webnovel

Chapter Forty-Nine

"TOP!"

"Oh?"

"Delete mo 'yan!"

"Nope!" nakangiti pa sya at umiling na parang bata na ayaw kumain ng gulay. Pasaway!

"You sneaky b@stard! Kaya mo pala pinaulit sakin! Grr!" nag-cross arms ako at tumalikod sa kanya.

"Are you mad?"

"Hwag mo nga akong matawag-tawag na Wifey!"

"Pero asawa kita kaya—"

"Pwes talk to my lawyer dahil makikipag-divorce na ako sayo!"

"Wha-What?! Divorce?!"

"Yup! At ipapadala nalang ng lawyer ko ang divorce papers sa-aray!" bigla nya akong binatukan. Jerk!

"Hindi tayo mag-di-divorce Wifey!"

"You b@stard! Abusive Hubby! Hihingi ako ng tulong sa Gabriela!"

Mabilis nya akong ninakawan ng halik sa labi. Nakangiti lang sya sa'kin nang nakakasilaw kaya naman hindi ko sya magawang bugahan ng apoy. Naku! Masyado kasing gwapo eh! (>.<)

"I have something for you." Ngumiti sya at binuksan ang kanyang kotse. "Here!" May pinakita syang malaking bagay

"KYAAAH! Ang Bear na may—walang cap!! Asan yung cap?!" sigaw ko.

"Ah shit! Ginulpi ko na sya pero ayaw nyang sabihin kung nasan yung cap," bulong nya.

"Huh?!"

"Nevermind." -___-

"N-Nakipag-away ka ba... para dito?"

"Sa gabi..." kinuha ulit nya yung Bear.

"Huh?"

"Dahil hindi pa tayo pwedeng magsama. Sa gabi, ito na muna ang katabi mo. Hangga't hindi pa talaga tayo ikinakasal magtiis ka muna sa matabang oso na 'yan. Kahit hindi ko kamukha, isipin mo nalang muna ako 'yan."

"Hubby," binigay nya ulit yung bear.

"What?"

"I freakin love you!"

"You wanna die? You are not allowed to cuss Wifey!"

"At hindi na din ako makikipag-divorce sayo... kahit kailan!"

"Just try and you're dead!"

"Wala ka bang 'I love you too'?" I pouted.

"I freakin love you too retard!"

***

Nagdadaldalan ang mga kaklase ko. Ako naman as usual nagbabasa ng libro. May naramdaman akong nakatingin sa'kin, paglingon ko, si Audrey. Bigla syang nag-smirk at nakipagdaldalan sa mga friends nya. Ano'ng problema nun?

"Nandyan na si Ma'am!" sigaw ni Irish Wendy galing sa hallway, tumakbo sya at umupo sa pwesto nya.

Nagsibalikan sa kanilang pwesto ang mga kaklase ko at nanahimik. Pumasok sa classroom ang instructor namin sa Filipino.

"Good morning, class may ia-announce ako sa inyo tungkol sa meeting ng mga faculty," sabi ni Ms Cruz. "Makinig kayong mabuti."

"Ano kaya yun?" - Tiffany

"Baka naman tungkol sa exam," - Beatrice

"Sana fieldtrip!" - Irish

"Oo nga, sana mag-disney land tayo!" - Pamela

"Sshh. Magsasalita na si Ma'am" - Arielle

"Ang lahat ng fourth years ng School natin ay lilipat ng ibang School," umpisa ni Ms Cruz.

"HA?! ANO?! BAKIT?!" halos sigaw ng lahat.

"Ma'am ano po ang ibig nyong sabihin na lilipat ng School?" - Michie

"For one week hindi na muna kayo papasok sa St. Celestine High kundi sa ibang School. Normal Schools. Napag-desisyunan ito upang maihanda kayo sa College. Makipag-socialize sa ibang tao, opposite sex."

"KYAAH! MGA BOYS!" - Cheska

"Sana sa School ng boyfriend ko tayo pumunta!" - Janna

"Ms Rivera! Ms Jacinto!" saway ni Ms. Cruz. "Gusto ko lang malaman nyo na imo-monitor parin namin ang mga kilos nyo sa ibang Schools. Isa itong test kung pano nyo dadalhin ang mga sarili nyo at ang pangalan ng St. Celestine High sa labas."

"Isang test?" - China

"Sa lahat ng tests ito ang pinagkagusto ko! Sa wakas! Boys here I come!" - Cheska

Nagtawanan kami sandali sa sinabi ni Cheska.

"Oo isang test. Hindi lahat kayo ay ipapadala sa iisang school. Napagdesisyunan na namin kung sino ang magkakasama sa isang palabunutan. Tatlong estudyante ang magkakasama na ipapadala sa bawat school na napili namin."

"Tatlo lang ang magkakasama?!" - Lisa

"Sino kayang kasama ko?" - Maggie

"Ms dela Vega, sa grupo mo tayo mag-simula. Ang makakasama mo ay sina," tumingin si Ms Cruz sa papel. "China dela Vega at Michelle Sta Maria."

"Ayos! Buo parin ang Crazy Trios! Saan School po?" excited na tanong ni China.

"Sa Charleston Academy."

"ANO PO?!" Napatayo sa upuan nya si China habang gulat na gulat. "Sa Charleston?! P-Pero Ma'am! Pwede po ba sa iba nalang?!"

School ng ex ni China na si Kenneth kaya sya nagkakaganyan.

"Ms dela Vega, hindi ka pwedeng mamili ng School. And please sit down. Ang isa pa magandang School ang Charleston Academy, maswerte kayong tatlo dahil doon kayo napunta. May worse School pang napunta sa list ng klase natin."

"At ano pong School iyon?"

"Ang Pendleton High."

"PENDLETON HIGH?!" napasigaw ang mga kaklase ko.

Nabalot ng pagkatakot ang aura ng room namin. Parang isang bad omen ang pagsasabi ng pangalan ng school na 'yon. Namutla naman ako sa narinig ko. Ang School nila TOP? May papasok sa school nila?! Naalala ko ang karanasan ko sa school na 'yon. Kasumpa-sumpa!

"Pero Ma'am School po iyon para sa mga boys lang, di po ba?" - Amor

"School para sa mga delinquents." - Sonia

"Class be quiet! Ang ibang schools na napili para sa atin ay puro co-ed o kaya naman ay Boys School. Katulad nga ng sinabi ko kailangan nyo makipag-socialize sa mga ka-opposite sex nyo."

"Pwede po bang malaman kung sino ang ipapadala sa Pendleton High?" - Audrey

"Sana hwag ako!" - Grace

"OMG sana hindi ako!" - Paula

"Gusto ko pang mabuhay nang matagal! Ayoko don!" - Eliza

"Sana ako! Sana ako! Maraming boys! Sana ako!" - Cheska

"Ang mga nabunot na pangalan para sa Pendleton High ay sina," tinignan ni Ms Cruz ang papel na listahan. "Ms Ortaleza—"

"YES!! YES!!" - Cheska

"—Ms dela Cruz"

What?! Si Audrey mapupunta sa School nila TOP?! Tinignan ko sya at mukha naman syang masaya. Pinagpapantasyahan nya parin ang boyfriend ko. Kaasar! Kaya ba sya naka-smirk sa'kin kanina? Dahil alam nyang mapupunta sya sa school ni TOP at makakasama nya ang boyfriend ko?! Kaasar!

"—at ang kukumpleto sa grupo nyo ay si Ms Perez. I'm sorry girls. Hwag kayong mag-alala kinausap na namin ang Principal nila. Magiging safe kayo roon."

"Oh my God," bulong ko. Nawalan ng kulay ang mukha ko.

Ako plus Audrey na mortal enemy ko plus Cheska the Chismosa plus Pendleton High aka School nila TOP equals MY WORST NIGHTMARE!!

OMG! Ano'ng gagawin ko?! Kapag nalaman ni Cheska na may boyfriend akong gangster lagot ang reputation ko!! Siguradong kakalat 'yon dito sa School! Ano nang gagawin ko?! I'M DOOMED!!

"KYAAH! Excited na ako sa bagong School natin! Hi Samantha! Magkapareho tayo ng School!" - Cheska

"What the eff sa lahat ng classmates ko kayong dalawa pa ang kasama ko!" react ni Audrey "Isang loser-freak and isang big-fat-liar!"

"Audrey sinong big-fat-liar?!" - Cheska

"Loser, hindi mo dapat angkinin ang title na para kay Samantha! Nakarinig ka lang ng word na F-A-T inangkin mo na!" mataray na sagot ni Audrey.

"Ano'ng sinabi mo?!" - Cheska

"Oh well, Samantha ngayon natin malalaman kung sino ang mananalo. Tingnan lang natin after a week kung ikaw parin ang maging number one sa St. Celestine High." - Audrey

"Shut up Audrey." - Maggie

"Whatever, let's go girls," tawag ni Audrey sa mga followers nya.

Lumabas na sila ng classroom.

"Please tell me hindi ito totoo," sabi ko at kinurot ang pisngi ko. Masakit! Totoo nga!

"Isa itong bangungot!" itinaas ni China ang dalawang kamay niya at kanyang iwinagayway. At bigla syang nag-collapse sa kanyang mesa.

"Ang malas nyo hahaha! Buti nalang wala akong lablayp!" - Maggie

"Sammy! Pano ka na? Hindi mo kami makakasama." - Michie

"Lagot na. Wala na. I'm dead!" sabi ko.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Sammy. Grabe ang malas natin!" - China

"China," tumingin ako sa kanya.

"Sammy." - China

"WAAAAHH!!" Nagyakapan kami ni China at umiyak

"Ay natuluyan na." - Maggie

"Pasali ako sa hug!" - Michie *U*

"Lagot! Nakisali pa yung isa. Haaayy." - Maggie

Umuwi na kami pagkatapos ng klase. Hindi ako sinundo ni TOP dahil may practice pa sila ng basketball. Pumasok na ako sa kwarto at humiga sa kama, pinaglaruan ang Bear na binigay ni TOP. Ano kayang gagawin ko?

It's either

A.) iwasan ko si TOP kapag nasa Pendleton High or

B.) hayaan ko nalang na kumalat ang tungkol sa'ming dalawa.

Ano ba ang mas importante? Ang reputation na matagal kong pinaghirapan o si TOP na boyfriend ko? Kausapin ko kaya sya? Maiintindihan kaya nya o baka magalit sya? Baka isipin nya kinakahiya ko sya!

ANO BA TALAGA SAMANTHA?!! ANG GULO NAMAN OH!! Bukas na nga pala ang start non!

次の章へ