webnovel

CHAPTER 36

SECRET REVELATION

Part 3

CHAPTER 36

SALVIE POV

TAHIMIK ang byahe namin ni Anton walang nagsasalita sa aming dalawa simula nong umalis kami sa Isla.

Namilibis ang luha sa aking mga mata. Pati si Lixxie nakuha sa mga lalaking dumating sa Isla.

Hindi pa kami tapos mangolekta ng ebidensya pero nahuli na kami ni Parker.

All his life was a lie. We are not married ,the marriage contract we are signing was fake. Gusto lang naman namin makuha ang ebidensya na makapagdiin kay Benedict para makulong siya ng tuluyan sa pagpatay niya sa mga magulang ko.

Alam kong miyembro ng sindikato si Mommy at Daddy pero hindi makatarungan na patayin nalang nila ito ng basta-basta.

Naikuyom ko ang aking kamao sa sobrang galit na nararamdaman ko. Siguro kung hindi pa ako buntis ngayon matagal ko nang pinatay si Summer.

Ilang beses na namin siyang pinagtangkaan at naayon sa plano ang lahat dahil di lang pala ako ang may gustong patayin siya,mukhang marami pa silang kalaban.

Pero dahil andyan si Parker hindi namin siya ma tyempuhan mag isa.

Ngayong hawak na siya ni Cyruz hawak na sila pati anak ko nadamay sa paghihiganti ko.

"Kukunin natin si Lixxie hindi siya dapat nandon wala siyang kinalaman sa mga nangyari Anton."pahikbi kong saad dito.

"Don't worry Mahal, kukunin natin ang anak natin hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya."

Oo anak namin ni Anton si Lixxie buntis na ako sa anak namin ni Anton bago pa namin pinasok ang buhay ni Parker. Dahil nabura ang alaala niya noong binaril siya ni Anton sa ulo.

Kami mismo ang nagpagamot sa kanya hindi detalyado ang mga naalala niya dahil kung buo niyang naalala ang lahat. Hindi niya aakuin si Lixxie dahil malaki na ang tyan ko ng una kaming nagkita.

Magkaibigan si Anton at Parker noon. Lingid sa kaalaman ni Parker Na miyembro ng sindikato si Anton,hindi ko lang alam kung may alam na siya tungkol sa katauhan ni Anton.

Ayaw sana niyang barilin si Parker noon dahil sa kaibigan na ang turing niya dito pero naisip niyang gagawin ni Parker ang tungkulin bilang isang Pulis kaya inunahan na niya kesa siya pa yung ipakulong ni Parker at magkakaanak narin kami.

Araw-araw nakokonsensya ako dahil naging mabait si Parker sa akin. Isang beses lang ang may nangyari sa amin kaya siguro naisip niyang anak niya talaga si Lixxie.

Alam namin na miyembro sa isang Special task force si Parker nagseserbisyo siya sa Gobyerno na walang kabayaran.

Ginawa ko lang alibi noon ang pang aaway ko sa kanya para makaalis pansamantala dahil gusto ko na rin makasama si Anton.

Yung nakita niya noon sa bahay ni Leo,drama lang yun. Hindi yun totoo,binayaran lang namin si Leo para gawin yun sa akin at epektibo naman.

"Dahil sa galit ko sa ama ni Summer madaming tao ang nadadamay Anton."

"Hindi natin makakamit ang hustisya kung hindi tayo ang kikilos Mahal, Hindi ko naman gusto na traydorin si Parker pero wala,andito na tayo."

Niyakap ako ni Anton ng Mahigpit,matagal 'din ang panahon na hindi kami nagsasama dahil sa ginagawa namin pareho.

SUMMER POV.

NAGISING ako ng maramdaman ang sakit sa hita ko. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakaposas ang magkabilang pulsuhan ko sa upuan pati ang dalawa kong paa.

Sumiklab ang takot sa dibdib. Kinakabahan ako at mas lalong lumalim ang takot na nararamdaman ko ng makita ko sa harapan ko ang duguang si Parker na nakasabit ang dalawang kamay sa isang bakal at walang damit pang itaas,nakayuko ito.

Nanginginig ang buo kong katawan. Pakiramdam ko katapusan na namin ngayon.

"Tita Summer."

Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Lixxie sa likuran ko.

"Lixxie baby? Okay ka lang ba dyan?"

"No Tita I'm scared. Si Parker gusto ko siyang makita."

"Hindi ko maiangat ang upuan baby masyadong mabigat at nakaposas ang dalawang kamay ko at mga paa. Pero hindi mabuti ang lagay ng Daddy mo sa harapan ko ngayon."

Tumahimik si Lixxie alam kong gaya ko takot na takot din siya. Hindi ako marunong lumaban kaya wala na kaming kawala sa mga lalaking dumukot sa amin.

Madilim din itong pinaglalagyan samin parang lumang warehouse. Maraming basurang nagkalat sa paligid. Butas-butas na yung bubong.

"D-Doy!"mahina kong tawag kay Parker hoping na sana magising siya.

Pero ilang beses ko na siyang tinawag hindi parin siya sumagot kaya mas lalo akong kinabahan at natakot baka kung ano na nangyari sa kanya.

"D-doy! Lumaban ka pa, lumaban ka para sa akin sa amin wag ka munang mamamatay Doy! Ayokong iwan mo akong mag-isa! Doy! Doy gumising ka! "humahagulhol ako ng iyak ng di man lang gumalaw si Parker.

Nawalan na ako ng pag-asa na makatakas pa kami dito. Lalo na sa mga revelasyon na nalalaman ko kanina hindi ko kinaya. At mas lalong hindi din ito ganon kadaling tanggapin para kay Parker.

Magulo ang buhay niya alam ko na 'yun. Alam kong kaya niyang manakit at pumatay dahil sa klase ng trabaho niya,pero alam ko na ibubuwis niya ang buhay niya para sa akin. Pero kahit gustohin ko mang tanggapin iyon sa loob ko,napakahirap.

Hindi ko pa nga masyadong kilala ang lakaking nasa harap ko.

Anong klaseng buhay ba meron ka Parker?

'Kung gulo ang dala mo sa buhay ko nakahanda akong lumaban pero di ko kakayanin ang mag isa kailangan kita Doy!'

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mga luha kusa na itong nahulog sa aking mga mata habang nakatingin kay Parker.

Hindi ko kaya ang nakikita ko gustohin ko mang pumikit nakatatak na sa isipan ko ang hitsura ngayon ni Parker.

Napaigtad ako ng biglang kumalabog ang pinto sa harapan.

Nanigas ako sa kinauupuan ko ng makita ang mga armadong kalalakihan na may dalang mahahabang baril at yung iba may dalang dos por dos na kahoy.

"Gising na pala ang mga bisita natin! Pero mukhang hindi pa gising ang isang to."saad ng isang lalaki na may hikaw sa kilay, nakakakilabot ang hitsura ng mga taong ito.

"A-anong g-gagawin n-nyo s-samin? Pakawalan niyo na kami."buong pakiusap ko sa kanila pero tinawanan lamang ako.

Mas lalo akong kinabahan ng lumapit ang lalaking may hikaw sa kilay at pinatsadahan ako ng tingin.

Nanindig ang balahibo ko ng hawiin niya ang buhok ko at inamoy-amoy ito.

"Lumayo ka sa akin! Wag mo akong hahawakan!"

"Ang arte naman nito amoy nga lang ipagdadamot mo pa! Gusto mo yata si Parker lang ang makikinabang sayo" at humagalpak ito ng tawa.

Takot na takot na ako hindi ko na alam kung matatagalan ko pa ang ginagawa ng mga ito ngayon sa harap ko.

"Wanson! Tigilan mo ang pananakot mo sa panauhin natin Anak yan ni Benedict baka wala tayong makuhang pera jan dahil sa pinanggagawa mo!"biglang sigaw ng lalaki na kakapasok pa lang ito yung lalaking pumalo sa ulo ni Parker.

"Oh! Mukhang hindi pa yata gising ang Knight in shining armor mo Ms. Hamilton mukhang napuruhan ko na yata to."

Lumapit ito kay Parker at sinipat ang mukha nito saka pinagsasampal. Galit na galit ako sa pinanggagawa niya gusto ko siyang patayin.

"Ibaba niyo na yan mukhang patay na ang isang yan hindi paman ako nakapagsimula."

"Anong gagawin niyo kay Parker?"taranta kong tanong.

Pero hindi na nila ako sinagot bagkus ay kinalagan nila sa tali si Parker at bumagsak kaagad ang patang katawan nito sa semento mistulang lantang gulay.

Kuyom na kuyom ang kamao ko sa tindi ng galit pag ako makawala dito papatayin ko silang lahat!

Hindi kona inasahan pa ang sumunod na nangyari, nakita ko na lamang na tinalian ang dalawang paa ni Parker at kamay saka hinila pataas sa isang malaking tubo at binitay patiwarik.

"Tignan ko lang kung di magising ang Gagong yan dito."saka ito kumuha ng isang baldeng puno ng yelo at inilagay sa drum. Inusog ang drum sa paanan kung nasan ang ulo ni Parker.

"W-wag niyong gawin yan! Maawa kayo sa kanya!" Humahagulhol kong pakiusap, nahuhulaan ko na kung anong gagawin nila.

At 'yun na nga, ibinaba nila sa drum ang ulohang bahagi ni Parker at inulublob sa malamig na tubig.

"Tama na! Pakiusap tigilan niyo na yan!" Namamaos na ako sa kakasigaw pero mistulang bingi sila sa pakiusap ko.

Nakita ko ang paggalaw ng binti ni Parker na nakasabit sa taas. Agad siyang hinila pataas.

"Tama na! Maawa na kayo sa kanya!" Halos wala na akong mailabas na boses, halo halo narin ang nararamdaman ko ngayon.

"Manahimik ka! kung ayaw mong paglamayan ka ng Ama mo bukas!"singhal nito sa akin.

Natahimik naman ako sa takot. Naawa na ako sa ginagawa nila kay Parker, kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata, ayaw ko ng makita pa ang susunod nilang gagawin dito. Hindi ko na kaya.

"Matapang ka talaga no Parker? Tignan lang natin kung hanggang saan 'yang tapang mo!"

Sunod-sunod kong narinig ang tunog ng palo sa kung saang parte ng katawan man ito tumatama kay Parker, rinig ko ang pag-ungol sa bawat hampas nito sa katawan niya. Wala naman akong magagawa kahit magsisigaw pa ako dito.

"Ano ba ang kasalanan ni Parker bakit niyo ito ginagawa sa kanya? Wala kayong puso mga demonyo kayo!"buong tapang kong sigaw.

"Itong lalaki mo na ito, pinatay niya ang kaisa-isa kong kapatid! Mas masahol pa sa adik ang syota mo na ito Ms.Hamilton, kaya kung ako sayo manahimik ka na lang jan, dahil 'pag napuno ako sa kaingayan mo kakalat ngayon mismo yang utak mo! Kalagan niyo na sa tali yan at iposas niyo!"pagkasabing iyon ng lalaki ay nagsilabas na sila.

Dalawang lalaki nalang ang natira para gawin ang inutos ng lalaki. Hindi ko na rin narinig si Lixxie kaya mas lalo akong kinabahan.

"Lixxie baby? Okay ka lang ba jan?"

"They are monsters Tita! I will kill them if i had a chance to escape."sumisinghot-singhot nitong saad.

Napatingin naman ako kay Parker na gaya ko nakaupo na sa silya at nakaposas narin ang mga paa at binti.

Nangangatog ang katawan nito at maraming pasa at dugo ang buong katawan niya.

Awang-awa ako sa hitsura niya, parang napupunit ang puso ko sa nakikita ko kay Parker. Bakit ganito ang pinagdadaanan niya!

'Parker ano na ang mangyayari sa atin ngayon? '

次の章へ