webnovel

Seven: The Gift

"Pwede ba huwag kang humarang. Umalis ka sa daraanan ko" Pabalik-balik sa isip niya ang tagpong 'yun. Nangyari kanina lang pagkatapos ng break up nila ni Mathew sa Bergolli's cafe' kung sàan sila nagkita.

Gusto man niyang bumalik para magsorry sa estudyanteng 'yun, hindi na niya magagawa. Kahit malaking bagay ang ginawang nitong pagsalo sa kaniya at sa Cellphone niya. Balewala pa rin. Sobra siyang naistress nang mga oras na iyon. Kaya wala na siya sa posisyon na makapag-isip ng tama. Basta ang gusto lang n'ya makaalis na agad sa lugar na iyon.

Nang bigla niyang maalala 'yun hawak niyang panyo kanina. Magmula ng umalis siya ng Bergoli's cafe hanggang ngayon na nakauwi na siya sa apartment, hindi pa rin maalis sa isip niya kung bakit ba kasi nabitawan pa niya ito. Labis-labis ang kanyang panghihinayang, 'yun pa naman ang huling regalo sa kanya ni Cheska.

"Nakakainis naman talaga! Sobrang naiinis ako. Naiinis ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hinayaan ko ang sarili ko, na lokohin ng walanghiyang 'yun? Pare-pareho ba talaga ang kapalaran namin mag-iina?" Sigaw ng isip niya!

Ayoko ng umiyak! Ayoko ng sayangin ang luha ko sa mga katulad nila. Tahimik niyang saad sa kanyang sarili.

Kahit ang totoo pilit lang niyang pinipigilang huwag ng umiyak. Dahil alam naman niyang walang magagawa ang pag-iyak. Hindi sapat ang mga luha niya. Para mabago ang lahat.

Pilit niyang pinigilan ang pagpatak ng luha. Sinikap din niyang libangin ang sarili at kalimutan na ang lahat. Dahil alam niyang 'yun ang pinaka mabuti niyang gawin, para makapagmove-on.

Naisipan niyang mag-ayos ng mga gamit. Ayusin ang dapat ayusin. Itapon ang dapat itapon. Itago ang dapat itago at kalimutan ang dapat kalimutan. Makalat at magulo ang mga gamit niya singgulo ng isip niya. Naisip niya siguro dito siya dapat magsimula.

Magsisimula na rin kasi siyang pumasok sa trabaho sa Lunes, kaya dapat maayos na niya ito. Nakakahiya naman kila Tita at Kat naging magulo itong bahay dahil sa mga dinala niyang mga gamit dito. Lalo na sa kwarto ni Kat na ngayon ay kwarto na rin niya.

Gusto kasi ng Tita Adela niya na dito na rin siya tumira. Mag-isa na lang kasi siya sa apartment kaya gusto nitong pumisan na lang siya sa bahay ng mga ito. Dalawa na lang din kasi sila dito.

Matagal na rin kasing hiwalay ang kanyang Tita Adela sa dati nitong asawa. Dahil meron na rin itong ibang pamilya. Ang pagkakaiba lang pormal na naghiwalay ang kanyang tiyahin at ang dati nitong asawa. Ang ama ni Kat.

Hindi tulad nila na basta na lang iniwan ng kanilang ama. Kung minsan gusto niyang itanong kung nasa lahi ba talaga nila ang ganitong sistema? 'Yung hindi ganu'n kaswerte pagdating sa pag-ibig.

Sinimulan na niya ang pag-aayos ng mga gamit. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aayos ng mapadako, ang tingin niya sa mga gamit ni Cheska. Ang mga libro at gamit nito sa eskwela ang napagtuunan niya ng pansin. Inilalagay niya ito sa isang kahon nang mapansin niya ang isang pocketbook na kasama ng mga gamit nito. Palibhasa mahilig talaga sila ni Cheska na magbasa ng ganitong libro kaya hindi n'ya napigilan ang sarili na pag-ukulan ito ng pansin. Subalit bago pa niya ito mabasa. May isang bagay siyang napansin, isang larawan na nakaipit dito ang umagaw ng kanyang atensyon.

Si Cheska ang nasa larawan, ngunit hindi ito nag-iisa. Kasama nito ang isang lalaki na sa tingin niya mas matanda kay Cheska ng dalawa o tatlong taon. Gwapo ito at matangkad, nakasuot ito ng jersey shirt na tila sa isang basketball player. Nakaakbay ito kay Cheska habang si Cheska ay nakayakap naman dito. Patunay lang na mayroon itong relasyon sa kapatid niya.

Nang tingnan niya ang likod ng larawan nakasulat dito ang mga katagang.. "My only love." Siya ba ang lalaking iyon, ang dahilan ng lahat? Paano ang isang malaanghel na mukha ng lalaking ito ang siyang may angkin palang kawalanghiyaan? Hindi man lang siya nagpakita, sa kabila ng lahat ng nangyari kay Cheska. Napakawalanghiya! Bulong ng isip niya na puno ng sama ng loob.

Gusto niya sanang lamukusin at sunugin ang litrato. Pero hindi niya ginawa. Kasabay ng mga pagbabanta sa isip niya..

"May araw ka rin, huwag ka lang magpapakita sa akin. Tatandaan ko ang pagmumukha mong walanghiya ka!"

Dahil sa kaabalahan ng isip niya, hindi na niya napansin ang pagdating ni Kat. Nagulat na lang siya na nasa loob na pala ito ng kwarto at kinakausap siya.

"Hoy Given, kanina ka pa ba nandito? Ano na nangyari sayo, nagkita na ba kayo ni Mathew? Totoo ba? Teka base sa itsura mo ngayon parang alam ko na ah? Huwag mong sabihin ngumalngal ka lang? Anong ginawa mo ha?" Sunod sunod nitong tanong kay Given.

"Ano pa ba ang dapat kong gawin? Huwag kang mag-alala hiniwalayan ko na siya." Sagot niya kay Kat.

"So ibig ba talagang sabihin tama ang hinala mo?"

"Oo" tipid niyang sagot.

"Ang walanghiya talaga pa lang makapal ang mukha!" Si Katrina na hindi maipinta ang mukha inis.

"Hayaan mo na Ok na ako, handa na rin naman akong kalimutan siya."

"Aba'y dapat lang wala siyang kwenta marami ka pa namang makikilala na mas higit sa kanya kaya dapat lang na kalimutan mo na 'yun!"

"Para ano, para maloko ako ulit?"

"Ano ka ba Coz? S'yempre hindi naman pare-pareho ang mga lalaki sa mundo. Makakakilala ka rin ng tamang lalaki para sayo. 'Yun hindi ka lolokohin."

"Pare-pareho lang sila dahil wala ng matinong lalaki ngayon. Ang gusto nila pagsabay-sabayin nila ang mga babae. Pare-pareho lang silang mag-isip."

"Given ano ka ba? Huwag ka ngang gan'yan, nagkataon lang na hindi ka sinuwerte ngayon pero darating ang panahon na makikilala mo rin ang taong para sayo Ok?"

"Paano kung sabihin ko sa'yong ayoko ng hintayin 'yun!"

" Anong ibig mong sabihin? Wala ka ng planong magboyfriend o mag-asawa ganu'n ba?"

"Mas mabuti pa nga siguro 'yon, para walang problema at sakit ng ulo."

"Sira ka ba? Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa nakikila 'yun para sayo. Kapag nainlove ka na talaga. Tingnan ko lang kung masabi mo pa 'yan?

"Ayoko na lang muna isipin 'yan sa ngayon. Ang gusto kong isipin ngayon kung paano ko makikilala ang lalaking ito?" Sabay turo niya sa lalaking kasama ni Cheska sa picture.

"Huh! Siya ba ang boyfriend ni Cheska ang gwapo ah? Kaya pala naman..?" Sabay takip sa kanyang bibig

Napatingin na lang siya kay Kat. Dahil sa sinabi nito na halatang nabigla din sa nasabi.

______//

ARAW NG LINGGO; FEBRUARY 14, ARAW DIN NG MGA PUSO, ARAW NG PAGMAMAHAL!!

Ang araw kung kailan ipinanganak si Keifer.

Umaga pa lang abala na ang lahat sa paligid, para sa magaganap na party mamayang gabi.

Hindi ito pangkaraniwan, simula ng ipanganak s'ya ngayon lang ito nangyari.

Gaya ng napagkasunduan si Olivia ang namahala sa lahat. Hindi niya alam kung paano nito napapayag ang Daddy niya na paghandaan ang araw na ito. Dati rati naman.. Umaalis na ito umaga pa lang at hindi niya alam kung saan ito nagpupunta. Basta ang alam lang niya hindi natatapos ang maghapon na hindi ito pumupunta sa sementeryo.

Para dalawin ang kanyang Mama.

Pero ngayon kakaiba, dahil nandito lang ito sa bahay. Hindi alam ni Keifer kung matutuwa siya, hindi rin niya maiwasang isipin at itanong kung para ba talaga sa kanya ang okasyong ito?

Pababa na siya ng hagdan ng dumating ang mga kaibigan. Nasanay na siya na palaging narito ang mga kaibigan upang samahan siya. Taon-taon tuwing kaarawan niya. Kahit pa pabirong nagrereklamo ang mga ito. Dahil imbis na nakikipagdate sila, siya ang palaging kasama ng mga ito sa araw na iyon.

Sisimulan lang naman nila ang araw sa pagdalaw sa kanyang Mama. Tapos maghapon na nilang gugulin ang araw sa paglalakwatsa! At syempre kasama na rin ang pakikipagdate. Lalo na kapag naisipang mag-outing, swimming, minsan nga nag-a-out of town pa sila.

Pero ngayon mukhang hindi nila magagawa?

"Hey! Bro, kaarawan mo pala! Anong meron?" Si Miggy na nagbibiro ang tono.

"Pambihira naman bro! Kung hindi pa dito kay Caloy at kay Papa. Hindi namin malalaman na may magaganap palang Party dito sa bahay n'yo! Para wala kang balak na imbitahin kami ah?" Keith said.

"Kailangan pa ba? Kahit naman hindi ko kayo imbitahin, siguradong pupunta pa rin kayo dito." Sabi niya. Although, they know the reason. Why he's not inviting them here now. Kahit pa kahapon lang sila huling nagkita-kita.

"Buti pa umalis na tayo. Tara na habang maaga. Mainit na dun pag tanghali na." Si Carlos."

"Sandali lang sasabihin ko kay Nana Cel na aalis na tayo." Sabi niya sabay talikod para pumasok sa loob upang hanapin ito.

"Sige bro hintayin ka na lang namin sa labas ha? Dala ko 'yun van du'n na lang tayo sumakay. Babatiin lang namin si tito." Pasigaw na pahayag ni Carlos.

Saglit lang siyang lumingon at tuloy-tuloy ng pumasok sa loob. Kung saan nasalubong n'ya pa si Nana Cel na nagmamadaling lumabas.

"Nana Cel, aalis na po kami nandiyan na po sila Carlos."

"Naku bata ka, nagmadali ako akala ko nakaalis ka na. Hinahabol talaga kita. Naiwan mo kasi itong bulaklak na pinitas mo para sa Mama mo anak. Baka magtampo 'yun sayo sige ka." Sabi nito na habol pa ang hininga.

"Si Nana Cel talaga the best ka talaga Nanay! Buti na lang nandito ka." Nayakap pa niya ito sa tuwa.

"Siya lumakad na kayo at tanghali na mataas na ang sikat ng araw. Baka mainit na sa pupuntahan n"yo. Ikumusta mo na lang ako sa Mama mo ha!" Si Nana talaga kung ituring ang kanyang Mama parang nand'yan lang, bata pa si Keifer gan'yan na siya kaya parang kilalang kilala na rin niya ang ina. Dahil sa mga kwento nito.

"Sige po! Aalis na kami Nana Cel"

"Oh sige na anak mag-ingat kayo ha? Bumalik na lang kayo agad pagkagaling doon, baka hanapin ka ng Daddy mo." sabi pa nito.

"Opo!" Sagot niya. Sabay kuha sa mga bulaklak na inaabot nito sa kanya. Maaga pa siyang gumising kanina para pitasin ang mga ito. Buti na lang marami-rami na rin siyang napitas ngayon. Agad niya itong pinaayos kay Nana Cel kanina. Muntik ko pa pa lang makalimutan.

Palabas na siya ng gate ng makita niya. Ang mga kaibigan na tila may pinagkakaguluhan. Paglabas niya ng gate agad niyang nakita ang isang magarang sport car. Isang Brand new na mercedes na silver blue, sa isip niya kaya naman pala!

Hindi niya namalayan na napanganga na rin pala siya.

Lihim siyang namangha sa ganda nito! Kasabay noon lihim din siyang umaasam na sana sa kanya ito. Maaaring isa itong regalo? Katunayan na mayroon pa itong ribbon sa harap. Baka sopresa ito ng Daddy niya para sa kanya?

Nagulat pa siya ng magsalita si Keith sa kanyang tabi at pabirong isinara ang kanyang bibig.

"Bro laway mo tumutulo at saka isara natin baka mapasukan ng langaw?"

"Pambihira bro, ang gandang regalo nito. Sampulan na natin agad pag-uwi natin mamaya ha?"

Lihim siyang natuwa na may pagmamalaki. Excited na rin siyang malaman kung kanino nga ba ang sasakyang ito. Parang gusto niyang isipin na maaring sopresa ito sa kanya ng Daddy niya. Parang gusto na lang tuloy niyang, manatili at huwag ng umalis ng bahay.

* * *

By: LadyGem25 ❤️

次の章へ