webnovel

Down Grade

Blood XLIV: Down Grade

Savannah's Point of View 

We finally arrived at the top of the mountain kung nasa'n ang tinutukoy ni Miss Eirhart na Passion Fruit kaya nagsimula na kaming maghanap. Dalawa lang talaga ang pwedeng maging dahilan kaya 'yung prutas na iyon ang pinapakuha sa amin. Una ay mahirap makakuha ng ganoon sa lugar namin, pangalawa,

...Passion Fruit is a known supplement that may reduce inflammation. 

Tutal pwede rin kaming ma-infect once na makakuha kami ng injury from killing vampires, kailangan din namin ito. 

Inangat ko ang tingin, ilang oras na lang ay palubog na rin ang araw. Kailangan na rin naming magmadali para makabalik na sa rest house. Pagod na pagod na hinawi ni Vermione ang natitirang halaman upang mapunta sa clear na lupang maaapakan. 

 "Savannah, I don't think we could find any passion fruit here." Lumapit ako sa kanya't tumingin sa mga puno na narito. Karamihan sa kanila ay mga mansanas, bayabas at mangga kaya kumunot-noo na ako't naglakad lakad. You're kidding me, hindi kaya't pinaglololoko lang kami ni Miss Eirhart?

 

 "May mga kasama pala tayo rito." Sabay naming ibinaling ang tingin sa lalaking nagsalita. Lima sila habang nakasuot ng school uniform. Tiningnan ko ang patch na nasa kanan nilang dibdib. Parte rin sila ng organisasyon-- Vampire Hunters. "Savannah, isn't?" Banggit niya sa pangalan ko na may ngisi sa kanyang labi. 

 

 Humakbang ito nang kaunti at iniluhod ang kanang tuhod paharap sa akin. "I'm Septimus, The Seventh son of the Coeur d'Alene Tribe. It is a pleasure to meet you, strongest undefeated vampire hunter-- Savannah August Curry." Puri niya noong maiangat nito ang tingin. Iyan ang title ko noong wala pa akong mga kasama. 

 Nakita ko ang kakaibang pag ngiti ni Vermione. "Septimus, if you don't like her at all. Why are you wasting your time wearing a smile like that?" Pa-inosenteng tanong ni Vermione dahilan para tumayo na si Septimus at tumalikod para humarap sa apat niyang kasama. 

 

 "I wonder what you're talking about?" Walang ideya niyang tanong at nilingon si Vermione. "Oh, if I'm not mistaken. I heard that you're the prisoner who escaped last 6 years ago from those filthy vampires." Nawala ang ngiti sa labi ni Vermione at nanilim ang paraan ng pagtingin. "It's good that you're alive though." 

 "Kanino mo 'yan narinig?" Mainahon pero may diin na pagkakatanong ni Vermione dahilan para hilahin ko na siya sa tabi ko at salubong na kilay na tiningnan si Septimus. 

 

 "Who knows?" Kibit-balikat na sagot ni Septimus na may mapang-asar na pananalita ng boses. Humarap ulit siya para tingnan ako. Ano ba'ng ipinunta nila rito? "You may be knew about it but decades have passed, The Seventh number of platoon will always carry the curse to whoever people who are on this team. It is the traditional number of DEATH, the prophecy of disappearance won't ever change. Kaya kung ako sa 'yo, umalis ka na diyan sa platoon mo, Curry." Ngisi pa nitong sabi bago sila maglakad papunta sa kung saan. 

 I don't believe in such traditional superstitions, pero sa ilang dekada na nakakalipas. Ang Platoon VII ang nauunang mawala sa digmaan ng vampire community. Kung kaya't doon din nagsimula ang nasabing "cursed"

 "I apologize. Hindi ako nakapagpigil." Hinging paumanhin ni Vermione na tiningnan ko lang sa peripheral eye view pagkatapos ay ibinaling na ang tingin. 

 Hinanap na lang namin ang dapat na hanapin. Umakyat kami sa mga puno't naglakad ng malayo pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nakikita kaya pareho na kaming napahiga sa damuhan. "She's just messing around." Labas sa ilong kong sabi. Ipinatong ni Vermione ang likod ng palad niya sa kanyang dalawang mata. 

 "I just want to go back." Napapagod niyang sabi sabay buga ng hininga. 

 Pumikit ako at nag-isip. Mayamaya lang ay may narinig na lamang akong boses. "Recall the past. Don't ever forget." Nanlaki ang mata ko't biglang napaupo. Napatanong tuloy bigla si Vermione kung ano'ng problema. Umiling ako't ngumiti. "It's nothing." Simpleng sagot at humawak sa sariling kamay. What was that? 

 Inangat ko ang tingin at tumingin sa kaliwang bahagi nang tumuon sa atensyon ko ang isang pamilyar ng prutas. Napatayo na ako. "Nakita ko na!" Tumyo na rin si Vermione at tiningnan ang tinuro ko. Laking tuwa na sa wakas ay nakita na namin 'yung prutas. 

 Hindi pala nagbibiro si Miss Eirhart. Sadyang nakatago lang siya sa makapal na puno ng mansanas. Kaya pala nasabi niya na bumalik kami bago lumubog ang araw dahil hindi nga naman talaga madaling hanapin 'yung Passion Fruit. 

 Dali-dali kaming tumakbo papunta roon, hindi siya ganoon karami pero sapat na rin para mapuno ang dala-dala ko sa drawstring bag. Lumingon ako kay Vermione. "Ako na lang ang aakyat, ikaw ang sumalo tapos diyan mo ipasok." abot ko sa kanya nung dala kong bag at mabilis na umakyat. 

 Kinuha ko ang mga madadali lang na kunin, ngunit halos lahat nga yata ng bunga nito ay nakuha ko kaya bumaba na ako't tumingala. "Wala yatang natira?" Tanong sa sarili at pumaharap kay Vermione noong sumigaw ito. Inagaw sa kanya ng Septimus na iyon ang nakuha namin, he suddenly appeared out of nowhere. Saan siya nanggaling? 

 Tumawa si Septimus at binuksan ang bag para silipin ang laman. "Sabi na nga ba't Passion Fruit ang kukunin n'yo, eh." Naiiling nitong panghuhula tapos isinara na ang bag. "Sorry, mas kailangan namin ito dahil marami kami at apat lang kayo, baka gusto n'yong ibigay na lang 'to sa 'min?" Tanong niya habang nakangiti lang 'yung apat niyang kasama. 

 

 "You already took it without our permission, kaya ba't kailangan pang magtanong?" Pataray kong tanong kaya natawa naman ito. 

 "Iyan ang gusto ko sa 'yo, Savannah. You never failed to amaze me, not even once." Kibit-balikat na kumento. "Pero naiintindihan mo naman, 'di ba? Mas convenient 'to sa Platoon X kaysa sa lebel ng grupo n'yo." Pag-angat niya sa bag. Platoon 10? Sila 'yung madalas makatanggap ng Class-A rank mission na nakikita ko sa report. 

 Kumpara sa Platoon VII, mababa lang na rank ang nakukuha namin. "Oh, kung gusto mo. Sama ka sa Platoon namin, tutal mas maaasahan pa ang miyembro na mayro'n ako. 'Yang mga kasama mo sa platoon mo, ako na ang nagsasabi pero sila rin ang magiging dahilan para hindi ka makapasok sa mataas na posisyon. Baka maaga ka pang mamatay." He said like he's underestimating us. 

 Huminga ako ng malalim at humakbang para makalapit sa kanya. Medyo umatras siya nang kaunti samantalang huminto naman ako sa harapan niya habang walang sinusuot na emosyon. "Fine, I'll accept the offer," Nagulat naman siya ganoon din ang mga kasama niya. 

Si Vermione, nakatayo lang sa likuran ko at pinapanood lang ang susunod na gagawin ko. "...kung matatalo mo si Vermione sa isang paligsahan." Dagdag ko't pagsisimula sa paghahamon. Napasinghap ang lahat dahil sa aking na-deklara, "Kung matatalo mo siya, sige. Sasali ako sa platoon n'yo at hindi na babawiin ang kinuhang Passion Fruit. But if she win the match, amin na 'yong kinuha n'yo at bawiin mo 'yong sinabi mo sa mga kasama ko." Lumingon ako kay Vermione na nakaawang-bibig. "How's that?" Dugtong ko. 

Tumitig siya sa akin, hindi makapaniwala sa aking sinabi. "Savannah, but--" 

 "I believe in you." Nanlaki ang mata nito sa binitaw kong salita. Mayamaya lang ay determinado itong tumango't ngumiti. Humarap ulit ako kay Septimus na seryoso ng nakatingin sa akin. "What are you scheming?" Tanong niyia na may panghihinala.

 "Nothing, really." Simpleng sagot ko. I just don't like people who thinks of themselves as high as a superior. Besides, masyado nilang minamaliit 'yong mga kasama ko. Not knowing kung ano ang potensiyal ang mayroon sila. 

 Umismid si Septimus at tumalikod sa akin. Humalakhak bago itinaas ang dalawang mga kamay. "Sure, let's do it." Pagpayag niya sa hamon ko dahilan para palihim akong mapangisi. 

*** 

 NATAPOS NA ANG kaunting labanan, bumagsak na si Septimus habang napaupo naman si Vermione habang hingal na hingal. Gulat na gulat ang mga kasama niya samantalang pumikit ako sandali bago humakbang palapit kay Septimus. Inabot ko ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo. Umangat ang tingin niya sa kamay kong nakalahad sa kanya nang itabig lamang niya iyon. Tumayo na siya pagkatapos.

Ngumiti na lamang ako't kinuha ang kinuha nilang Passion Fruit mula sa amin. Naglakad ako pabalik kay Vermione pero bago pa man makalapit sa kanya ay lumingon ako kay Septimus. "Now, do you acknowledge the strength that she have?" Tanong ko na nagpatungo nang kaunti sa kanya dahil sa panggigigil niya sa galit. 

 "Hindi porke kulang kami sa bilang at nagsisimula pa lang ang mga kasama ko ay hindi na nila kayang makipaglaban." Panimula ko at nilingon siya. "Let me tell you this, brief report lang ang nababasa mo mula sa amin, hindi ang kabuoan." 

 

 Pwede naming basahin ang reports tungkol sa nagagawa ng bawat platoon, pinapakita rin doon ang abilidad, armas, at lakas namin sa profile. Hindi siya private dahil wala namang paligsahang magaganap bawat miyembro. Binabasa lang namin ang report para magkaroon kami ng ideya sa kung ano ang kakulangan sa skills na mayroon kami at kami na ang bahala sa kung paano namin mao-overcome 'yung standard na gusto namin sa gitna ng laban. 

 

 Nakita ko ang pagsara ng kanyang kamao kaya mas ngumiti ako. Humarap ako kay Vermione na basang basa ng pawis. "You did a great job." Inabot ko ang kaliwa kong kamay. "Shall we go? May ire-report lang ako kay Dad about this matter." 

 Naramdaman ko ang biglaang paglingon ni Septimus. "Dad? Sino ang tinutukoy mo?" Walang ideya nitong tanong. Kinuha na muna ni Vermione ang kamay ko saka siya tumayo. "Hindi naman si Mr. Okabe Sakai ang tinutukoy mo, hindi ba?!" Kinakabahan nitong tanong. Siya lang naman kasi ang pinagbibigyan ng daily reports ng mga vampire hunters kaya siya ang kanyang nabanggit. 

 Besides, walang masyadong nakakaalam na ako ang adoptive daughter ng kaisa isang Okabe Sakai. 

 Inabot ko kay Vermione ang drawstring bag bago nilingon si Septimus, hindi ko pa rin inaalis ang ngiti sa labi ko. "Beats me. Malalaman mo na lang siguro kung biglang bumaba 'yung lebel mo na binibigyan mo masyado ng importansya." Mapang-asar na sagot ko bago kami maglakad paalis. Hindi ko na pinabawi 'yung sinabi ni Septimus sa mga kasama ko, his reaction is already enough. 

 

 Naririnig ko ang paghagulgol ni Septimus kaya tumawa si Vermione. "That looks cool." Puri nito pero tumawa lang ako. 

 "Ako nga ang dapat magsabi niyan sa 'yo, eh." Sambit ko't tiningnan ang pasa sa mukha niya na kagagawan ng pagsipa kanina ni Septimus. "Sorry kung ikaw ang--" Hindi niya ako pinatapos at hinawakan lang ang kamay ko. 

 "You believe in me, enough na 'yon para makipag laban kay Septimus. I love you!" Malambing na sabi niya. Minsan lang ako makarinig ng ganyang salita kaya mabilis na umakyat ang dugo sa mukha ko saka napatungo para hindi niya makita ang reaksiyon ko. 

Nararamdaman ko na rin ang pagpapawis ng kamay ko kaya narinig ko nanaman ang pagtawa ni Vermione. 

 Nagku-kwentuhan kami pabalik noong may marinig nanaman ako sa utak ko kaya napahawak na ako sa ulo ko. Hindi ko ito masyadong maintindihan at napaka ingay lamang ng bulong. Ang sakit sa ulo. 

 Humawak si Vermione sa balikat ko noong mapansing hindi okay ang itsura ko. "Savannah?" Takang tawag ni Vermione saka ako inalog-alog nang hindi na ako magsalita at mariin lamang akong napapikit. "Savannah, what's wrong?!" Wala na ako masyadong naririnig sa boses ni Vermione, tila paunti-unting nawawala ang aking pandinig. 

'Tapos ang sunod na lamang na nangyari ay may nagpakitang litrato. Malabo rin ito kaya hindi ko masyadong makita. 

 Wala akong maintindihan. May tumutulo na ring dugo sa ilong at tainga ko. Nakakabaliw, make it stop! 

 "Recall the past!" Humawak ako sa ulo ko. No!

次の章へ