webnovel

Epilogue

Epilogue

Zedrick's Point of View 

 2 years later... 

 Walang nagbago sa pamamaraan ng buhay. Paulit-ulit lang ang ginagawa namin habang tinatago ang eksistensiya ng mga bampira. 

Sa taong lumipas, gumawa ng laboratoryo ang organisasyon para sa bampirang katulad ni Curtis upang maiwasan ang pagkauhaw niya sa dugo.

Napaka malaking tulong nito dahil hindi na siya magdudusa't mahihirapang maghanap hanap ng pwedeng makakain para lang sa kailangan ng kanyang katawan. 

 As for me? I am now a human. 

 However, there's a part for me that doesn't want to accept the reality. 

Ano ang saysay ng pagiging tao kung wala rin akong rason para mabuhay? 

 Gumigising na lang ako ng umaga para gawin ang pinapagawa ng head sa akin, gigising na may mabigat na dinadala sa aking dibdib-- hindi ako makahinga. 

 

 Ilang taon na ang nakakalipas pero siya pa rin ang iniisip ko. Siya pa rin ang pinipili ko. Binigyan niya ako ng panibagong buhay, binigay niya 'yong buhay na mayroon siya, 

 …pero bakit 'di ko maramdamang buhay ako?

 Pumunta ako sa canteen kung nasaan ang mga kaklase ko. Sumabay ako sa kanilang kumain. Ngunit hindi rin ako nagtagal dahil umalis din ako para puntahan sina Hades. Wala namang nagbago sa kanila, ganoon pa rin sila't madaling pakisamahan. 

 Si Curtis lang talaga ang hindi ko makasundo ngayon, napakalaki ng galit niya sa akin at kapag nakikita niya ako ay tila parang diring-diri na siya sa akin. 

Ayaw niya akong makita o makausap man lang. 

 Subalit hindi ko siya masisisi roon. 

 Kahit na ano namang sabihin natin ay ako pa rin ang dahilan kung bakit wala si Savannah ngayon. 

 "Ay, p're. Sumagi lang sa isip ko pero mayro'n bang estudyante rito sa K.C.A na may purple eyes?" 

 "Huh? Purple eyes?" 

 "Uy, familiar. O baka na deja vu lang ako?" 

 "Owemji, I feel you!" 

 Napatingin ako sa gawi ng mga estudyante pinag-uusapan ang isang pamilyar na estudyante, pagkatapos ay itinapon na nga lang ang styro cup na ginamit ko kanina at ipinasok na sa basurahan. Lumabas na ako sa canteen. 

 Binura na ni Xanis ang existence Savannah sa bawat alaala ng mga estudyanteng nakakakilala sa kanya upang hindi magkaroon ng gulo o pagtataka kung nasaan siya ngayon. 

 Tutol ako nung una pero naisip ko rin na tama naman ang naging desisyon ng Fabled Fiend. Kung babanggitin pa ng estudyante ang pangalan ni Savannah, malaking hirap no'n sa amin-- Sa akin. 

 

 Nakakasalubong ko pa rin sina Septimus pero hindi tulad ng dati na kukulitin kami noong nandito si Savannah. Hindi man niya sabihin pero hinahangaan talaga niya si Savannah kahit na ka-kompentensiya niya ito sa iba't ibang bagay. 

 

 Isipin ko nga naman, 

 ...masasabi ko ba talagang walang nagbago sa pamamaraan ng buhay kung malaki ang pagbabago ng mga tao sa paligid ko? Kahit ako, pakiramdam ko malaki rin ang pagbabago ko. 

 Mas dumidistansiya ako ngayon ay makikipag-usap lang ako kapag kinakailangan. 

 "Zedrick!" Malakas na tawag sa akin ng babaeng iyon at pasakal akong inakbayan. Kung kailan talaga gusto kong mapag-isa! "You bastard! Hindi ka nanaman sumipot sa task natin!" Bulyaw niya at kinonyatan pa ako.

Nandito kami sa school hallways ngayon. 

 Pumitik ang kung ano sa sintido ko. "Kiara! Alisin mo nga 'ya--" Mas sinakal pa niya ako kaysa kanina at binubungangaan nanaman ako. 

 She's Kiara, Kiara Hetalia. Isa sa miyembro ngayon ng Seventh Platoon. 

Siya ang pumalit kay Savannah bilang lider sa team dahil sa pambihira nitong skills and ability. Short and Long Range ang specialty niya at nag-aaral noon sa 

BTA (Blaze Trinity Academy)

Kaya niyang maging forward at maging support kaya madali lang din matapos ang mga misyon kapag nandiyan siya. Mabilis din kasi ang kanyang galaw, parang hindi pang ordinaryong tao. 

 Kumpara kay Savannah, napaka isip bata niya. Ang ingay ingay at mabunganga.

Ang kagandahan lang sa kanya ay 'yung madalian niyang pakikisama sa ibang estudyante ng K.C.A. kaya kilala na siya kaagad sa sa campus. 

 "Kiara! Thank you sa pagtulong sa amin sa presentation nung nakaraan!" Pagpapasalamat ng estudyanteng hindi ko kilala. 

 "Kia! Sali ka ulit sa tennis practice para gumaling pa ako lalo!" 

 "Kiara! Gusto mong sumali ulit sa art contest! Ikaw na lang 'yung representative for third batch." 

 Humawak si Kiara sa ulo niya dahil sa sobrang flattered at tumawa pa. "Busy ako ngayon, eh. Puntahan ko na lang kayo 'pag may time!" 

 "Aasahan namin 'yan!" Masayang sambit ng isa sa mga estudyante. 

 Dumaan ang babaeng estudyante sa harapan namin at nagtakip ng bibig. "Ayieeh! Naglalandian nanaman sila." Pang-aasar nito sa amin na sinikohan lang nung kasama niya saka sila nagtawanan. 

 Pareho kaming namula sa hiya. "SINONG NAGLALANDIAN?!" Parehong asik saka kami naghiwalay. 

 Tinuro ko siya habang lumalabas na ang ugat sa ulo ko. "HOY! KUNG AYAW MONG PATAYIN KITA, LUMAYO LAYO KA SA 'KIN!" Babala ko sa kanya na tulad ko ay sinigawan din ako. 

 Mas dumoble lang ang ingay. "BAKLA KA! KUNG WALA AKO NUNG ARAW NA IYON, TIGOK KA NA SANA!" Ganti naman nito sa akin dahilan para umabante ako. 

 

 "HINDI KO NAMAN KAILANGAN NG TULONG MO!" 

 Nag walk out ako pagkatapos niyon, narinig ko pa 'yung pagko-comfort ng ibang estudyante kay Kiara na inismidan ko lang. 

*** 

 ISANG ARAW, pumasok kami sa isang misyon kung saan hindi namin inaasahan ang aming matutuklasan. Sa gitna ng madilim na gabi, maliwanag na buwan at ang malakas na pag-ihip ng hangin. 

 Muli ko siyang nakita... 

 Subalit hindi na siya ang babaeng kilala ko. 

 Malamig ang paraan ng kanyang pagtingin, walang emosyon ang nakamarka sa kanyang mukha at tulad ng malungkot na buwan ay nagliliwanag ang mapula niyang mata para handa kaming patayin. 

 

 "It can't be..." Hindi makapaniwalang wika ni Vermione habang nanginginig na nakatingin sa babaeng na sa tuktok ng malaking bato gayun din sila Hades at Curtis. 

 Sumeryoso lang ang tingin ni Kiara na nakatitig sa babaeng na sa harapan namin. 

 Sumasayaw sa ere ang mas humaba niyang buhok. 

 Umabante ako nang kaunti, hindi makapaniwala sa aking nakikita. Walang bahid na kahit na ano sa mukha ng babaeng ito pero nang banggitin ko ang pangalan niya. "Savannah..." Namuo ng matinding paghihinagpis ang kanyang mata subalit, 

 ...naglabas siya ng maitim na kapangyarihan. Handa kaming tapusin ng sabay-sabay. "You're all gonna die." Aniya na may malalim na tono sa kanyang boses. 

 Nakatitig ako sa kanya ng ilang sandali bago mapatungo at mahinang natawa. "Is that so?" Muli kong inangat ang aking ulo para bigyan siya ng determinadong tingin. 

 I will still hold you close and screamed out, even if nothing in reality would change. I will SAVE you. Falling down, all pieces with cuts turned to scars, it'll heal. 

 "Let's end this." 

If this is a self choice and we are meant to be separated into different paces. Then, even if this entire world turns against her. I will make sure that I'll be here to protect her. All she gotta do is to believe in me.

Oh, gulat ba kayo dahil tapos na? Haha!

By the way, the multimedia of Arcane Vampire's epilogue is now available on my Facebook page!

Illustrated by (@vhenyfire) You can check it out!

Facebook Page: (@Yulie_Shiori)

Twitter: (@_YulieShiori)

Yulie_Shioricreators' thoughts