Tatlong taon ng nakalipas
nagising ako sa hindi pamilyar na lugar nasaan ba ako? Ang huling pagkakatanda ko'y nasa ospital ako dahil sa aksidenteng nangyari. sinubukan kong umupo mula sa aking pagkakahiga tila pagod na pagod ang aking katawan matagal ba kong natulog upang mag pagaling?
Nilibot ko ang aking paningin napakagara naman ng kwartong ito parang kwarto ng isang prinsesa, napansin ko din ang aking suot isa itong gown na kulay turquoise green napaka ganda napatingin ako sa aking kamay tila bat pumuti ang aking mga balat malayong malayo sa morenang kulay ko dati nakakapag taka.
napalingon ako sa pintuan ng silid na ito ng biglang may pumasok na napaka gandang babae kahit na mukhang nasa edad kwarenta na ito kitang pa din ang kagandahang taglay nito. mayroon itong kulay gatas na balat, mamula mulang pisngi, kulay asul na mata, katamtamang tangos ng ilong, kulay brown ang buhot at balingkinitang katawan.
matagal itong nakatitig sa akin na mukhang nagulat at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita, unti unting tumulo ang luha nito at patakbong lumapit sa akin at niyakap ako.
"anak ko gising kana! napakahabang panahon Kong hinintay ang iyong pag gising lubos akong nangungulila sa iyo" nabigla ako sa kanyang pagyakap ngunit naririnig ko pa din ang paghikbi niya habang yakap yakap ako hindi ko naman alam ang aking sasabihin nagtataka ako kung bakit anak ang tawag niya sa akin.
kumalas siya sa pagkakayap sa akin hinarap niya ako at nginitian.
"kitang kita ko ang pagtataka sa iyong mukha napaka sakit sa damdamin na hindi ka makilala ng iyong sariling anak" lubos akong nagugulahan sa nangyayari bakit ako nandito bakit anak ang tawag niya sa akin kahit malinaw naman sa akin na hindi siya ang aking ina.
nginitian niya ako isang ngiti na nagpakalma sa aking puso tila ba pinapanatag nito ang aking kalooban at sinasabing kailangan ko munang ikalma ang aking sarili.
"anak maupo muna tayo para maikwento ko sayo ang lahat ng dapat mong malaman" tumango na lamang ako at umupo sa upuan na nasa kwartong ito. ayoko munang mag salita ang nais kolang ay makinig dahil alam kong walang magandang maidudulot kung uunahin ko ang aking mga pangamba.
"anak makinig kang mabuti alam kong mahirap intindihan sa ngayon ang aking mga sasabihin ngunit gusto kong makinig ka muna, noong taong ipinanganak kita ay panahon ng digmaaan nag lalaban ang white kingdom na ating kaharian laban sa masasamang nasa dark kingdom nais nilang sakupin pati ang buong white kingdom dahil gusto nilang makuha lahat ng kapangyarihan sa mundo, noong pinapanganak kita alam nilang ako'y mag sisilang ng napaka makapangyarihang prinsesa na maaring tumalo sa kanila sa kagustuhan nilang makuha ang iyong kapangyarihan sumugod sila dito, panahon ng gyera napakahina ko ng araw na iyon dahil halos lahat ng aking kapang yarihan ay naibuhos ko sa pag silang sa iyo. Wala akong kalaban laban ng sinaksak ka nila sa harapan ko" pag kwekwento niya habang Umiiyak naawa ako sa kanya napaka sakit siguro nang pang yayaring iyon gusto ko mang sabihing baka nag kakamali lamang siya at hindi ako Ang kanyang anak ayokong mas durugin ang puso niya.
"nung nasasak ka na nila tsaka dumating ang iyong ama kasama ang ibang mga kawal, napatay din nung araw na yun halos lahat ng ating tapat na tagapag silbi sa palasyo sa kagustuhan kong mabuhay ka gumawa kami ng ritwal ng iyong ama. ang ritwal na iyon ay ang paglipat ng iyong kaluluwa sa ibang katawan nag kataong may isang batang sinilang noong araw ding iyon sa mundo ng mga mortal ngunit wala siyang kaluluwa sa madaling sabi ay patay din sana ang sanggol na iyon ngunit dahil ang iyong kaluluwa ay pumasok sa katawan na iyon siya'y nabuhay pinangalanan siyang Vanna ng kanyang mga magulang at ikaw yon anak. Ang totoo mong katawan ay matagal naming tinago dito sa palasyo walang na kakaalam na ikaw ay buhay pa. ngunit ang iyong kaluluwa ay nasa mundo ng mga tao ngayong nagbalik kana anak walang mapag lagyan ang sayang nararamdaman ko" patuloy siya sa pag iyak pahiram lang pala ako sa kinikilala kong magulang, gusto ko sanang wag maniwala sa kanyang mga kwento pero ramdam ko ang pag sasabi niya ng totoo Hindi na rin iyon imposible dahil madami din akong naranasang kakaiba bago ako ma aksidente.
"Ang ibig ho bang sabihin ay nasa ibang katawan ako ngayon?" nagtatakang tanong
"nasa totoo mong katawan ka anak, napaka ganda mo Prinsesa Vienna Devereaux" ibig sabihin kaya pakiramdam ko ay nag iba ang kulay ng aking balat ay hindi na ito ang katawang kinamulatan ko. gusto kong makita ang aking sarili sa salamin
"Ang totoo ko pong pangalan ay Vienna Devereaux?" tumango ito
"Ako naman si Reyna Veronica Devereaux Ang iyong Ina at ang iyong ama naman ay si Haring Phoenix Devereaux wala pa siya dito sa ating kaharian dahil kasama niya ang iyong dalawang kapatid na lalaki na si Pierce at Paxton ang kambal mong mga kuya, dumalaw sila sa fire kingdom ang white kingdom ay binubuo ng limang kaharian ang unang kaharian ay ang Water White Kingdom ang ikalawa ay ang Air White Kingdom ang ikatlo ay ang Earth White Kingdom at ang ika apat ay ang Fire White Kingdom at tayo ang ikalima nasa gitna ng mga kahariang ito ang ating Elemental White kingdom" pagpapaliwanag nito napatango na lamang ako masyadong napupuno ang utak ko kaya hindi kona maintindihan ang ibang inpormasyon na sinasabi sa akin.
"gusto ko hong makita ang aking sarili" kanina ko pa ito gustong gawin ngunit wala akong makitang salamin sa silid na ito, eto lamang ang gustong gawin pag katapos ng aking marinig para makumpirma kong nasa ibang katawan nga ako. agad naman kumumpas ang reyna at natanggal lahat ng telang puti na tumatakip sa kagamitan sa silid na ito.
tumayo ako para makita ang aking sarili sa salamin nabigla ako sa aking nakita alam ko na ang kwento ngunit hindi pa din ako makapaniwala.
Ang dati kong itim na itim buhok ay naging kulay blonde kulay berde ang aking mga mata, napaka pula ng aking mga labi, napakahaba ng aking pilik mata, mapupula rin ang aking mga pisngi, ang aking kulay gatas na balat, at hubog na hubog ang aking katawan ibang iba sa aking pisikal na kaanyuan noon, napaka ganda ng babaeng nakikita ko sa aking harapan ang hirap tanggapin ng mga nangyayari.