webnovel

Chapter 32

MAAGA akong nagising para ipagluto ng breakfast ang asawa ko. Napagod kasi siya sa work and syempre inasikaso rin niya ang mga anak namin. Ang swerte swerte ko sa asawa ko...

Kaso naalala ko, wala pa nga pala akong asawa at mga anak. Ambisyosa na naman ang lola niyo!

Ang tanging meron lang ako ay ang lalaking mahal ko na mahimbing na natutulog ngayon sa kama ko. Enebe! Kapag naaalala ko iyong kagabi, nag-iinit ang mga pisngi ko.

"Biatch, anong nakain mo? Ikaw talaga ang naghahanda ng breakfast, ha?"

Ilang araw na akong nakalipat dito sa unit na 'to at sanay naman akong si biatch ang palaging nagluluto dahil masipag siya at marunong na siya. Yes, natuto siyang magluto para kay Duke na walang balls noon. Saka, no choice naman si biatch e dahil wala akong talent sa pagluluto. Prito lang ang kaya kong gawin.

Tulad ngayon. Hotdog, bacon, egg and ham! Bongga!

"Syempre, papa-good shot ako kay Kensh. Panahon na para matikman niya ang luto ko."

"Wow naman, biatch ang bongga ng goal mo. Parang ang sarap mong magluto ah!"

"Grabe ka naman! Support mo nalang ako."

"Oo na! Pero blooming ka. Hindi ka na virgin 'no? Sinakop ka na ba ni Kenshin?"

Muntik na akong mabulunan sa tanong ni biatch. Grabe siya! Napaka judgemental niya!

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin, biatch? Akala mo porket nagkasama kami sa isang kwarto, bibigay ako at may mangyayari sa amin? Grabe, ha! Ang smooth. Kaibigan talaga kita! Alam na alam mo talaga! Kesye enebe!"

"Punyeta!" Nanlaki ang mga mata ni biatch. "Seryoso? So may nangyari na sa inyo?"

I pouted my lip. "Iyon na nga, biatch e. Kasalanan mo 'to!"

"Anong ginawa ko? And'on ba ako para matunghayan ang ginawa niyong kalandian?"

"Hindi! Ang ibig kong sabihin, dapat pala tinuruan mo muna ako ng basic informations about sex lalo na kapag first time. Kasi alam mo na. May mga bagay pa ring hindi ko alam at hindi inaasahan."

"What do you mean?" Kumuha si biatch ng fresh milk sa fridge saka muling umupo sa dining chair.

"Ganito kasi 'yan..." isinalin ko na iyong huling pinrito ko sa plato at ipinatong sa dining table. Umupo ako sa katabi ni biatch at bumulong. "We almost did it... pero masyado siyang malaki!"

Namilog ang mga mata ni biatch. "XXL ba?!"

"OA, biatch ha! Ibig sabihin, basta malaki kasi naman hindi nagkasya sa akin. Huhu alam mo bang nakakahiya? Hindi natuloy kasi hindi ko kinaya! Hindi nagkasya! Andun na e. Gosh, sayang! E malay ko ba kasing ganoon soya kalaki! Hindi ko napaghandaan!"

"What the fuck?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Drake. He's looking at us at nakakaloka dahil naka topless siya. Well, normal na 'yan.

"Huwag kang maingay! Wala kang narinig!" Sabi ko sa kaniya.

"I heard it. Tangina, hindi nagkasya? Oh fuck, I didn't know na malaki si bro."

Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko. Punyetang Drake 'yan! Napakadaldal pa naman nya! Ano nalang sasabihin ni Kensh? Na itsini-tsismis ko siya?!

"Shut up, Drake!"

"What? Try it again and again hanggang magkasya, Frey. Lmao."

"Bastos mo talaga! Ibalik kita sa sinapupunan ng nanay mo e! Oops wala ka palang nanay." Nag-peace sign ako.

Ngumisi lang siya saka dumiretso sa fridge at kumuha ng mineral water. "I should teach bro for some tips." Tumawa pa siya.

Arghh! Nakakahiya!

"Lagot ka, biatch. Kiss and tell ka. Turn off na niyan si Kenshin sa 'yo." Pang-aasar ni biatch.

"Huwag kasi kayong maingay!"

Nanlaki lalo ang mga mata ko nang makita si Kenshin na pababa. Gising na siya, gosh!

"Bro---"

Mabilis akong tumayo at tinakpan ang bibig ni Drake saka ngumiti kay Kensh.

"Frey, hold-up ba 'yang hinagawa mo kay bro?"

"Oo! Mayaman 'to e. Anyway, let's eat breakfast na!"

Natawa lang si biatch. Binitawan ko rin si Drake at masama kong tiningnan.

"Masamang mang-hold up 'yang si Frey, bro. Tututukan ka niyan ng matalim na bagay." Sabi pa ni Kensh.

Ayan na naman siya! Back to that innocent Kenshin na palagi akong binabara at ginagago!

"Yeah, bro. Syempre si maja 'yan e." Sagot naman ni Drake na umupo na sa tabi ni biatch at iniayos ang mga plato.

"Maja ka ng maja!" Reklamo ko.

"What?! Maja. Majaba ang baba. Short for Frey."

"Bwisit ka yalaga. E pareho lang namang four letters 'yon!" Singhal ko kay Drake.

"Tama na 'yan. Kumain na tayo. Appreciate naman natin si biatch dahil siya ang nagluto." Sabi ni Cherrypink.

Enebe, ma turn on niyan sa akin lalo si Kensh. Mamaya niyan kapag nagawa na namin 'yon, tapos mag chemberlu na kami, sisigaw siya ng fuck, Frey ang sarap sarap... ng luto mo! Ganern!

"Sisipagin talagang magluto si maja. Hindi ba naman nagka---asdfhjk."

"Eat, Drake." Sabi ni biatch. Buti nga! Sinubuan siya ni biatch ng malaking hotdog. Ang daldal, kalalaking tao!

"Fuck, Cherrypink."

"O, ano?"

"Nothing. Kakain na nga."

Ang cute talaga nila minsan e. Kahit nababadtrip ako d'yan kay Drake, natuwa naman ako na narito din siya para kay biatch. Hay, naalala ko na naman 'yong kaibigan nilang may lahing ball-less!

"Frey, ang sipag mo naman para magluto." Sabi ni Kensh.

"Syempre naman, para sa 'yo." Ngumiti pa ako with twinkling eyes.

"You looked like an idiot, maja."

Sinamaan ko lang ng tingin si Drake. Kaunti nalang, iisipin kong hindi siya boto sa akin para kay Kensh! Sipain ko ang balls niya e.

Napaglagyan ko na ng pagkain si Kensh kaya naglagay na rin ako sa plato ko at nagsimula nang kumain.

"Frey, subukan ulit natin mamaya. Baka magkasya na."

Halos maibuga ko ang laman ng bibig ko. Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Kensh. Jusme, tama ba 'yon?! Nasa harap kami ng pagkain kasama sina Drake at biatch!? Kainin na sana ako ng lupa. Now na!

"Water." Inabutan niya ako ng tubig. Ang sweet niya sa part na 'yon pero punyeta talaga.

"Kensh naman. Pwede bang mamaya na natin pag-usapan 'yan? Hehe." Makuha ka sa tingin!

"Bakit mamaya pa, kung pwede naman ngayon?"

Ano 'to, kainosentehan plus 'yong the real him? Punyeta ha!

Ngumiti ako. Ngiting malapit ng manapak. "Ang sarap nitong bacon 'no? Anong tatak nito? Crunchy rin ang pagkakaprito ko e."

"Masarap din naman ang gagawin natin, Frey e."

PI! As in mapapamura na ako.

"Come on, maja. Nahiya ka pa sa amin. We already know that. Feel free to talk about it in front of us. We're not minors. Lmao." Sabi ni Drake na gusto kong batuhin ng hotdog, ngayon na!

"Drake, tara nga doon sa salas. Gusto kong manood habang kumakain." Sabi ni Cherrypink. Jusme, biatch! Friend talaga kita.

Tumayo na si biatch dala ang plato niya. Dumiretso siya sa living room saka binuksan ang TV. Ang lakas pa ng volume.

"Padala ng milk ko, Drake. Thank you." Sigaw pa niya.

Tumingin sa amin si Drake. Well, si Kenshin parang patay malisya. Abala sa pagkain niya.

"Free to talk." Pang aasar pa niya bago sumunod kay biatch sa salas.

Nang maiwan kami ni Kensh ay hinarap ko siya.

"Kensh, bakit mo naman tinanong ang tungkol doon sa harap nila?"

"Masama ba?"

"Pero kasi, Kensh..."

"Ikinakahiya mo?"

"No, hindi! I mean, syempre---"

"Kung ayaw mo, e 'di huwag."

Nanlaki ang mga mata ko. Hala, nagtatampo na siya. "Gustung gusto ko kaya, Kensh."

"Talaga?"

"Oo nga."

"Kaya nga sabi ko subukan ulit natin mamaya." Panimula ni Kenshin. "Hayaan mo sina Drake at Cherrypink kung marinig nila 'yon. Wala naman akong pakialam sa iisipin nila. Ang mahalaga, magkasya na. Hehe."

Muntik na akong mabulunan. Punyeta talaga! Hindi ko talaga alam kung siya ba talaga 'to, o ang innocent side pa rin niya pero may touch of naughty side. Nakakaloka!

"Gusto mo ako?" Inulit ko lang ang tanong ko. Baka kasi kagabi lang effective iyong sinabi niyang gusto niya ako at na-expired na.

Tumango siya. "I like you, Frey."

Gosh, ang sarap sa pakiramdam! Gusto na talaga niya ako at hindi na niya ako binabara. Oh my! Ang saya saya lang.

"I like you so much too, Kensh."

"Frey."

"Ano?"

"May tanong ako."

"Ano nga?" Kinakabahan naman ako sa maaari niyang itanong. Ang seryoso kasi ng mukha niya bigla.

"Anong mas mahaba, iyong akin o ang baba mo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bwisit ka! Kumain ka na nga lang! Mag-behave ka kung gusto mo akong matikman! Sige ka." Sabi ko. Ako pa talaga ang nanakot.

Wala pa ring pinagbago. May problema talaga 'tong lakaking 'to sa baba ko e.

GABI na naman at iniisip ko kung pupuntahan ko si Kensh sa Hashtag bar. Hindi ko rin kasi alam kung dito ulit siya tutulog. Wala naman kasi siyang sinabi at hindi niya ako tinatawagan at tine-text.

Alangan namang tawagan ko siya para itanong kung susubukan ba ulit namin mamaya. Grabe, bakit parang mula kaninang umaga, iyon nalang ang nasa isip ko? Pati kanina noong may shoot ako, iyon ang nasa isip ko. Nilamon na ni Kenshin ang sistema ko.

"Biatch, okay ka lang?" Tanong ni Cherrypink. "Parang hindi ka mapakali."

"Okay na okay lang ako, biatch. Ano ka ba! Matulog ka na. Bawal sa buntis ang mapuyat. May inaabangan pa akong teleserye." Pagsisinungaling ko.

"Okay. Goodnight, biatch."

"Goodnight!"

Umakyat na sa taas si biatch at naiwan ako dito sa salas. Naloloka na ako kakaisip kay Kensh!

Hinablot ko ang phone ko mula sa center table saka nag-open ng facebook ko. Baka online siya. Or magpost kaya ako? Tama.

Nag selfie ako saka ipinost iyon sa facebook.

Frey Cybel Guevarra

Ugh, nothing to do. So boringggg! Who wants to drink with me here at our unit?

Tumunog agad ang notification bell ko. Omg! Mini heart attack. Baka si Kenshin ang nag-comment.

I bit my lower lip. Si shingshangshung pala. Nakalimutan ko na siya nitong nakaraan dahil kay Kensh. I felt bad for him

Daryl Chen Alam mo namang lagi akong available for you, Cybel. I'm one call away. Beer?

Anong isasagot ko? Jusme, nasaan na ba si Kensh! Hindi naman sa ayaw kong pumunta rito si shingshangshung para mag bonding kami. It's just that, iyong post na 'yon, pagpapapansin lang kay Kensh. Makapal ang mukha ko pero this time, ayoko namang ako ang mag-reach out sa kaniya lalo na at wala naman siyang sinabi na dito ulit siya tutulog. Kahit pa sinabihan niya akong subukan ulit namin iyong ginawa namin kagabi.

Nag-scroll muna ako ng newsfeed habang iniisip kung paano rereplyan ang comment ni shingshangshung hanggang napatigil ako.

Drake Hong

Bar night with bro. I promise to give him a hot chick tonight.

Like • Comment • Share

Kenshin Sarmiento, Jerome Lee, Van Angelo Ynarez and 1,256 others like this

View 369 comments

Jerome Lee Hindi ganyan ang tinuro ko sa inyo Drake!

Rocher Ilano Oh my! I'm free tonight babe!

Caramel Chui Just give me a call and i'll be there

Mia Khalifa Otw

Ken Sarmiento Anong karapatan mo Hong?! Anong karapatan mong turuan ng ganyan si sperm! Iba-block kita! Bad influence ka talaga! Backstabber ka. Humanda ka sa #Sperk2k19Squad! Tumataas na naman ang altapresyon ko! #GigilMoAqoh #BannedKita #BlockDinKita #HayupKaHong #BatasNgIsangApi #HotSiKen

Punyeta. Nag-iinit ang dugo ko. Isip ako ng isip tapos nagsasaya lang pala sila sa bar. Bahala nga sika! Magsama silang mag-bro!

Mukhang wala namang balak si Kensh na pumunta dito. E 'di bahala siya. Hot chicks pala ha? Fine!

Nagcomment agad ako kay shingshangshung.

Frey Cybel Guevarra Alright. Beer. I'll wait for you.

Bwisit talaga. Naiinis ako! Argh. Hindi man lang ba naisip ni Kensh na may session kami ngayon? Na kailangan naming magpractice para magkasya na?

Pinatay ko ang phone ko. Hihintayin ko nalang na dumating si shingshangshung. Mabuti pang makipag bonding sa lalaking may paki sa akin. Kainis!

Pumunta akong kusina saka kumuha ng beer in can sa fridge. Sinimulan ko na iyong inumin. Akala ba ng Kenshin na 'yon, pupuntahan ko siya sa bar? No way.

Bumalik ako sa salas saka umupo. Habang lumilipas ang bawat minuto, umaasa ako na uuwi si Kenshin dito pero nganga! Hanggang tumunog ang door buzzer.

Mabilis akong tunayo para silipin sa peep hole kung sino ang nasa labas. And yes, it's shingshangshung as expected. May isang salita naman kasi siya and he's really a one call away.

I opened the door and welcome him. "Hi!" Bati ko.

Itinaas niya ang hawak niyang plastic ng beer at dalang pizza. "Masyado ba akong mabilis, Cybel?"

Natawa ako. "Actually, oo. Come in."

Pinapasok ko siya saka ko isinara ang pinto. Ipinatong niya sa center table ang dala niya.

"Honestly, pagka-comment ko sa post mo, umalis na agad ako ng bahay. Nag take out ng pizza at bumili ng beer sa convenience store. And yes, I'm just in my car while waiting for your reply kahit wala namang kasiguraduhan. I always want to risk when it comes to you. Kaya nang mabasa ko ang reply mo, pumunta agad ako rito."

How sweet. Grabe talaga um-effort ang lalaking 'to. Kung wala lang talaga akong nararamdaman para kay Kensh, baka madali akong nahulog kay shingshangshing.

Binuksan ko ang pizza. Nagbukas naman ng beer si shingshangshung saka kami nag-cheers.

"Ugh, ang sarap ng pizza." Sabi ko pero hindi ko alam kung bakit lumitaw sa isip ko iyong live banana ni Kensh. Napailing tuloy ako.

"Anyway, Cybel. About going to Palawan with me, sabihin mo lang kapag gusto mo ng pumunta. I'm always available and ready."

"Thank you, shingshangshung."

Ngumiti siya. "Cybel, alam kong wala akong karapatang mag-demand sa 'yo dahil alam ko namang may ibang laman ang puso mo pero pwede bang kapag wala kang magawa, tawagan mo ako at yayaing magkita tayo? I would love to do that. Gusto ko kasing nakakasama ka palagi."

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti para makilala ang ganitong klaseng lalaki.

"Alright, no problem."

"Huwag kang mag-alala. Hindi mo naman kailangang makaramdam ng guilt o kahit ano pa man dahil gusto ko 'to. Tanggap ko kung ano lang ang turing mo sa akin at tanggap ko kung hindi man tayo hanggang huli. Ang mahalaga sa akin, hangga't may mga pagkakataong makasama ka, iga-grab ko na. Para pagdating ng panahon, wala akong pagsisihan. Na anuman ang mangyari, kahit papaano ay nakasama ko ang babaeng mahal ko."

Ang puso ko, para bang na-touch na hindi maintindihan. A guy like him, damn.

Muli kaming nag-cheers ng beer. Kasunod niyon ang biglang pagbukas ng pinto.

"Frey, taas."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kensh. He looked mad. Mukha pa siyang nakainom.

"Drake, lasing ba?" Hindi ko pinansin si Kensh at kay Drake ako tumingin na mukhang lasing rin.

"Yeah, we're fucking drunk."

"Kensh, matulog ka na sa taas kung lasing ka na. Drake, ihatid mo sa kwart---"

"Why?"

Natigilan ako. Saglit kong tiningnan si shingshangshung na nakatayo na rin.

"Daryl, thank you sa pagpunta. I think, you need to go muna."

"I underatand, Cybel. Huwag ko lang malaman na sinasaktan ka niya."

Umiling ako. I assure him that everything is fine. Ayoko lang talaga na magkagulo na naman dahil narito si shingshangshung. Malay ko bang pupunta dito si Kensh e busy nga siya sa bar. Saka hindi naman siya rito nakatira.

Buti nalang talaga alam na ni shungshangshung na hindi talaga sila pwedeng magsama ni Kensh sa iisang lugar. At siya na ang nagkukusang lumayo.

Nang makaalis si shingshangshung ay muli kong tiningnan si Kensh na masama pa rin ang tingin sa akin.

"Bro, aakyat na ako. I need to fucking sleep."

Hindi pinansin ni Kensh ang pagpapaalam ni Drake hanggang nakaakyat na ito sa taas. Naiwan nalang kaming dalawa dito sa salas.

"Siya pa rin ba, Frey." Mahina ang boses niya pero may talim ang tingin niya.

"What? Lasing ka na, Kensh. You should sleep."

"Hindi ako lasing." Aniya. "Wala lang ako, pinapunta mo naman agad ang gago na 'yon."

"Hindi gago si Daryl." Depensa ko.

Ngumisi si Kensh. "Gusto nga kita, Frey 'di ba? Gustung gusto kita. I want to be with you kaya narito na naman ako sa unit niyo. Pero bakit palaging extra 'yon?"

"Kensh, look. Boring lang ako kanina at wala akong magawa. Wala rin akong makausap. You're busy with some hot chicks sa bar with Drake right?"

"Mahilig ba ako sa hot chicks? Si Drake lang ang mahilig doon dahil manyak siya."

Hindi ako makasagot.

"Kahit isang daang babae pa ang iharap sa akin ni Drake, wala naman akong pakialam dahil hindi ko sila type. Ikaw nga ang gusto ko, e. Ikaw, Frey."

Kikiligin ba ako?!

Tinitigan ko siya sa mga mata. Bigla ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Matutuwa ba ako sa sinabi niya?

"Nag-iisa ka lang sa mundo, Frey. Sa tingin mo mapapalitan ka agad ng mga babaeng pinapakilala sa akin ni Drake na kinulang sa tela ang mga short at walang pambili ng bra?"

I bit my lower lip.

"Hindi naman kasi ako confident na gusto mo talaga ako, Kensh. Saka... wala naman akong karapatang magselos."

Lumapit siya sa akin saka hinaplos ang pisngi ko. Kinilabutan ako. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

"I fucking like you, Frey. At ito..." itinuro niya ang bandang dibdib niya. "Ikaw lang ang hinahanap nito."

In an instant, napanganga ako sa sinabi niya. Until I felt his lips against mine.

Hindi ko akalaing ganito ang mangyayari. Akala ko ay magagalit na naman siya at ipapamukha sa akin na wala siyang pakialam kung may iba akong kasamang kakaki.

Pero mali...

This time, it's different. Pinatunayan niya lang sa akin na gusto niya talaga ako at alam kong pagkatapos ng halikan na 'to, matutluloy na ang naudlot at sisiguraduhin kong magkakasya na iyon.

Thank you for reading! xoxo

pinkyjheweliicreators' thoughts
次の章へ