webnovel

Chapter Twenty-Nine

Audrey Dela Cruz

Maaga akong umalis sa bahay para pumasok sa school. Last day na ito at kailangan ko nalang ng attendance. Ch! Ang totoo nyan para lang ang araw na 'to sa mga taong hindi pa tapos ang mga projects nila. Last chance na nila ang mag-submit ngayon. At isa na sa mga late ang Crazy Trios. Ngayon lang nila ipapasa ang projects nila kaya naman haggard sila. Seriously, para parin silang mga high school students.

Naglalakad na ako sa hallway ng school at napadaan ako sa Science Lab, medyo nakabukas ang pinto nito. May dalawang taong nag-uusap, hindi ko naman sinasadya na makinig pero may sarili yatang pag-iisip ang mga paa ko at ayaw lumakad.

"Sigurado ka ba na nagawa mo nang maayos ang ipinagawa ko sa'yo?"

"Oo," tipid at malamig na sagot ng lalaki.

"Mabuti naman, maaasahan ka talaga," tumawa ang babae.

"Nagawa ko na kaya kung pwede hwag ka na ulit lumapit pa sa'kin." sabi ng lalaki.

"Oh pleaaaase, as if gusto kong lapitan ang isang katulad mo. Nakakasuka ka kayang tignan, ang sakit mo sa mata."

Yung boses na 'yon. Yung maarteng boses na yon, kilala ko 'yon.

"Ito na sana ang huling beses na mag-uusap tayo Maddison," cold na sabi ng lalaki.

Sino kaya yung lalaki? Sinilip ko ang room. Nakatalikod sya sa'kin. Pero yung babae, tama nga ang hinala ko. Si Maddison. Tawa palang nya alam ko na. That darn ugly laugh.

"Nope, hindi pa tapos ang trabaho mo sa'kin. Masyadong interesting ang laro na 'to. This is soooo much fun! And I want FUN!" nag-smirk sya.

Medyo nag-side view yung lalaki kaya naman nakita ko ang kalahati ng mukha nya. Pero sapat na 'yon para makilala ko sya. Si Romeo. That darn ugly human being with that darn girl with darn ugly laugh! Ano'ng ginagawa nila na magkasama? At bakit parang ibang-iba ang aura ni Pangit?

Parang hindi sya. Umalis na ako sa tapat ng pinto. Mahirap na dahil baka mahuli pa nila ako. Hindi ko naman maiwasan na mapa-isip. Ano'ng meron sa kanilang dalawa?

次の章へ