webnovel

C-52: FOR THE SAKE OF ALL

Bago pa man mag-alas siyete ng umaga nasa Farm na sila. Hawak ni VJ sa magkabila nitong kamay sila Joaquin at Angela.

Bakas sa mukha ng bata ang kasiglahan at saya, tuwang-tuwa ito habang naglalambitin at tila naglalambing sa kanyang Mama at Papa. Habang masaya silang naglalakad sa Farm at mistula silang isang masayang pamilya.

Ito ang eksenang bumungad sa paningin nila Liandro at Dr. Darren ng umagang iyon. Hindi rin maikakaila ang pagkagulat na may kahalong pag-aalala sa mga mata ng mga ito sa nakikitang senaryo.

Gusto man nilang matuwa sa nakikitang kasiyahan ng tatlo, hindi nila magawa. Dahil sa kaguluhan na maaaring mangyari.

Nasa isip na ni Dr. Darren ang kompirmasyon, kung bakit ganu'n na lang ang pag-aalala ng dalaga ng minsang naospital ito.

Bigla tuloy s'yang napatingin sa kaibigan na ngayon hindi inaalis ang tingin sa paparating. Bigla rin s'yang nakaramdam ng guilt at pag-aalala.

Dahil mukhang kakailanganin n'yang magsinungaling dito sa ngayon. 'Siya pala ang taong iyon? Ang lalaking iyon, na nakilala niya sa Venice.' Bulong ng isip niya.

"Nag-aalala ako sa mga batang 'yan, magiging problema ko pa yata ang dalawang binata ko?"

"Paano kung ganu'n na nga at hindi na maiiwasan?" Nagawang itanong ni Dr. Darren.

"Ayoko sanang dumating sa punto na kailangan kong mamili sa kanila. Masaya ako na kasama na ulit namin si Joaquin. Pero kung ang paglayo n'ya ulit ang paraan upang hindi maging magulo ang pamilya ko. Handa akong itaboy s'ya ulit pabalik ng Australia." Malungkot na saad ni Liandro.

"Hindi ba parang unfair naman yata 'yun para sa anak mo?" Malungkot na tanong ng Doctor.

"Sigurado naman, maiintindihan niya ako kung bakit kailangan ko 'yung gawin." Tila buo na sa isip nito ang plano.

"Sa bagay na 'yan mas mabuti kung kakausapin mo munang mabuti ang anak mo para mas higit ka n'yang maintindihan. Hindi 'yun basta itataboy mo lang baka kasi masaktan mo lang s'ya kahit hindi mo sinasadya."

Mungkahi pa ng Doctor mas naiintindihan na kasi nito ang sitwasyon. Alam din nito na mahirap ang sitwasyon na haharapin ng kaibigan.

Dahil kahit saan pa ipaling tila pareho lang nitong masasaktan ang dalawang anak. Baka nga dumating sa punto na kailangan na nitong mamili. Kung sino ba sa dalawa nitong anak ang unang poprotektahan?

H'wag naman sanang umabot pa sa ganu'n! Dalangin ng isip n'ya para sa kaibigan at kumpadre.

"Mahal na mahal ko silang mga anak ko ang tanging hangad ko lang ang maging masaya sila pareho. Sinisikap ko na laging maging pantay ang pagtingin ko sa kanilang dalawa. Dahil ayokong makulang ako ng pagmamahal sa kahit sino sa kanila. Alam mo 'yan?"

"Alam ko at alam ko rin na ginagawa mo ang lahat para sa iyong mga anak. Hindi ka kailan man nagkulang sa kanila." Sabay tapik nito sa balikat ni Liandro. Tamang palapit naman ang tatlo.

"Lolo, nandito na kami kasama ko ang Mama at Papa ko. Kasama mo rin si Lolo Doc?" Namimilog ang matang tanong nito.

Inagwad nito si Liandro at saka hinalikan. Pagkatapos nagmano ito sa Doctor at masayang naglambitin pa sa kamay ng Doctor. Tuwang-tuwa naman itong kinarga ni Dr. Darren.

"Kumusta na ang apo ko? Big boy ka na ah' na-miss kita!" Sabay ginulo nito ang buhok ng bata.

"Ako din po Lolo Doc na-miss rin kita! Pero may sasabihin ako..." Maya-maya'y bulong nito.

"Hmmm, ano naman 'yun?" Curious nitong tanong.

"P'wede n'yo po bang gamutin ang Daddy ko? Kasi po may sugat s'ya!" Pabulong na saad nito.

"Ha?" Gulat namang sagot nito. Habang nagtataka ang isip...

"Good morning po Dad, Ninong! Narito rin po pala kayo?" Sabay halik sa dalawang matanda. "Ano naman ang kinukwento mo kay Doc at pabulong-bulong ka pa ha? Halika nga dito, nahihirapan na sa'yo si Ninong." Inabot nito ang anak at s'ya na ang kumarga dito.

Napansin naman ng Doctor ang sugat ni Joaquin sa kamay. Kaya nabatid nito ang tinutukoy ng bata. Saglit na napailing na lang ang Doctor.

"Kumusta ka na Iho?"

"Okay lang po ako!" Pinasaya n'ya ang tinig para hindi na nito pansinin ang sinabi ng anak.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong naman ng kanilang Papa.

"Good morning po Tito, Pasensya na po Papa!" Bati ni Angela ng ito naman ang lumapit.

"Kasi ang tagal ni Mama eh' buti nga si Daddy na nagpaligo sa'kin pero naunahan pa rin namin  makatapos si Mama." Sagot naman ng bata.

Tila pareho namang nakahinga ng maluwag si Joaquin at Angela. Dahil hindi nagkwento ang bata maliban sa sinabi nito.

Isa-isa ring bumati sa kanila ang mga tauhan sa Farm. Bago sila sabay-sabay ng kumain ng almusal. Kahit paano naging masaya ang salo-salong iyon.

Bagama't nagtataka ang lahat kung bakit si Joaquin ang kasama nila imbes na si Joseph. Hindi rin kasi sanay ang mga tao na makita s'yang dumadalaw sa Farm.

The last time na pumunta s'ya dito ay 17 years old lang siya, iyon din ang pagkakataon na bigla na lang s'yang nahilo at bumagsak. Kasalukuyan din kasi na nagha-harvest sila ng kape noon. Kaya naman simula noon pinagbawalan s'ya ni Liandro na pumunta ng Farm.

Mabuti na lang medyo malayo sa taniman ng kape kung saan sila nakapwesto ngayon. Bukod pa sa hindi naman harvest season ng kape nila ngayon.

Napakasaya ni VJ ng umagang iyon. Nakakatuwa ang kasiyahan ng kanilang anak. Kaya naman saglit rin na nalimutan nila ang kanilang limitasyon. Hindi na lang binigyang pansin pa ni Liandro ang pagiging malapit ni Joaquin at Angela sa isa't-isa.

Bagay na hindi rin nalingid sa paningin ni Liandro at Darren. Kaya't hindi tuloy naiwasan ni Liandro ang mag-aalala at maghinala. Lalo na sa nakikita niyang sweetness sa pagilan ng dalawa.

Gusto man niyang matuwa para na rin sa kapakanan sana ng kanyang apo. Subalit paano naman ang isa pa niyang anak. Lalo na at alam na alam niya na umaasa rin ito sa pagmamahal ni Angela.

Hindi tuloy n'ya naiwasang itanong sa kanyang sarili. Kung nagkamali ba s'ya sa pag-aaruga at pagtanggap sa dalaga sa sarili n'yang pamamahay? Dahil tila ito pa yata ang magiging dahilan ng kaguluhan sa kanyang pamilya.

Hindi! Nagkamali ba ako? Hindi ito maaaring mangyari... Tanong n'ya sa sarili habang patuloy na pinagmamasdan ang mga ito sa di kalayuan.

Tapik sa balikat ang biglang gumising sa kanyang diwa...

"H'wag mo na lang muna silang isipin ngayon pare! Dapat mong isipin kung ano ang mas makabubuti para sa kanila. Mas maganda kung kakausapin mo sila. H'wag kang agad agad na gagawa ng hakbang na ikaw lang ang magdedesisyon."

"Ang alam ko lang hindi sila maaaring magsama-sama sa iisang bubong. Pare-pareho ko silang mga anak kung kaya't hindi ko gusto na masaktan nila ang isa't-isa. Isa lang talaga ang naiisip kong solusyon sa sitwasyong ito. Kailangan makagawa ako ng paraan kung paano ko makukumbinsi si Joaquin na bumalik na lang ng Australia."

"Paano kung hindi s'ya pumayag anong gagawin mo? Lalo na ngayon na napalapit na rin s'ya sa kanyang anak." Curious na tanong ni Dr. Darren sa kaibigan.

"Hindi p'wede, kaya kailangan makaisip ako ng paraan kung paano ko s'ya pababalikin sa Australia. At tutulungan mo naman ako hindi ba?"

Napahinga na lang ng malalim si Dr. Darren at napatango. Hindi n'ya maaaring kontrahin ang kaibigan. Dahil alam naman n'ya ang dahilan nito.

Kung bakit kailangan nitong gawin ang bagay na iyon. Dahil kailangan nitong protektahan ang anak na si Joseph.

Napailing na lang si Dr. Darren habang pinanonood nito si Joaquin at Angela sa 'di kalayuan at kalaro ng mga ito ang anak. Sayang kay ganda sana nilang pagmasdan, bilang isang masayang pamilya.

Subalit hanggang ngayon lang naibulong niya sa sarili. Dahil mamaya lang o bukas mag-iiba na ang ihip ng hangin. Lalo na kapag narito na si Joseph.

Nag-aalala at nakakaramdam s'ya ng awa sa binata. Dahil muli nanaman itong malalayo sa pamilya nito. Pagkatapos rin ng limang taon ng pagmove-on nito on past relationships with Liscel.

Tila ba, muli na naman itong mabibigo at masasaktan mula sa babaing minamahal nito?

Pero ito na nga lang yata ang paraan para sa ikabubuti ng lahat. Para na rin sa kapakanan ni Angela at ng anak nitong si VJ. Napailing na lang si Dr Darren sa isiping iyon.

Saglit pa ang lumipas nauna na rin itong nagpaalam. Dahil kailangan raw ito sa ospital. Matapos itong makapagpaalam sa lahat tuloy-tuloy na itong umalis.

Makalipas ang ilang sandali si Joaquin naman ang nagpaalam. Kanina pa kasi niya napapansin ang pagkadisgusto ng kanilang Papa sa pagiging malapit nila ni Angela. Hindi na niya hahayaan na muli silang magkasamaan ng loob na mag-ama.

Ngayon pa ba? Kung kailan maayos na sila ni Angela at mas nagkaintindihan na sila ngayon. Kaya hindi na n'ya hahayaan na magkaroon ng dahilan na muli itong mag-alala sa sitwasyon nila ngayon. Hindi na niya hahayaan na magkaroon pa ulit ng hadlang para muli pa itong lumayo sa kanya, hindi na kahit ano pa ang mangyari.

Naisip n'yang ipagpaalam na rin si VJ ng maalala niya ang pangako sa anak.

"Pa, isasama ko muna si VJ nangako kasi ako na ibibili ko s'ya ng Ice cream sa labas e!"

"Ganu'n ba kayong dalawa lang ba?" Tanong nito.

Saglit silang nagkatinginan ni Angela dahil sa tanong na iyon.

"Kami lang po Pa, baka gusto n'yo rin pong sumama mas okay 'yun? Father's and son's bonding naman tayo..."

"Tama po Papa labas naman kayo paminsan-minsan!" Susog pa ni Angela.

"Maiiwan ka pa dito bakit hindi ka pa sumama?"

"Hindi na po, babalik din po ako sa bahay. Baka kasi dumating na si Joseph. Saka mas okay po kung kayong tatlo na lang sayang nga po wala si Joseph." Saad nito.

"Sabagay baka nga parating na ang batang iyon."

"Paano pa hatid na lang po muna natin si Angela sa bahay tapos deretso na tayo?"

"Oh' s'ya sige na nga!"

"Yehey! Mama talaga bang hindi ka sasama sa amin?"

"Kayo na lang anak, kasama n'yo naman Lolo e' ibili n'yo na lang kami ng Ice cream 'yun paborito nating flavor okay?"

"Okay po Mama!" Tuwang-tuwa saad ng bata.

Nagpaalam na nga sila sa mga tauhan sa Farm. Matapos lang magbilin ni Liandro tuluyan na silang umalis.

Kagaya ng plano, hinatid lang nila si Angela sa bahay bago sila tumuloy ng lakad. Habang sa isip ni Liandro mabuti na nga siguro na hayaan na muna niya ang kanyang mga anak sa ngayon.

Hindi rin kasi n'ya gusto na basagin ang kaligayahan ng mga ito sa ngayon. Lalo na ang apo niyang si VJ. Saka na lang n'ya iisipin at paplanuhin ang lahat kapag nakapag-isip na s'ya ng magandang paraan.

Pagkakataon na rin naman ito para makapag-usap rin silang mag-ama. Kailangan na muna n'yang makapag-isip ng mabuti, para sa kapakanan ng lahat.

_______

Ang buong akala ni Mandy muli na naman n'yang matatakasan ang mga humahabol sa kanya. Dahil nagawa niyang makaalpas at matakasan ang mga ito.

Subalit isang sasakyan ang bigla na lang humarang sa kanyang daraanan. Hindi na niya ito nagawa pang iwasan.

Nalaman na lang n'ya na kasama pala ito ng mga humahabol sa kanya. Kaya hindi rin pala n'ya magagawang takasan ang mga walanghiya.

Bulong ng naghihimagsik niyang kalooban. Ang mas nakakainis pa nang malaman niya kung sino ang lulan ng sasakyan...

"ANSELMO!"

Hindi niya napigilan ang sarili na lakasan ang tinig sa pagtawag sa pangalan nito. Dahil sa paghalik nito sa kanyang noo.

Pero hindi n'ya magawang magprotesta o kahit magpakita ng kagaspangan. Kahit gustong gusto na niyang basagin ang pagmumukha nito.

Para rin naman ito sa kanyang kapakanan. Dahil kailangan muna niyang magpanggap para sa kaligtasan niya at ni Kisha.

"Hindi mo ba ako na-miss ang tagal nating hindi nagkita. Hindi ko alam kung saan ka nagsusuot, ang hirap mong hanapin. Mabuti na lang may nakapagsabi sa akin na umattend ka ng isang Fashion show event."

Bigla lang s'yang nakaramdam ng kaba pagkasabi nito sa bagay na iyon. Kailangan niyang makasiguro na wala pa itong alam tungkol kay Kisha sa loob loob niya.

"Bakit mo ba ako pinasusundan? Hindi ba sinabi ko naman h'wag mo na akong pasusundan. Dahil makikipagkita naman ako sa'yo!"

"Pero kailan pa hindi mo naman ginagawa! Hindi ko naman hinihiling na pumisan ka sa akin. Dahil alam kung ayaw mo, pero sana naman maalala mo man lang akong puntahan. Oo nga at nalaman ko na anak kita pero parang wala lang, alam ko naman na galit ka pa rin akin. Dahil sa mga nagawa ko pero nakaraan na 'yun! Pagsisisihan ko man hindi ko na maiibabalik ang nakaraan. Pero nakahanda naman akong magbago para sa'yo anak. Kung hindi nga lang sana naging matigas ang ulo ng Nanay mo at ginusto niyang makisama pa rin sa'kin, e di sana masaya tayong magkakasama ngayon."

"Ikaw lang ang magiging masaya dahil ikaw lang ang may gusto nu'n! H'wag mo ring kalimutan na ikaw ang pumatay sa kanya."

Hindi niya napigilan ang sariling mag-alsa. Dahil sa pagkaalala niya sa kanyang ina.

"Pagtatalunan na naman ba natin ito? Ilang beses ko pa bang sasabihin sa'yo na hindi ko sinadyang patayin ang Nanay mo matigas lang talaga ang ulo niya! Saka ikaw lang naman ang mahalaga sa'kin. Ang kapakanan mo lang ang inaalala ko. Dahil kahit ano pa ang sabihin mo ako pa rin ang ama mo. Mabuti nga at kinikilala pa kitang anak ko. Kahit pa alam kong maaaring nahaluan ka na rin ng dugo ng hayup na Darius na 'yun!"

Lalo namang bumangon ang galit sa dibdib n'ya dahil sa sinabi nito sa kanyang ama.

"Nanahimik na ang Mamang at Papang ko. H'wag mo na silang guluhin pa!" Sigaw n'ya dito.

"Magpasalamat ka ikaw lang ang nag-iisang anak ko. Kaya hindi ko gustong magalit ka ng tuluyan sa akin. Kaya dapat mo ring itanim d'yan sa kokote mo na hindi mo na mababago ang sitwasyon at kahit ayaw mo pa sa'kin. Dapat mo pa ring tanggapin na ako lang ang nag-iisang ama mo at hindi ang Darius na 'yun, naiintindihan mo?" Sigaw na nito na tila ba nagsisimula na rin itong mainis.

Tiningnan n'ya ito ng masama habang sa isip n'ya naroon ang pagbabanta...

'Sige lang pagbibigyan muna kita ngayon. Pero ipinapangako ko pagsisisihan mo ang lahat ng ito!'

Pinilit niyang kalmahin ang sarili para makapagsalita ng maayos. Kahit gusto na niyang umiyak sa galit. Hindi n'ya maaaring ipakita ang totoo n'yang nararamdaman.

Dahil baka ito ang ikapahamak niya ng mga oras na iyon at hindi iyon maaari. Dahil wala s'yang laban ngayon, kailangan n'yang kumalma. Dapat mas maging mautak s'ya sa taong ito.

Huminga muna s'ya ng malalim bago muling nagsalita.

"Hindi pa ako handa na iconsider ka bilang ama ko. Dahil hindi naman ganu'n lang kadaling kalimutan ang lahat. Lalo na at hindi naman ako lumaki sa poder mo. Kaya sana naman maintindihan mo, kung bakit ganito ang pakitungo ko sa'yo!" Lakas loob niyang saad.

May konting kaba pa rin s'yang nararamdaman. Kasabay ang hiling na sana makuha niya ang simpatiya nito. Tila pinagbigyan naman ng pagkakataon ang kanyang hiling. Dahil mababa na ang boses nito ng magsalita.

"Hindi ko naman talaga gustong makipag-away sa'yo. Ikaw lang naman itong laging mainit ang ulo. Gusto lang naman talaga kitang makita. Ang tagal na rin kasi ng huli tayong magkita. At totoo nga pala na napakaganda mo ngayon Iha."

"Ngayon nakita mo na ako hahayaan mo na ba akong umalis?"

"Hey! Bakit ka naman sobrang nagmamadali? Maaga pa naman ah' at saka hindi mo pa sinasabi sa akin kung kumusta ka na anak? Maaari magkwento ka pa o kumain muna tayo saluhan mo naman ako." Pinalungkot pa nito ang tinig upang kumbinsihin siya nito.

Saglit pa s'yang nag-isip kung dapat ba niya itong pagbigyan? Hindi naman n'ya ito maaaring basta na lang iwan. Hindi na rin s'ya maaaring dumeretso ng Batangas.

Siguradong pasusundan na naman s'ya nito. Kailangan n'ya munang makuha ang simpatiya nito. Kaya sa huli napagpasyahan niya na pagbigyan na lang ito.

Mas makakabuti para sa kanya ngayon ang mas mapalapit dito. Saglit muna s'yang tumingin sa mga tao nito na tila kunwari'y walang naririnig sa ano mang pinag-uusapan nila. Nakatayo lang ito kung saan-saan at tila naghihintay lang ng utos.

"Hindi mo naman sana iniisip na takasan ako, right Iha?" Saad nito nang mapansin nito na umiikot ang tingin niya.

"Hindi naman siguro ako ganu'n katanga para pahirapan pa ang sarili ko at subukan pa iyan. Dahil sa dami ng mga tao mo na nakapaligid. Sana naisip mo rin na imposible ko iyang magawa. Tama ba ako, Pa-Papa?" Bantulot man ngunit sarkastiko pa rin niyang saad.

Humalakhak naman ito sa tuwa ng dahil sa sinabi niya.

"Alam ko na hindi ka pa seryoso sa pagtawag sa akin ng Papa. Pero nakatutuwa na nag-iisip ka. Dahil hindi naman talaga ako papayag na takasan mo ulit. Kaya h'wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Halika na habang maaga pa, marami kang ikukwento sa akin halos isang taon din tayong hindi nagkita, anak." Kalkula pa nito sa panahon na sinadya niyang pagtaguan ito.

Pero hindi rin s'ya nakaligtas ng minsan kinailangan rin n'yang sumama dito upang maitago si Kisha at ilihis ito. Dahil hindi nito maaaring makita si Kisha, hindi p'wede! Mahigit isang taon pa lang si Kisha noon.

Inabot naman nito ang kanyang kamay at ipinaikot sa braso nito at saka iginiya s'ya palapit sa sarili nitong sasakyan na nakaharang pa rin hanggang ngayon.

Nang bigla niyang maalala ang dala niyang sasakyan. Hindi naman naikaila kay Anselmo ang kanyang pag-aalala.

"H'wag kang mag-alala ang tao ko na ang bahala sa kotse mo."

"Hindi akin 'yan hiniram ko lang kaya siguraduhin n'yong iingatan n'yo 'yan!"

"Bakit kailangan mong manghiram? Sana sinabi mo sa akin, maaari naman kitang ibili ng mga kailangan mo! Ibibili kita agad bukas na bukas din isoli mo na 'yan!"

"Hindi na kailangan, hindi naman ako madalas gumamit ng sasakyan. Naisipan ko lang magroad trip kaya n'yo ako natyempohan." Pagtanggi n'ya dito.

"Buti naman hindi na motorsiklo ang hiniram mo? Delikado 'yun lalo na dito sa Maynila. Ayoko nang motor ang gamit mo lalo na't kung paliparin mo, akala mo mayro'n kang pakpak. Kaya ibibili na lang kita ng kotse, okay?"

"Para ano? Para mas madali mo akong mapapasundan sa mga tao mo?" Reklamo n'ya. Kasalukuyan na rin silang nagbibyahe pabalik ng Maynila.

"Ayaw mo lang kasi, dahil sa akin nanggaling. P'wede naman tayong magkasundo kung ayaw mong pinasusundan kita e' di h'wag mo akong pagtaguan. Kaya lang naman kita pinasusundan dahil pinagtataguan mo ako."

"Hindi ako nagtatago ayaw lang talaga kitang makasama! Pero h'wag kang magalit, gusto ko lang talaga na may sarili akong buhay ayoko ng parang kinukulong ako. Kaya kung gusto mong magkasundo tayo pabayaan mo na lang ako. Promise tatawagan na kita lagi at ipapaalam ko na sa'yo ang mga nangyayari sa'kin. Basta ipangako mo rin na hindi mo na ako pasusundan."

Huminga muna ito ng malalim. Bago muling nagsalita.

"Okay, promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay. Kahit alam n'yang sinungaling ito. Kailangan pa rin n'yang makipaglaro.

"Sa oras na mahuli ko na pasundan mo pa rin ako hindi na ako makikipagkita sa'yo kahit kailan, naiintindihan mo?"

Matagal pa na hindi ito kumibo bago muling nagpatuloy.

"Okay, pero gusto kong tanggapin mo rin ang inaalok ko. Marami akong pera anak, kaya kitang ibili kahit ilang sasakyan hindi mo kailangang manghiram. Para makabawi man lang ako sa'yo ha?" Pamimilit pa nito.

Habang sa isip n'ya... 'Alam kong marami kang pera Anselmo. Dahil magnanakaw ka! Bakit nga ba hindi? Babawiin ko rin ang lahat ng ninakaw mo sa pamilya ko. Maghintay ka lang!'

"Sige, tutal mapilit ka! Gusto ko ng magandang sasakyan. Bagong modelo at 'yung nababagay para sa'kin."

"Okay, akong bahala! Ibibili kita agad, kung may iba ka pang gusto sabihin mo lang anak, ha?"

"Sige, iisipin ko pa!"

Siguro kung sana sa natural na sitwasyon. Maaaring ikatuwa niya ang ginagawa nitong pag-spoiled sa kanya. Pero hindi pa rin nito mapapantayan kahit ang kalingkingan ng kanyang Papang.

"Ah' s'yanga pala Iha, uuwi ako ng Sta. Barbara baka gusto mong sumama? Hindi ba matagal na rin nu'n huli kang umuwi doon?"

Bigla s'yang napalingon kay Anselmo. Dahil sa pagbanggit nito sa Sta. Barbara parang tila bigla rin nanariwa ang sugat sa kanyang puso.

Ang buong akala niya sa loob ng limang taon. Kahit paano nabawasan na ang sakit, hindi pa rin pala. Dahil sa kanyang pakiramdam walang nagbago.

Ganu'n pa rin ito kasakit, tila hinihiwa pa rin ang puso niya sa tuwing nagbabalik ang mga masasakit na alaala...

At ang lahat ng ito ay dahil sa taong kaharap niya ngayon. Ibinaling n'ya ang kanyang paningin at tumanaw sa bintana ng sasakyan.

Upang ikubli ang namalisbis na luha mula sa kanyang mga mata. Kahit pa suot pa rin naman n'ya ang kanyang sunglasses.

Hindi pa rin maikakaila nito ang paglabas ng kanyang emosyon. Hanggang sa makabuo s'ya ng isang desisyon.

"Sige sasama ako sa'yo sa pagbalik mo ng Sta. Barbara."

Tama babalik s'ya sa Sta. Barbara upang balikan ang lahat. Ang lahat ng nawala sa kanya at para muling bawiin ito kay Anselmo sa tamang panahon.

* * *

By: LadyGem25

(05-15-2020)

Hello guys,

Bumagyo man o umaraw narito pa rin tayo! hahaha...

Hayz! Ang lakas ni "Ambo' Sana enjoyed lng tayo sa pagbabasa...

Be safe and stay healthy...

GOD BLESS ALL❤️

SALAMUCH!❤️

Like it ? Add to library!❤️

LadyGem25creators' thoughts
次の章へ