Baby When You Hold Me
by : Shelagh Bullman
Baby when you hold me, my emotions makes it clear,
Just how much you mean to me while we are laying here,
I listen to your heartbeat in rhythm with my own,
With every pound that warming sound,
Keeps me safe with love you've shown.
Baby when you touch me, with hands so soft but strong,
You wrap me in your warm embrace, just where I belong,
You hold me close and comfort me all throughout the night,
Until you open up your eyes to first signs of daylight.
Baby when you kiss me before you start your day,
The happiness you bring my heart, no words can ever say,
You make my life so beautiful, wonderful, and new,
You're my hopes and my dreams, you're my everything
I'm so in love with you.
Pagkadating na pagkadating ni Hayley sa loob ng opisina ay kinuha niya agad ang intercom para tawagan si Sarah. "HR Department, Michelle speaking." Kumunot ang noo ni Hayley ng hindi si Sarah ang sumagot ng intercom. "Chelle, Ley here, nasaan si Sarah?" Tanong ni Hayley. "Ah, Ley, wala pa siya dito eh." Sagot ni Michelle. "Ah, ganoon ba. Pwede bang humingi ng pabor? Pwede bang pakisabi kay Sarah na tawagan ako pagdating niya?" Sabi ni Hayley. "Sure, Ley, sabihin ko sa kanya. Ay, wait Ley, nandito na siya." Sabi ni Michelle sabay abot ng intercom sa bagong dating na si Sarah.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Nico. Pansin ni Hayley na maganda ang aura ni Nico, pasipol-sipol pa nga ito habang naglalakad papunta sa kanyang sariling opisina pero tumigil ito ng madinig ang pangalan ni Sarah at may sumilay ng ngiti sa mukha ng binata.
"Sarah, natawagan mo na ba yung isang applicant?" Tanong agad ni Hayley. "Ley! Good morning!" Bati ni Sarah. "Ah, hinahanap ko pa kasi yung resume niya. Inform kita once na makita ko." Sabi ni Sarah pero kunyari lang na hinahanap niya talaga. Sayang naman ang breakfast na inilibre sa kanya ni Mr. Pogi kung hindi niya gagawin ang maliit na favor na personal na hiningi nito sa kanya. "Okay, Sarah, please do it asap. Thank you." Sabi ni Hayley sabay baba ng intercom. Nagulat pa siya ng makitang nakatayo pa din si Nico sa harap ng connecting door.
"Nico, ano'ng ginagawa mo diyan?" Takang tanong ni Hayley. "Ha? Ah, para kasing may nakita akong ipis kanina pero biglang nawala." Palusot na sabi ni Nico na ikinaikot ng mata ni Hayley. "Every month tayong may pest control so I doubt ipis ang nakita mo." Sabi ni Hayley. "Ahhh, baka namalik-mata lang ako. Anyways, bakit ba nagmamadali kang makakita ng personal assistant ko? Ayaw mo na ba sa akin?" Kunyaring may pagtatampo sa mukha ni Nico pero hindi ito pinansin ng dalaga. "You know that the KM Fashion Show is fast approaching and I don't think I can manage two jobs at this time. You have your meetings and conferences in and out of the country and I can't promise na masasamahan kita because after the fashion show, Dashiell and Quinn's wedding is next." Paliwanag ni Hayley. "I see pero 'di ba lima kayo na designers ng KM so why take all the responsibilities when you can divide the works with them." Sabi ni Nico. "Don't you trust them?" Sudlong pa ni Nico. "I trust them pero I'm the Senior Designer here and so, I have to do things and give the best result." Sabi ni Hayley. Sandaling natahimik si Nico. "Tama nga si Dad. You're really workaholic. Don't worry, I can manage. I can bring either Dashiell or Landon to come with me on my meetings." Sabi ni Nico.
"Tell me, bakit hindi mo tinanggap si Miles?" Hindi pa din kasi makapaniwala si Hayley sa nangyari kahapon. Bigla naman umilap ang mata ni Nico. "Well..." Sabi ng binata. "Well what?" Sabi ni Hayley. "Basta, ayoko sa kanya period." Sabi ni Nico at pumasok na ito sa sariling kwarto. "Childish!" Bulong ni Hayley sa sarili.
Kumatok si Hayley ng isang beses bago sumilip sa connecting door. "Yes, Ley?" Nakangiting sabi ni Nico. "I'm going to the Designer's Room. Mag-meeting kami about the title of the show, the venue, the cater, and more. Baka after lunch na ko makabalik dito. If you need something, just knock on the first room." Sabi ni Hayley. "Okay." Maikiling sagot ni Nico.
Pagpasok ni Hayley sa Designer's Room ay nasa loob na ang apat na designer's ng KM. Si Anais, Everly, Bijou, at Willow. "Morning, Ley!" Sabay-sabay na bati ng apat. "Morning! Let's start. First, let's talk about the title." Sabi ni Hayley at sabay-sabay silang naglabas ng papel na may sulat ng mga possible title ng show. Sinulat ni Hayley ang mga suggestions ng mga kasama sa malaking white board. "Read them then, tell me your votes." Sabi ni Hayley. "Ley, I think..." Hindi natapos ni Anais ang salita dahil may kumatok sa pinto at iniluwa nito si Nico. Tumayo ang apat na designer at magalang na binati ang binata. Kita ni Hayley kung paano kiligin ang apat dahil sa binata pero hindi iyon pansin ni Nico dahil sa kanya ito nakatingin. Sinenyasan ni Nico si Hayley na lumabas muna sandali.
"Bakit?" Tanong ni Hayley. "I want coffee." Sabi ni Nico na ikinaikot ng mata ni Hayley. "Can't you make it yourself?" Irritableng tanong ni Hayley. Ngumiti si Nico at saka umiling. "My gosh, Nico, you're already an adult but can't make your own coffee!?" Sabi ni Hayley pagkatapos ay bumalik sa loob ng room. "Guys, I need to get something for the president but it will only take a minute. When I come back, I want the title, okay?" Sabi ni Hayley at tumango naman ang mga kasama. Hindi alam ng dalaga na sumunod pala sa kanya ang binata pabalik sa loob, pagbaling ni Hayley ay bumangga siya sa katawan ni Nico dahilan para ma-out of balance siya. Buti na lang at nasalo siya ni Nico, kung hindi ay baka nahalikan na niya ang malamig na sahig.
Pagtingin niya kay Nico ay nakatingin ito sa kanya. Napalunok si Hayley dahil napakalapit ng mga mukha nila sa isa't isa. Ngayon lang napagmasdan ni Hayley ng malapitan ang binata. Ang mga brown na mata nito na nakatitig sa kanya, ang matagos na ilong nito, ang makinis na pisngi nito, at ang mapupulang labi ng binata na sa tingin ni Hayley ay masarap pupugin ng halik. Bumalik lang sa kanyang sarili si Hayley ng magsalita si Nico.
"Ley, baka matunaw ako niyan." Nakangising sabi ni Nico dahilan para mamula na siya ng tuluyan. Pigil naman ang tawa ng apat na designer. Nagmamadaling lumabas si Hayley ng room at dumiretso sa kanyang opisina para ipagtimpla ng kape ang binata. Nakasunod naman sa kanya ang binata na may ngiti pa din sa mga labi.