webnovel

TRI - Pa’no kung...

Abala ako sa pagsa-sign in sa wattpad nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Nang makapag-register ako at makagawa ng account ko, agad ko ring sinagot ang tumatawag nang hindi inaalis ang mata sa harap ng laptop ko.

"Hello?"

"Teka, pare. Ico-confe ko lang," sabi ng nasa kabilang linya na nakilala kong si Kid. "Ayan na si Ken!"

"Hello? Naka-connect na ba kay Felix?"

"Oo, pre!" sagot ni Kid.

"Hello, Felix? Musta ang bonding with the bad girl kahapon? Enjoy ba?" usisa ni Ken na mukhang nangingiti pa. Di man halata pero may mga lalaki ding chismoso talaga. Tulad nalang nilang dalawa.

"Oo. Enjoy na enjoy nga, e. Nagkaroon ako ng time para unti unting kilalanin siya." Sagot ko sa kanila habang tina-type ang username ni MJ sa wattpad. Sabi niya kasi, try ko din daw magbasa ng mga kwento. Nakakalibang daw at ayon nga sa reaksyon niya kahapon, mukhang totoo, kaya eto, susubukan ko. Dinownload ko nga din sa cellphone ko 'yung app. Para kahit saan, pwede akong magbasa.

"So, ano? May plano ka na ba kung paano palalambutin ang tropa nating tigasin?" ani Kid.

Napatigil at napangiti ako nang manumbalik sa isip ko 'yung reaksyon at kilos niya nung nasa NBS kami. 'Yung ngiti niya, 'yung tono ng boses niya na... parang kinikilig—mga bagay na kakaiba at bago sa paningin ko. "Alam niyo ba mga pre? May nadiskubre ako kay MJ."

"Ano? Kwento mo na, dali!" sabay na tanong nila.

Napatawa ako sa kanila. Mga sumasagap talaga ng chismis. "Pamilyar ba kayo sa site na wattpad?" tanong ko.

"Huh? Wattpad? 'Yung... site na pwede kang magpost ng mga kwento?"

"'Yun ba 'yung site na pinanggalingan nung mga pinapalabas dun sa TV 5? Lagi ko kasing nakikita 'yung patalastas," dagdag ni Ken.

"Oo, 'yun nga. Alam niyo bang adik di MJ do'n?" halakhak ko. "Kung nakita niyo lang kung paano magkilos babae kahapon si MJ dahil sa mga fictional character sa mga kwento, naku! Maninibago talaga kayo!" sabi ko saka tumawa ulit. Tuloy pa rin ako sa pagba-browse ng mga kwentong sa tingin ko ay maganda. Karamihan, mga kwentong sinuggest sa'kin ni MJ.

"Talaga, bro? Haha! Sayang di kami kasama! Edi may idea ka na kung paano da-da moves kay MJ niyan?" tawa ni Kid sa kabilang linya.

"Akalain mong pati si MJ madadali ng mga fictional character? Haha! Pero di na kataka taka 'yon. Sa panahon ngayon, marami nang nagbabasa do'n. Kapatid ko nga walang ibang bukambibig kundi, 'Azi! Elijah Baby! OMG! Montefalco boys!' naririndi na nga ako minsan, e." ani Ken na ginaya pa ang boses ng kapatid niyang babae na si Nicole.

"Haha! Pero mga pre, try niyo ding magbasa. Ako nga gumawa na ng account, e. Mukhang nakakalibang naman," sabi ko sa kanila. Naka-loud speaker ako dahil nga hawak ko 'yung laptop ko.

"Ano? Hahahah! Nagbabasa ka na rin?" natatawang bulalas ni Kid.

"Tanginang pag-ibig 'yan! Hahamakin ang lahat, miski pagbabasa sa wattpad! Whooo! 'Kaw na talaga ang head over heels, pre! Hahahah!" dagdag naman ni Ken na akala mo nagpakawala ako ng isang matinding punch line. Tingnan ko lang talaga 'pag bukas makalawa malalaman kong may account na rin 'tong mga 'to.

"Kung makatawa 'tong mga 'to!" saway ko sa kanila at ibinaba muna ang laptop ko sa higaan ko. Sa higaan kasi ako nakaupo. "Pero teka mga pre, meron lang kasing bagay na di maalis sa isip ko, e."

"'Pag ba nagwa-wattpad nagiging makata rin?"

"Baka bukas makalawa, ikaw na si Balagtas o kaya ikaw na si Dr. Jose Rizal! Hahahah!" Para talagang ewan 'tong mga 'to.

"Seryoso kasi mga 'tol! Eto nga kasi," saway ko ulit sa tonong naiinis.

"Hahah! Sorry Felix. Okay, shoot!"

"Eto nga, may mga nabasa kasi akong kwento kagabi, karaniwan one shot stories—" naputol na naman 'yung sasabihin ko dahil humagalpak na naman ng tawa 'yung dalawa. "Nagkakagaguhan na tayo, e. Ibababa ko na nga!"

"O-Oo na! Haha! Eto na! Titigil na!" Narinig kong humingang malalim 'yung dalawa bago nagsalita si Kid, "Game! Totoo na 'to."

"Ayun nga, may nabasa nga akong mga kwento na... 'yung lalaki, nanligaw dun sa babae dahil lang sa pustahan." Narinig kong natahimik 'yung dalawa dahil alam ko, alam na nila 'yung tutumbukin ko. "Tapos, sinagot naman nung babae 'yung lalaki kasi nga, may nararamdaman din naman pala siya dun sa lalaki. Tapos kalaunan, nalaman nung babae na kaya lang siya niligawan nung lalaki, dahil sa pustahan. Sobrang nasaktan 'yung babae kaya nakipag-break siya dun sa lalaki. Hinabol naman nung lalaki 'yung babae kaso, doon din niya napag alaman na may sakit sa puso 'yung babae at may taning na 'yung buhay niya. Ta's dahil dun sa nangyari, di kinaya nung puso nung babae kaya ayun, namatay siya nang hindi naririnig 'yung paliwanag nung lalaki."

Namayani ang katahimikan. Maya maya, narinig kong parang may sumisinghot sa kabilang linya.

"Tangina, pare. Naiyak ako do'n ah."

"Sino author niyan? Nakakagago ah!"

"Tingnan niyo. Edi nadala din kayo nung kwento? Pero mga tol, ang point ko, paano kung ang mangyari sa amin e kagaya nung nangyari dun sa lalaki sa kwento?"

"'Yung may sakit din sa puso si MJ tas mamamatay siya dahil sa heart break?" tanong ni Ken.

"Ta's dahil nga nagbreak kayo nang hindi niya naririnig 'yung side mo, magpapakamatay ka din? Tas sa langit niyo nalang itutuloy ang pag-iibigan niyo? Whooo! 'Pag nakakita ka ng ganung kwento sa wattpad na 'yan, kami author nu'n! Haha!" segunda naman ni Kid.

"Gagi naman 'tong mga 'to, o! Ang ibig kong sabihin, 'yung malaman niyang kaya ko siya nilalapitan at nililigawan e, dahil lang sa napag usapan nating tatlo. Pa'no kung isipin niya—"

"Isipin niyang pinagpustahanan lang natin 'tong ginagawa mo sa kanya?" putol ni Kid sa sasabihin ko. Tumikhim siya bago muling nagsalita. "Bakit? 'Yun lang ba talaga ang intension mo kaya mo siya sinusuyo?"

Natigilan ako. "Hindi."

"Bakit mo nga ba siya pilit na inaabot? Dahil lang ba sa may thrill at challenge dahil nga may pagka-bad girl siya? Dahil lang ba gusto mong patunayan sa sarili mong kaya mong makuha ang anumang klase ng babae, kahit pa pusong maton siya?"

"H-Hindi."

"E 'yun naman pala, e! Anong kinakatakot mo?" bulalas niya. "Alam mo kasi, 'yung mga ganoong pangyayari, 'yun e dahil hindi agad naipaliwanag 'yung tunay na dahilan at intension mo sa panunuyo mo sa isang tao. Lalo na sa isang babae." Napa-isip ako sa mga sinabi ni Kid. "Alam mo, Felix, kung matino naman kasi ang pakay mo kay MJ, ikaw na mismo sa sarili mo, makokonsensya ka na. Syempre mapapa-isip ka na rin kung, 'Tama ba 'tong gagawin o ginagawa ko?' 'Hindi kaya siya masaktan o ano?' Kasi unang una, kaibigan at ka-close natin si MJ. Kaya ka nga nagkagusto sa kanya, e, 'di ba? Kahit na astang tambay at manginginom, nagustuhan mo pa rin siya. At 'yun din ang dahilan kung bakit gusto mo siyang tulungang tumino. Dahil gusto mo siya!"

Sa buong pagsasalitang 'yon ni Kid, tahimik lang akong nakikinig. Maging si Ken, tahimik lang din at mukhang nakikinig din. Maya maya, nakarinig ako ng mabagal hanggang sa papabilis na palakpak.

"Grabe 'tol, hanga na ako sayo. Pwedeng pwede ka nang maging love guru o kaya DJ sa radio! Palitan mo na si Papa Jack!" aniya habang panay pa rin ang pagpalakpak.

Narinig ko namang natawa si Kid sa kabilang linya. "Gago! Di mo na kailangang maging love guru o DJ sa radio para malaman 'yun! Kung matino kang tulad ko, edi matino din ang mga desisyon mo!" halakhak niya.

"Whoo, tangina! Humangin na! Tinatangay ako ah! Kaya pala nagbreak kayo ni—"

"'Wag mo nang ungkatin 'yon!" putol niya sa sasabihin sana ni Ken. "Siguro naman nalinawan ka na sa mga sinabi ko, Felix?" aniya patungkol sa akin.

Napangiti naman ako at tumango kahit hindi niya nakikita. "Oo. Salamat sa payo, Kid."

"Oy! Isama mo naman ako sa acknowledgement! Nakinig din naman ako ah!" reklamo ni Ken.

"Puro ka lang naman tawa, e." Natatawang sabi ko. "Pero mga 'tol, salamat ah. Kayo ang tatakbuhan ko 'pag may problema ako."

"Oo naman, pre! 'Wag kang mahihiyang tumakbo sa amin. Basta ba hindi problema sa pera, e. Problema ko din 'yon! Hahaha!" biro ni Kid.

"Oo nga! Saka basta ba walang asong nakasunod sayo, e! Aba! Ikaw lang hinahabol ng aso, mandadamay ka pa!" dagdag ni Ken na ikinatawa naming tatlo. Puro kalokohan talaga.

次の章へ