webnovel

CHAPTER 07

RIVER POV.

I don't know how to introduce myself to you guys! Pero ako lang naman ang Secret Boyfriend ni Summer.

Masakit sa akin ang situation namin. Tinatago niya ako sa karamihan at hindi kami pweding makita sa maraming tao.

Pero kahit pa sa ganito ang stado nang relasyon namin hindi ko naramdaman na kulang siya ng time sa akin. Lately lang na hindi na kami gaanong nagkikita dahil sa mga nangyari sa kanya.

At mas lalong nahihirapan akong kausapin at solohin siya dahil sa bantay sarado siya ng Bodyguard niya na parang kabuti panay sulpot kahit san ko pa dadalhin si Summer.

At andito ako ngayon sa Hospital hindi ko maiwasan ang subrang pag aalala sa kanya. Hindi ko kase siya nasamahan nong tinawagan niya ako na tumakas siya dahil nasa impirtanting meeting ako.

FLASBACK

Nasa conference room ako ng makita ko ang tawag ni Summer naka off kase ang ringtone.

Mabilis ko iyon dinampot saka lumabas muna para sagutin ang tawag niya.

" Yes babe ," nakangiti kong sabi.

" Babe, Andito ako sa Mall tumakas ako sa amin pwede mo ba akong puntahan?,"

Sumikdo ang kaba sa puso ko hindi ko pa kase nakalimutan ang nangyari sa kanya noon.

" Bakit ka tumakas? Baka kong mapano ka? Nasa importanteng meeting ako babe , di ako makaalis pero pag maaga akong matapos pupuntahan kita agad ,". Saad ko.

Narinig ko nalang ang pagbuntong hininga niya.

" Okay I just badly needed you know!,"

Agad niya rin akong binabaan ng cellphone. Sanay na ako sa ganyang ugali ni Summer kaya hindi na ako ganon magugulat.

END OF FLASHBACK.

NAKATITIG lang ako sa maamo niyang mukha na himbing ang pagpapamahinga.

Sinisisi ko din ang sarili ko kong bakit hinayaan ko siyang mag isa di sana niya ito maranasan ngayon.

Napaigtad ako ng may biglang pumasok sa kwarto ni Summer. Ramdam ko ang bigat ng presensya ng taong nasa likuran ko.

" May alam ka ba sa nangyari kay Summer?," malamig na tanong ng taong nasa likod ko.

Narinig kona ang boses na ito kaya alam ko at segurado ako na ang Bodyguard ito ni Summer.

" Tinawagan niya ako para puntahan siya pero hindi ako nakapunta dahil nasa business meeting ako ,". Buong katotohanan kong sabi dito.

" Anong oras siya tumawag?,". Muling tanong nito.

" Mga 11:30 ng umaga nasa mall siya nang tinawagan niya ako. ".

" Nagkakamali ka , " napaharap ako sa sinabi niya.

" Ano bang alam mo? Eh iyon ang sinabi niya sa akin , hindi ako nagsisinungaling ,". Sagot. Nanatili paring kalmado ang hitsura niya pero andun parin ang mabigat na presensya niya katakot naman ang taong to.

" Hindi ko sinabing nagsisinungaling ka ang sinabi ko nagkakamali ka sa inakala mo na andun nga siya sa mall sa mga oras na yun ,"

" Pano mo nasabi?,". Gulong tanong ko.

" Alas otso palang ng umaga wala na sa bahay si Summer nakita ng CCTV sa mismong village na umalis siya at sa oras na yung tumawag siya hindi ka niya tinawagan para sabihin lang yun sayo kundi nanghihingi siya ng tulong , bakit? May naririnig ka bang maingay sa oras na yun nong tumawag siya?,".

Natigilan ako at inalala ko ang pagtawag niya. At oo tama subrang tahimik nga pati buntong hininga niya ay naririnig ko. Damn! Bakit hindi ko yun naisip!

" Sino sa mga kaibigan ni Summer ang malapit sa kanya?,"

" Wala siyang gaanong kaibigan , si Thana lang ang kaisa isa niyang kaibigan at si Laura yung baklang sekretarya niya. Kaaway na ang turing niya sa kanila ,"

Tumalikod agad ito ng sabihin ko iyon. Iba din ang ugali ng taong yun ang weird. Pero bakit niya iyon tinanong?

SUMMER CLOUD POV

RAMDAM ko na may mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko parin maimulat ang mga mata ko kahit anong pilit ko.

May naririnig akong nag uusap pero Diko maintindihan ang pinag uusapan nila. Hinang hina ang katawan ko at parang inaalog ang utak ko dahil ramdam ko ang subrang pagkahilo.

Muling bumalik sa alaala ko ang nangayari. Kinikilabotan ako at subrang natatakot ako. Takot na takot pakiramdam ko ay katapusan ko.

FLASHBACK

YES! sa wakas nakababa narin ako. Gamit ang mahahaba kong kumot at ginawa ko itong lubid pababa sa pintuan ng kwarto ko. Inayos ko muna ang suot ko saka naglakad palabas ng village.

Nakaramdam ako ng subrang kaligayahan dahil subrang malaya ako ngayon. Kaya ko nang gawin lahat ang gusto kong gawin.

Pumasok ako sa isang coffee shop saka umorder ng kape at cake. Hindi ko paman natapos ang pagkain ko ay may mga armadong lalaki na pumasok sa coffee shop. Lima sila at nakaitim sila lahat ang lalaki ng mga katawan at nakakatakot ang mga titig at ngisi nila.

Hindi ko sila pinansin kaya nagtuloy ako sa pagkain ko. Laking gulat ko ng pag angat ko ng ulo ko ay nasa harapan kona sila. Nakangisi na parang mga demonyo.

Sumiklab ang subrang kaba at takot sa kalooban ko pero pilit ko paring

pinataray at tapang ang emosyon ko.

" What do you want boys?," nakataas kilay kong tanong sa kanila na ikinangisi nila lalo.

" Akalain nyo yun , may asal tao pala to ," nakatawang saad ng lalaki na may hikaw ang ilong at naka bandana pa sa ulo ang badoy tignan mukha siyang albularyong mangkukulam.

" Anong trip nyo? Diko makain ng maayos ang inorder ko dahil sa nakakasuka niyong pagmumukha pwede bang umalis na kayo?," inis kong pagtataboy sa kanila.

Napaigtad ako ng biglang hilahin ng lalaking may hikaw sa ilong ang braso ko dahilan na napatayo ako napahiyaw sa lakas ng pagkahila niya. Bwesit anong akala niya sa akin ?

" Bwesit! Don't touch me you monkey!," at marahas kong inagaw ang braso ko.

Tinawanan siya ng mga kasama niya dahil sa pagtawag ko ng monkey sa kanya. Dahilan na manggalaite siya sa galit.

Hinila niya ako at kinaladkad palabas sa coffee shop. Nataranta narin ang mga taong nandon kaya nagsisigawan sila at tumakbo palabas.

Walang pagsidlan ng kaba at takot ang nararamdaman ko sa oras na yon. Itinulak ako ng lalaki sa loob ng sasakyan nila.

" San nyo ko dadalhin! Ibaba niyo ako mga walang hiya kayo! ,".

" Tumahimik ka ! Kong ayaw mong itarak ko tong kutsilyo sayo !,"

Agad akong natahimik. Nanginginig ang katawan ko sa takot. Takot na takot ako. Dinadasal na sana isang panaginip lang ito.

Mahigpit ang hawak ko sa bag ko. At diko napigilan ang pag iyak. Nagsisi ako kong bakit tumakas ako sa bahay. Lalo na ngayon na wala si Parker. At walang nakakalam na umalis ako ng bahay.

Ilang metro din yung binyahe ng sasakyan. Hindi na ako nagpapakaladkad dahil kusa akong bumaba at naglakad kahit wala akong ediya kong san nila ako dadalhin.

Tumigil sila sa paglalakad ng may makita na akong gate na gawa sa barb wire. Pumasok kami dito.

" Jan ka lang pag ikaw tatakas , pati Dady mo babalikan namin tandaan mo yan ,". Banta ng isang lalaki na nakasuot ng bonnet.

Nanginginig ang mga tuhod ko kaya sumandal ako sa pader. Nang makita kong nakapasok na sila lahat ay tinawagan ko si River. Akala ko magegets niya ang sinabi ko pero mukhang hindi. Hindi ko rin natapos ang sasabihin ko pa sana dahil narinig kong papalabas na sila.

Hinila na naman ako ng lalaking may hikaw saka pilit pinasok sa loob.

Madilim ang pasilyong pinasukan namin.

" San nyo ba ako dadalhin?," muling kong tanong.

" Manahimik ka nalang !," singhal nito sa akin.

Narating kami sa isang kwarto. May mesa at silya. Nagkalat ang mga bote pati stick ng mga nauupos na sigarilyo.

" Amher andito na ang package , sariwang sariwa ," nakangising tugon nang lalaki.

Napatitig ako sa lalaking lumabas sa pinto. Matanda na ito. Lumapit ito sa amin. Saka hinawakan ang mukha ko na mabilis kong iniwasan.

" Don't you dare touch me old man!,".

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay namingi ako sa lakas ng pagsampal niya. Bwesit siya! Matalim na tingin ang pinukol ko sa kanya saka siya dinuraan sa mukha!

" Wala kang karapatang saktan ako matanda ka! ,".

" Nasa bank account niyo na ang pera pwde na kayong umalis ," malamig na tugon nito sa mga lalaki sabay punas ng laway ko na nasa mukha niya. Saka matalim na tumitig sa akin.

Mabilis niya akong hinila saka marahas na tinulak saa mahabang sofa.

" Bitiwan mo ako matanda ka! ,"

Pilit akong lumaban pero sadyang malakas siya. Kinabahan ako ng makita ko ang syringe na hawak niya at nakangisi pa siya habang nakatingin sa akin.

Anong gagawin niya? Papatayin niya ba ako gamit yan? No this can't be.

' Parker ! Parker I need you Save me from this Demon '

Pero huli na alam kong hindi na ako makikita ni Parker at mas lalong dikona makakasama pa ang dady dahil sa katigasan ng ulo ko sa kagustuhan kong maging malaya ay ito ang naging bunga.

Pakiramdam ko. Tumigil ang pag inog ng mundo ng maramdaman ko ang talim ng karayom na pumasok sa kalamnan ko.

Naramdaman ko kaagad ang kakaibang sakit na bumabalatay sa braso ko papunta sa mismong puso ko. Pakiramdam ko tumigil ang pagpintig nito. Nahihirapan nadin akong huminga.

DADY ! Im so sorry iyon na ang huli kong naibigkas sa isip ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

HINDI ko alam kong ilang oras na akong nakahiga sa kama. Blurred ang paningin ko sa paligid at may mga boses akong naririnig. Kahit anong galaw ang gagawin ko diko maigalaw ang katawan ko.

Hindi rin klaro ang mga nakikita ko pero pakiramdam ko may limang lalaki na nasa harapan ko.

Narinig ko na lamang ang mga putok ng baril. Gusto kong bumangon pero nanghihina ang katawan ko hindi ko alam kong bakit ganito.

Sunod sunod ang putok ng baril na narinig ko. At nakita ko ang isang lalaki na lumapit sa kinaroroonan ko. Pilit kong inaninag ang mukha niya.

Nakaramdam ako ng kapayapayaan ng makilala ko kong sino.

' Dumating ka parin '

" P - Parker Y - You C - Came ," mahina kong saad na agad ding ikinapikit ng mga mata ko. Naramdaman ko nalang ang pag angat ng katawan ko sa hinigaan ko.

END OF FLASHBACK

KAYA kahit ngayon na gising na ako parang ayaw ko munang magmulat hindi ko kase alam kong paano ko haharapin ang galit ni Dady sa kakagagahan na ginawa ko na muntikan ko nang ikamatay.

At trauma na ako sa mga pinanggagawa ko na kahit hindi hilingin ni Dady na mag Bodyguard ako ay hihilingin ko nalang na damihan niya ng taong magbabantay sa akin.

" Alam kong gising kana , dumilat kana jan dahil kahapon pa alalang alala ang ama mo ," napaigtad ako sa lakas ng boses ni Paker.

Letse ! Bakit ganito ang ugali ng mokong na to! Hindi ba siya pweding magsalita ng may paglalambing? Nakakainis siya.

" Ang bastos mo rin eh no? Hindi mo manlang ako hahayaang magpahinga sigaw sigawan mo pa ako ! ," singhal ko din sa kanya.

" May napapala kana ba sa katigasan ng Ulo mo Summer?, nextime na ipapahamak mo pa ang sarili mo sinasabi ko sayo ako na mismo tatapos sa kagagahan mo ," banta nito sakin.

Pero hindi ko naramdaman ang takot bagkos napapangiti. Bakit ba? Wala namang meaning to no? O ako lang yung may iniisip?

Dahil hindi pa ako gaanong okay hindi ko muna siya pinansin at muli akong nagpahinga. Kailangan kong magpalakas dahil marami pa akong itatamang mali na nagawa ko.

次の章へ