webnovel

Assertive In Love

Chapter 19: Assertive In Love 

Reed's Point of View 

  9AM ng umaga, pagkalabas ko pa lang sa bahay ay dumiretsyo kaagad ako sa kapit-bahay, kina Haley. Balak ko kasi sana siyang ayain kumain sa labas matapos ang ilang oras na pagmumuni-muni sa aking kwarto. Nag-ipon kasi ako ng lakas ng loob. 

  Naisip ko rin 'yung sinabi ni Irish sa akin kahapon dahil tama siya. Hindi ko magawang umamin dahil alam kong 'di siya makukuha ng iba sa dahilang wala pa namang kumukuha sa puso niya. 

  Pero kung pananatilihin kong maging kampante. Paano kung makuha na nga siya ng iba? Paano kung kunin siya ni Jin sa akin ng 'di ko alam o namamalayan? Lalo na ngayong magkakaklase pa kami sa ibang subjects. Ta's iyon nga na magkasama sila sa isang project kaya mas mapapadalas 'yung pagsama nilang dalawa ng hindi ko nakikita. 

  Tumigil ako sa tapat ng bahay ng Rouge. 

Handa na sana akong mag doorbell pero biglang umatake ang takot sa dibdib ko dahilan para mapatigil ang mga daliri kong pipindot na rin sana sa doorbell. 

  Naisip ko kasi na paano kung aamin ako ngayon, 'tapos hindi maibalik? 

  Ibinaba ko ang mga kamay ko't napatungo. Ano ba'ng sinasabi ko? 

Pinag-isipan mo na 'to mula kagabi, Reed. Bakit ngayon uurong ka nanaman dahil sa natatakot kang 'di maibabalik 'yang nararamdaman mo? 

  Eh, pwede ka namang gumawa ng paraan para gustuhin ka rin niya. Bakit nagpapaka duwag ka? Lalaki ka ba talaga?

  "Sh*t." Bulong ko, hindi namalayan na may dumating sa kanan kong bahagi. 

  "Reed. Naparito ka?" Mabilis akong napatingin kay Tita Rachelle. Tulak-tulak ang stroller, namasyal sila ng kapatid ni Haley. 

Humarap ako sa kanya at ibinaba ang tingin sa natutulog na si Lara. Talagang nakuha ni Lara 'yung mukha nila Haley. 

  Ibinalik ko ang tingin kay Tita Rachelle. "Tita, good morning po." Bati ko saka siya lumapit sa akin na may ngiti sa labi. 

  "Good morning, Reed." Malambing niyang pagbati. "Si Haley ba hinahanap mo?" Tanong niya sa akin na tinanguan ko naman. 

  "Opo, Tita. Nandiyan po ba siya?" Tanong ko at humawak sa aking batok. Nag-aalanganin akong sabihin pero nandito na ako. Hindi ako papayag na mahuli. Kung gusto kong umamin kay Haley, dapat maganda rin impression ko sa Mama niya. Nagsalubong ang kilay ko't diretsyo na tiningnan si Tita Rachelle. "Aayain ko po kasi sanang lumabas 'yung anak ninyo." 

  Dahan-dahan siyang nag takip-bibig. Mukhang na-surpresa sa aking sinabi. "Hindi na dapat ako magugulat pero," Ibinaba na niya 'yung kamay niyang nakatakip kanina sa bibig niya. "It looks like you already made up your mind now." 

  Bumuka ang bibig ko. Ano ang ibig niyang sabihin? 

  "Okay lang sana na lumabas kayo ni Haley pero wala kasi siya ngayon, eh." 

  Umangat ang mga kilay ko. "Ganoon po ba?" Tanong ko. Kumamot ako sa likurang ulo ko. "Saan po pala pumunta?" 

  Humawak siya sa kanan niyang pisngi. "Pumunta sa kaklase niya. Doon daw matutulog para gawin 'yung project kamo nila." Sagot naman ni Tita bago ibinaba ang kamay niya. "Sinundo siya kanina. Mga bagong mukha nga, eh." 

  Napaabante naman ako. "M-May kasama po ba silang lalaki na…" Huminto ako sandali. Sasabihin ko ba? 

Pumikit ako sandali para pag-isipan 'tapos pinindot ang noo ko ng hintuturong daliri, 'tapos ay humalukipkip pagkatapos. "Lalaking pogi?" Paninigurado kong tanong. 

Wala rin akong ideya kung tama ba 'yung pagkakatanong ko. 

  Tumitig muna siya sa akin bago siya ngumiti't umiling. "Ah, si Jin ba tinutukoy mo?" 

  Animo'y may kung anong kidlat ang tumama sa kaloob-looban ng katawan ko. Kilala niya! Kilala niya si Jin! Isa lang ang ibig sabihin niyan. Pumupunta punta na siya rito at nagpakilala na kay Tita! 

  "Oo, kasama nila Haley kanina." Sagot pa ni Tita kung saan para naman akong nakaramdam ng pagtusok sa dibdib ko dahilan para mapahawak ako roon. Aray, hinagpis at kirot. 

  "A-Ah, ganoon po ba?" 

T*ngina, ito na nga! 

  Tumango ako kay Tita Rachelle. "Sige, Tita. Salamat po." Pagpapa-salamat ko't nagpaalam. Nang makatakalikod ako ay napakagat labi ko lalo pa noong maalala ko 'yung mga linya ni Jin habang dinedeklara niyang kukunin niya si Haley. 

Hindi siya nagbibiro, kung hahayaan ko siya sa gagawin niya. Hindi imposible na magkagusto rin sa kanya si Haley. 

 

  Kumuyom ang mga kamao ko habang nakakunot-noo na nakatingin sa ibaba. 

Haley's Point of View 

  Kinagabihan. Nakapag brain storming na kami sa mga gagawin namin sa Short MV at nakapagsimula ring gumawa nang kaunting draft sa song compostion at nakapag record din ng melody and rhythm matapos ma-approve ni Rose 'yung theme na ginawa ni Claire. Nakakamangha nga kasi parang ang bilis namin makatapos sa unang step. 

  Kung aalalahanin ko, nung high school ako. Sa tuwing sila Jasper ang kasama ko sa grupo, hindi kami nakakatapos kaagad-agad. Pero on time naman kaming magpasa't hindi nale-late. 

  Medyo naninibago lang talaga ako ngayon kasi baka maipasa namin nang mas maaga. At kapag nangyari iyon, mas marami kaming free time. 

  Sumandal ako sa swivel chair ni Claire matapos kong mai-edit 'yung mga multimedia. "Iyan na muna sa ngayon." 

May nagbukas ng pinto kaya iniikot ko ang upuan ko para makita ang pumasok. 

  "Haley, magpahinga ka na muna diyan nang makaligo ka na." 

 

  Tumango ako. "Yep, thank you." 

*** 

  MATAPOS KONG magpahinga ng kalahating oras ay dumiretsyo na nga ako sa banyo para makaligo na't makakain na sa baba. Dala-dala ko ang tuwalya at mga damit ko at nakasabit pulso ko. 

  Kumanan ako at huminto sa unang pinto kung nasaan ang nasabing banyo. Kahit nandito lang ako sa labas ay may pulang carpet pa rin sila. 'Tapos may mga picture frames at dim lights sa pader. Ta's may mga chandeliers pa. Ganito 'yung madalas mong makita rin sa ibang mga mamahaling hotels, eh.

Sa Smith, ganito rin pero mala modern style naman 'yong sa kanila. Eh, ito kasing interior ng Garland, pang Indian style. 

  Lumingon-lingon ako bago ko buksan 'yung pinto. Bumungad sa akin ang maliwanag na powder room bago ang mismong shower room. "Whoo…" Mangha kong reaksiyon habang papasok sa loob. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at ni-lock. 

Ipinatong ang mga damit sa gilid ng malamig at malinis na marble sink. 

  Pumunta ako sa gitna ng salamig para tingnan ang sarili ko bago ko iangat ang damit ko para alisin. Hindi lang natuloy noong may magbukas ng pinto mula sa shower roomkaya napatigil ang mga kamay ko sa ere na nakahawak sa damit kong inaangat ko't napalingon sa taong iyon. Si Jin ito at nakatitig lang din sa akin habang tumutulo ang tubig na nanggagaling sa buhok at katawan niya sa sahig. 

  Ilang segundo rin yata kaming nakatitig sa isa't isa bago ako makapag react. 

Umakyat ang dugo sa mukha ko at mabilis kong binaba ang damit ko. Bakit palagi na lang ganitong scenario 'yung nangyayari?! 

  "Sorry! W-Wala kasing nagsabi sa akin na may tao pa lang gagamit ng banyo!"  Kinuha ko kaagad ang mga damit at tuwalya ko para umalis pero hinawakan niya 'yong pulso ko kaya nanlaki ang mata ko. 

  Nilingon ko siya. "You can use it. I'm already done." Sambit niya. 

  Sa hiya ko dahil half-naked siya like nakatapis ng tuwalya ang ibaba 'tapos nakikita ko pa 'yung abs niya habang dahan-dahang tumutulo 'yung tubig doon, umiwas ako ng tingin. Mahirap tingnan! Ayokong tingnan! At bakit ko titingnan?! "M-mmh. I got it already, kaya pwedeng bitawan mo na 'ko?" 

  Hindi siya nagsalita at nanatili lamang na nakahawak sa pulso ko kaya noong lumingon ako para makita siya ay siya naman ang paglapit ng mukha niya sa akin. Nakaguhit din ng ngisi ang labi niya kaya ako itong biglang napasandal sa pinto. Binitawan na niya ako pero inilagay niya 'yung kamay niya roon sa tabi ng mukha ko para mai-corner ako.

  Naaamoy ko 'yung shampoo at sabon na ginamit niya at dahil hindi pa ako naliligo ay nakaramdam ako ng pagka-conscious. "Ji--" 

  "Hindi ba't sabi ko huwag mo 'kong bibigyan ng ganyang reaksiyon?" Sinabi niya iyan habang hindi naglalaho 'yung ngisi na nakaukit sa labi niya. "You're attractive, you're giving me reasons to make me fall deeper in love with you." 

  Lumunok ako ng laway. 'Yung pintig ng puso ko ay unti-unting lumalakas. "I don't even know what makes you think that way. I didn't do anything." 

  Kinuha niya ang hibla ng buhok ko gamit ang kaliwa niyang kamay kaya napasinghap ako. Inilapit niya iyon sa kanya. "Cute. Wala kang dapat na gawin para mahulog ako sa 'yo ng ganito." At inamoy niya ang hibla ng buhok kong hawak-hawak niya dahilan para mas umakyat ang dugo sa mukha ko't mamula ako nang sobra. 

  Magkaibang-magkaiba sila ni Reed. He won't even dare do this to me. He's not that aggressive unlike Jin. 

  Huminga ako nang malalim at diretsyo siyang tiningnan sa mata na may matalim na tingin. "Lumayo ka sa akin." Sabi ko na may babala sa aking boses. "I'll punch you." Dagdag ko pero nakatitig lang din siya sa akin bago niya bitawan ang hibla ng buhok ko't mas nginisihan ako. 

  Mas lumapit pa ang mukha niya kaysa kanina kaya pigil hininga akong napaatras pa nang kaunti kahit wala naman na akong pwedeng maatrasan. "Ba't 'di mo na gawin ngayon?"

  Nagsalubong ang kilay ko. "Alam ba ni Mirriam 'tong side mo na 'to?" 

  "Of course, not. Ikaw lang." Sagot niya at itinabi pa ang kaliwang kamay sa tabi ng mukha ko kaya parehong kamay na ang naka-corner sa akin. "Wala ba talaga akong pag-asa sa'yo?" Tanong niya sa akin kasabay ang pagtulo ng tubig sa mukha ko mula sa kanyang basang buhok. Naging seryoso na rin ang tingin niya sa akin samantalang matalim pa rin ang tingin ko. 

  "Wala. Nasabi ko na sa'yo, 'di ba?" Firm kong sagot at humawak sa mga dibdib niya para ilayo siya sa akin. "Give up on me." Pagpapasuko ko sa kanya. 

  Nakabuka ang mga bibig niya nang ngumisi nanaman siya. "Pero pasensiya ka na, hindi ko alam sumuko, eh." Hinawakan niya ang mga pulso ko para ihila ako sa kanya. "There's no way I will give you up like this. You're the only one for me." 

  I tsked. How persistent. 

Kung hindi lang talaga siya kapatid ni Mirriam, kanina pa lang nasipa ko na bayag niya. 

  "This is sexual harassment." Simpleng sabi ko. 

  "Kung ganoon. Bakit 'di ka natatakot sa 'kin? Ba't hindi mo 'ko sapakin?" Tanong niya at humagikhik. "It's because you trust me, isn't?" 

  Nagsalubong ulit ang kilay ko. "Kung alam mo 'yung fact na 'yan. Bakit gagawa ka ng rason para sirain 'yon?" 

  Wala siyang sinabi at seryoso ng nakatingin hanggang sa mapatingin kami sa pintong na sa likuran ko noong may kumatok. "Miles!" Tawag ni Rose kaya pareho kaming tahimik na nag react ni Jin. "Naliligo ka ba? Sabay na tayo?" At pinipihit niya ang door knob na naka-locked kaya nakaramdam na ako ng pagkataranta. 

 

  Sinesenyasan ko si Jin na pumasok sa loob ng shower room palagi kaya pumunta naman siya kaagad. Habang ako naman ay napatingin ulit sa pintong kinakatok ni Rose. "Miles." Tawag pa niya ulit. 

  "Ah, oh? M-Mamaya ka na lang, gusto kong maligong mag-isa." 

  "Eh ~? Sabay na tayo, para sabay na rin tayong bumaba para kumain." 

  Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko. Natataranta talaga ako kasi baka magkamali ako sa gagawin kong pagpapalusot. Ang wrong timing naman kasi! 

"Ayokong sumabay sa'yo." 

  "Don't be shy, ako lang 'to. Pwede ko rin kuskusin 'yung maputi mong likod." 

  Napapikit ako't huminga nang malalim. "Pwede bang kahit once lang, huwag kang magsalita ng kahihiyan? A-At hindi ako sanay maligo ng may kasama." Kahit ang totoo, madalas kaming magkasabay maligo nila Kei at Mirriam noon. 

  "Aww. Sige na nga. Sa susunod na lang, 'kala mo. Bababa na lang muna ako, bilisan mo rin dahil init na init ako." Rinig kong sabi niya mula sa labas. 

  Nakahinga ako nang maluwag samantalang lumabas naman paunti-unti si Jin mula sa shower room. "Mmh. Tawagin na lang din kita." Sabi ko bago ko marinig ang papalayong yabag ng mga paa. 

  Nakahinga ako nang maluwag 'tapos inis na tiningnan si Jin. "Umalis ka na rito." Diin kong bulong sa kanya. 

  "Sure, sure." Pinihit na niya ang doorknob para makalabas. Sa pagbukas ni Jin ng pinto, bumungad sa amin ang nakahalukipkip na si Rose na nandoon sa mismong tapat ng powder room na ito. 

  Pareho kaming gulat na gulat ni Jin habang taas-noo naman na nakatingin si Rose sa amin. Inayos niya ang salamin niya bago ibaba nang kaunti ang ulo niya. "Ah, gustong maligo mag-isa." 

  Sh*t. 

***** 

次の章へ