Maaga siyang gumising ng umagang iyon sa kusina na siya dumeretso.
Nag-insist na rin siyang tumulong sa kusina sa kabila ng pagtanggi ng mga kasambahay.
Pero ipinilit pa rin niya na siya ang magluto. Hindi naman niya balak magpaimpress kay Gavin.
Gusto lang niya na habang narito siya sa bahay nito. May magawa siya para sa pagkupkop ni Gavin sa kanya.
Dahil tulog pa ang kambal kaya hindi siya nag-aalala. Kasama rin ng mga ito si Ate Liway.
Eksaktong nakababa na si Gavin tapos na rin silang magluto.
"Hmmm, mukhang ang ganda ng umaga ngayon ah' at saka wala ka na yatang toyo?" Nakangising komento ni Gavin na bahagyang niyang ikinainis.
Hindi tuloy niya inasahan ang bigla nitong pagpindot sa kanyang ilong sabay sabing...
"Good morning Couz!"
Huh' tama ba siya ng dinig, ano daw?
Tinawag ba siya nitong Couz, ano na naman ang trip nito?
"Okay ka lang, ano na naman ang tinira mo, humitit ka ba ng katol?
'Biglang naging magkamag-anak yata tayo?"
Tinawanan lang nito ang sinabi niya bago pa ito tumugon.
"Hahahaha, Pambihira talagang nakalimutan mo na nga ako. Palibhasa hindi ako ganu'n ka espesyal kaya madali akong kalimutan.
'Sabagay mas cute ako ngayon kaysa noon. Hmmm, mukhang masarap ang almusal ah' ikaw ang nagluto?" Sinabayan nito ng dampot sa niluto niyang chilli omelet na deretsong isinubo sa bibig nito.
"Gutom ka na ba? Sige na, kain na!" Pinaglagay niya ito ng plato sa lamesa.
"Sabayan mo akong kumain sige na, may sasabihin rin ako. Sige upo ka na rin dito. Hayaan mo na silang magpatuloy niyan.
'Hindi kita dinala dito para maging kasambahay ko. Pero okay na rin itong nagluto ka.
'Dahil for the first time mukhang gaganahan akong kumain dito sa sarili kong bahay."
Umupo na rin ito matapos siyang paupuin sa silyang katabi ng inuupuan nito.
Masigla rin siyang ipinaglagay nito ng fried rice sa plato niya. Bago nito nilagyan ang sariling nitong plato.
For the first time, nakikita niya ang gentleness side ng totoong Gavin. Ah' ganito rin pala ito nu'n una silang magkita.
Ang kunwaring hindi sinasadyang pagkakasabay nila noon papunta sa Barrio. Ngayon alam na niya na sa Hacienda talaga ito patungo ng araw na iyon.
"Hey, bakit bigla ka yatang natahimik ah'. Parang gusto ko na yatang kabahan? Para bang sumasakit na yata ang tiyan ko."
Umarte pa ito na masakit ang tiyan, ngunit deretso pa rin sa pagnguya.
"Buti na lang masarap talaga ang niluto mo. Atleast mamatay ako na nasasarapan." Sinabayan pa nito ng ngisi ang sinabi.
"Buwisit, bakit nga ba hindi ko pa nilagyan ng lason. Sayang hindi ko naisip agad. Pero hindi bale meron pa namang next time sa susunod sasarapan ka talaga!"
"Hahaha, siguro dahil hindi mo talaga ako gustong mamatay?!"
"Hmmm, huwag kang pakasiguro anong malay mo?
'Bakit ko naman 'yun gagawin ng mahahalata agad, kung p'wede namang dahan dahanin?"
"Hmp, bakit nga ba ako nagkaroon ako ng kalahing kagaya mo?" Saad pa nito saka muling nagpatuloy lang sa pagkain.
"Kalahi, kailan pa?"
"Ako din eh', duda na!"
"Hmp!" Inirapan pa niya ito ng nakasimangot.
"Hindi mo ba talaga ako natatandaan? Sabagay madalang naman talaga tayong magkita noon. Hindi tulad ni Dust na lagi na lang nasa tabi mo at sunod ng sunod sa inyo."
"Ibig sabihin talagang taga Iloilo ka?" Naguguluhang tanong ni Amanda.
"Pambihira talagang hindi mo nga ako kilala, hindi man lang ba ako naikwento sa'yo ni Dust?"
"Hindi ka daw niya kilala, kaya nga sinungaling talaga 'yun!"
"Nag-aalala lang 'yun na baka maisipan mo pa ulit na bumalik ng Iloilo."
"Hah' paano ko pa maiisipang bumalik eh' itinapon rin niya ako agad nu'n papuntang London."
"Pambihira, ayaw ka pa nu'n? Ang ganda nga ng trash can mo sosyal!
'Habang ako pinatutulay niya sa alambre isang pagkakamali ko lang siguradong mawawalan ka ng kalahing guwapo!"
"Grabe, mabuti na lang wala si Dust dito. Ang sakit n'yo sa mata kapag nagsama pa kayo.
'Isang mahangin at alikabok!"
"Uy, nami-miss na niya si Kuya..."
"Tumigil ka nga kung ayaw mong tadyakan kita d'yan!"
"Hahahaha!" Halos masamid ito sa katatawa.
"Sino ka ba talaga? Huwag mo na nga akong pahirapan sa paghula sabihin mo na lang kas..."
"Okay sirit ka na ba?
'Hindi talaga tayo sa iisang Barrio nakatira. Hindi ko alam kung bakit sa kabilang baryo ginusto ng Tatang kami tumira noon.
'Kahit pa may bahay na minana ang Tatang sa Magiliw na higit na maayos kaysa sa bahay namin sa Tagulod.
'Hindi ko alam kung ayaw ba talaga ng Tatang na tumira sa Barrio n'yo. Pero halos araw araw din naman naroon siya at gabi lang bumabalik.
'Kung kailan nawala sila saka ko lang naiintindihan. Dahil gusto lang pala ng Tatang na mabuhay kami ng tahimik at malayo sa kapahamakan."
"Grabe ka, isa lang naman ang tanong ko ah'. Buong kabanata na yata ang ikinuwento mo? Pero wala pa rin du'n ang sagot mo."
Pambabara niya dito kahit alam naman niya kung ano talaga ang gusto nitong iparating sa kanya.
"Pambihira ka naman wala ka ba talagang interes man lang muna sa kwento ng buhay ko.
'Nagmamadali agad, makinig ka muna nakakaiyak 'to promise!"
"Hahaha..." Natawa na lang siya sa sinabi nito at sa itsura nito ngayon na alam niyang pilit nitong pinagagaan ang kanilang sitwasyon.
"Kita mo 'to kung kailan sinabi kong nakakaiyak saka naman tumawa. Nababaliw ka na talaga no?" Nakangising saad nito.
Alam niyang pilit siya nitong nililibang at pinasasaya.
May sasabihin ba talaga itong nakakaiyak? O gusto lang nitong pagaanin ang sitwasyon para sa sarili nito.
"Okay sige na, sabihin mo na! Anong ganap mo?"
"Wow! As in character talaga?"
"Hmmm?"
"Wala na rin ang Tatang at Nanang ko. Pilit silang pinaamin ni Anselmo ngunit nagmatigas pa rin ang Tatang.
'Dahil sa kagustuhan niyang protektahan kayo, ang Mamang mo si Amara at higit sa lahat ikaw!
Kaya iyon ang naging dahilan ng kamatayan ng Tatang at ang masakit nadamay rin pati ang Nanang ko."
"A-anong ibig mong sabihin, sinong Tatang ang tinutukoy mo?" Naguguluhang usisa niya sa kabila ng pagtataka.
"Abenardo Ga-an mas kilala siya sa tawag na Abner. Magpinsang buo sila ng Mamang mo.
'Ang Lolo ko at Lolo mo ang magkapatid. Kaya second cousin na tayo."
"A-anak ka ni Tito Abner?"
"Oo, ako 'yung batang mataba na pinagtawanan mo noon matapos akong gumulong sa ilog. Galit na galit ako sa'yo noon, kaya ayoko sa'yo...
'Pero the second time na nagkita tayo sa ilog ulit.
'Nang magkayayaan kaming magkakaklase na maligo sa ilog. Natatandaan mo ba?
'Binawalan mo pa kaming pumunta sa malalim noon. Pero dahil asar ako sa'yo kaya hindi kita sinunod. Nagyabang pa ako noon sa mga kaklase ko.
'Kaya ayun may nangyari ngang aksidente. Pero kahit hindi tayo magkasundo that time sinikap mo pa ring sagipin ako.
'Nakakalungkot lang dahil isang kaklase ko ang namatay noon.
'Nang dahil rin sa insidenteng iyon marami akong natutunan?"
"Totoo bang wala na rin si Tito Abner at Tita Chona?"
"Wala na sila kaya pareho na lang tayong ulila ngayon. Sa tingin mo ba, gugustuhin ko rin na makasama si Dust. Kung hindi ko alam na mabuti siyang tao.
'Magkaiba sila, magkaibang magkaiba! Bukod doon kahit kailan, hindi niya naging Ama si Anselmo.
'Hindi rin siya itinuring na Anak nito kahit kailan. Kaya hindi sila nagkaroon pa ng kaugnayan sa isa't-isa. Kung iyon ang gumugulo sa isip mo para matanggap mo siya.
'Kaya hindi natin siya kalaban, kun'di kakampi. Tinutulungan niya tayo na makaganti kay Anselmo. Dahil tulad rin natin gusto niyang makaganti sa walanghiyang iyon.
'Dahil si Anselmo rin ang dahilan ng kamatayan ni Aling Celestina. Ang Nanay ni Dust. Kaya iisa lang ang ipinaglalaban natin.
'Ang magapi natin ng tuluyan si Anselmo at hindi rin tayo ang magkakalaban dito naiintindihan mo ba?"
"Iniisip mo bang babalik na ako kay Dust ng dahil sa mga sinabi mo? Kung hindi mo ako gusto na narito aalis din kami agad sa oras na makahanap na ako ng malilipatan."
"Ano bang nangyayari sa'yo alam mong hindi iyan ang punto ko dito? Dumito ka kahit pa habang buhay walang problema sa'kin!
'Ang gusto ko lang huwag mong tingnan si Dust bilang Anak ni Anselmo. Kung hindi mo man siya kayang ituring na kapatid. Tingnan mo na lang siya bilang tao, kagaya nang dati kung paano kayo nagsimula. Hindi ko sinabi na bumalik ka sa kanya o kahit ang makipagkasundo sa kanya hindi ko rin ipipilit sa'yo.
'Pero sana i-consider mo rin siya sa lahat ng pinagsamahan n'yo mula pa nang mga bata kayo hanggang ngayon. Siguro naman kahit paano nakilala mo na ang tunay na Dustin.
'Kung tutuusin nga dapat nga mas higit mo siyang kilala kaysa sa'kin. Dahil mas marami kayong pinagsamahan."
"Hindi ko siya iniwan dahil hindi ko siya kilala. Tama ka kilala ko naman ang totoong Dustin. Kaya nga lumayo na lang ako sa kanya para hindi na rin kami magkasakitan pa."
"Sa palagay mo ba hindi siya nasaktan sa ginawa mo?"
"Sandali nga, nasaktan din naman ako ah'. Sa tingin mo ba hindi masakit para sa'kin na basta na lang siya talikuran?
'Akala mo ba hindi masakit para sa'kin na iwan ang taong itinuring ko nang pamilya. Naging dependent na ako sa kanya.
'Dahil matagal rin akong nasanay na nariyan lang siya palagi sa tabi ko. Pero magmula ngayon kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na hindi ko na siya maaaring asahan."
"Bakit hindi wala namang magbabago kung hindi mo siya tatalikuran at kalilimutan mo ang lahat na may kaugnayan siya kay Anselmo."
"Akala mo lang kasi walang magbabago pero meron! Hindi ikaw ang nakaramdam ng sakit. Habang pinagmamasdan mo ang iyong Ama na unti-unting namamatay dahil sa sakit at iyon ay dahil sa pagliligtas niya sa'yo.
'Ngayon alam ko na Anak siya ng taong iyon. Hindi ko maiaalis sa sarili ko na tingnan siya ng hindi ko maiisip ang kanyang Ama.
'Ayoko ring pag-isipan siya ng masama kahit pa alam ko na magkaiba sila. Hindi ko pa rin masasabi na hindi ko maiisip gumanti.
'Paano kung magawa ko 'yun at masaktan ko siya, a-ayokong mangyari iyon." Tugon ni Amanda.
____
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Gavin ng mga sandaling iyon.
Ang totoo naiintindihan rin niya si Amanda dahil iyon din mismo ang nararamdaman niya ngayon dito.
Kung alam lang ni Amanda may mga pagkakataon na naiisip niya na gawan ito ng masama.
Lalo na at alam na alam niya na si Amanda lang ang kinikilalang Anak ni Anselmo at nag-iisang pinahahalagahan nito.
Ngunit sa kasamaang palad hindi ang totoong Amanda ang kilala ni Anselmo kun'di si Amara.
Maging ang Anak nito sa namayapang asawa ay hindi nito kailanman pinahahalagahan.
Dahil matapos nitong ipadala sa ibang bansa hindi na nito pinakialaman pa. Tila ba sadya lang nitong inilayo ang Anak.
Pero si Amanda, isang bagay ang ikinatutuwa niya sa bagay na iyon. Nagawa pa rin ni Amara na linlangin ang isang Anselmo.
Ang nakalulungkot lang ito rin ang dahilan kung bakit nasa peligro ang totoong Amanda.
Pero hindi nila hahayaan ni Dust na may masamang mangyari ulit kay Amanda.
Kawawang Bradley Dominguez malas lang niya dahil nagkaroon siya ng Ama na walang kasing sama.
Kaya pasensyahan na lang kami, dahil sa oras na mapatunayan ko na tinulungan niya ang kanyang Ama na makatakas talagang idadamay ko siya! Hindi na niya naiwasang isipin iyon habang nag-uusap pa rin sila ni Amanda.
"Alam ko na hindi ka pa handa na tanggapin siya ulit. Siguro nga mas mabuti na dumito ka muna.
'Isa lang ang pakiusap ko huwag mo sana kaming tatakasan okay? Sinasabi ko ito sa'yo hindi para sa amin para rin ito sa kabutihan mo.
'Kung naguguluhan ka at may tanong diyan sa isip mo?
'Pasensya na, pero hindi ako ang dapat sumagot niyan sa'yo. Kung gusto mong malaman hintayin mong bumalik ng Pilipinas si Amara.
'Siya lang ang makakasagot sa lahat ng gusto mong malaman. Dahil siya lang naman ang may kagagawan ng lahat kung bakit ka hinahabol ni Anselmo. Kung bakit galit na galit siya sa'yo at gusto ka niyang patayin.
'Kausapin mo siya para maging malinaw na rin sa'yo. Kung ano ba ang nangyari magmula ng mawala ka!
'Noong araw na may humahabol sa inyo ni Joaquin. Bago pa man bumalik ang alaala mo mga tao sila ni Anselmo.
'Dahil nang araw na iyon iniutos niyang ipa-patay ka!"
______
HINDI!
"Totoo bang sinasabi mo, paano niya nalaman kung nasaan ako?"
"Tinatanong pa ba 'yan, alam mo kung nasaan si Amara? Nilinlang kayo ni Amara,
'Matagal na kayong magkasama ngunit hindi mo lang alam.
'Sayang kung kailan lang namin nalaman ang tungkol dito. Dahil habang nasa Iloilo ka lihim rin pinabantayan ni Dust ang mga Alquiza.
'Alam mong nasa maayos na kalagayan naman ang kapatid mo. Magmula ng umalis siya ng Bansa. Lalo na at natagpuan na niya ang pamilya ni Tito Darius.
'Siguro naman naikwento na sa'yo ni Dust ang tungkol du'n? Pero bukod doon may mga matuklasan rin kami tungkol sa kapatid mo.
'Katulad ng pagpapanggap niya bilang si Maru'."
"Si Maru', si Amara? Ka-kaya pala hindi ko na nakita pa si Mandy pero si Maru'..."
"Huwag mo nang isipin pa ang tungkol sa bagay na iyon. Kapag nagkaharap na kayo ni Amara malalaman mo rin ang lahat.
'Kaya hintayin mo na lang ang pagbabalik niya at tingin ko kung mananatili ka rito hindi ka na rin mahihirapan pang hanapin siya.
Napakunot noo na lang si Amanda sa sinabi nito. Hindi na lang niya ito pinansin, hindi rin naman niya ito maintindihan.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko kun'di ang maghintay."
"Ah' aalis rin pala ako, dumito ka lang ha' mas safe ang bahay na ito sa inyo ng mga bata.
'Kaya huwag mo nang isipin pa ang maghanap ng ibang matutuluyan.
'Gaya ng sabi ko manatili ka lang dito at ituring mong sa'yo ang bahay na ito. Saka sigurado naman ako na mag-eenjoy ka sa view dito.
'Mababait ang mga kapitbahay siguradong magugustuhan mo sila lalo na 'yung mga nakatira sa tapat ng bahay ko.
'Kapag nakilala mo sila sigurado ako na hindi mo na gugustuhin pang umalis dito. Pero payo lang ha' magpakabait ka habang wala ako.
'Saka tandaan mo, p'wede ka namang mangapitbahay hindi naman ako kasing istrikto ni Dust.
'Kaya lang bawal ang makitulog sa kapitbahay, maliwanag?"
"Anong sinasabi nito at bakit naman ako makikitulog sa kapitbahay?"
Nagkibit lang ito ng balikat at saka ngumiti sabay pisil nito sa kanyang pisngi.
"Malalaman mo rin, ah' sige na hinihintay ko lang si Anton pupunta sila dito kasama si Lester.
'S'yanga pala lilipat na si Lester dito dahil narito na rin kayo."
"Sandali, ito ba ang gusto ni Dust? Ang dami nang guard dito sa bahay mo kaya hindi mo na kailangang i-hired si Lester."
"Sigurado ako na hindi ka rin naman mapipigilang gumala. Ang mga guards dito ay para lang sa bahay ko.
'Si Lester ang magbabantay sa'yo kagaya rin ng dati. Hindi ka pa ba nasanay?
'Sa tingin ko naipaliwanag ko na rin sa'yo kanina. Kung bakit kailangan mo nang protection. Huwag mo na pairalin ang tigas ng ulo mo. Ayaw mo kay Lester sige si Anton na lang ang iiwan ko."
"Ha' at ano ang pagkakaiba ni Anton kay Lester, ganu'n din 'yun?!" Protesta niya.
"Ayaw mo talaga sa kanila, oh' sige ako na lang ang hindi aalis at ako na lang ang magbabantay sa'yo!"
"Ano?!"
"Kaya lang siguradong araw araw ka ring maaasar sa'kin. Pero malaki naman ang pagkakaiba ko du'n sa dalawa. Dahil mas cute kaya ako sa kanila." Nakangising saad nito.
"Lumayas ka na nga, dahil ngayon pa lang nakakaasar ka na ang hirap mong kausap."
"Okay good! Gagayak na'ko kapag dumating sila sabihin mo bihis lang ako ha'. Salamat sa masarap na almusal." Muli nitong pinisil ang kanyang ilong sabay takbo.
Kaya hindi man lang siya naka-react tuluyan na rin siyang iniwan nito upang magbihis.
Hindi niya alam kung matutuwa o maiinis sa ugali nito. Halos tatlong araw pa lang silang magkakilala pero feeling palagay na ang loob nila sa isa't-isa.
Sabagay pakiramdam niya magaan agad ang loob niya dito. Hindi naman pala nakapagtataka dahil magkamag-anak naman talaga sila.
Kung kay Dust naging malapit ang loob niya, kay Gavin pa kaya hindi? Eh' tunay na magkadugo sila, dahil isa rin itong Ga-an.
Dahil tapos na rin siyang kumain sinimulan na niyang ligpitin ang mga plato. Makikipagpalit rin kasi siya kay Ate Liway para ito naman ang makapag-almusal.
Nang isang kasambahay ang lumapit sa kanya at inako na ang ligpitin. Nagulat pa siya sa bigla na lang pagsulpot nito.
Nagtaka rin siya kanina nang bigla na lang itong nangawala. Kaninang nag-uusap sila ni Gavin. Mukhang naturuan ni Gavin ang mga kasambahay.
Nang umalis na si Gavin saka lang niya ulit nakita ang mga ito sa paligid.
Kung hindi siya nagkakamali lima lahat ang mga kasambahay, kasama na si Aling Cora ang pinaka matanda sa mga ito.
__
Palabas na sana siya ng kusina ng dumating sila Anton at Lester. May dala rin itong mga gamit na naiwan niya sa bahay nila Dust.
Ang mga gamit niya sa kusina, bukod doon hindi lang si Lester at Anton ang dumating. Kasama rin ng mga ito si Lyn.
Kaya napasunod na lang ulit siya sa mga ito pabalik ng kusina. Tuloy tuloy na kasi ang mga ito sa loob para ilagay ang mga gamit niya sa kusina.
Talagang ayaw na nitong bumalik siya sa bahay ni Dustin ha'? Kaya sinugurong wala na siyang babalikan pa.
"Good morning Madam, na-miss ka namin kaya nandito kami ulit. I'm sure na-miss mo din kami!"
Nakangiting salubong sa kanya ni Lyn sabay yakap sa kanya.
"Bakit narito rin kayo, nilayasan ko na nga kayo du'n ano't sumunod pa rin kayo dito?"
"Simple lang Madam, na-miss ka namin agad kaya naman narito na kami. Dapat nga kagabi ka pa namin susundan. Kaya lang nagpalamig muna kami."
"Sino ba nagsabing sumunod kayo sa'kin si Dustin ba?"
"Ako ang nagsabing sumunod si Lester dito. Pero ang sabi ko si Lester lang hindi ko sinabing magdala pa siya ng alalay."
Napalingon na lang siya kay Gavin na nakisingit na sa usapan nila. Mukhang okay na ito at handa na ring umalis, nakaligo na rin ito at nakabihis.
May sukbit na itong backpack na marahil naglalaman na rin ng mga gamit nito.
Nakasuot na rin ito ng shade na lalo pang nakadagdag sa taglay nitong karisma. Hindi niya alam kung sa kanya ba ito nakatingin o kay Lyn?
Dahil katabi niya si Lyn kaya naman dinig niya ang nabiglang pagsinghap nito na hindi na nito napigilan.
Pagkakita nito kay Gavin, tila ang lakas yata ng dating ng pinsan niya ah'.
Kaya lihim rin siyang napangiti habang pinagmamasdan ang mga ito. Para bang may spark na nagaganap sa paligid niya nang mga sandaling iyon.
"Hmmm? Okay mabuti nga na narito rin si Lyn. Mabuti pa mag-almusal na lang muna sila bago kayo umalis maaga pa naman."
"Tamang tama Ma'am hindi pa nga kami nag-aalmusal eh'." Tugon naman ni Anton.
"Oh' sige na bilisan n'yo na ngang kumain at aalis na tayo Anton. Si Lester naman ang maiiwan dito para makasama n'yo. Manang Cora sumunod po muna kayo sa'kin kakausapin ko muna kayo."
Sumunod nga dito ang katiwala at iniwan sila sa kusina.
Nasundan na lang niya ito ng tingin dahil hindi naman siya p'wedeng sumunod para makiusyoso.
"Huwag kang mag-alala bibilinan lang sila ni Gavin. Huwag mo nang pansinin 'yun masungit lang talaga 'yan."
"Hmmm, sige na kumain na kayo, gusto n'yo ba ng kape ipagtitimpla ko kayo."
"In good mood ka na talaga Madam, tama pala si Bossing madali lang nawawala ang galit mo kasi daw mabuti ang puso mo?" Saad ni Anton.
"Huwag mo na akong bolahin dahil hindi na ako babalik sa Boss mo!"
"Hindi ka naman pinababalik ni Boss, Ma'am! Mabuti nga daw na dito ka muna para mabawasan din ang sakit ng ulo niya."
"Ah' ganu'n ba? Sabihin mo sa Boss mo na talagang hindi na ako babalik pa sa bahay niya!"
Nagtawanan lang ang mga ito imbes na sumagot pa...
"Kayang Kaya ka talagang lokohin ng mga tao ko. Subukan mo ring magpakabait habang wala ako ha'. Natatandaan mo naman ang mga bilin ko hindi ba? Huwag mong kalimutan ha' bawal matulog sa kapitbahay!"
"Para kang sira, bakit naman ako makikitulog sa kapitbahay?"
"Basta! Sige na, aalis na kami mag-ingat kayo dito ha'."
"Akala ko ba hindi ka istrikto na kagaya ni Dust?"
"Hindi nga, pero ayoko ring mabalian ng buto kapag may nangyaring masama sa'yo!"
"Sige na umalis na kayo, dalhin mo na lang ito Antonio para may makain kayo habang nasa biyahe."
"Wow, ang sweet naman talaga ng asawa ko." Nakangising biro ni Gavin.
Habang nakaakbay ito sa kanya at mabilis rin siyang hinalikan sa pisngi.
"Tumigil ka nga Gavino baka tadyakan kita palabas!"
"Sige na nga!" Saglit lang itong tumingin kay Lyn. Bago pa ito dere-deretso ng umalis.
"Siya 'yun no?"
"Ha' ang alin?"
"Huwag mo nang ideny halata naman, ang cute niya no?" Bulong niya kay Lyn na habol pa rin ng tingin ang paalis nang sasakyan nila Gavin at Anton.
"Pero hindi mo naman siya gusto hindi ba?" Tanong sa kanya ni Lyn na ikinatuwa niya ng mga sandaling iyon.
"Anong malay mo magustuhan ko rin siya hindi natin masabi?" Nangingiti niyang saad.
"Ah' Okay, sige aayusin ko muna mga gamit ko!" Halata namang nalungkot ito sa sinabi niya.
"Lyn!" Tawag niya na ikinalingon ulit nito.
"Salamat na narito ka! Dahil mas gusto kita kaysa sa kanya." Saka niya ito nginitian, nalilito naman na tumalikod na ito ulit matapos ang alanganing ngiti.
Naiwan siya sa harap ng bahay, naalala niya ang sabi ni Gavin mabait daw ang mga kapitbahay.
Ano kaya ang ibig sabihin nito, kabaligtaran kaya ang ibig nitong sabihin?
Dahil maaga pa naman naisip niyang maglakad muna sa Garden. Marahil gising na ang kambal pero naroon naman si Ate Liway.
Kaya hindi siya nag-aalala saka siguradong pupuntahan din ito ni Lyn.
Isang ugali nito na gusto niya, mahilig ito sa bata kaya naman malapit din ito sa kambal.
Siguro dahil ito ang kasama niya mula pa ng manganak siya. Kaya ito rin ang kinuha niyang Ninang ng dalawang kambal.
Si Dust ang Ninong ni Quiyel at si Gelli naman ang Ninang ni Quian at si Lester naman ang Ninong sayang nga lang hindi kasama si Gavin.
Nasa tapat na siya ng malaking gate kaya tanaw niya ang labas ng bahay. Eksakto namang may humintong School Bus sa katapat nilang bahay.
Isa itong mini Bus, marahil may batang istudyante hinihintay sa loob nito. Biglang sumagi tuloy sa isip niya ang kambal.
Para siyang nangangarap habang nakapako pa rin ang tingin niya sa mini Bus. Habang naglalaro sa kanyang balintataw ang senaryo.
Naka-uniform ang kanyang mga Anak at excited na lumabas ng kanilang bahay. Habang habol niya upang alalayang umakyat ng Bus. Dahil excited na rin ang mga ito na pumasok sa eskwela.
Napangiti pa siya sa isiping iyon, habang deretso pa rin siyang nakatingin sa school bus.
Kaya nakita niya ang paglabas ng batang naka-uniform kasunod ang yaya nito.
Ilang segundo muna niya itong pinagmasdan.
Hanggang sa rumehistro na sa kanyang utak ang kabuuan nito.
Ganu'n na lang ang kanyang pagkabigla nang unti-unti niyang makilala ang bata maging ang yayang kasunod nito.
Habang paakyat na nang Bus...
"Huh'?"
Awtomatikong napalabas pa siya ng gate. Nagulat pa ang gwardiya sa bigla niyang paglabas.
"Ma'am sandali saan po kayo pupunta?" Nagmamadaling habol pa nito sa kanya.
"V-VJ Anak?!" Ngunit mabilis nang nakaalis ang School Bus.
Alam niyang hindi na niya ito kayang habulin.
Pero bakit pa?
Gayung parang isang hakbang na lang ang pagitan nila ng mag-ama.
`LOOKING FORWARD FOR ONE STEP CLOSER TO SEE YOU!`
Muli niyang ibinalik ang tingin sa katapat ng bahay ni Gavin.
Habang muli niyang binalikan sa isip ang kabilin bilinan nito.
`P'wede ka namang mangapitbahay pero bawal ang makitulog sa kapitbahay ha'!`
Muli siyang napangiti, mukha bang magkakasundo talaga silang magpinsan ah'?
_
"JOAQUIN NASAAN KA NA?!"
Ang masayang bulong ng kanyang puso.
*****
By: LadyGem25
(05-19-21)
Hello Guys,
Isang mainit na tanghali sa inyong lahat, another pabitin na update!hahaha...
Pero inaasahan kong mag-eenjoy kayo sa pagbabasa. Maraming salamat ulit sa inyong suporta.
Dahil palapit na po tayo nang palapit "one step ahead" na lang po! HAHA
'Kaya maging matiyaga lang po tayo sa paghihintay ng bawat update.
Until next chapters...
VOTES, COMMENTS, REVIEWS AND RATES MY STORY GUYS, PLEASE!
STAY SAFE AND HEALTHY EVERYONE
GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.
SALAMUCH!
MG'25 (05-19-21)