magmula nung nanaginip ako hindi na ako nakatulog ulit, bakit? bakit paulit ulit ang aking panaginip bakit pati siya napapanaginipan ako? sobrang gulo! Ang dami kong katananungan na hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang kasagutan.
bakit kailangan kong managinip ng ganun? sino ba ung babaeng laging nasa panaginip ko na gusto na akong mamatay?
napatingin ako sa aking nobyo, napaka hirap din para sa kanya ng kanyang nararanasan ang pinaka mamahal kong lalaki hindi ko pa din makalimutan ang aking nakita kagabi may apoy nga bang bumabalot sa kanya kamay? o namalikmata lamang ako at sanhi lamang iyon ng aking imahinasyon.
agad na akong tumayo sa aking higaan pag sapit ng ala syete ng umaga, mag hahanda na ako ng aming aalmusalin habang nag aayos ako sa kusina naramdaman kong may nakatitig sakin napatingin ako sa kinahihigaan ng aking nobyo.
"bakit gising ka na?" tanong ko sa kanya nakangiti siya ngunit napaka lungkot ng kanyang mga Maya
"naramdaman ko kasing wala ka sa aking tabi Mahal. bakit gising ka nung binabangungot ako kagabi?"
"Wala Mahal iinom sana ako ng tubig sakto namang narinig ko ang pag sasalita mo habang tulog" ayoko ng ipaalam sa kanya na gaya niya nanaginip din ako ng ganun
"Pasensya kana mahal ko diko alam kung bakit ganun lagi ang nasa panaginip ko, parang ayaw ko na tuloy umuwi sa bahay babantayan nalang kita dito" nginitian ko siya ang lapit lang naman ng bahay niya sa akin
"mahal mapapagalitan ka ng mama at nila inay at itay sige ka"
"handa na akong pakasalan ka mahal kung yun ang kailangan" pakiramdam ko nabuntis niya ako kaya kailangan niya ko pakasalan napaka pilyo ng lalaking ito
"Talaga? sige samahan moko umuwi saamin ngayon" pagbibiro ko sa kanya
"sige mag file tayo ng leave ng makapag bakasyon naman" napatango ako marahil ay kailangan ko nga talagang umuwi saamin matagal ko ng hindi nakikita ang aking mga magulang at kapatid? kamusta na kaya ang aking pinakamamahal na bunsong kapatid marahil ay dalaga na siya.
sa tawag ko lamang kasi sila nakakausap dahil napakahirap ng signal saamin kahit maganda ang telepono mo wala naman silbi dahil tawag at text lamang ang iyong magagawa. hindi gumagana ang internet saamin kaya wala ka talagang mapag libangan.
nakapag paalam na kami sa aming trabaho ngunit hinapon na kami bago matapos lahat ng aming kailangang gawin, di bale sa wakas makalalanghap na din kami ng sariwang hangin at makakatikim na ulit ako ng napakasarap na luto ng aking inay.
"mahal bumili tayo ng ating makakain para di tayo magutom sa biyahe" sabi ng aking nobyo habang nag hihintay kami ng bus na masasakyan dito sa terminal
"sige ikaw na ang bumili at pag dumating na ang bus makapamili ako ng magandang mauupuan"
"masusunod mahal na prinsesa" nakangiting sagot nito at yumuko pa sa harapan ko nakakahiya talaga minsan ang pinag gagawa ng lalaking ito, napapailing na lamang ako
kakaunti lamang ang naghihintay sa sakayan ng bus ngayon patungong north luzon mag iikawalo na din kasi ng gabi, dahil nga madami pa kaming inasikaso kaya't ang huling bus na patungong nueva ecija na ang aming sasakyan.
naramdaman kong parang may nag mamasid sa akin kaya napalingon ako sa aking likuran ngunit ang mga kapwa pasaherong naghihintay din ng masasakyan ay may kanya kanyang ginagawa ang iba'y nakapikit na ang iba nama'y nanonood sa tv dito sa terminal. marahil ay masyado lang akong madaming iniisip kaya kung ano ano ang aking nararamdaman.
"mahal! sa Jollibee nalang ako bumili ng ating makakain halos lahat ng kainan ay siksikan" kunyari pang sabi niya alam ko naman na Jollibee lang ang kainang pinuntahan niya at paborito niya ang burger at fries doon.
"ayos na yan, sakto andyan na ang bus ayusin mo na ang mga dala natin" utos ko sa kanya madali naman niyang nabibit halos lahat ng dala namin walang kareklamo reklamo akong narinig.
kaya siguro hindi ko matiis ang lalaking to pag may tampuhan kami dahil kahit kailan hindi man lang siya nag reklamo sa akin, ano pa nga bang hahanapin ko sa ibang lalaki halos lahat nasa kanya na. mabait, masipag, magalang, marespeto at kahit kailan hindi nambabae dahil takot daw siyang masaktan ako. di bale ng hindi mayaman ang pera kaya naman yan pagsikapan pero ang ganitong klaseng lalaki na lubos mag mahal nag iisa lamang siya at napaka suwerte kong sa akin siya.
habang nasa biyahe nakatingin ako sa bintana upang malibang ako sa mga aking nakikita, napakasaya parang gumagaan ang aking kalooban sabik na sabik nakong makita sila.
marahil ay hindi kona makikilala ang aking mga kapatid dahil sila'y binata't dalaga na, limang taon akong hindi naka uwi sa aming bayan sa kadahilanang lahat ng aking kinikita'y sapat lamang sa aking pang gastos at pag papadala sa aking pamilya.
may ipon na din ako ngayon, sapat na ito para sa aming pamasahe at pag lalagi sa aking bahay sa loob ng isang linggo. ito lamang ang na aprubahang bakasyon namin ni Garen.
"Mahal kumain muna tayo tapos matulog ka muna habang nasa biyahe, Alam kong pagod ka sa mga nilakad natin kanina para ma aprubahan ang ating bakasyon" suhestiyon ng aking kasama habang nilalaro laro ang aking buhok. ngumiti ako sa kanya at kinuha na ang lalagyan ng aming pagkain.
"kumain na tayo. ikaw ang matulog mas gusto kong panoodin ang tanawin sa labas" karamihan sa pagkaing binili niya ay burger at fries sinasabi kona nga ba napaka hilig niya talaga dito napangiti na lamang ako at sinubuan siya, isip bata talaga tong mahal ko.