webnovel

Chapter 4

When I'm with you,eternity is a step away,

my love continues to grow, with each passing day.

This treasure of love, I cherish within my soul,

how much I love you, you'll never really know.

You bring a joy to my heart, I've never felt before,

with each touch of your hand, I love you more and more.

Whenever we say goodbye, whenever we part,

know I hold you dearly, deep inside my heart.

So these seven words, I pray you hold true,

"Forever And Always, I Will Love You."

- Unknown -

"See, as usual, with her pen and paper." Sabi ni Ashley ng makita si Hayley na nakaupo at busy sa pagguhit ng kanyang mga designs. Ni hindi niya namalayan ang paglapit ng dalawang kaibigan. "Ley!" Sigaw ni Lily na ikinagulat ni Hayley. "My gosh, Lil! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag mo kong gugulatin. Tingnan mo!" Sabi ni Hayley sabay turo sa isang mahabang guhit ng lapis sa sketch pad niya. "Sorry." Hinging paumanhin ni Lily. "Anyways, lunch na tayo. Grabe si Leandra, 'yung stress niya sa upcoming fashion show sa amin niya binubunton." Nakapamewang na sabi ni Ashley. "Just bear with him. Alam n'yo naman na para din sa inyo ang ginagawa niya." Sabi ni Hayley habang nililigpit ang mga gamit. "May lakad ka?" Tanong ni Ashley. Usually, hindi nililigpit ni Hayley ang mga gamit niya unless may meeting siya with a client outside KM.

"Yeah, a business tycoon and his actress fiancee are getting their heads tie in a rope." Sabi ni Hayley na kinatawa ng dalawa niyang kaibigan. "Saan na naman ang venue ng meet-up? Baka kagaya nung last na client mo na sa bundok pa kayo nagkita because they were both hikers." Natatawa na sabi ni Lili ng maalala at itsura ng kaibigan ng umuwi ito sa condo unit nila na puno ng putik ang buong katawan. "At ininusumpa ko ang araw na 'yun." Inis na sabi ni Hayley. Pasalamat na lang siya at pangharagan ang sasakyan kungdi ay baka nagtulak pa siya ng wala sa oras. "Sa office nung groom, somewhere in Makati." Sabi ni Hayley. "Matatagalan ka ba doon?" Tanong ni Ashley. "Hindi naman siguro. Ipapakita ko lang naman ang mga designs ng wedding gowns, damit ng groom, and the whole entourage." Sagot ni Hayley. "So, intayin ka na namin?" Tanong ni Lily. "Yeah, nakakahiya naman sa inyo kung hahayaan kong mag-comute ang mga models na kagaya n'yo." Nakairap na sabi ni Hayley. "Kaya love na love ka namin eh." Halos sabay na yumakap ang dalawang dalaga kay Hayley.

Pagkatapos nilang mag-lunch ay umakyat ng muli sila Ashley at Lily sa Runway Floor. Si Hayley naman ay bumaba sa underground parking para kunin ang FJ Cruiser niya. Bago niya pinandar ang sasakyan ay nag-text muna siya sa lalaking client na papunta na siya. Nang magreply ito ay saka lamang siya umalis sa lugar.

"Hi, good afternoon. I'm here for Mr. Dashiell Alvarez." Sabi ni Hayley sa information deck. "Good afternoon, Ma'am?" Tanong ng information clerk. "Hayley Acosta." Sagot ng dalaga. "Oh, as in Hayley Acosta of Kleid Moda?" Nakatawang tanong ng information clerk. "Yes." Sagot ni Hayley. "He's expecting you. Please proceed to his office directly, 15th floor." Sabi ng information clerk. "Thank you." Sabi ni Hayley at lumakad na papuntang elevator.

"Girl!" Tili ng information clerk sa kasamahan na kagagaling lang mula sa lunch break nito. "Grabe ka naman, makatili wagas!" Sabi ni clerk 2. "Titili ka din kung malalaman mo kung sino ang nakausap ko." Sabi ni clerk 1. "Artista ba?" Umiling si clerk 1. "Politiko?" Muling umiling si clerk 1. "Eh sino ba?" Inis na tanong ni clerk 2. "Si Hayley Acosta!" Sabi ni clerk 1. "Weh, hindi nga?" Hindi makapaniwala si clerk 2. "Oo nga, tingnan mo sa cctv." Ganoon nga ang ginawa ni clerk 2.

"Betch by golly wow! Siya nga!" Tili ni clerk 2. "Kung maganda siya sa magazine, mas maganda siya sa personal. Grabe, dinaig niya pa yung mga modelo ng KM!" Sabi ni clerk 1. "Iintayin ko siyang bumaba." Sabi ni clerk 2 at binantayan nga niya ang lahat ng monitor ng cctv lalo na ang naka-focus sa hallway papuntang office ng kanilang boss.

"Mr. Alvarez, Ms. Acosta is already here." Sabi ng secretary ni Dashiell sa office intercom. "Let her in." Sagot ni Dashiell. Pagbukas ng pinto ay bumungad agad kay Hayley si Dashiell at ang isang lalaki na nakaupo sa couch na nasa loob ng office ni Dashiell. "Good afternoon, Mr. Alvarez." Magalang na bati ni Hayley. "Dashiell is fine. Mukha namang magkaidad lang tayo Ms. Acosta." Sabi ni Dashiell. "Hayley." Sabi ng dalaga pagkatapos ay nagkamay ang dalawa. "Please have a seat." Sabi ni Dashiell at naupo nga siya na nakaharap sa lalaki. "May shooting pa kasi si Quinn so for now one of my best man will join me in deciding what will be my suit. By the way, Hayley, this is Nico." Sabi ni Dashiell, saka lang nagtaas ng paningin si Nico na busy sa pagtingin sa magazine. Bago sinara ng binata ang magazine na hawak ay nasilip pa ni Hayley na siya at ang kanyang Tito Leo ang nasa loob ng magazine.

"Hi, Ms. Hayley Acosta." Ramdam ni Hayley na may kakaiba sa boses ng binata ng banggitin nito ang pangalan niya pero hindi na niya lang ito binigyan ng pansin. "Hello, Nico." Ganting bati ni Hayley at inabot ang kamay ng binata. Bago siya bitiwan ng binata ay ramdam niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya pero sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya binigyang pansin iyon.

"Well, pwede ko bang makita ang mga designs mo?" Sabi ni Dashiell. Kinuha niya ang sketch pad niya at inabot kay Dashiell. Habang ini-explain niya sa binata ang mga motifs ng suits ay ramdam ni Hayley ang mapanuring mga mata ni Nico sa kanya. Pakiramdam niya ay hinihimay nito ang buong pagkatao niya.

"All of your designs are beautiful. Hindi ako makapili." Nakangiting sabi ni Dashiell. "Palagay mo, Bro?" Tanong ni Dashiell kay Nico. "Ikaw ang ikakasal, Bro, so better decide on your own." Sagot ni Nico na hindi pa din tinatanggal ang tingin kay Hayley. "If I may suggest, maybe, this will fit your taste." Sabi ni Hayley at tiningnan naman ni Dashiell ang itinuro ng dalaga. "Yeah, that's my first choice. Sige, that will be my suit. Buti pa 'tong si Hayley nakatulong, ikaw na best man ko pa man din ay walang silbi." Sabi ni Dashiell sa kaibigan pero nakibit balikat lang ang binata.

Biglang tumunog ang phone ni Dashiell. "Yes, Hon? Okay, I'll tell her. Love you too. See you later." Sabi ni Dashiell sa kausapan na palagay ni Hayley ay ang bride. "Pasensiya ka na pero nalagay sa alanganin si Quinn. Pwede bang pumunta na lang kami sa Kleid Moda bukas para makita niya ang mga designs mo para sa wedding gown?" Sabi ni Dashiell. "Sure, no problem." Sagot ni Hayley. "Thank you." Sabi ni Dashiell. Tumayo na si Hayley mula sa upuan at nagpaalam na. Ni hindi niya tinapunan ng tingin si Nico at ganoon din ang binata kay Hayley.

"What do you think?" Tanong ni Dashiell sa kaibigan. "She's very pleasant to the eye." Sagot ni Nico. "Oh come on, Nico." Sabi ni Dashiell. "What?" Nangingiting sabi ni Nico. "The word is not enough for her." Sabi ni Dashiell. "Fine, fine. She gorgeous." Sagot ni Nico. "And?" Dugtong ni Dashiell. "Sexy?" Umikot ang paningin ni Dashiell sa nadinig mula sa kaibigan. Pinagpatuloy na ni Dashiell ang trabaho. Si Nico ay kinuhang muli ang magazine na tinitingnan kanina. "She's beyond beautiful and she will be mine." Sabi ni Nico sa sarili pagkatapos ay may sumilay na makahulugang ngiti mula sa gwapo niyang mukha.

次の章へ