Nicolo
buti na lang hindi masyado mainit. tama lang ang sikat ng araw. may malamig din na ihip ng hangin paminsan minsan. tapos makakakita ka ng ganun kagandang dalaga. mataray nga. pero maganda talaga siya. anu ba, nicolo! hunos dili muna. kailangan mapuntahan muna si sir. may mga plano pa ngayon.
nilakad ko ang isang kalye na puro magagarang kotse na nakaparada sa labas. sa di kalayuan nakita ko ang malaking building ng eskwelahan. isa ito sa mga kilalang eskwelahan para sa mga mayayaman. patuloy kong nilakad hanggang matanaw ko ang front gate nito na nakaharap sa kalsada. hindi rin tinipid ang pinagkagastusan para sa school na ito. napakayaman siguro ng may ari nitong school na ito. hay... kung meron din sana ako ganung karaming pera.
"nics!" sigaw ni sir habang palabas siya ng gate ng school, kumakaway sa akin.
kumaway ako habang patakbong pumunta sa kanya. itong si sir nestor talaga. kahit nakilala ko sa bar at aminadong bading, hindi halata.
si sir nestor ay isa sa mga professor sa the villa academy. nasa 5'8. nasa 40+, pero di halatan ang edad. mukha lang siyang mas nakakatandang kapatid. di katabaan, di rin kapayatan. kung tutuusin nga, gwapo pa nga si sir eh. disente tingan, pero pag magkakilala na kayo, makwento. kalog pero pag tinamaan ng topak, napakaseryoso. hirap nga siya basahin minsan. pero napakabait at maalalahanin. ang tinuturo raw niya ay english at literature. mahilig daw siya mag discuss ng mga kwento sa mga class niya. approachable kaya malapit sa mga estudyante niya.
"sir, sorry nalate ako" sabi ko habang papalapit na kumakamot sa batok ko.
"haller, ok lang yun nics. no problem" sagot nito ng nakangiti.
"halika lunch muna tayo" yaya nito habang hila ako sa kamay.
"sir, yung itatanong ko" simula ko.
"mamaya na. habang kumakain tayo" ngiti nito habang sinusundan ko papunta sa isang resto na malapit sa school.
ramdam ko ang mga pagtingin ng mga tao sa amin. ngayon ko lang napag tanto na masyado palang casual ang attire ko. tapos eto si sir, naka polo shirt, pormal na pantalon, balat na sapatos. idagdag mo pa ang salamin niyang suot at ang mga school record na dala niya. parang kitang kita ko ang pagkaka iba namin. siya propesyonal. ako, etong isang bayaring lalaki.
"sir, dito talaga tayo kakain? daming nakatingin sa atin..." simula ko habang papaupo kami sa isang mesa sa loob ng restaurant sa may bandang sulok.
naupo si sir nestor sa may upuan na nakatalikod sa isang pader ng lugar n yun. ako naman ay naupo sa harap niya, nakatalikod sa mga taong ramdam ko ang tingin sa amin. nagtatrabaho ako sa loob ng isang bar na laging may nakatingin sa akin... ng halos walang damit. pero iba ito. hindi ko ito territoryo. hindi ko ito mundo. pakiramdam ko wala ako sa lugar.
dahandahan kong tinanggal ang shades ko at inilagay yun sa may mesa katabi ng menu sa harap ko.
"boss, anong special niyo ngayon?" sabi ni sir sa may waiter na nakatalikod sa may malapit sa amin na nag aayos ng isang mesa sa tabi.
"uy! sir nestor... musta po... mukhang may kasama kayo ngayon... ang special po natin ngayon ay creamy forest mushroom soup... and black velvet cake for today sir." sagot ng waiter habang nakatingi sa amin.
"ikaw pala yan bill... sige tawagin ka na lang mamaya pag order na kami... pwedeng humingi muna ng dalawang iced water... salamat" ngiting sagot ni sir bago umalis yung waiter.
binuklat ni sir yung menu na nasa mesa kanina pa. mukhang di ko siya makaka usap nga ng matino habang di pa kami kumakain. kung sa bagay may pagka gutom na nga ako ngayon. kanina pa pala ako kumain. gutom ba talaga ito o kaba? bakit naman ako kinakabahan? makapag basa na nga ng menu.
"wow... ang mahal pala dito sir" bulong ko ng mahina habang nakatining kay sir nestor.
nagpatuloy lang ito magbasa ng menu habang inaayos ang salamin niya. di naman talaga malabo ang mata niya. gusto lang niya lagi itong suot. bumalik ang mata ko sa mga pagkain na nakasulat sa mga pahina ng menu. mas mahal kaysa sa mga kinakain ko. baka pumili na lang ako ng pinakamura na makikita ko.
"so ready na po kayo umorder sir?" tanong ng waiter namin na si bill ng bumalik siya dala ang dalawang baso ng tubig.
"yes. ako na oorder para sa aming dalawa, bill. paorder nga ako ng..." nagsimula ng umorder si sir para sa aming dalawa.
gusto ko sana sabihin na wag na niya ako i-order ng marami kasi di ko dinala yung ibang kinita ko kagabi. baka kapusin kami. kaya pinapanood ko lang si sir habang umoorder. ng natapos siya, inulit ni bill yung order ulit bago umalis.
binaba ni sir ang menu at tinanggal ang salamin niya na nilapag niya sa mesa habang nakapikit at minamasahe ang mata niya. sa loob ng ilang minuto, sinuot niya ito ulit at binuksan ang mga mata. tumingin siya ng diretso sa mga mata ko ng seryoso ang mukha. bago siya ngumiti. ang hirap talaga basahin si sir madalas.
"don't worry about the cost... its my treat..." sabi ni sir.
"pero sir..." simula ko nang sumagot siya agad.
"wag mong isipin na binabayaran kita... di ako customer mo ngayon... kaibigan mo ako... magkaiba yun" sabi nito bago uminom ng tubig.
napatingin ako sa kanya. nasabi niya yun ng walang problema. cool lang. casual na casual. ang galing. bilib ako kay sir. minsan lang magsalita, pero tagos. napainom ako ng tubig bago siya muling nagsalita.
"so.. ano nga ba ang favor na hihingin mo?" tanong nito habang nakatining ng diretso sa mga mata ko.
napatitig ako ng matagal sa mga mata ni sir bago ako nagsalita.
"sir... gusto ko po sanang mag aral muli... matutulungan niyo po ba ako? wala pong problema sa pera... kaya kong tustusan ang sarili ko... pero di ko alam kung saan at paano ako magsisimula muli" sabi ko ng di masyado pumipikit.
di agad gumalaw at nagsalita si sir nestor. nakatitig lang siya sa mga mata ko. bago umatras sa sinasandalan niyang upuan at napa buntong hininga.
"yun lang ba? akala ko naman kung ano. sige. sure. walang problema" ngiti nito sa akin ng may kasamang kindat.
"talaga sir? salamat po." sabi ko sa kanya halos di maitago ang saya sa mukha ko.
"wala yun. kaibigan kita. at may mga koneksyon naman ako sa ibang mga school para maipasok ka, kaya don't worry a thing." sabi nito ng ilagay niya ang kamay niya sa kamay ko. isang pormal na handshake, mula sa isang nirerespeto kong tao.
bumalik na ang waiter na si bill dala ang mga inorder ni sir. napahinto siya ng bahagya ng makita niya ang kamay ko at kamay ni sir nestor na magkahawak, kaya bumitaw ako. kunwari di niya nakita, isa isang nilapag niya sa table ang mga orders bago umalis.
"sir, sorry. naka tingin ung waiter kanina nung makita niyang magkahawak tayo ng kamay" hingi ko ng paumanhin kay sir nestor.
"no problem. bakit ba iniisip mo yan, nics?" tanong nito habang sumasandok sa pasta na inorder niya.
"kasi parang pakiramdam ko nababastos ka dito habang kasama mo ako. parang masama ang tingin ng mga tao sa atin kanina pa" bulong ko.
"alam mo nics..." simula niya habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.
"may rule akong 3F."
"ano yun sir?" usisa ko.
"ito yun... if you are not F-eeding me... F-inancing me... or F-*cking me... your opinions don't matter. naging rule ko na yun dati pa. simula pa nung college ako... nung mga panahong... wala... kumain na nga tayo" yaya nito matapos huminto sa sasabihin niya at nagsisimula na siyang kumain.
may gusto sana siyang sabihin pero di na niya tinuloy. bakit kaya? siguro matagal na yung bagay na yun kaya hindi na niya tinuloy. pero tama nga lang talaga yung sinabi niya. bakit ba ang cool nitong si sir nestor. bading siya, pero di siya katulad ng iba. mas matalino siya, mas praktical. mas misteryoso.
"huy, kumain ka na... mukhang may iniisip ka pa... ako na bahala sa mga details ng chenes studies mo... update na lang kita" sabay kindat sa akin habang kumakain.
nakakatuwa talaga si sir nestor. mabait pero parang ang daming tinatagong sikreto. well, sige kakain na nga ako. wala na akong aalalahanin, kasi bahala na daw si sir. nasa pag tulong niya ang kinabukasan ko.
"maswerte talaga ako kung ganun..." sabi ko sa sarili ko habang sumusubo ng pasta na nasa plato ko.
"napaka-swerte..."