webnovel

Chapter 14

In your eyes, I have found my home.

In your heart, I have found my love.

In your soul, I have found my mate.

With you, I am whole, full, alive.

You make me laugh, you let me cry.

You are my breath, my every heartbeat.

I AM YOURS.

You are mine.

Of this we are certain

You are lodged in my heart.

The small key is lost.

You must stay forever.

You are my inspiration, and my soul's fire.

You are the magic of my days.

You help me laugh, you teach me love.

You provide a safe place for me, unlike I've ever known.

You free me to sing my own song.

You are more of an amazement to me.

Each day I rediscover you.

You are my greatest love.

I am yours.

YOU ARE MINE.

- Unknown -

Matapos makuhanan ng measurements ang buong entourage nila Dashiell at Quinn ay umalis na ang mga ito. Naiwan sila Hayley at Nico sa Tailoring Floor.

"So, what's the next agenda Miss PA?" Nakangiting tanong ni Nico. "What do you suggest, Mr. President?" Ganting tanong ni Hayley. "Hhhmmm, pwede sigurong mag early lunch na muna tayo, hindi ako nagkapagbreakfast kanina." Sabi ni Nico. "Okay, tara sa second floor." Aya ni Hayley. "Let's dine out." Sabi ni Nico. "Sorry to inform you, Mr. President but we have a strict rule here that everyone should dine in and that includes you." Sabi ni Hayley na kinataas ng kilay ni Nico. "Don't worry, masasarap ang food dito and healthy pa." Sabi ni Hayley. Gusto sana ni Nico na dalhin si Hayley sa Dine and Drink pero sumunod na lang din siya sa dalaga ng sumakay na ito sa elevator.

Dahil maaga pa para sa lunch break ay kakaunti pa lamang ang mga kumakain. Lahat ng nasa loob ay binigay ang kanilang paggalang kay Nico samantalang kaway at ngiti naman kay Hayley. "Ano'ng gusto mong kainin?" Tanong ni Hayley na umupo na sa bakanteng lamesa. "Any suggestion?" Tanong ni Nico. "Well, it depends on your taste buds today." Sabi ni Hayley. "What will you be eating?" Balik tanong ni Nico. "I will go with seafoods today." Sagot ni Hayley. "Seafoods then." Sabi ni Nico. "No need for that." Sabi ni Hayley ng makitang kinuha ni Nico ang wallet niya. "Ibabawas na lang ang kakainin mo sa salary mo by the 15th and end of the month." Sagot ni Hayley sa kunot ng noo ni Nico. "Oh, okay." Sabi ni Nico.

Pareho silang lumapit sa counter ng Seafoods Galore. "Morning, Hayley." Bati ng cashier sa dalaga. "Morning." Ganting bati ni Hayley. "Good morning, Mr. President." Bati naman ng cashier kay Nico na halatang kinikilig sa binata. Tinanguan lang siya ni Nico. "Isang Air Fryer Fish para sa akin. How about you, Mr. President?" Tanong ni Hayley na ikinakunot ng noo ni NIco dahil sa tawag sa kanya ng dalaga. "Maple Bacon Salmon." Sagot ni Nico.

Pagkatapos makuha ang order nila ay bumalik na sila sa upuan. "Can't you be more soft kapag binabati ka ng mga employees mo?" Sabi ni Hayley bago kinuha ang isang fries saka isinubo sa bibig niya. "What do you mean?" Tanong ni Nico. "Sa tuwing babatiin ka ng mga employees dito, your response is always a nod. Hindi mo ba pwedeng samahan ng smile or even greet them with the same greetings?" Sabi ni Hayley. "I don't think that's needed." Sagot ni Nico. "It's needed, Mr. President, because your dealing not only with one person but thousands of people here. Your attitude towards them will be a great help in their working ambience." Paliwanag ni Hayley. "I will try but stop calling me Mr. President." Sabi ni Nico bago sumubo ng pagkain niya. "You're the President of this company so I, as your employee, should give you proper respect lalo at nasa trabaho tayo." Sabi ni Hayley. "So, I will not do what your asking." Sabi ni Nico na ikinaikot ng mata ni Hayley. "Don't be so stubborn, Nico." Sabi ni Hayley. "That's more like it." Sabi ni Nico na pinagpatuloy na ang pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay naisipan ni Hayley na i-tour na sa bawat floor si Nico. Inuna nila ang 3rd floor kung saan nandoon ang lahat ng offices ng mga Board Members pati na din ang office ni Hayley at ni Nico.

"Dito ang office mo." Sabi ni Hayley ng buksan niya ang pinto na halos katabi lang ng elevator. "Nasaan ang office mo?" Tanong ni Nico na hindi na pumasok sa sariling office kungdi naglakad para hanapin ang office ni Hayley. "Nasa dulo pa." Sagot ni Hayley. "Bakit?" Takang tanong ni Nico. "Kapag nagtatrabaho kasi ako, ayoko ng maingay at naiistorbo ako kaya mas pinili ko ang dulong kwarto." Sagot ng dalaga. "Ito ba?" Tanong ni Nico ng makita ang pangalan ni Hayley sa pinto. Tumango naman ang dalaga. "Magulo d'yan." Sabi ni Hayley pero nakapasok na sa loob si Nico. Inikot ni Nico ang paningin sa buong kwarto. Napansin niya ang connecting door kaya pumunta siya doon at binuksan ito. Nakita niya ang isa pang kwarto at nakita din niya ang isang babaeng nagulat sa kanya.

"Ah, siya si Steph, assistant naming mga designers." Pakilala ni Hayley sa dalaga. "Good morning, Mr. President." Bati ni Steph na halatang kinakabahan. "Morning. I want this room." Sabi ni Nico na kinakunot ng noo ni Hayley pati din ni Steph. "Ha?" Takang tanong ni Hayley. "I want all my things to be transfer here today and I will resume work tomorrow." Sabi ni Nico. "What? Pero may opisina ka na." Sabi ni Hayley. "Yeah, and I want my office here." Sabi ni Nico. "Pero, Mr. Presi..." Hindi naituloy ni Hayley ang sasabihin dahil tumingin sa kanya si Nico na nakataas ang kilay. "I thought we had an agreement, Ley." Sabi ni Nico na ikinabuntong hininga ni Hayley. "Steph, okay lang ba sa'yo na magpalit tayo ng kwarto?" Tanong ni Nico sa designer. "Po? Opo!" Sagot agad ni Steph. "Good, so, there's no problem here." Sabi ni Nico sabay naglakad palabas.

Nakita ni Hayley kung paano nagbuga ng hangin mula sa kanyang bibig si Steph. Natawa siya. "Okay ka lang?" Tanong ni Hayley na tinapik ang balikat ng dalaga. "Nakakatakot siya, Ley." Sabi ni Steph na ikinangiti ni Hayley. "Pasensiya ka na kung maglilipat ka ng gamit ng wala sa oras." Hinging paumanhin ni Hayley. "Okay lang kaso malalayo ako sa'yo." Sabi ni Steph. "Pwede ka pa din naman pumunta sa akin kapag may kailangan ka. Medyo malayo nga lang ang lalakarin mo." Nakangiting sabi ni Hayley. Magsasalita pa sana si Steph pero muling sumilip si Nico mula sa pinto. "Let's go, Ley." Sabi nito. "The stubborn President is asking for me. See you later, Steph." Natawa ang dalaga sa sinabi ni Hayley pero nawala na ito sa mukha niya ng makita ang seryosong mukha ni Nico.

"Bakit ba gusto mong lumipat ng office?" Tanong agad ni Hayley pagsakay nila sa elevator. "The President should be near with his PA at all times." Sagot ni Nico. "Pero alam mo na temporary PA lang ako. I will definitely find someone to meet your expectation." Sabi ni Hayley. "Well then, goodluck." Nakangising sabi ni Nico saka lumabas na sa nakabukas na pinto ng elevator. "Spoiled, stubborn, hard-headed angel with thorns!" Bulong ni Hayley. "I heard that!" Sabi ni Nico na ikinaikot ng mata ni Hayley.

次の章へ