webnovel

Chapter Ninety-Seven

Kinabukasan napansin ng Crazy Trios ang madilim kong aura pagkapasok ko sa classroom. Wala talaga ako sa mood. Naiinis parin ako. Napuyat din ako kakaisip kung bakit may babaeng kasama si Timothy. Ipinagpalit na ba nya ako? Imposible! Ilang weeks pa lang ba kaming wala? Months?

"Woah! Sammy.. Uhh.. Ano'ng nangyari sayo?" gulat na tanong ni China.

"Ang pangit ng aura mo today ah!" sabi ni Maggie.

"Ang laki ng eyebags mo," komento naman ni Michie.

"Alam ko," sabi ko at pasalampak na naupo sa pwesto ko.

"Di ka nakatulog?" tanong ni Michie sa akin.

"Namimiss mo na ba yung house natin?" tanong naman ni China.

"Lumipat ka na ulit kaya?" alok ni Maggie.

Gusto ko kaso...

"Di ako papayagan ni Kuya."

"Kuya na naman. Sapatusin ko yun eh!" bulalas ni China.

"Oy hwag! May masasakatan," loko ni Maggie sabay tingin kay Michie.

"Eh? May boyfriend na ako di'ba?" sabi ni Michie.

"Ewan ko. Di pa naman namin nakikita yan 'imaginary boylet' mo. Inampon mo ba yan sa Foster Home for Imaginary Friend?" hindi naniniwalang tanong ni China sa pinsan nya.

"Oo nga Michie. Sino nga ba ang boyfriend mo?" tanong ko.

"Si Mario!" malapad ang ngiti na sagot ni Michie.

"Taray teh! Lapad ng ngiti!"

"Bitter much China?"

"Che! Ikaw NBSB!"

"Eh di ikaw na ang may sawing lovelife!"

Ouch! Sawing lovelife. Naalala ko na naman si Timothy. Pati ang nangyari kahapon. Sino kaya yung babae? Ano'ng ginawa nila kagabi? Naglaro ng pitik bulag o ng bahay-bahayan? Ouch. Ang sakit ng ulo ko. Nakikisabay pa tong puso ko.

***

Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen. Ayaw parin nila akong tigilan. Eh ano naman ngayon kung mukhang nakagat ng ipis ang mga mata ko. Inaantok ako at ang isa pa umiyak na naman ako kaninang umaga. Namimiss ko na kasi talaga si Timothy. Para syang oxygen, nahihirapan akong huminga kapag wala sya. Kailangan ko talaga sya. Kailangan ko syang makita. Gusto ko rin malaman kung sino yung babae sa condo nya. Nagseselos ako. Ayokong mapalitan sa buhay nya. Makikipag-ayos ako. Hindi ko sya kayang mawala! Pero pano kung ayaw na nya?

Hindi ako maka-concentrate sa mga klase na pinapasukan ko. Sya lang ang laman ng isip ko. Haay Timothy. Magpakita ka sa'kin today please! Bago pa ako matuluyan na mabaliw kakaisip sa'yo!

"Grabe kung makalutang ang kaluluwa ni Sammy oh," pansin ni China.

"Shut up." Nagpatuloy ako sa pagkain.

*Click* Biglang may nag-flash sa mukha ko. Napakurap ako. Sinamaan ko sila ng tingin. They enjoy my misery.

"Hihihi!" tawa ni Maggie na may hawak na camera.

"Delete mo yan!" sita ko.

"Ayoko nga. Ipo-post ko to sa facebook!"

"You wanna die?"

"Ita-tag ko nalang sa'yo Sammy!"

"Tag! Puro tag na nga ang picture ko!" inis na sabi ko.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Di ko na ulit sila pinansin. Napagod na sila sa kaka-inis sa akin kaya sila-sila nalang ang nag-asaran.

"UNNIE!!!" may sumigaw sa cafeteria.

Pag-tingin ko.. si Amarie. Tumakbo sya palapit sa akin nang may malapad na ngiti sa labi.

"Unnie! I missed you so much!" yakap nya sa'kin.

Nagulat ako. Nabilaukan ako bigla.

"Oopps! Mianhe Unnie. Here, drink this water muna," inabutan nya ako ng tubig.

Ininom ko kaagad. Awkward.

"Haha! It's so nice to see you again. Gosh it's been a year! How are you guys doing?" asked Amarie with a big ol smile.

"Nosebleed," bulong ni China.

"Total nosebleeding!" bulong din ni Maggie.

"We're doing fine. This is our last year here so we're trying to make happy memories! It's good to see you again Amarie!" masayang sabi ni Michie.

Nawala ako sa sarili kong mundo. Napatingin kaming tatlo nila China at Maggie kay Michie. Nag-ingles sya! Nalaglag ang panga ko. Ano'ng nangyari habang wala ako? Bakit hindi ko napansin na nag-upgrade ng memory si Michie?!

"Ayos ba?" tanong ni Michie.

"Ay! Taray! Kailan pa yan?!" tanong ni China.

"Natuto ako kay Mario! Hehe!" sagot ni Michie.

"Bakit Amerikano ba 'yan? Kailangan inglesin?" usisa ni Maggie.

"Half. Sa Thailand sya nakatira."

"Ngek! Papuntahin mo dito dali!"

"Kapag hindi na sya busy sa work nya."

"Ano ba ginagawa nya? Plumber? Haha! Mario and Luigi? Hahaha!" tawa ni Maggie.

"Artista sya."

"Oh! You mean Mario! As in Mario Maurer?!"

Nandito nga pala si Amarie Muntik ko na makalimutan.

"Yes! Yes!" tango ni Michie.

"Oh My Gosh! I so love him! You're so lucky Michie-Unnie!" sambit ni Amarie.

At nagtawanan sila. Ako na OP. Sino 'yon?

次の章へ