webnovel

Chapter 10

You know you're in love when you can say anything to the person and you know they won't laugh at you.

When you can see their faces when you close your eyes.

When you can still feel their arms around you holding you tight long after they are gone.

When you can still taste their kisses after you have said goodbye.

You can tell you're in love when you miss them before they are gone.

When their voices linger in your ears.

When their presence eases any pain.

When their names send chills down your spine.

When they are the only thing you can think about.

You know you are in love when you can see all their hopes and dreams and their soul when you look into their eyes.

When they call you at four in the morning to say, "I love you" and mean it.

When your tears stain not only their shirt, but also their hearts.

When they are hurt just because of these tears.

When even a simple chore done with them can become a lasting memory.

Ultimately, you know you are in love when you can't imagine living without them,

and can't figure out how did you live before you knew them.

When they fulfill every need and without them you are incomplete.

The love of someone else completes the HEART, and SOUL, and MIND all at once.

- Unknown -

"Cheers!" Sigaw ni Ashley sa dalawang kaibigan. "Bottoms up!" Sigaw din ni Lily. Natatawa lang si Hayley sa dalawang kaibigan. Dahil palpak ang blind dates nila ay napagkasunduan nilang uminom tutal naman ay wala silang pasok kinabukasan. Nakakadami na sila Ashley at Lily pero hindi pa nakakaisang bote ng beer si Hayley. Kailangan niyang maghinay-hinay dahil magmamaneho pa siya pauwi sa kanilang condo. "Ley, ano ba? Nadadaya mo na kami ha?" Sabi ni Ashley. "Alam n'yong hindi ako pwedeng uminom ng madami." Sabi ni Hayley. "Tumawag na lang tayo ng driver. Inom pa Hayley!" Sabi ni Lily na binigyan pa ulit siya ng isang bote. Walang nagawa si Hayley kungdi tanggapin ang bote ng beer na inabot sa kanya ng kaibigan.

"Sayaw tayo!" Aya ni Ashley sa dalawang kaibigan. "Tara! Tara!" Aya din ni Lily. "Kayo na lang." Sabi naman ni Hayley. "Ley, 'wag mo ngang sayangin ang talent mo. Ano pang use ng pagiging Dancing Queen mo kung bubutasin mo lang ang upuan. Bilis, tara!" Hila sa kanya ni Ashley. Alam ni Hayley na hindi siya titigilan ng dalawa kaya sumama na din siya sa gitna ng dance floor. Nagsimula silang gumalaw at sumayaw.

Enjoy na enjoy ang tatlong dalaga sa pagkembot at paggiling. Halos lahat ng kalalakihan sa lugar ay sa kanila nakasentro ang paningin lalo na kay Hayley. Nang mapagod sa sila pagsasayaw ay bumalik ang tatlo sa kanilang upuan.

"OMG!" Sabi ni Ashley na ikinakunot ng noo nila Lily at Hayley. "Bakit?" Tanong ni Lily. Si Hayley naman ay kinuha ang beer na nasa harap niya at ininom na ang natitirang laman nito. "Hi, girls!" Bati ni Dashiell sa kanila. Tumingin si Hayley at muntik na niyang maibuga ang nasa bibig niya ng makita kung sino pa ang kasama ni Dashiell. "Can we join you, beautiful ladies?" Tanong ni Landon. "Oh, sure, sure." Sagot ni Lily. Gustong batukan ni Hayley ang dalawang kaibigan dahil sa pagpayag ng mga ito na sumama ang tatlong lalake sa table nila. Pumagitna si Landon kila Ashley at Lily, si Dashiell naman ay lumagay sa safe zone, mahirap na baka maudlot ang kasal niya kung saka-sakali. Mabuti ng maingat, ayaw niyang maputol ang kaligayahan. Hindi kumikilos si Hayley sa upuan dahil ayaw niyang makatabi ang lalaking nagpapa-init ng dugo niya pero ng magpumilit ito na tumabi sa kanya ay wala siyang nagawa.

"Well, hindi ko alam na dancer ka pala, Hayley." Panimula ni Landon. Isang tipid na ngiti ang sinagot ni Hayley. "Yeah, she used to be known as the Dancing Queen of Kleid Moda." Sabi ni Ashley. "Hindi n'yo naitatanong pero magaling din sumayaw si Nico." Sabi ni Dashiell na naging dahilan para pukulin siya ng masamang tingin ng binata. "Really? Sample naman d'yan." Hamon ni Lily. "Matagal na 'yun. I don't think my muscles will cooperate." Sabi ni Nico. "Sayang, game pa naman si Hayley na maging partner mo." Sabi ni Ashley na nagpalaki sa mga mata ng dalaga dahil hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. "Really? Then, it will be my pleasure." Sabi ni Nico at inilahad ang kamay kay Hayley. Gustong sabunutan ni Hayley ang dalawang kaibigan na abot tenga ang ngiti. "Ley, 'wag mo naman pag-intayin si Nico." Sabi ni Lily na ikinaikot ng mata ni Hayley. "Will you dance with me?" Tanong ni Nico na nakatingin kay Hayley. Walang nagawa si Hayley kungdi tanggapin ang kamay ni Nico.

Tinanguan ni Nico ang DJ at pagkatapos ay nadinig na sa ere ang tugtog na "Senorita".

Nagulat si Hayley ng hapitin ni Nico ang bewang niya dahilan para magkalapit ang mga katawan nila. "Dance with me." Bulong ni Nico sa tainga ni Hayley dahilan para tumayo ang balahibo niya sa batok at mag-init ang kanyang mukha. Ngumiti si Nico ng makita ang reaksyon ng dalaga. Gustong isisi ni Hayley ang kakaibang nararamdaman sa mga beer na nainom niya pero alam niyang hindi lang iyon ang dahilan. "Dance with me, baby." Ulit ni Nico. Tumingin si Hayley sa mukha ng binata at nakita niya ang paghahamon nito kaya kumilos siya na ikinabigla ng binata. Ngumiti si Hayley ng makahulugan at pagkatapos ay sinabayan ang tugtog kung saan kumembot siya, gumiling sa harap ni Nico. Sigawan ang lahat lalo na ang dalawang kaibigan niya. "Go, girl!" Sigaw nila Ashley at Lily. Sila Landon at Dashiell naman ay alam na tinamaan na si Nico sa ginagawa ni Hayley. Muling hinapit ni Nico ang bewang ng dalaga at sinabayan ang paggalaw ni Hayley. Sigawan ang lahat dahil sa galing ng dalawa. Galaw ng kamay at mga paa, kembot ng bewang, para silang isang puzzle na pinagdikit ng isang sayaw.

Kapwa habol nila ang hininga ng tumigil ang tugtog. Nagpalakpakan ang lahat. Babalik na sana si Hayley sa upuan pero bigla siyang hinila ni Nico at walang paalam na hinalikan siya sa kanyang labi. Napanganga sila Ashley at Lily. Sila Dashiell at Landon naman ay nakatinginan ng makahulugan. Nagulat si Hayley sa ginawa ni Nico. Ramdam niya ang malalambot nitong labi na pilit tinutukso ang kanyang labi na tumugon pero mas nangibabaw ang galit niya sa binata. Itinulak niya ito ng buong lakas at pagkatapos ay dumapo muli ang kanyang kamay sa pisngi nito sa ikalawang pagkakataon. (Ang una ay ng nasa elevator sila.) Nagmamadaling umalis si Hayley sa lugar, kasunod niya ang dalawang kaibigan. Naiwan sa gitna si Nico na may mga ngiti sa gwapo niyang mukha. Masakit ang pisngi niya dahil sa sampal ni Hayley pero nangibabaw sa kanya ang halik na nangyari ngayon lang.

次の章へ