Lala's Pov
Kakatapos lang ng nang nangyaring insidente sa kapatid kong si Lily. Kasalukuyan nagpapagaling pa ito kaya ako muna ang nagprisinta na pumunta ng foundation para malaman kung ano ang problema sa foundation. Tumawag kasi si sister Micah kay mommy at nagkaproblema daw dun.
Kasalukuyan kong kasama si Blessy at sina agent Charcoal at agent Fushia papuntang foundation. Hindi kasi ako masamahan ni Zeus kasi may importante itong meeting. Gusto ngang ipasama sina Wilson at Tom pero sinabi ko na sina Fushia at Charcoal na lang.
"Ano kayang nangyari? Kinakabahan ako." sabi ko.
"Huminahon ka nga. Hindi makakabuti sayo yang sobrang pag aalala mo. Alam mong buntis ka. Baka mapahamak naman ang anak mo." sabi ni Blessy.
"Tama ka Blessy. Minsan talaga nakakalimot ako na buntis pala ako." sabi ko.
Sobra lang akong nag aalala kasi hindi basta basta tumatawag si sister Micah kung hindi malaki ang problema sa foundation. Nakarating kami sa foundation at sinalubong kami ni Sister Micah.
"Sister ano pong problema?" tanong ko.
"Tara muna sa opisina ko at nang makapag usap tayo ng maayos." sabi ni sister Micah.
Pumasok kami ng opisina nya at naupo sa sofa. Binigyan naman kami ni teacher Abby ng tinapay at juice.
"Ganito kasi yun, merong bagong tauhan na ipinasok si Delfin, isa sa matagal na nating tagapangalaga dito. Sa una mabait at magalang ang taong yun. Makalipas ang isang linggo ay nawala ito pati na rin si Delfin. Kanina lang namin napansin na nawawalan tayo ng mga gamit sa foundation pati na rin ang pera na nakalaan para sa 3 buwan na gastusin. Matagal na akong tiwala sa mga nandito kaya hindi ko pinapansin ang mga ito." kwento samin ni sister Micah.
"Bukod sa pera po meron pa po bang nawawala?" tanong ni Blessy.
"Mga gamit at gamot sa clinic at mga computer sa computer room." sagot ni sister Micah.
"Wag kayong mag alala sa mga gamit at pera mapapalitan po natin yun. Ang importante ligtas po kayong lahat. Yung tungkol kay Delfin, sasabihan ko po si kuya Leo." sabi ko.
Nagtagal kami ng kaunti sa foundation kasi pinakakalma namin si sister dahil sinisisi nya ang sarili nya.
"Sister naglagay na ako sa bank account ng foundation ng pera para sa 3 buwan na gastusin. Tapos yung mga supplies sa clinic ay ipapadala ko na lang po. Yung mga computer ay sasabihan ko si Lucas." sabi ko. Ayokong mamublema pa si sister tungkol sa pera kaya nagpadala na agad ako ng pera gamit ang cellphone ko
"Maraming salamat sa inyo." sabi ni sister.
"Pagdumating si Delfin sabihan nyo agad si Charcoal." sabi ko. Maiiwan si agent Charcoal para may magbantay pansamantala sa foundation. Hindi kasi sapat ang guwardiya lang.
"Mauna na po kami sister." paalam ni Blessy.
"Hatid ko na kayo." sabi ni sister.
Naglalakad kami papunta sa sasakyan na malapit sa gate nang biglang may humarang sa amin na nakamotor at tinutukan ako ng baril. Mabilis na yumakap si Blessy sakin. Magkayakap kami ni Blessy ng pumutok ang baril. Nagtaka kami ng hindi kami tinamaan. Humarap ako at nanlaki ang mata ko. Si sister Micah naliligo sa sariling dugo. Agad akong lumapit na umiiyak.
"Blessy hawakan mo ito ng madiin para tumigil ang pagdudugo huhuhu. Sister konting tiis lang kukuha pang ako ng mga gamot at gamit." sabi ko. Tumakbo ako papuntang clinic.
Natataranta akong kumuha ng pwedeng ipang lunas kay sister Micah. Pagkadating ko ay ginamot ko agad si sister.
"Kulang ang mga gamit at gamot. Hindi ko sya maooperahan dito." sabi ko.
"Tumawag na kami ng ambulansya maya maya darating na yun." sabi naman ni Blessy.
Panay iyakan ng mga nandun pati na rin kami ni Blessy. Maya maya dumating ang ambulansya at isinakay si sister Micah. Sumakay na lang din kami sa ambulansya at pinasunod na lang ang kotse ko na minamaneho nila agent Charcoal.
Nakarating agad kami sa ospital at nag aabang dun si tita Rose. Ipinasok agad si sister sa operating room at pumasok din ako.
Nakita ko sila na sinasagip ang buhay ni sister. Hindi ako makatulong kasi sobra akong nanginginig. Yumuko ako at nagdasal. Maya maya lang ay biglang sumigaw si tita Rose. Nagflat line na pala si sister at kasalukuyan itong nirerevive. Hindi na ako makakilos at natulala na lang ako.
"Time of death 7:35pm." sabi ni tita Rose.
Lumapit ako kay sister at hinawakan ang kamay nya. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni tita Rose dahil natulala lang ako. Naintindihan ko lang ang sabi ni tita na lumabas ako at ibalita ito sa pamilya ko.
Pagkalabas ko ay nadatnan ko si Blessy at ang pamilya ko maliban kay Leo. Tumitig ako sa kanila at biglang akong humagulgol.
"Wala na sya. Wala na si sister Micah, Blessy huhuhu." iyak na sabi ko. Lumapit ako kay Blessy at yumakap dito.
"Iniligtas nya tayo Blessy. Siguro kung hindi sya humarang baka.....huhuhu." iyak na sabi ko.
Inalalayan ako ni Liam na makaupo sa silya. Nawalan na ako ng lakas dahil sa kakaiyak ko. Ilang oras din ako na nakaupo sa silya nang may biglang yumakap sakin. Nang mapalingon ako ay nakita ko si Zeus.
"Okay ka lang ba sweetie? Hindi ka ba nasugatan?" tanong nito. Umiling naman ako.
"Salamat naman, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyari sayong masama. Dapat talaga sumama ako sa inyo." sabi ni Zeus.
"Hindi naman natin alam na mangyayari ito at tsaka ligtas na naman ako eh." sabi ko.
"Nakilala mo ba ang gumawa nito sa inyo?" tanong ni Zeus.
"Hindi eh. Ang bilis ng mga pangyayari at isa pa ang inalala ko ay ang paglapat ng lunas kay sister Micah. Sya ang sumalo ng bala para samin ni Blessy.
"Hayaan mo tutulong ako para malaman kung sino ang gumawa sa inyo nito. Tatawag ako sa mga koneksyon ko." sabi ni Zeus.
"Hindi na kailangan sigurado akong nakilos na sina daddy at si kambal. Malamang madali lang nilang malalaman kung sino ang may gawa nito sa amin." sabi ko. Alam kong nagtataka sya sa sinabi ko pero tumahimik na lang ito.
"Malalaman mo din ang buong pagkatao ng pamilya ko balang araw. Pero sisiguraduhin ko hindi sila masasama." sabi ko na ikinakunot ng noo nya. Alam ko na lalo itong nagtataka.
"Kumain ka na ba?" tanong nito.
"Hindi pa. Wala din naman akong gana eh." sabi ko.
"Kumain ka kahit kaunti. Lalo pa mamaya kapag naiburol na si sister." sabi ni Zeus.
Tama naman sya alam ko magiging busy na kami pero hindi pa din magsink in sakin ang nangyari kanina lalo na ang pagkamatay ni sister Micah. Kanina pa ako umiiyak at nawalan ako ng lakas.
"Sige na nga alalayan mo ako para makakain. Baka magalit na sakin ang anak natin kakaiyak ko at hindi ako nakakakain." sabi ko.
Bago pa man kami makaalis ni Zeus may tumawag sa cellphone ko. Binuksan ko ito at tinignan kung sino ang tumawag. Nakita kong si ate Dahlia ang natawag.
"Hello ate." sabi ko.
"Totoo ba ang nabalitaan ko? Patay na si sister Micah?" tanong nya.
"Oo ate. Iniligtas nya kami ni Blessy. Ang bala na dapat samin ni Blessy tatama ay hinarang nya. Ate, kasalanan ko to eh. Nawalan ang mga bata ng ina sa foundation." sabi ko. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko na umiyak. Niyakap naman ako ni Zeus.
"Hindi mo kasalanan yan. Siguro talagang oras na ni sister at isa pa nawalan man ang mga bata sa foundation ng ina pero nandito tayong lahat na susuporta sa kanila. Malamang alam ni sister na kahit mawala sya ay nandito pa din tayong lahat para sa mga anak nya. Anak ka din nya Lala at alam ko na gagawin nya din ito kahit hindi ikaw yun. Kasi ganun ang mga ina sa kanyang mga anak. Gagawin lahat ng ina mailigtas lang ang anak nya. Dapat malaman mo yan dahil magiging ina ka na din." sabi ni ate Dahlia.
"Alam ko yun ate pero hindi ko pa din mapigilan na sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari." sabi ko.
"Kaysa sisihin mo ang sarili mo ay mas maganda umisip ka ng paraan para makatulong sa mga bata. Hindi gugustuhin ni sister na mag isip ka ng ganyan. Ipanatag mo ang kalooban mo kasi hindi lang ikaw ang maaapektuhan pati na rin ang bata sa sinapupunan mo." sabi ni ate.
"Uuwi akp agad dyan para makatulong din. Nandito pa ako sa medical mission sa Cebu." sabi pa nya.
"Sige ate ingat ka. Usap na lang tayo pagbalik mo." sabi ko.
Pinutol na ni ate ang tawag at niyaya na ako ni Zeus na kumain. Kung saan man naroroon si sister ay sana masaya na sya sa piling ng Poong Maykapal. Huwag kang mag alala sister, hindi ko papabayaan ang mga anak mo sa foundation. Nandito kami ng pamilya ko na mag aaruga sa kanila.