webnovel

THE FIERCE DIXAL

Madaling araw pa lang nasa palengke na sina Flora Amor at Harold. Nakaayos na lahat ng kanilang paninda. Kailangang maibenta nilang lahat ang apat na banyerang isda nang malaki ang maiuwi nilang pera.

Dalawang araw niya lang pinag-aralang maglinis ng isda'y hetot nakikipagsabayan na siya sa kapatid.

Marami na rin silang bagong mga suki dahil natutuwa raw ang mga ito sa kasipagan nila at sinusuportahan ang kanilang trabaho.

"Mga ate, tilapya po, murang-mura lang, mga buhay pa po!" sigaw niya.

'Pag nakikita siya ng mga mamimili ay agad itong lumalapit sa kanila, isa o dalawang kilo ang binibiling isda. Si Harold ay walang ibang ginawa kundi maglinis ng mga 'yon sa halos pumipilang mamimili.

Tuwang-tuwa naman ang dalaga sa nakikita.

Tanghaling tapat pa lang pero isang banyera na lang ang natitira nilang isda. Sa wakas, makakauwi rin silang maaga ngayon.

"Isang kilo ngang bangus."

Takang bumaling siya sa nagsalita.

"Anton?! Anong ginagawa mo rito?" Gulat na napatitig siya sa kaibigang tila pumayat yata.

Ngumiti ang binata.

"Bibili ng isda," sagot nito.

"Hi!"

Lalong nagulat ang dalaga nang marinig ang pamilyar na boses.

"Dixal?!"

'Di makapaniwalang pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawang bigla na lang sumulpot sa harap ng kanilang pwesto.

Ngumiti lang din ang binata at walang anumang lumapit sa kanya saka isinuot ang nakasabit na apron sa tabi ng lagayan ng cellophane na para bang alam na nitong may apron nga roon.

Takang napatingin siya kay Anton na salubong ang mga kilay na nakatitig kay Dixal.

'Hala, ano'ng ginagawa ng mga 'to dito?'

Siniko siya ni Harold.

"Ano 'yan 'te?"

"Aba'y ewan ko," kibit-balikat niyang sagot.

Ano'ng pumasok sa mga kukuti ng dalawa't nagpuntahan sa palengke?

Tsaka break na sila ni Dixal pero bakit sinusundan pa rin siya nito?

Lalo siyang nagulat nang magtawag ng kustomer ang binata.

"Bili na kayo rito. Mura lang po!"

Ang laki ng buka ng kanyang bibig pagkarinig sa sinabi nito.

Si Anton nama'y naghubad ng damit saka nagtawag din.

Gulantang ang dalaga sa nakikita. Nagpapaligsahan ba ang dalawa?

Nang makitang naghubad ang kaibigan ng pang itaas ay na-curious ang ibang nando'n at nagsipagbili ng tig-iisang kilong isda.

Hindi makapagsalita sa pagkagulat ang dalaga.

"Hoy magdamit ka! Nakakahiya sa mga tao rito," saway niya sa kaibigang ngiti lang ang isinagot at tila sinasadyang humarot sa isang babaeng nakapila roon.

"Magkano bibilhin mo, miss? Tatlong kilo?" usisa nito.

"Ayyyy, apatin mo na. Apat na kilong bangus. Kahit 'di na tanggalan ng hasang, ako na gagawa," kinikilig na sagot ng babae.

Nagkatinginan ang magkapatid, nagtatanong sa isa't isa.

Si Dixal nama'y tinanggal ang apron at nilapitan ang ibang mamimili saka hinarot kunti para pumila na rin sa kanila.

"Oy, ano'ng ginagawa niyo?" nahihiya niyang saway sa mga 'to.

"Hayaan mo na, Flor. Nakakatuwa nga 'yung ginagawa ng mga kasama mo," anang kumare ng ina sa tabi nila.

Humahagikhik pa ito habang pinagmamasdan ang dalawang gumagawa ng kani-kanilang estilo sa pagtatawag ng mga kustomer.

"Ano, manliligaw mo ba ang dalawang 'yan? Ang gugwapo naman."

"Naku hindi po. Bestfriend ko lang po 'yong nakahubad tsaka 'yong isa eh k-kaibigan ko lang!" maagap niyang sagot nang malakas.

Kapwa napalingon sa kanya ang dalawa. Kapwa ngumisi.

Ano'ng nangyayari? Nag-usap ba ang mga 'to para guluhin sila do'n? Ang alam niya, may lihim na hidwaan ang dalawa, bakit ngayon, narinig lang ng mga 'to ang sagot niya'y sabay pang ngumisi?

Ang resulta, ala una pa lang naglilinis na sila ng pwesto.

"Ate, mauuna na ba akong umuwi?" tanong ni Harold habang nagliligpit siya ng mga gamit at nilalagay sa loob ng kabinet sa ilalim ng sementadong lamesang pinaglalagyan nila ng mga paninda.

"Hindi ah! sabay na tayong umuwi," an'ya dito.

"Let me take you home, Flor," sabad ni Anton.

"No, I have my car over there. Let me take you home," ani Dixal.

"Hindi. Wala akong sasamahan sa inyo. Magsiuwi kayong dalawa. Tsaka please lang ha? 'Wag na kayong babalik rito. Ako ang nahiya sa pinaggagawa niyo kanina."

Pagkasabi lang niyon ay binirahan na niya ng alis.

Napapailing na naiwan ang dalawa. Si Harold nama'y pigil ang tawang humabol sa kanya.

Ang pigil na tawa nito'y doon sa loob ng bahay pinakawalan habang nagkukwento sa ina sa harap ng hapag-kainan. Noon lang sila nagtanghalian.

"'Di kami makapaniwala, Ma. Naubos agad ang paninda namin dahil lang sa ginawa nila."

Tawa ito nang tawa habang nagkukwento.

Panay naman ang kanyang hagikhik. Tuwang-tuwa siya hindi dahil sa kwento nito kundi dahil noon lang niya narinig si Harold na nagdadaldal na tila batang amazed na amazed sa nakita kanina. Kakaiba ito ngayon sa Harold na kilala niya noong tahimik lang lagi at bihira lang niyang marinig na nagsasalita.

Tuwang-tuwa ang mga kapatid sa pakikinig dito habang kumakain, maging ang kanilang ina.

Bigla siyang kinalabit ni Maureen.

"Ate, ulam."

"Oo na po," natatawa niyang sagot.

Hindi niya alam kung bakit biglang pumasok sa isip niya si Dixal. Hindi niya ini-expect na gano'n ang gagawin nito kanina at tila pa nag-eenjoy sa ginagawa. Knowing Dixal, tahimik lang itong tao at 'di sanay sa matataong lugar. Pero kanina, halata niya ang saya sa mukha nito. 'Yun nga lang, 'di niya ito matitigan nang harapan. Pakiramdam niya kasi'y magkakasala siya pag ginawa niya 'yun.

Ba't kaya gano'n?

-------

SPEAKING of Dixal, here he was, mabilis ang mga hakbang na papasok sa isang opisina, nakakuyom ang mga kamao at 'di kayang ipaliwanag ang galit sa mukha.

Agad niyang binuksan ang pinto ng opisina at tuluy-tuloy na pumasok sa loob saka nangdidilim ang paninging pinakawalan niya ang isang malakas na suntok sa mukha ng kapatid.

Natumba ang huli sa lakas ng suntok na 'yun. Hindi pa siya nakuntento't galit na lumapit sa matandang nakaupo sa mamahaling swivel chair at pinagtatapon ang kahit anong madampot sa ibabaw ng mesa nito, kahit ang laptop na nakalagay sa ibabaw ng mesa'y kanyang binasag sa sobrang galit.

"Damn you, you wicked old man! I already told you not to touch her but you still did! How about if I kill you now, you monster!"

Sa sobrang lakas ng tinig niya'y 'di man lang ito natinag. Ni 'di man lang siya tiningnan.

Nanatili itong nakayuko at pinagmamasdan ang hawak nitong tablet.

"What did you ask him to do?" nanlilitid ang mga ugat niya sa leeg habang itinuturo ang kapatid na noo'y katatayo lang mula sa pagkakatumba.

"Relax. I'm not that cruel to hurt your little thing," mahinahong sagot ng matanda saka inilapag sa mesa ang hawak na tablet.

"I just asked him to befriend her. What's wrong with that?" pasimple nitong sinulyapan ang galit na binata.

"Besides, you already broke up with her. Wala naman segurong masama kung kaibiganin siya ng kakambal mo, 'di ba? And what if pakasalan siya ni Dix? Do you think may magagawa ka?" mahinahon lang ang pananalita ng matanda pero naruon sa boses nito ang warning sa kanya.

"Damn you! Damn you! I'm warning you, you fuckin' old devil! Sa oras na pinakialam mo siya, I'll surely kill you with my own hands!" mabilis niyang nadampot ang tablet at binasag sa harapan nito saka niya sinabayan ng talikod rito't sunod na kinwelyuhan ang kakambal na 'di makapalag sa takot sa kanya.

"The next time you approach her, you'll really be sorry," matigas ang boses na babala niya ritong napalunok sa tinuran niya.

"I'm just doing that monster's command," sagot nitong iwas ang tingin sa kanya.

Tiim ang mga bagang na ibinalibag niya ito at pagbagsak na isinara ang pinto nang makalabas ng opisina.

Naiwan ang dalawang nagkatinginan.

"Lo, I think we should stop right here. Kilala mo si Dixal."

"You're afraid of him?!" Biglang tumaas ang boses ng matanda.

"Do what I said, or else, kahit isang kusing, wala kang mamamana sakin!" maawtoridad nitong wika.

Walang magawa si Dix kundi tumango kesa habambuhay siyang maging pulubi 'pag wala siyang nakuhang yaman sa matanda.

次の章へ