Hindi parin mawala sa isip ni Tammy ang nangyari sa kanya kanina. Isang babae ang lumapit sa kanya na mukhang kilalang kilala siya. Sigurado siyang hindi pa niya ito nakikita kahit na kailan. Isa ba ito sa mga naging ka-trabaho niya? Hindi niya maalala. But there was something about that girl which reminds her of someone.
Tumingin sa relo niya si Tammy. Kanina pa siya dapat naka-uwi. Pero nangulit ang mga kaklase niyang sumama sa bahay nila. Natural na tumanggi siya, pero sinundan parin siya ng mga ito. Wala siyang nagawa kundi ang lumiko kung saan saan para lang iligaw ang mga sumusunod sa kanya.
"How troublesome..." bulong niya sa sarili habang naglalakad pauwi. Kailangan niyang mag-ingat tuwing uuwi.
"Tammy!"
Napahinto si Tammy sa paglalakad. Isang babae ang nakatayo malapit sa gate ng bahay nila.
"Ikaw..."
"Hmph! You have some explaining to do, Missy!" nakahalukipkip na sabi sa kanya ng babae. Suot parin nito ang uniporme ng St Celestine High. "Bakit mo sinabing hindi mo ako kilala sa harap ng mga new friends mo, huh?! You, you, you bully! Ikinakahiya mo ba ako sa kanila, Tammy?! Sumagot ka!"
"Pero hindi naman kita talaga kilala."
"HAAAH?!!! Are you kidding me?! Stop joking, it's not funny anymore!"
"But I am serious."
"Tammy, you heartless idiot!!! Hindi lang tayo nagkita noong summer break, nakalimutan mo na kaagad ako?!" sigaw nito sa kanya.
Napangiwi si Tammy sa tinis ng boses ng kausap niya. Napahawak si Tammy sa strap ng bag niya. "Sino ka ba?"
"Hindi mo talaga ako kilala?!!" hindi makapaniwalang tanong ng babae.
Bumuntong hininga si Tammy. Bakit ba ang kulit ng kausap niya? Bigla niyang naalala ang sinabi ng Mama niya na mag-iingat sa mga taong hindi niya kilala na biglang lalapit sa kanya at magkukunwaring kakilala ng pamilya niya.
"Paano mo nalaman kung nasaan ang bahay namin?" usisa ni Tammy saka tinignan nang diretso ang babae. "Budol budol gang ka ba?"
"Ew, Tammy! Ako 'to, si Willow!"
"Sorry, wala akong kilalang Willow," mabilis niyang sagot.
Naglakad na si Tammy palapit sa gate ng bahay nila. hind parin umaalis ang kausap niya.
"May amnesia ka ba?!"
Hindi na pinansin ni Tammy ang babae. Binuksan niya ang gate at pumasok saka isinara. Naglakad na siya papunta sa bahay. Nakatira sila sa isang two-storey house with three bedrooms and two bathrooms. May malawak silang front lawn at backyard. Isang ideal house para sa pamilya nila.
"Tammy!" tawag ng babae sa kanya. "I can see your strawberry panty, you jerk!"
Kaagad na napatakip si Tammy sa kanyang palda. Tinignan niya ito kung nakataas ba o may butas. Wala naman. Nilingon niya ang babae.
"Hah! I knew it! Strawberry set parin ang gamit mo!" nakangiting sabi ng babae sa kanya saka tumawa.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Tammy.
"Why of course, ako lang naman ang kaibigan mong nakakaalam ng mga sikreto mo!" tumatawang sabi ni Willow.
"Sino ka ba talaga?"
"Seriously?" seryosong tanong ng babae. "Fine, ito ang picture natin. Baka maalala mo na ako."
Kinuha ni Willow ang cellphone sa bulsa saka ipinakita ang gamit na wallpaper. Laman non ang picture nilang dalawa ni Tammy noong pumunta sila sa LaLa Land.
"Paano napunta sa'yo ang picture na yan?!" gulat na tanong ni Tammy sa babae.
"Ako nga 'to! Si Willow!"
"Hm..." Lumapit si Tammy sa babae at tinitigan nang mabuti ang mukha.
"Sure, nag-iba nang kaunti ang mukha ko pero ako parin naman ito. Mas gumanda lang ako lalo. Ohoho!"
Napasinghap si Tammy. "Ikaw si..."
Tumango tango si Willow. "Aha! Naalala mo na!"
"Pillow!"
"GAH! Willow! Willow, okay?!"
"Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit..." bumaba ang tingin ni Tammy sa katawan ni Willow. Bakas ang dissapointment sa mukha nito. "Ang payat mo?"
"Surprised? Nag-diet ako! Hmph!" proud na sabi ni Willow.
"Ehh..."
"What's with that dissatisfied look on your face?!" turo ni Willow sa mukha ni Tammy. "Aren't you happy for me?! Hindi na ako mabu-bully ngayon. And you don't need to protect me anymore! But then again, ikaw ang nambubully palagi sa'kin. Hindi ako makapaniwala na pinalitan mo na nang tuluyan ang maganda kong pangalan sa isip mo."
"I don't care. Ibalik mo si Pillow," sabi ni Tammy gamit ang monotone voice.
"Don't look at me like that! Alam mo ba kung gaano kahirap mag-diet?!" sigaw ni Willow. Napatahimik siya nang may dumaan na mag-ina sa likod niya. "Papasukin mo na ako sa bahay ninyo!"
***
"Hmph! Seriously, I can't believe you Tammy. Hindi mo alam kung gaano kahirap ang mga pinag-daanan ko para lang makausap ka. Tapos itataboy mo lang pala ako," reklamo ni Willow habang kumakain ng pancake.
Nasa loob sila ng kwarto ni Tammy na may white and pink color theme. Nagkalat ang mga polar bear na stuffed toys sa kama at sahig. Strawberry naman ang wallpaper ng kwarto. Puno ng mga libro ang isang built-in bookshelf, may study table sa gilid at isang pink swivel chair. Katapat naman ng kama ang malaking closet. At sa likod ng pinto nakalagay ang isang full length mirror.
Panay ang labas ni Tammy ng pagkain mula sa kanyang cabinet. Puro iyon matatamis. Mga pagkain na itinago niya roon sa oras na magutom siya sa gabi.
"Gusto mo pa ba ng pancakes?" tanong ni Tammy. "May ice cream din kami sa ref. Dito ka na rin mag-dinner."
Nakaupo silang dalawa sa carpeted na sahig. Kulay puti iyon na katulad ng pelt ng polar bear.
"Ano ba, Tammy?! Bakit kanina ka pa naglalabas ng mga pagkain? Gusto mo ba akong tumaba na naman hanggang sa hindi ko na maabot ang mga paa ko?!"
Nag-iwas ng tingin si Tammy sa kaibigan. "Tch."
"You jerk! That was your plan?!"
"Not at all," inosenteng sagot ni Tammy.
"Marami kang dapat ipaliwanag sa akin. Hindi pa kita napapatawad sa pag-alis mo nang walang paalam!"
"Huh?"
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na sa Pendleton High ka pala papasok?!"
"Ahh. Nakalimutan ko."
"You forgot?! At sino yung mga kasama mo kanina? Your new friends?!"
"Oh, sina Helga..."
"Oh my God! You remembered their names pero yung sa'kin kinalimutan mo! I want to cry right now, but I'm too pretty!" sabi ni Willow saka muling sumubo ng pancake.
"Mga kaklase ko lang sila. Hindi ko pa sila mga kaibigan."
Napatakip ng bibig si Willow saka tumawa. "I knew it! Hah! Ako lang talaga ang pwede mong maging bff."
Tumingin si Tammy kay Willow. Napaatras si Willow sa uri ng tingin na ibinabato sa kanya.
"Quit it with that blank look already, Tammy!"
"Gusto mo ba ng cake?"
"Stop giving me food! I already said 'no'!"
"Tch."
"Moving on, mag-kwento ka na tungkol sa mga nangyari sa'yo sa school!" sabi ni Willow. "Gusto kong malaman kung ano ba ang meron doon at nagawa mo akong iwan. Hmph!"
"My first day?" nag-isip saglit si Tammy. "For the first time in my life, someone called me a bitch."
"Oh?" gulat na sabi ni Willow.
"Stupid."
"Wow."
"And a fat ass."
"PFFT!" napatakip sa bibig si Willow para mapigilan ang pagtawa.
"And then someone kissed my hand," kwento ni Tammy.
"Wha! Lalaki? Gwapo? Pero wait lang, taksil ka! Hindi ba may—"
May kumatok ng tatlong beses sa pinto ng kwarto, bumukas iyon pagkatapos. Nakatayo sa likod non ang isang lalaki. His gray eyes surveyed the room and landed on the two girls sitting on the floor.
"Dinner?" tanong nito sa kanila. Binuhat nito ang puting pusa na kanina pa umiikot ikot sa mga paa nito. May magkaibang kulay ng green at blue ang mga mata ng pusa.
Napatingin sa orasan si Tammy. Mag-aalas siete na pala ng gabi. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Come eat with us, Pillow," aya ni Tammy sa kaibigan.
"Pillow?" ulit ng lalaki sa may pintuan.
"Hello, Timmy! Long time no see," nakangiting bati ni Willow sa lalaki. Mas matanda sila rito ng tatlong taon.
"Heh..." he stared at her with a blank look on his face.
"Gah! Parehong pareho kayo ng reaksyon ng kapatid mo, Tammy!" halos umiyak na sabi ni Willow. "Bakit hindi kayo masaya para sa'kin?!"
***
"Late na naman ba ng uwi si Tita?" tanong ni Willow sa magkapatid.
Tahimik silang kumakain ng hapunan sa mesa. Nananatiling nakatingin sa kanila ang puting pusa na nakaupo sa sahig.
"Hmm," tango ni Tammy.
"Kailan ka bibigyan ni Tita ng cellphone, Tammy?"
"Kapag eighteen na ako," sagot ni Tammy. "Ganon din kay Timmy."
"Wah. Ang tagal naman niyan!"
"Ang sabi ni Mama ayaw niya kaming matulad sa mga teenagers ngayon na palaging nakatingin sa cellphone," paliwanag ni Tammy.
"Ah, ganon ba?" mabilis na sabi ni Willow.
"Ayaw rin niya kaming magkaron ng social media accounts. Hindi rin ako interesado na humawak ng cellphone," dugtong pa ni Tammy habang kumakain. "Walang problema sa'kin."
Tahimik naman na sumasang-ayon sa kanya ang kapatid na si Timmy.
"Paano kapag may emergency?" tanong ni Willow sa dalawa.
"Payphone," simpleng sagot ni Tammy. Itinuro niya gamit ang tinidor ang kanilang wireless telephone.
"Huh?! Uso pa ba ang payphone? Kakaunti nalang ang nakikita kong payphone dito," sabi ni Willow.
"Naglayas ka ba sa bahay ninyo, Pillow?" tanong ni Timmy.
"Timmy, sshh," pigil ni Tammy sa kapatid. "Taboo 'yan."
"Hmph! Thanks to your ate! Kasalanan niya 'tong lahat because she dumped me! Her only friend! And ang tigas ng ulo ni Lolo sabi ko lilipat na ako ng school but he won't let me! Hindi ako babalik sa bahay. Dito lang ako!"
"May naka-park na kotse sa labas ng bahay natin, ate," sabi ni Timmy.
"Hmm. Sundo siguro ni Pillow."
"Willow! Hanggang kailan ninyo ba ako balak tawagin na Pillow? Hindi na ako chubby!"
"I like Pillow more," sabi ni Tammy.
"Same," segunda ni Timmy.
Agad na sumimangot si Willow sa dalawa.
"Kayong dalawa, hwag nyong sabihin 'yan na may seryosong mukha," namumulang sabi ni Willow sa dalawa.
Masayang ngumiti si Tammy. "I like Pillow more!"
Gumaya ng ngiti si Timmy. "It's a beautiful name!"
Bumilis ang tibok ng puso ni Willow habang nakatingin sa magkapatid na mukhang nababalutan ng mga rainbows and flowers. Sa tuwing ginagamit ng dalawa ang ngiting yon, nakukuha ng mga ito ang kahit na ano. At kung ano man ang kasalanan ng dalawa, madaling silang napapatawad dahil din doon.
Hindi pa nakatulong na parehong may magandang mukha ang magkapatid.
Hindi magawang alisin ni Willow ang tingin sa dalawa. Sa tuwing ngumingiti ang mga ito, palagi siyang natutulala. Ang Mama lang ng mga ito ang kilala niyang hindi nadadaan apektado. Dahil ito mismo ang nagturo sa dalawa kung paano gawin iyon.
"Kailangan mo nang umuwi pagkatapos mong kumain," nakangiting sabi ni Tammy.
"Tama si ate," nakangiting sabi ni Timmy.
Pilit na hinanap ni Willow ang lakas. Kinurot niya ang isang kamay. Nang maramdaman ang sakit, kaagad siyang nagtakip ng mga mata.
"Ta-tama na! Waaaah! Oo na, uuwi na ako!"