webnovel

The Real Universe

Blood LII: The Real Universe 

Zedrick's Point of View 

 She spoke the language of the universe-- Filling up the bright starry stars like she's taking me up where I can feel the zero gravity. "I love you." We're both staring to each other while standing in front of the Christmas tree. 

 Pumunta ako sa likuran niya upang isuot ko sa kanya ang time clock necklace kung nasa'n sa loob nito ay ang litrato naming pareho. I want to emphasize the sayings, times has a wonderful way of showing us what really matters. 

 Maybe it's kind'a cheesy but hey, this is how people fall in love. It doesn't matter what other thinks as long as they are happy. 

 "You give me a cute present under a beautiful Christmas tree... Oh my gosh, mama! Girls are weak to these situations too!" I giggled. Weak, huh?

 Nakabit ko na ang necklace niya kaya pinaharap ko na siya sa akin. "Now why are you doing this? You're making me blush, dummy." Hindi pa rin naglalaho sa mukha niya 'yung pagpula ng pisngi niya. 

 I smiled. "You blush just by thinking about me, August. That shows how much you love me." I hold her hands and pulled her closer to my arms to hug her. "I love you so much. Even if the world ends tomorrow, I won't ever let you go. I will protect you." 

 Humagikhik siya. "End of the world na nga, po-protektahan mo pa 'ko?" Her arms wrapped around my waist, hugging me tightly. "We'll die together. Gagawin natin kung paano mamatay si Romeo at Juliet." 

 Natawa ako sa sinabi niya't hinalikan ang kanyang ulo. Maraming tao ngayon dahil araw ng pasko at dito kami nagse-celebrate sa labas dahil nag bakasyon si Mommy kasama ang family ni August sa Tagaytay. Kaya ngayon ay nagpasya na lang kami ni August na mag spend ng time rito sa labas. 

 

 Tutal, napakaganda rin talaga ng mga pasyalan ngayon dahil sa iba't ibang kulay ng mga liwanag na nanggagaling sa dekorasyon ng Christmas lights. 'Tapos marami pang bukas kahit 12:00 na ng hating gabi. "Merry Christmas." Bati ko sa kanya kaya inangat niya ang ulo niya na nakabaon kanina sa dibdib ko. 

 Unti-unting luminya ng matamis na ngiti ang labi niya. "Thank you sa gift. Merry Christmas."

 I wanna kiss her. 

 "I'll protect you." Ulit ko pa sa sinabi ko kanina. 

 "Naniniwala ka ba kung narinig ko na yan dati?" She asked. Lumayo ako nang kaunti sa kanya ng hindi inaalis ang ngiti sa aking labi. 

 

 "Oo naman, 'lagi ko namang sinasabi 'yan sa 'yo." I want to protect what we have, protect her from all the sufferings she will be experiencing in the future. 

I want her to be happy, always. 

 Umiling siya sa sinabi ko. "Ito ang kauna-unahan na sinabi mo 'yan sa akin. But it feels nostalgic." Tumalikod siya at naglakad nang kaunti. Tumigil at inangat ang tingin sa malaking butuwin na nasa tuktok ng Christmas tree. "Last night, I dreamed about you being a vampire, you protected me as someone was about to kill me-- or maybe the other version of myself. Then, He lost consciousness right after that battle, I was trying to protect you even if it means sacrificing myself. Kaya rin siguro nostalgic 'yung feeling kapag sinasabi mong poprotektahan mo 'ko. Kasi kahit sa panaginip," Humarap siya sa akin, looking at me with her genuinely look. Like I am looking at her heart that becomes clearer. "We're protecting each other."

 Nakaawang-bibig lang ako nang maglakad ako palapit sa kanya. I

 held her hands, it's cold yet there's a warmth side in it. "Pero pa'no kung mawala ako? May dumating sa buhay mo at kayong dalawa na lang ang natira sa mundo. Tingin mo ba, magugustuhan mo siya?" Tanong ko na medyo ikinatakot kong mangyari. 

 Ayoko siyang iwan at ayoko rin namang iwan niya ako. Pero hiniram lang namin ang buhay na ito, wala kaming ideya kung kailan ang oras namin. Kung mawala man ang tao, all we have to do is to accept it. 

 Never forget, always let them stay in your heart. 

 "If I like the person back just because there's no one else left, that's pointless." aniya at pinag intertwine ang mga daliri namin. "Ang masisiguro ko lang, ikaw pa rin. I will love you with the rest of mine." Matamis na ngiti nitong sabi at hinila ako. 

 Inaya niya akong kumain sa kilalang resto na malapit lapit lang dito. Nagku-kwento siya tungkol sa nangyari sa trabaho niya at sa mga taong nakikilala niya. Tawa siya nang tawa habang kinu-kwento bawat detalye ng kwento niya habang nakatitig lang ako sa kanya na halos hindi ko na rin napapansin 'yung mga sinasabi niya. 

 Mayamaya lang, muli ko nanamang narinig ang boses. 

 I hope my voice will reach you, 

 Just once more, once more. 

 Lumunok ako't pilit na inaalis ang mga naririnig na boses sa utak ko. Pero dahil sa paulit-ulit na ito ay tumayo na muna ako at nagpaalam kay August na magbabanyo na muna ako. 

 Hindi ko pinahalata ang pagkairita ko at nginitian muna siya bago umalis. 

Pumasok ako sa banyo na mabuti na lang ay walang tao, ni-lock ko ang pinto. Naghilamos ng mukha saka tiningnan ang sarili kung saan nakikita ko na ngayon ang pangit ng aking anyo. 

 May dugo ang bibig ko nang dilaan ko ito kasabay ang pag glow ng mata ko sa dugo dahilan para suntukin ko ang salamin. Nabasag ito dahil sa tigas ng kamao ko, ngayon ay nagdudugo na ang mga kamay ko. 

 Humawak ako sa ulo ko't napasabunot. 'Di ko na talaga alam ang gagawin ko. "Stop it, please..." Bulong sa sarili. 

 Naririnig ko ang kumakatok na pinto pero hindi ko pinagtuunan ng pansin at nanginginig lamang akong napapaupo ng dahan-dahan. "Stop it! I'm not a monster!" 

 "Zedrick!" 

 Rinig kong boses mula sa kung saan kahit wala namang tumatawag sa akin at ingay lang ng malalakas na katok ang naririnig ko. Ang sabi nila, 'pag tinatawag daw tayo kahit wala naman talaga. Malusog daw ang utak natin, pero ang totoo,

 ...sa kabilang mundo, may tumatawag talaga sa atin at pilit tayong inaabot upang buksan ang consciousness natin. They're trying to ask for help. They want us to wake up. 

 Mas humawak pa ako ng mahigpit sa ulo ko lalo na't may nagpakitang litrato sa utak ko. Kagubatan, maraming tao na nagsisitakbuhan habang nagsisigawan sa takot. 

 Mainit at nagliliyab na apoy. Isang babae ang umiiyak sa akin, is this my mother? 

 "I hope my voice will reach you, 

 Once more, once more." 

 Napasinghap ako dahil sa mabilis na pangyayari, nagpakita ang mga larawan at pangyayari sa kabilang mundo dahilan para lumabas ako sa banyo't nagtatatakbo sa labas. Hindi ko na pinuntahan si August at nagpakalayo layo. 

'Di ko na malaman kung ano ang totoo sa hindi. Isa ba itong ilusyon? Dimensiyon sa kabilang mundo? 

 Napailing ako sa kaisipang iyon. 

Bakit kailangan kong makita ang mga bagay na wala naman akong alam? 

 Dumaan ako sa madilim na eskenita. Hingal na hingal saka sumandal sa simento kung saan unti-unti na akong napapaupo. Walang ideya sa kung ano ang gagawin. 

 Pasko, ito ang araw na dapat masaya ang mga tao't walang masyadong iniisip pero heto ako't wasak sa hindi malamang dahilan. Animo'y kino-kontrol ako ng utak ko sa mga bagay na wala naman akong kinalaman. 

 Tinakpan ko ang mukha at nagsisimula ng maluha. "Tao ba talaga ako...? Sino ba 'ko?" Naguguluhang tanong sa sarili. 

 Narinig ko ang yapak ng paa ng kung sino mula sa pagkakatakbo, palapit ito sa akin kaya inangat ko ang tingin ko. Hindi ko man nakikita ang mukha niya, alam kong nakangiti ito sa akin. 

 

 Lumuhod si August sa harapan ko't hinawakan ang mga kamay kong nagdudugo mula sa pagkakasuntok ko kanina sa salamin. Tumapat ang liwanag ng buwan sa amin kaya kitang kita ko ang nanginginig na mata ni August. She's crying, She's damn crying. "I guess, Parallel Universe do exist." aniya't kinuha pa ang isa kong kamay upang ipahawak nito ang pisngi nitong basang basa. 

 "Did you really think I didn't realize?" Mahina pero sapat lang ang boses nito upang marinig ko. Maingay ang paligid namin pero siya lang ang katangi-tanging babae na pinapakinggan ng tainga't puso ko. Parang kaming dalawa lang ang tao rito. 

 "We've been together ever since, alam kong nahihirapan ka na." 

 Umiling ako at hinawakan din ang mga kamay niya. "No, please don't think that I'm suffering. I'm happy, I'm happy because you're here." Gaya ko ay umiling din ito. 

 "This is not your world, Zedrick." 

 Tumungo ako't napapailing iling. "Hindi, mundo ko 'to. I want to believe this is the reality." 

 Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko upang hawakan ang pareho kong pisngi, 'tapos iniangat ang ulo ko para magkatapat ang tingin naming dalawa, "You're already hurting yourself because of those voices. They need you there. They need you, you're necessary to exist on the other side." 

"Augu--" 

 "But before you can go back, you must accept what lies ahead. The future that awaits for the both of you. You and the other me." Sabi niya at tipid na ngumiti. Bakit parang alam niya ang nangyayari? 

"Those dreams don't lie, Zedrick. They're real, so, I know." 

 Lumayo siya nang kaunti at tumayo na sinundan ko lang ng tingin. "Maybe you won't exist here, but always remember." Tinuro niya ang puso niya, "You'll always be HERE. The memories, bonds, and love. All of them will remain here." Nakita ko ang pagpikit ng mata niya hinaharang na ng mga ulap ang liwanag nung buwan. "Believe me, I love you." 

Tumayo ako para pigilan siya sa mga sinasabi niya pero malakas na tumibok ang puso ko dahilan para mapadapa ako't mapaubo ng dugo. "F-f*ck!" Mura ko at mabilis na nagsilabas ang mga memorya ko sa mundong iyon. 

 Ang totoo kong mundo, totoong insidente. Past and my future. 

 Dahan-dahan kong inaangat ang tingin ko kay Savannah na unti-unti ng nawawala na parang isang program. Gayun din ang mga na sa paligid ko kaya napapikit ako ng mariin. "Savannah!!!" 

Naomi's Point of View 

 Kasalukuyan akong nakikipag laban sa mga walang kwentang vampire hunters noong makita ko sa vision ko ang pagbabalik ng memorya ni Zedrick. Gaya ng dalawa niyang kaibigan, nilalabanan talaga ng utak nila na maalala ang totoong nangyayari sa paligid nila. Ang pinagkaiba nga lang, mas napatagal 'yung kay Zedrick na sapat lang upang makuha ang ilan sa mga abilidad na mayro'n siya. 

 Kaso ang ipinagtataka ko lang, paano nila nagagawang labanan ang abilidad ko? 

 Lumabas ang isang lalaki, Black-haired-purple-eyes-- One of the Fabled Fiend that exist for many decades now. 

 Tumuon ang atensyon naming lahat doon habang napangisi ako. I see, that's why. Tiningnan ko ang paraan ng pagtingin ng fabled fiend na iyon sa mga magkakaibigan. Siya pala ang dahilan ng pangongontra sa abilidad ko. 

 

 Umismid ako at lumuhod sa kanya gayun din si Zoe. Nagulat si Bryan Olson pero napalitan din ng galit. "I see, switching side?" Sambit niya pero nagkibit-balikat ako. 

 Tumigil na ang pakikipaglaban at ngayon ay iniangat lang ng Fabled Fiend na iyon si Zedrick gamit ang abilidad niya upang ipunta sa tapat ng nagngangalang Okabe Sakai. 

 Pagkatapos ay humarap sa akin, inaasahan ko na hahayaan niya akong mabuhay kapag sa kanya ako kumampi pero sa isang iglap, pinatay niya si Zoe.

 

 Nagulat ang lahat lalo na ako, dahil sa takot na nararamdaman ay napasigaw ako't nagtatatakbo paalis. Alam kong wala akong takas sa Fabled Fiend pero kumaripas pa rin ako ng takbo. 

 

 Sumulpot sa harapan ko ang lalaking Fabled Fiend kaya napatigil ako. Nanginginig ang matang nakatingin sa mata niyang nag go-glow kaya napaupo na ako. "Huwag…" Panimulang pagmamakaawa ko ngunit, 

 …pinatay rin niya ako. 

Savannah's Point of view 

 Nanginginig ang mata ko habang kitang kita ng aking mga mata kung paano niya patayin sila Zoe at Naomi. 

 Sumabog muna ang katawan ni Naomi bago ito naging abo habang kalat kalat naman ang parte ng katawan ni Zoe-- dahil tao siya, hindi siya pwedeng maging abo. 

 Gumapang naman paalis ang Yoko Doll na madalas hawak ni Zoe, nagbabakasakaling makalayo noong apakan siya ng lalaking may suot suot na itim na cape. Mayro'n din siyang peklat sa kanyang mukha. Inilabas ang karayom bago mabilis na itinusok doon sa bandang leeg nung manika bago rin ito maging abo. 

 Walang lumalabas na kahit na ano sa boses ko, takot ang aking nararamdaman. Ngayon lang ako nakatanto ng ganitong klaseng presensiya, nakakatakot, 'yung tipong alam mo na hindi mo siya pwedeng kalabanin. 

 "I thought you were dead!" Duro ni Bryan Olson sa lalaking papunta sa akin. 

Imbes na bigyan siya ng sagot ay wala lamang na ibinigay na reaksiyon itong lalaki at tumigil lamang sa aking harapan. Iniluhod niya ang kaliwang tuhod upang mapantayan ako, hahawakan niya ang pisngi ko nang mapaatras ako sa takot. 

 Akala ko nga sasaktan niya ako pero ibinaba lang niya ang kamay niya't naglabas ng hangin sa ilong. "I see." Sambit lamang niya na ipinagtaka ko. Inilipat niya ang tingin sa leeg kong may kagat, kumpara kanina ay mas nawalan ito ng ekspresiyon. "I supposed that you already know the consequence of your action, Bryan Olson." Malamig na wika nito saka muling tumayo. 

 Mabilis siyang naglabas ng enerhiya pero kaagad ding nawala si Bryan Olson at naging isang paniki upang makatakas. 

Ngayon naman ay naglakad ang lalaking ito palapit sa walang malay na si Curtis.

 Naglabas ang lalaking iyon ng isang patalim, handang patayin si Curtis noong humarang ako. Tumigil naman ang lalaking iyon sa intensiyon na patayin si Curtis. "Stop! Don't kill her!" 

Hindi siya kumibo pero tiningnan lang niya si Curtis, mayamaya pa'y ibinalik sa akin. "You don't learn, do you?" Simpleng tanong na hindi ko maintindihan.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Ibabalik ko sa 'yo ang nakaraan nang makita mo kung ano pa ang pangit na realidad na naghihintay sa'yo." Itinatap niya ang palad niya sa aking noo. "And I will let you decide after this." 

 May maliwanag na lumabas mula sa palad niya at ilang segundo pa noong mawalan ako ng malay. 

The Blood LII Multimedia from picrew is now available on my Facebook page. Visit to get more updates.

(Yulie_Shiori シ)

Link: https://web.facebook.com/YulieShiori.AnimeLive/

Yulie_Shioricreators' thoughts
次の章へ