webnovel

Don't Go Back

Blood XXXII: Don't Go Back 

Savannah's Point of View 

Pinatay ko ang TV matapos kong panuorin 'yung teleserye na madalas kong subaybayan. Wala pa rin kaming pasok ngayong pang sampung araw kaya standby lang kami sa mga bahay namin. Magaling-galing na ang sugat ko sa tagiliran at medyo nakakagalaw na rin dahil ginamitan ako ni Zedrick ng cure nung nakaraang araw. Dumalaw kasi siya rito kasama si Vermione. 

 Pero kumusta na nga 'yung mga iyon at hindi yata nagparamdam mula kahapon? Ano kaya ang pinagkakaabalahan nila? 

 

 Nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto dahilan para mapalingon ako sa pinanggalingan niyon. Nakabukas kasi ang gate ko kaya siguro dumiretsyo na alng 'yung taong iyon sa mismo kong pinto. Si Dad kaya iyon? Matagal tagal ko na rin siyang hindi nakikita dahil busy sa K.C.A. 

 Umalis ako mula sa pagkakaupo sa couch para puntahan iyong taong 'yon. 

Iniikot ko na ang door knob para buksan ang pinto kung saan bumungad kaagad 'yung mukha ni Zedrick na kulang na lang talaga ay halikan ako kung hindi pa ako umurong. "Ang ganda naman nung babaeng nagbukas." Pagtaas-baba niya ng kilay. 

Nakabuka lang ang bibig ko nang bigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Bakit ka nandito?" 

Lumayo na siya't nagpamulsa. "Sinasabi mo 'yan pero gusto mo talaga akong makita, eh." 

 Umismid ako. "Masyado ka naman yatang bilib sa sarili mong gusto kitang makita?" 

 Tinulak naman siya bigla ni Vermione na hindi ko alam na nandito pala. Saan siya galing? "Good morning, Savannah!" Bati niya na nagpakurap sa akin. "Huwag kang makinig sa bampirang 'yan dahil wala kang makukuhang maganda sa kanya." As usual, sinabi niya iyan ng nakangiti. 

 Ipinagdikit niya ang mga palad niya't ipinag intertwine ang mga daliri na may pagkinang sa kanyang mga mata. "Gusto mong gumala? Alam mo, ang sabi nila makakalimutan mo raw 'yung sakit na nararamdaman mo kapag nag unwinding ka." Saad niya. 

 Para sa mga taong broken hearted lang iyon! 

 "U-uhm--" 

 Tumayo si Zedrick mula sa pagkakaupo sa sahig at pinagpagan ang pwet-an. "Edi sakto, 'di ba? Gagala kayo, dapat may lalaki kayong kasama. Marami pa namang masasamang loob sa panahon ngayon." 

 Hindi man naglaho 'yung ngiti ni Vermione, pero binigyan niya ng nakakatakot na tingin si Zedrick. "Hindi namin kailangan ng lalaking palpak." 

 Ngumiti naman ng pilit si Zedrick. "Sinasabihan mo rin ba 'yung sarili mo?" Pagbalik naman nito kaya humarap na sa kanya si Vermione. 

 "Palpak? Wala 'yan sa vocabulary ko, baka ikaw?" 

 Natawa naman si Zedrick na humarap sa kanya. "Kahit na ano pa ang sabihin mo," He paused at itinuro ang sarili. "Sasama ako para mag escort." 

 

 Pasimple lang ang paglipat ko ng tingin sa kanila hanggang sa mapasapo na lang din ako sa noo noong tuloy-tuloy na 'yung sagutan nilang dalawa. 

*** 

 IN THE END, nagkasundo naman silang dalawa na magsama-sama na lang kaming tatlo na maggala. 

 "You should take it easy, Vermione. Saka ano ba'ng ikinagagalit mo? 'Kala ko ba okay na tayo?" Takang taka na sabi ni Zedrick kay Vermione. Sinusubukan talaga niyang pigilan ang sarili niya. I honestly want to relax pero mukhang stress lang ang ibibigay ng dalawang 'to sa akin. 

 Nakabaling pa rin ang tingin ni Vermione at usual na nakangiti. "Hindi naman ako galit, nagugutom lang talaga ako." 

 Binigyan siya ng walang ganang tingin ni Zedrick 'tapos sumimangot. "Seriously? If you're hungry, just say so!" Kalmado namang sambit ni Zedric saka may inilabas na kung ano mula sa bag habang naglalakad kami mula sa gilid ng kalsada. "Here, I brought a banana" Abot ni Zedrick sa saging. Mukhang matamis. 

Tiningnan naman iyon ni Vermione, sa hindi malamang dahilan. Animo'y may nagliliyab na apoy sa kanyang paligid kaya lumayo ako sa kanya sandali. "Who'd eat a pervert's banana, anyway?" Tinakpan ko ang bibig ko para magpigil ng tawa. 

"P-Pervert? Hindi naman kita pinaglaswaan." Lumapit pa ng ilang hakbang si Vermione sa kanya para bigyan siya ng masamang tingin.

 "Kung wala lang talaga si Savannah dito, mapapatay kita." Marka sa boses ni Vermione ang pananakot.

 Proud namang ngumiti si Zedrick kasabay ang kanyang paghalukipkip. "Iyan lang ang proof na angel ko si Sav at evil ka." Napaawang ako noong marinig ko ang palayaw ko. Medyo hindi pa kasi ako sanay. "Akala ko pa naman ang bait bait mo, mapanlinlang k--" Mabilis siyang binigyan ng upper kick ni Vermione na iniyuko naman ni Zedrick para ilagan ang tira nito. Tumigil na ako sa paglalakad at tumingin na lamang sa kaliwang bahagi kung saan naka-display ang mga aso.

 Hinayaan ko na nga lang muna sila Vermione at lumapit sa wall glass. Idinikit ko ang palad ko sa salamin at nginitian ang tuta. "Gusto mo na bang magpa-ampon?" Tanong ko kaya nag wiggle ang buntot niya na mas ikinangiti ko. 

 

 "Oh, classmates!" Sabay-sabay kaming napatingin sa lalaking nagsalita, only to see Hades. Kasama rin niya si Curtis. Seryoso ka ba? 

Humakbang ng isa si Hades at tiningnan kaming tatlo. "Sino third wheel?" Tanong niya na nagpapitik sa sintido ko. Obvious namang parang ako? 

"Zedrick!" Masiglang tawag ni Curtis at patakbong naglakad palapit kay Zedrick. 'Di pa nakuntento at kumapit siya sa braso nito. Hindi ko nga namalayan na nagsalubong na ang aking kilay kung hindi lang talaga minasahe ni Hades. Hinampas ko paalis 'yung kamay niya kaya natawa siya. 

 

 "I missed you! Ilang araw na kitang hindi nakita!" Sweet sweet-an na sabi ni Curtis na nagpangiwi sa akin nang kaunti. Brat. 

"Talagang magkasama kayong dalawa?" Tanong ko kay Hades nang hindi inaalis ang tingin kina Zedrick na naglalandian na ro'n sa harapan ko. 

Tumabi naman sa akin si Vermione kaya sa kanya ko naman ibinaling ang tingin ko. 

 "Selos ka?" Pang-aasar ni Vermione kaya napahawak si Hades sa ulo niya. 

 "Hindi pwede, chicboy 'yan!" Turo ni Hades kay Zedrick kaya napatingin siya sa gawi namin. 

 

 "Sinong sinasabihan mo?!" Inis na wika ni Zedrick. "Ang dikit mo, Curtis." Sinubukan pa niyang alisin ang mga kamay ni Curtis sa braso niya pero mas lalo lang siyang dumikit lalo na sa katawan ni Zedrick. Pumikit ako para kumalma. 

 "Na-miss lang kita, kuya." Panlalandi ni Curtis. 

 "Ngayon, tinatawag mo 'kong kuya?" 

 "Eh? Matagal naman na kitang tinatawag na kuya, ah? Ayaw mo ba?" Tanong ni Curtis at pasimpleng sumulyap sa akin na may ngisi sa labi niya. "Gusto mo 'ko 'no?" 

 Nakaramdam ako nang kaunting inis pero nadagdagan iyon nang mamula pa ang mukha niya. 

 "Wala kang kwenta, Zedrick." Naka-bored look na si Vermione ngayon. 

Tumalikod na nga lang ako sa mga 'to at naunang naglakad. 

 "Sa'n punta, Savannah?" Sinundan ako ni Hades gayun din si Vermione na pa-simpleng tumabi sa kanya. Narinig ko pa 'yung mahina niyang pag sorry na ipinagtaka naman ni Hades. 

 Humihingi yata ng pasensiya si Vermione sa nagawa niyang pagtama ng baril kay Hades. Though, hindi naman niya iyon sinasadya. 

 Ngumiti lang si Vermione at umiling-iling. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa mula sa peripheral eye view ko nang ibaling ko na lamang ulit subalit napatigil sa paglalakad nang pumunta sa harapan ko si Curtis. Tinuro niya ako at hinahamon nanaman sa panibagong Noodle Ramen Contest. 

 "Humph. Wala ka na bang ibang alam na contect kundi noodle contest? Ba't hindi Samyang ang I-try natin?" hamon ko naman pabalik. Hahanapin ko kahinaan mong babae ka. 

 Pare-pareho namang nag react 'yong mga kasama namin. Isa kasi sa pinakamaanghang na dried noodles ang Samyang sa Korea.

 "Uy! Huwag 'yon! Baka sumakit 'yong tiyan n'yo, ladies." Nag-aalala na sambit ni Hades. Mataas kasi 'yong acid no'n kaya maaari rin talagang sumakit 'yong tiyan namin. 

 Nagtaka naman si Zedrick."Ano 'yon? Samyang?" 

 "Maybe it's better if you don't ask?" Kibit-balikat na sambit ni Vermione kaya napatingin na sa kanya si Zedrick. Tiningnan naman siya pabalik ni Vermione saka siya ngumiti. "Pero okay rin naman kung isusubo ko sa'yo buong-buo parang damang dama mo kung ano 'yun."

 

 Humalukipkip si Curtis at malapad na ngumiti."Fine with me, walang inuman ng gatas o tubig? If you do, talo ka." Dagdag ni Curtis sa rules. Talagang hinahamon niya ako? 

 'Di kaya okay siya sa mga maaanghang? 

 Tulad niya, humalukipkip din ako. "And then, what? Ano ang kapalit 'pag natalo?" Tanong ko pa. Para naman ganahan ako sa ibibigay niyang hamon sa 'kin. 

Kinuha ni Curtis ang kamay ni Zedrick ng hindi inaalis ang tingin sa 'kin 'tapos hinila papunta sa tabi niya. "Babawiin ko 'yong 2 tickets for hotspring na napalanunan mo." 

 

 Inalis ko sa pagkakakrus ang mga kamay ko dahil sa sinabi niya. "Hey, that's not fair!" Bulyaw ko. 

 Napatingin naman si Zedrick sa aming dalawa ni Curtis. 

 "Tickets? For Hotspring? Sa'n?" Sunod-sunod na tanong nung mokong. 'Di lang namin iyon pinagtuunan ng pansin at naglabanan lang ng tingin ni Curtis. 

 "That is how it is, Savannah. Hindi ka naman siguro natatakot na kalabanin ako, 'di ba? 'Di ka naman aatras sa kahit na anong hamon, 'di ba?" Tanong niya 'tapos humagikhik. "Lalo na kung..." Pa-simple niyang idinikit ang dibdib niya sa mga braso ni Zedrick na nagpamula sa mukha ng lalaking iyon samantalang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo sa sobrang inis. "Si Zedrick ang gagawin nating bet." Dugtong niya. 

 Tinulak ko si Zedrick palayo sa Curtis na iyon 'tapos pinantayan ng tingin ang babaeng ito. "You're actually playing dirty but okay, fine then. If that's what you want. I'll go for it." Pagpayag ko sa hamon. Narinig ko ang pagsipol ni Hades. 

 "Dami mong chics, buddy." Wika ni Hades kay Zedrick na kararating lang sa tabi niya. Wala pa rin siyang ideya sa kung ano ang nangyayari. "How to be you?" Dagdag pa niya. 

 "What are you even talking about?" Takang-takang sabi ni Zedrick at nilingon si Vermione na nakangiti lang sa tabi. "Uy--" Hindi na nagawang maipagpatuloy ni Zedrick 'yong sasabihin dahil biglang pumunta si Vermione sa tabi ko para kunin ako't hilahin. 

 "Let's go. Marami pa tayong pupuntahan." Iginiya niya ako sa kung saan, nagpahila lang ako samantalang sumunod naman ang iba sa likuran kaya lumingon ako lalo na ro'n kay Curtis na nakadikit nanaman kay Zedrick. 

 "Bakit kayo nakasunod?" Walang gana kong tanong. 

 Nag pogi sign si Hades. "The more, the merrier." 

 Humagikhik si Curtis at idinikit ang pisngi ro'n sa braso ni Zedrick. "Kung saan pupunta si Zedrick. Doon din ako." Leech woman. 

 Inilipat ko naman ang tingin kay Zedrick na namumula pa rin ang tainga habang nakababa ang tingin kay Curtis. Pagkatapos ay inangat ang tingin sa akin noong mapansin niya ang masama kong tingin. "Magbukod na tayo, bye." 

 "What?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Zedrick. 

 Dumaan kami sa maliit na bridge at nag take ng ilang pictures and selfie. 

May mga nag photoshoot na nga ring nangyari na hindi ko alam kung pa'no ako nasasali. 

 "Ayusin mo 'yong tayo mo. Bangs mo, ipa-side mo." Udyok ni Vermione kay Hades na todo posing. Na sa gilid lang kami nila Curtis at pinapanood lang sila't hinihintay. 

 Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Curtis bago pumaabante para lapitan sila Hades. "Ganito dapat ang posing, Hades." 

 Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko nang mapansin ko ang pasimpleng pagtabi ni Zedrick sa akin. Mayro'n pa siyang suot suot na pa-cute smile. "Lumayo ka nga sa akin." Pagtataray ko. 

 Nag curly naman ang lips niya at humawak sa likuran ng kanyang ulo. "Sinusubukan mo bang sabihing huwag akong lumayo sa 'yo?" 

 Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan naman nanggaling 'yan? How absurd." 

 Nagpamulsa naman siya nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Sav." Tawag niya sa palayaw ko kaya sandaling pumabilog ang mata ko. "Pwede bang ma in love ang bampira sa isang katulad mo?" Tanong niya kaya inangat ang tingin ko sa kanya. 

 Animo'y nag slow motion ang paligid, parang kaming dalawa lang ngayon at nagmistulang malabo ang paligid. Sincere siyang nakatingin na may matamis na ngiting nakalinya sa kanyang mapulang labi.

 Umiwas ako ng tingin at hinawi ang hibla ng aking buhok para iipit sa tainga ko. "We can't control our feelings once we fell in love, jealous, or anything that a heart wants to feel. So," Muli kong ibinalik ang tingin sa kanya na may mapupulang pisngi. "Don't ask me. It's your choice not mine.�� 

 Unti-unting lumawak ang ngiti niya. Napaawang-bibig at tila may sasabihin nang sandaling manlaki ang mata niya. Nawala ang mood na namuo kanina. "Zedrick?" Taka kong tawag sa kanya saka ako tumingala nang mapansing dumidilim na ang kalangitan. Uulan nanaman?

 "Sandali, mayro'n lang akong gagawin. Mauna na kayo, text ko na lang kayo." Patakbo siyang naglakad na hahabulin ko pa sana. 

 Lumapit naman sa akin si Vermione habang nakatingin sa papalayong si Zedrick. "Saan daw siya pupunta?" Tanong niya na hindi ko nagawang masagot at nakasunod lang ang tingin sa lumalayong si Zedrick. 

Zedrick's Point of View 

 Ramdam ko ang sobrang panlalamig habang pinagpapawisan na tumatakbo. 'Di ko alam kung saan ako pupunta, sumusunod lamang ako sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. 

 Hawak hawak ko ang dibdib ko't nakaangat ang tingin habang hinihintay na bumagsak ang ulan sa aking mukha. Namimilipit sa sakit ang aking dibdib. Pumipitik at tila parang iniipit ang ugat sa puso ko. 

Dugo... 

Mabilis akong tumalon sa poste nang hindi namamalayan ng ibang ordinaryo na naglalakad sa ibaba. Dumiretsyo ako sa madilim na eskenita at sinimulang maghanap ng pwedeng makakain. Lumanding ako sa simento at huminga ng malalim. 

Muli nanamang kumirito ang puso ko kaya halos mapaluhod ako, humawak ako sa pader na nasa kaliwang bahagi ko't naglakad. Dahan-dahan lang iyon nang hindi nawawala ang aking pagkahingal. 

 Humawak ako sa leeg ko. "Uhaw… na uhaw na 'ko. Kailangan ko ng dugo." Nanghihinang wika sa sarili.

 Huminto ako nang may makita akong pusa na nanggaling sa kung saan, bumaling din ang tingin niya sa akin pagkatapos niya akong mapansin. Napakaputi ng kulay ng kanyang balahibo at may maganda berdeng mata.

Kung iisipin kong babalutan ito ng pulang kulay, parang hindi ko mako-kontrol ang sarili ko kundi ubusin lahat ng dugo mula sa katawan niya hanggang sa makuntento ako. 

 Um-activate ang vampire instinct ko kung saan patalon pa siyang humarap sa akin. Nagagalit itong nakatingin sa akin na pati ang mga balahibo sa katawan lalo na ang buntot niya ay mabilis na magsitayo. 

 Lumabas na ang matutulis kong mga pangil, mabilis siyang sinakal paangat sa ere dahilan para mag-iiiyak ito. Hindi ko pa rin siya pinapakawalan kahit kinakalmot kalmot na nito ang balat ko. 

 Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal ko sa nilalang na ito nang may mangarate sa batok ko. Sa isang iglap, babagsak na ako sa simento noong sinalo rin ako ng taong iyon. 

 The smell of her scent, soft hands that touches me with protection and assurance. Only Savannah could give me this kind of feeling. 

Lumuhod siya kaya ngayon ay parang nakayakap siya sa akin samantalang nakawala na ang pusa't mabilis na tumakbo paalis. "Stupid." Mariin nitong sambit.

 Inangat ko ang tingin ko. I am now looking at her neck, and I can't bring myself to control my thirst anymore. 

 Nagsalubong ang kilay ko at tinulak siya palayo sa akin. "Lumayo ka sa akin!" Malakas kong udok. 'Yung aroma na mayro'n siya, animo'y inaakit ka nito na hindi mo pwedeng tanggihan. Gusto kong inumin lahat, ubusin.

 Dahan-dahan siyang lumuhod at tumayo para lumapit nanaman sa akin pero paatras na akong tumalon para mas makalayo sa kanya. "Savannah, ano ba!" 

 Hindi niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy pa rin sa kanyang paglapit sa akin ng walang salitang inilalabas. Sa sobrang takot ko na masaktan siya, hindi na napigilan ng katawan ko ang manginig at pilit na pigilan ang sarili. Ngunit na-trigger nanaman ang uhaw ko kaya tatakas na sana ako paalis noong sinipa niya ang sikmura ko dahilan para tumalsik ako't mapahiga sa malamig na simento. 

 Pumatong siya sa tiyan ko para 'di ako makawala, samantalang hinawakan ko ang mga braso niya upang siya'y alisin lalo pa't naninilim na ang paningin ko. Senyales na paunti-unti na 'kong nawawala sa wisyo at kontrol. 

 "Don't let me hurt you any further--" Si Savannah na mismo ang nagbaon ng pangil ko sa balat niya. Namilog ang aking mata at hindi na na-kontrol ang sariling inumin ang dugong bumabagsak mula sa kanyang kaliwang kamay. Ginagawa ko iyon nang hindi inaalis ang tingin sa mukha niyang walang emosyon. Tinitiis niya ang sakit habang kagat kagat ko siya nang suklay suklayin niya ang buhok ko sa kanan niyang kamay. 

 Namuo na ang luha sa aking mata kasabay ang pagbagsak ng ulan mula sa madilim na kalangitan. "I'm sorry." Tanging nasabi lang niya na hindi ko nagawang imikan. "I don't know how much pain I am causing you right now, but I also don't want you to suffer alone." 

 Basang basa na kaming pareho, ang lamig ng daloy ng hangin ay dumadampi sa aming mga balat. Ang dugong bumabagsak mula sa kanya ay nagkalat na sa simento. 

 Ngumiti siya ng bahagya. "Kung hindi ka iinum ng dugo ng tao, saan ka kukuha? Sa ibang tao?" Tanong niya na nagpa-realize sa akin. "As your comrade, I am allowing you to drink my blood to prevent your starvation." Itinigil na niya ang pagsuklay sa aking buhok at nakahawak na lamang siya sa pisngi ko. "It's my choice, and I want you to understand that." 

 Sandaling lumiwanag ang paligid dahil sa biglaang pagkidlat. 

 Inalis ko na ang mga pangil na nakabaon sa balat niya at dahan-dahan siyang niyakap. Nanatili kami sa gano'ng pwesto, hinahayaan ang mga sarili na maulanan. "Mahal kita." 

 "Masyado naman yatang maaga para ma in love ka sa akin." 

 "Edi mamayang gabi, sabihin ko ulit." 

 "That's disgusting." 

 Ibinaling ko ang tingin sa patuloy na pagbagsak ng ulan. 

Iniisip ko noon na isa sa curse ang maging bampira. In order for you to live, you must take some blood-- human's blood if possible. 

Without that, you'll die. 

 "Do I really have the rights to love you?" Tanong ko sa kanya. "Ayokong isipin mo na madali akong ma in love you sa 'yo." 

 Inangat niya ang kalahati niyang katawan. "Bakit? Hindi ka pa ba in love sa akin?" She asked me. 

 Nakaawang lang ang bibig ko nang ngumiti ako. "In love na in love." Sagot ko. "But it doesn't mean I want you to rush or anything, tapusin na muna natin ang dapat." Hinawi ko ang buhok niya para makita ang kanyang mukha. "And after that, I will give everything I've got just for you to love me back." 

 Labas sa ilong siyang ngumiti. "Can't wait for that." 

 I was overwhelmed that I met a beautiful woman with purple eyes, I fell in love right then and there. 

 But how is it that the tears that kept on falling won't stop?

Savannah's Point of View 

 Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama, napakabigat ng pakiramdam ko. Ang dibdib ko naman, parang umiinit. Iminulat ko ang mata ko, takang taka na wala ako sa kwarto ko. 

May kumatok sa pinto. "Vermione, hindi ka pa ba gigising diyan? Kakain na!" 

Napataas-kilay ako. "Huh?" 

次の章へ