webnovel

Chapter 5

MAAGA akong gumising ngayon dahil pinaalala sa akin ni Robi na may kailangan daw siyang bayaran at kailangang maidaan ko sa kaniya ang pera ngayon. Mabuti nalang at nag-iipon ako. Kada sweldo ko ay nagtatago ako ng one thousand para in case na emergency, may magagamit akong pera.

Bumaba na ako ng bus saka nilakad ang papunta sa building ng unit ni Robi. Nakahanda na ang one thousand five hundred na kailangan niya.

Tumingin ako sa oras. Medyo maaga pa naman. Hindi naman siguro ako male-late. Bawal pa naman akong ma-late kasi ako lang ang crew sa pinagta-trabahuhan ko---sa Cafe de Lucio na pag-aari ni Mrs. Hestia Palermo.

Minsan na lamang siya pumupunta sa cafe kasi medyo abala siya sa mga anak niya. Kaya nga ipinagkatiwala niya sa akin ang cafe. Kumbaga parang manager slash crew slash barista slash cashier ang peg ko. Pang malakasang work! Pero ayos lang kasi malaki naman ang sweldo ko. Tuwing kinsenas ay sumesweldo ako ng ten thousand kaya ayos na. Ang laki kaya! Sabi nga ni Miss Hestia, deserve ko 'yon kasi nga all around na ako sa cafe. Iyong dati ko namang kasama na si Marinette, umalis na sa cafe kasi nabuntis ng jowa, ayun sumama sa probinsya. Kaya ako, all around!

Sabi naman ni Miss Hestia, magha-hire siya ng makakasama ko e. Saka mas gusto niya na 'yung medyo kilala na niya iyong kukunin niya at alam niya 'yung background para mapagkakatiwalaan talaga.

Nakarating na ako sa building ng unit ni Robi kaya pumasok ako saka umakyat sa unit niya.

Hindi na ako nag-door buzzer dahil alam ko naman ang passcode. Saka sanay na naman si Robi. Isa pa, girlfriend niya ako kaya ayos lang na basta lang ako pumasok sa unit niya.

Pagbukas ko ng pinto ay naaninag ko agad si Robi. Nakatalikod siya sa gawi ko. Gugulatin ko sana siya nang mapansing may kausap pala siya sa phone.

"Yes, honey. Of course, mahal na mahal kaya kita. Walang makakahigit nung mga ginawa mo sa akin kagabi. Mamaya ulit ha?"

May kakaibang tusok sa puso ko. Sino naman 'yung kausap niya. Saka bakit ganun...

"Robi..." tawag ko sa kaniya.

Para naman siyang nagulat at napaharap sa akin. Pinatay niya din ang tawag at ibinaba ang phone niya.

"Baby!" Sabi niya saka ako niyakap. "Namiss kita agad."

Sa halip na mapangiti ako sa sinabi niya ay lalong sumakit 'yung nakatusok sa puso ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin saka hinalikan ako sa noo.

"Dala mo na ang pera, baby? Nagmamadali na kasi ako." Sabi niya.

Ngumiti ako ng mapait. Kinuha ko agad sa bag ko iyong pera saka binigay sa kaniya.

"Thank you talaga, baby! The best ka talaga."

"Aalis na din ako. Baka ma-late pa ako sa trabaho." Sabi ko. Wala naman na kasi akong masabi pa.

Ngumiti siya ng malapad. "Sige baby. Pero oo nga pala, huwag ka nang masyadong magpost sa wall ko sa facebook. Hindi ba ayoko ng ganon? Corny kasi kapag ganun e."

Tumango nalang ako. Lagi ko naman sinusunod ang gusto niya e.

"Saka dapat hindi mo ginagamit na profile picture 'yung picture nating dalawa kasi baby, facebook mo 'yun. Dapat mukha mo lang ang nasa profile picture mo. Tapos naka-tag pa ako."

Bakit ganun. Iyong iba ko namang kakilala, masaya pang pinapakita 'yung mga boyfriend nila sa facebook nila. Kasi kapag ganun, pinapakita mo sa boyfriend mo na proud ka sa kaniya saka para ipakita ko din sa lahat na hindi na ako single---na taken na ako.

"Sige, papalitan ko nalang mamaya." Sabi ko nalang.

Gusto ko nang maiyak pero hindi. Ayokong umiyak sa harap niya. Tanga na nga ako e, ipapakita ko pa bang mahina ako? Masyado na akong kawawa kapag ganoon e.

Pero wala e, mahal na mahal ko talaga siya kaya iniintindi ko nalang siya. Iyong babaeng kausap niya sa phone niya kanina, baka kaibigan niya lang o kaya kamag anak. Baka ganoon lang talaga sila mag-usap.

"Good. Sige na baby. Baka ma-late ka pa sa work mo." Sabi niya na parang tinataboy niya ako.

"Sabay na tayo. Paalis ka na din naman e." Sabi ko. Kahit nasasaktan ako at nagtatampo, gusto ko pa din naman siyang makasabay.

"Huh? Mauna ka na baby. May aayusin pa ako sa mga dadalhin ko. Baka ma-late ka pa. Sige na."

Pero kanina sabi niya, nagmamadali siya. Hindi ko alam kung bakit napakahirap para sa kaniya iyong makasabay ako papunta sa work, o kahit nga paghahatid lang sa akin sa baba ng building.

Tumango nalang ako. "Sige. Aalis na ako." Paalam ko.

Tumalikod na ako. Nakalabas na ako ng unit niya nang wala man lang akong narinig na I love you o kahit goodbye kiss na dati naman naming ginagawa noong mga one year palang ang relasyon namin. Ang dami nang nagbago.

Masakit lang talaga iyong feeling na iyong mga nakasanayan mong ginagawa niya noon, wala na ngayon.

Huminga ako ng malalim saka pinatatag ko ang sarili ko. Hindi ako iiyak.

Pero kusa nang nanubig ang mga mata ko.

Mabilis ko iyong pinahid saka binilisang bumaba ng building. Nag abang na ako ng jeep papunta sa cafe. Nang may dumaan ay sumakay agad ako.

Sa trabaho ko, hindi pwedeng malungkot ang mukha ko kasi araw araw iyong mga customer na bumibili ng kape, karamihan sa kanila, stress sa trabaho, puyat at pagod tapos makikita pa nila ang mukha kong malungkot? Hindi dapat ganon. Nasanay na akong palaging nakangiti at masigla kapag oras ng trabaho, my problema man o wala.

Ganoon ako kagaling magpanggap na maayos ang lahat.

Iyong ibang tao kaya kong pasayahin sa pamamagitan mg pang-ngiti, pero sarili ko hindi ko kayang pasayahin.

"Para po, manong!" Sigaw ko nang mapansing dito na pala ako. Masyadong malalim ang iniisip ko.

Pagbaba ko ng jeep ay dumiretso agad ako sa cafe. Nagulat ako kasi nakabukas na iyon. Ibig sabihin, pumasok si Miss Hestia.

Nang makarating ako sa cafe ay naabutan konsi Miss Hestia na nasa may couner.

"Goodmorning, Miss Hestia. Ang aga niyo naman po? Paano po si Hershey?" Tanong ko.

Minsan kasi, isinasama niya dito iyong pangalawang baby niya na si Hershey. Nine months na ang baby na iyon at napaka-cute.

"Goodmorning. Nasa mansyon ang asawa ko kaya siya muna ang nag aalaga saka hindi ako magtatagal today. Narito lang ako kasi pupunta dito si Mom."

"Si Mrs. Palermo po?" Tanong ko.

Sa tagal ko nang nagta-trabaho dito, halos kilala ko na ang buong angkan nila na mga Palermo at kung tatanungin ako, sila iyong lahi na talagang mga dyosa at mga gwapo.

"Yes. May bago ka nang makakasama dito sa cafe. Hindi mo na kailangang mag-all-around. Kaso you still need to train him dahil hindi iyon sanay na mag-trabaho."

Ibinaba ko sa table sa loob ng counter ang sling bag ko saka isinuot ang apron ko at cap na may tatak na Cafe de Lucio.

"Him? Ibig sabihin, lalaki ang bago kong makakasama? E Miss Hestia, sure bang mapagkakatiwalaan iyon?"

Ngumiti siya. "Oo naman. Because my family know him very well."

Tumango-tango ako. Kung sabagay, first time kong magkakaroon ng ka-trabahong lalaki dito pero sa tingin ko may advantage naman 'yon? Iyong mabibigat na trabaho, siya nalang ang gagawa.

"O ayan na pala sila. Come here, Keeshia."

Sumunod ako kay Miss Hestia na salubungin sina Mrs. Palermo. Close pa kami dahil hindi pa ako nakakapag ayos ayos dito sa cafe saka may kakausapin pa kami e.

Napansin ko ang lalaking kasunod ni Mrs. Palermo nililibot niya ang tingin sa paligid. Parang napakatangkad naman ng lalaking 'yan.

"Goodmorning, Mrs. Paermo." Bati ko.

"Goodmorning, Keeshia." Ngumiti siya. Wala pa ding kupas ang kabaitan ni Mrs. Palermo.

"Mom, alam na ba niya?" Tanong ni Miss Hestia kay Mrs. Palermo.

Alam? Alin?

Humarap sa amin ang lalaking kasama ni Mrs. Palermo at halos mapanganga ako dahil? Bakit ganon, makalaglag panty ang ka-gwapuhan niya. Kahanay na niya sina Sir Lucas tapos hawig pa nila. Saan ba nakakahanap ng mga ganitong klaseng nilalang?

"This cafe looks great."

"Nagandahan ka ba?" Tanong ni Mrs. Palermo sa lalaki na... ang sarap titigan.

"Yeah, Mom. I like it. Why did you ask?" Tumitingin tingin pa siya sa paligid.

Ni hindi nga niya ako matapunan ng tingin e kasi, matangkad siya tapos, bakit naman niya ako titingnan 'di ba?

Mom? Nanay niya si Mrs. Palermo? Ibig sabihin, anak siya at kapatid siya nina Sir Lucas? Pero sa pagkakaalam ko, tatlo lang silang magkakapatid? Saka kung anak siya, bakit siya magwo-work dito?

"Mabuti naman. At least gusto mo dito. Mula ngayon, magta-trabaho ka dito bilang barista, crew, waiter o kahit ano pa." Sabi ni Mrs. Palermo.

Nanlaki ang mga mata ni pogi saka napahawak pa sa ulo niya. "Fucking hell, are you serious Mom? Ako, magta-trabaho dito? Mom!"

Hala siya. Mukhang spoiled brat pa 'tong pogi na 'to.

"Yang bunganga mo, Terrence ha! Manang mana ka sa Tito Luke mo! Sumasagot ka pa!"

Wait. Tito Luke? So... bakit nanay niya si Mrs. Palermo? Baka anak sa ibang lalaki? Malabo naman yata iyon.

"But Mom! Pumayag na ako sa sinabi mo na magta-trabaho ako. But I didn't know that I will work here! Fuck it, ang dami daming company ng mga Palermo! I can even work to my Dad's compa---"

"Punyeta ka sumasagot ka pa!" Sigaw ni Mrs. Palermo. Napangiwi ako. Mabait siya pero parang nakakasindak kapag sumigaw na siya.

"Mom! You can't do this to me!"

"At bakit hindi? Kailangan mong matuto! Puro ka pasarap!"

"Mom, please. You can give me work but not liks this. Sayang ang ka-gwapuhan ko dito, Mom!"

Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya. Ay kaloka si pogi. Iba din!

"Gwapo ka? Gwapo ka? Magtigil ka d'yan. Magta-trabaho ka dito sa ayaw at gusto mo. At ngayon ang first day mo. All your credit cards and debit cards are all suspended. Nagkausap na kami ng tatay mo at pumayag naman siya sa gagawin kong pagdi-disiplina sa 'yo."

"Oh fuck! This is horrible!"

"Mas horrible pa ang mangyayari sa iyo kapag pumalag ka pa. Mahiya ka nga sa asaw ang pinsan mo. Tatanggapin ka niya dito sa cafe niya kahit hindi qualified!"

"Sa sobrang gwapo, hot at sarap ko, Mom? Hindi pa ako qualified? I'm over qualified!"

Ayaw ko na. Hindi ko kinakaya si pogi.

"Punyeta ka! Umayos kang lalaki ka kung ayaw mong matulog sa lansangan."

"I can sleep at motels with hot girls an---"

Napangiwi ako nang pingutin ni Mrs. Palermo ang tainga ni pogi. Kakaiba din pala 'tong lalaki na ito. Ibig sabihin, mayaman siya at pinaparusahan lang siya?

"Hestia, si Keeshia na ang bahalang mag-train sa kaniya dahil expert na siya. Hindi ka pwedeng mag-train dahil baka makunan ka pa. Kahit one month palang 'yang tiyan mo, siguradong duduguin ka kapag itong lalaki na 'to ang kasama mo."

"Oh."

Napansin kong nakatingin na sa akin si pogi. Parang sinusuri niya ang mukha ko. Wait, anong problema niya. May dumi ba sa mukha ko?

"Sige, Mom. Kailangan ko na ring mag-breastfeed kay Hershey." Sabi ni Miss Hestia.

So maiiwan sa akin si pogi?

"Parnag gusto ko ding mag-breastfeed." Sabi ni pogi.

Hala siya!

Hinampas ni Mrs. Palermo ng hand bag sa ulo si pogi. "Iyang bunganga mo, letse ka!"

"Mom! Nasasaktan ako! Makahampas naman! May puso't damdamin din akong nasasaktan---"

Hindi na natapos ang sasabihin niya nang hawakan ako ni Mrs. Palermo sa mga kamay ko.

"Matatag ka, Keeshia. Ikaw na ang bahala sa pamangkin kong iyan. Huwag kang mag-alala, binibigyan kita ng karapatan na saktan 'yan kapag sumobra na. Kahit pukpukin mo ng kawali sa ulo, okay lang. Pero wala pala kayong kawali dito. Kahit iyong walis dito, ihampas mo. Ha? Basta i-train mo siya at kailangang matutunan niya lahat ng pasikot sikot dito. Huwag kang mahihiyang pahirapan 'yan."

"S-Sige po?"

"I'm counting on you, Keeshia."

Tumango lang ako. Lumapit naman sa akin si Miss Hestia. "Keeshia, ikaw na ang bahala rito. Huwag kang mahihiyang utusan si Terrence."

Tumango ulit ako. Jusko, okay lang namang iwan nila kay pogi kasi tititigan ko nalang ang mukha niya? Pero mukhang narcissist ang lalaking 'to.

Umalis na sina Mrs. Palermo at Miss Hestia. Sumunod pa si pogi pero hindi naman sumunod hanggang labas ng cafe.

Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

Napalunok ako. Gwapo talaga siya at wala akong masasbaing negative sa itsura niya.

"So you're Keeshia."

Hala siya. Kilala niya agad ako? Ay oo nga pala, may name plate ako sa uniform ko.

"Hi, ako nga pala si Kee---"

"Keeshia delos Reyes. Your number is 09696969696,oh I love that numbers."

Nanlaki ang mga mata ko. E wala naman sa name plate ko iyong number ko ah!

"Teka, paano mo nalaman ang number ko?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumisi siya. At iyong ngiti niyang iyon, bakit nakakadala.

"Because I'm fucking great."

Hala siya. Lakas ng self confidence.

"Anyway, ayoko sanang magtrabaho dito but then, you're here. So, I decided to try here. Siguradong mag-e-enjoy ako."

Anong ibig niyang sabihin?

"Pero paano mo nga nalaman iyong number ko at saulo mo pa."

"Whoa! Sa tingin mo mahirap ma-memorize ang number mo? Damn, you're fucking cute."

Cute daw ako? Pero bakit may fucking pa. Ano ba 'yan. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

Nagtataka lang talaga ako kung paano niya nalaman ang number ko.

"Hala, seven na pala! Kailangan na nating mag-open ng cafe."

"Damit mo yata ang gusto kong i-open." Kumindat pa siya sa akin.

Muntik na akong madapa. Hala siya! Bastos yata 'tong lalaki na 'to! Hindi ko pinansin iyon.

Iniayos ko ang sign sa OPEN saka inayos ang pinto. Bumalik ako sa counter saka inayos ang cashier.

"Una muna kitang tuturuan na gumamit nitong kaha." Sabi ko sa kaniya.

"I can teach you a lot of positions."

Kumunot ang noo ko. "Anong posisyon? Saan 'yan, sa company?"

Tumawa siya saka sumandal sa counter habang nakatingin sa akin.

"You're naive. So I guess, you're a virgin?"

"Oo nam---ANO?!"

Tumawa ukit siya. "Oh damn. Gugustuhin ko ng magtrabaho dito. I will go to work everyday just to see you. I will do everything you want. You will train me? Then go, I'm very willing to learn all the things here at cafe."

Pakiramdam ko ang pula pula ng mukha ko. Anong klaseng tanong iyon at anong klasemg sagot ang sinabi ko?!

"Hey, natulala ka na? Na-realize mo na ba kung gaano ka ka-swerte na ako ang makakasama mo sa cafe na 'to? We can do a lot of things lalo na kapag wala pang customers."

Napalunok ako.

"I'm good at kissing..."

What the...

"I'm good at licking..."

Mas nanlaki ang mga mata ko.

"I'm good at sucking..."

Nanuyot bigla ang lalamunan ko.

"And I'm expert at fucking."

Nanlaki na ang mga mata ko lalo nang ma-gets ko na iyong pinapahiwatig niya.

Manyak ang lalaking 'to!

"I will let you taste me...."

Hindi ko na siya kinakaya.

"I will taste every part of your body..."

Wala na, hindi ko na talaga alam kung paano ako magre-react sa sinasabi niya. Hindi man lang siya nahihiya sa akin!

Wala sa sariling nahablot ko ang mug na may laman pang kape sa gilid ng counter saka ibinuhos sa kaniya.

"Oh---fucking hell!"

"Bastos ka! Coffee shop 'to at hindi motel! Gwapo ka na sana kaso ang dirty mo. Eww!" Sabi ko sa kaniya saka lumayo.

"What the fuck, dirty? Ako?"

"Umayos ka ha! Umayos ka,kung hindi isusumbong kita kay Mrs. Palermo! Binigyan pa naman niya ako ng karapatang bugbugin ka!"

"What---wait, bugbugin? Are you a gangster!?"

"Kung kailangan kong magpaka-gangster sa 'yo, gagawin ko! Bastos!"

Nagkaroon ako ng lakas ng loob at sa halip na mainis ako, parang natuwa pa ako na sa kabila ng lungkot at disaapointment ko kanina sa boyfriend ko ay napalitan ang mood ko dahil sa pogi---manyak pala na lalaking 'to!

Sayang siya. Pinupuri ko pa naman ang ka-pogian niya tapos... hay nako!

Hindi ako mataray o sadista pero grabe 'tong lalaki na 'to.

"Sinadya mo talagang buhusan ako ng kape. Para paraan tayo." Sabi niya habang...

Oh my God.

Basta nalang siya naghubad ng tshirt niya at sakto pang may pumasok na mga empleyado.

"Hi girls"

"Oh my, ang hot niya!"

"May crew palang lalaki dito?"

"Sisipagin na akong bumili ng kape!"

Jusko, mabilia akong lumapit kay pogi saka tinulak siya papunta sa kitchen sa may office.

"What are you doing? Pinagpapantasyahan pa ako ng mga babae doon. Gusto mo pa akong ma solo? Oh damn."

Hinampas ko siya sa braso saka binato sa kaniya ang isang apron.

"Magpalit ka ng damit at isuot mo 'yan!" Sigaw ko saka lumabas na sa office. Iniwan ko siya doon at hinarap ang mga customers na naghihintay sa may counter.

"Nasaan na iyong hot guy?"

Sa halip na sagutin ko sila ay iniba ko ang usapan. "Ano pong order nila?"

"Oh my God!"

Nilingon ko iyong tinitingnan nila at nanlaki ang mga mata ko nang makita si pogi na naka apron pero topless. Anong trip ng lalaking 'to!

"Oh, hi girls!"

"Wait lang po!" Sabiko sa mga customers saka muling tinulak sa loob ng office si pogi.

"Hoy ano ka ba, pornstar? Macho dancer?"

"What?you told me to wear this apron so I did."

Hinilot ko ang sentido ko. "Syempre magdamit ka naman, jusko! Ang sakit mo sa ulo."

"Mas masakit ka sa ulo ko sa baba."

Ano daw?

"Nasaan kasi ang damit mo?" pag iiba ko ng usapan.

"Tinapunan mo ng kape, right?"

Oo nga pala. Jusme! Pumunta agad ako sa locker ko saka nagcheck ng shirt. Alam ko may mga loose shirt ako na sinusuot ko kapag umuuwi ako. Kinuha ko ang puting tshirt saka binigay sa kaniya. Pang lalaking shirt naman siya.

"Isuot mo muna 'yan saka ka lumabas." Sigaw ko saka mabilis ulit na bumalik sa cashier.

Iyong mga babae ay mga nakangiti pa.

Tinanong ko sila ng orders nila saka pinakalma ang sarili ko.

Grabe, hindi man lang ako na-briefing na sasakit ang ulo ko sa lalaking 'yon! My gosh! Kaya pala sabi ni Mrs. Palermo, ayos lang na saktan ko siya, e paano, sa klase ng ugali niya, masasaktan mo talaga siya e.

Poging pogi pa naman ako sa kaniya pero jusko, nakakasuko yata. Goodluck nalang sa akin dahil ite-train ko pa siya. Kumusta naman kaya 'yon?

Training a pervert like him? Hala talaga.

次の章へ