Si Andrea Miller ay isang mabait at matalinong babae sa kanilang campus. Siya ay mahilig sa mga libro at mahilig siya sa mga storyang hindi kapani-paniwala. Marami siyang collection ng libro at ang mga ito ay tungkol sa Vampire, Werewolf, Mermaid at kung ano ano pa. Kahit na mahilig niyang basahin ang mga ito ay alam niyang hindi talaga ito nageexists sa mundong ginagalawan niya. Dahil sa nangyari ay biglang dumating sa buhay niya si Phoenix Magdrigal isang transferee student. Gumulo ang tahimik niyang buhay .Nagkaroon ng iba't ibang pangyayari sa kanyang buhay na akala niya ay sa libro lang ito nakikita. Ano kaya ang papel ni Phoenix Magdrigal sa kanyang buhay ? at bakit nangyayari ang mga bagay na hindi niya inaasahan ? matutuwa ba siya dahil nakikita niya ang dating binabasa niya lang noon ? o magagalit dahil sa maraming tao ang napapahamak ?
Andrea POV
Hapon na at huling subject na lang at tapos na ang araw ko sa paaralan namin. Habang ako ay nag gugupit ng ipandedesenyo namin sa aming iprepresent ay biglang nagsalita si Mr. Gibson.
"Okay class masyado tayong nagenjoy sa ating lesson ngayon at hindi na natin namalayan ang oras" - ani ni Sir Gibson. Tumayo ito at nagligpit ng kanyang gamit sa lamesa
"Itutuloy na lang natin ito bukas itabi niyo na ang mga gamit niyo at maghanda na para umuwi." At lumabas na ang aming guro.
Lagi naman ganun si Sir Gibson hindi nagpapaalam samin kasi ayaw niya ang salitang Goodbye hindi niya ito nakwento kung bakit ayaw niya ang salitang iyon. Sa palagay ko dahil siguro sa nakaraan ni Sir.
Kahit na ganun yun mabait at maayos magturo ito at hindi lang yun gwapo pa! Hayyy nako sir akin ka na lang please charoott aral muna bago landi.
Dali-dali akong nagligpit ng aking mga gamit lalo na ang mga art materials ko dahil lagi na lang ako nawawalan ng gunting,colored paper at iba pa. Makikita ko na lang ito sa iba kong kaklase at aangkinin na nila ito .
Wala eh kahit na lagyan ko ng pangalan ang mga gamit ko nawawala pa din at hindi nababalik sakin. Kinalabit ako ng Bestfriend kong si Cloud at binulungan.
"Sissy sabay us uwi ? "
Siya si Cloud Evangelista yup he is a gay hahahaha kay gwapong nilalang no ? sayang ang kanyang lahi nako kung type ko lang to baka narape ko na to . Baka kung hindi ko lang alam na baklush itong si cloud eh tinukso ko na ito na may gusto siya sakin .
Ako lang kasi kinakausap niya dito sa loob ng isang buwan . Isa siyang transferee student kaya isang buwan pa lamang siya dito sa paaralan at ako lang din nakakaalam ng sikreto niya .
"Syempre naman tatanggihan ba kita Cloudy ?" pang-aasar ko sa kanya.
"Ayiiieee, Cloudy daw pre oh narinig mo yun amoy fishy!"- pang-aasar ni Bryan.
Yan si Brian Sanchez ang pinakamapagasar naming kaklase . Wala ng ibang ginawa kung hindi ang mangasar at mangbully ng kapwa estudyante.
"Manahimik ka nga Brian! Kalalaking tao eh tsismoso !" kinawit ko na ang aking bag sa likod ko
"Halika na Cloud" hinila ko ito palabas ng classroom.
"Teka lang naman bessy wag ka magmadali ! Kala mo naman hinahabol ka ng aso eh may lakad ka ba ? madaling madali ah'- ani ni cloud.
Binitawan ko siya at tuloy tuloy sa paglalakad. Paano ba naman may babasahin pa ko kaya nagmamadali akong umuwi may iniwan daw na libro ang pinsan ko sa kwarto ko alam nito ang mga librong gusto kong basahin kaya naexcite ako ng malaman ko iyon. Palabas na ko ng gate ng ..
"ANDREA!" huminto ako sa narinig kong sigaw ng pangalan ko at lumingon sa likod ko. Ay shocks lutang ka na naman andrea may kasabay ka umuwi at nakalimutan mo pa talaga ano ! Ang shunga ko naman . Tumakbo ito palapit sakin.
Nung nakalapit na ito hingal na hingal ito
"Ano ba yan bessy!" inis na ani nito
"Ang bilis bilis mo naman maglakad care to share naman at nagmamadali ka umuwi" sabay pout nito . Awww ang cute talaga ni cloud.
"Alam mo kasi cloudy..." Humarap ako para makita ang itsura ni Cloud. Sumeryoso ako ng mukha. Tinitigan ko siya sa mata at hinawakan ko ang makabila niyang pisngi. Nagulat siya sa ginawa kong aksyon at ngumiti ako sa kanya at sabay pisil ng kanyang pisngi.
Kasabay nito ang pagsabi ko na "Ang cute mo kasi! HAHAHAHA"
"ANO BA! TAMA NA ANDREA MASAKIT ! " sigaw nito.
Natulala ako at binitawan ko siya. Shete nagyon ko lang nakita yung mukha niyang ganun parang dissapoint ? hays ewan.
"Tss. Di na ko sasabay sayo una na ko." Bakas sa mukha nito ang pagkairita dali dali itong naglakad ng mabilis at iniwan siya sa labas ng gate ng St. Academia . Hayss iniwan niya ko bakit kasi napagtripan ko ang pisngi nito ? ayun tuloy nagalit .
Malungkot akong naglalakad ng eskinita papunta sa bahay namin. Hay nako inabutan na ko ng dilim. Habang naglalakad ako ay may narinig akong umiiyak, nagtago agad ako sa malaking poste.
"TAMA NA PO AYOKO NA HUHUHUHUHU WALA PO AKONG ALAM !" ani ng babae habang umiiyak. Damn ano na naman tong pinapasok mo Andrea! Anong ginagawa niya bakit umiiyak ang babae ?
"ANO! HINDI KA BA TALAGA MAGSASALITA O PAPATAYIN NA KITA AGAD ?" ani nung lalaki.
Sumilip ako para tingnan kung ano ang nangyayare sa dalawa.
Nakita ko na nakatayo ang lalaki at mga dalawa o tatlong hakbang ang pagitan nila nung babae . Pero ang babae ay unting unting lumuluhod na sa hirap tila sinasakal ito ngunit wala akong nakikitang sumasakal dito, imposible naman yung lalaki ang sumasakal eh nakatayo ito ? so paanong nangyare na nahihirapan huminga ang babae ?
"Kung ako sayo magsasalita na ko alam mong ayoko ng TAKSIL!" ani ulit ng lalaki tila naiinis na ito at ang aura nito parang iba . Ang bigat at ang dilim hindi normal ang awra niya. Bigla itong kumumpas at napa upo ang babae habang hinahabol nito ang hininga tila hindi na ito hirap na hirap katulad kanina nung una niya itong masaksihan.
Aalis na ko, dahil natatakot na ko na baka may mangyari at masaksihan pa akong iba. Dahan dahan akong naglakad patalikod sa kanila ng hindi ko inaasahan na may chichirya sa daanan ko at natapakan ko ito.
Lumikha ito ng ingay sapat para marinig nila napakagat ako ng labi at dahan dahan akong lumingon sa kanila at nakita ko ang lalaki na nakaharap sakin ang mga mata nito iba kulay pula katulad ng dugo, ang labi nito ay kulay pula rin ang kutis nito ay puti kasing puti ng gatas .
Tiningnan ko ang babae na umiiyak at nakatingin ito sakin na parang gulat na gulat at mas lalo itong humagulgol. Bakit mas lalo siyang umiyak ng makita ako ?
"So kanina ka pa ba jan ?" bumalik ang tingin ko sa lalaki . Damn hindi ako makagalaw ! Hindi ko makontrol ang mga paa ko parang may pumipigil na tumakbo ako papalayo sa mga ito . Damn!
"hindi po kararating ko lang" sana lumusot ayoko pang mamatay . Napatingin ulit ako sa babae mas lalong umiiyak ito.
"Magsasalita na ko pakawalan niyo lang ang babae" bakit niyo ? eh isa lang naman ang lalaking kaharap namin ? Did she see something ? magsasalita na sana ako ng maramdaman ko na nawala ang pumipigil sa paa ko.
"Nagplaplano silang pabagsakin ka na dahil nalaman nila ang plano mong pagsakop sa mundong ito" anong pagsakop na pinagsasabi nito ? hindi ko maintindihan. Sino ba tong lalaking to ? tatakbo ba itong presidente ?
Biglang kumumpas ang lalaki sa hangin at nagulat ako ng nahiwa ang ulo nito at sumirit ang dugo.
Kasabay nito may naramdaman akong pumipigil sa aking katawan upang hindi ako makakilos.
"Tss. Walang kwenta." damn! hindi ko nagawang sumigaw sa sobrang gulat ko. Paano niya nagawa iyon ? wala itong hawak na itak o kahit anong patalim ?
"Simple lang dear, gusto mo ba malaman kung paano ?" humarap ito sakin at unting unting naglalakad palapit sakin.
" At dahil may nawala ikaw ang ipapalit ko sa kanya " ngumiti ito ng kakaiba . Ngiting demonyo at mas lalo pang naging pula ang mata nito
"Simulan na ang ritual" bigla na lang ako napahiga at lumutang sa ere.
Damn ayoko na sana panaginip lang ang lahat please anyone help me .
"aperi oculos tuos" bulong nito
"aperi oculos tuos" unti-unti kong nakikita ang mga kasama nito na nakapalibot sa'kin at ang akala ko na magisa lang ito pero ang totoo ang dami nila at puro sila tao ? Bakit ang pupula ng mga mata nila ?
"aperi oculos tuos" nakaramdaman ako ng antok. Unti unti kong ipinipikit ang aking mga mata ng may maaninag akong sobrang liwanag na galing sa kalangitan.
May nakita akong napakagwapong nilalang para siyang anghel na bumaba galing sa kalangitan .
Naaninag ko pa ang nangyari sa lalaki kanina tila nasilaw ito sa gwapong lalaki. At biglang naglaho ng parang bula .
Everything went black.