa Our Lady of Manaoag.
"This is a great place to held a wedding. What do you think, Ley?" Nagulat ang dalaga sa tanong ng binata. "Yeah." Maikli niyang sagot. Matapos mag-alay ng dasal at magsindi ng kandila ay lumabas na ang apat. Biglang nanigas ang mga paa ni Hayley ng makita ang isang mukha na hiniling niya na sana ay huwag na niyang makita sa buong buhay niya. Si Fin ay ganoon din ang nangyari pero dahil hawak siya ni Amanda ay napigil siya nito para salubungin ng suntok ang lalaki na nakatayo hindi malayo sa kinatatayuan nila at ang mata nito ay nakatitig kay Hayley.