webnovel

Chapter 13. "Cold Act"

Chapter 13. "Cold Act"

Laarni's POV

Napatingin ako sa alarm clock sa side table ko, pasado alas-dose na ng hating gabi pero gising pa rin ako. Nabaling naman ang tingin ko sa ilaw ng lamp shade ko. Parang isang panaginip lang ang nangyari kanina. Isang nakakalito at nakakakabang panaginip. Pero hanggang ngayon. Hindi maalis ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Inilagay ko ang kanang kamay ko sa dibdib ko, sa parte kung saan nakalugar ang puso. Dinamdam ko ang bawat pagtibok ng puso ko. Napabuntong hininga ako kasabay ng pag-alis ko ng kamay ko sa dibdib ko.

"Hay, bakit ba ganito?" habang nakatingin ako sa lamp shade. Nag-flashback sa isip ko ang mga nangyari kanina.

"I want you to be my partner. Please…"

Nabigla ako sa pagyakap nito sa akin mula sa likod. Nang mga oras na 'yon. Kakaibang init sa pisngi ang naramdaman ko. Kasabay nito ang kalungkutan na dapat ko siyang iwasan. Ngunit, nagdadalawang isip din ako sa sinabi nitong baka mapahamak ako sa school nang dahil sa kanya. Nag-aalala siya sa akin?

"Pag-iisipan ko." Hinawakan ko ang kamay nito na nakayakap sa akin at inalis sa katawan ko. Pagtapos ay lumabas na ako pababa ng rooftop.

Paglabas ko. Ang bigat na ng pakiramdam ko.

At hanggang ngayon. Iniisip ko pa rin ang nangyari. Pati na rin ang sinabi kong 'pag-iisipan' ko. Mula sa ilaw ng lamp shade. Napatingin ako sa cellphone ko sa side table. Kinuha ko ito. Wala namang message. Binuksan ko ito at aksidenteng napindot ko ang speed dial number 2. Nagulat ako ng biglang nag-appear ang pangalan niya.

"Ano? Poging Lexter?" gulat kong tanong sa sarili ko at tsaka ako napaupo sa kama ko. Nakatingin lang ako sa screen ng cell phone ko nang biglang sumagot si Lexter sa kabilang linya. Nagulat ako sa nangyari.

"Moshi moshi, bakit gising ka pa Arnibabes?" narinig kong tanong nito. Wala na akong nagawa. Inilagay ko na lang sa tainga ko ang cell phone.

"Did I wake you? Sorry di kasi ako makatulog eh. Sandali, anong Arnibabes?" Inis na sagot ko dito nang marinig ko ang Arnibabes niyang nalalaman.

"Haha, di naman. Nandito pa ako sa terrace. Nagpapahangin. Bakit naman si ka makatulog? Hahaha. Iniisip mo ba ako?" natatawa nitong sabi. Hanggang hating gabi hindi siya nauubusan ng kalokohan.

"Mukha mo. Hindi ikaw." Nagulat naman ako sa sinabi ko. "I mean, hindi—" magde-deny pa sana ako ng bigla siyang sumingit.

"Oy, oy, oy. Ikaw ah! Sino naman ang malas na lalaking iniisip mo?" tanong nito. Biglang pumasok sa isip ko si Abrylle.

Sasabihin ko ba? Hay nako. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki. Wag na lang.

"Wala. At tsaka anong malas ka diyan! Suntukin kaya kita diyan." Singhal ko rito. Narinig ko namang tumawa lang ito.

"Alam mo, matulog ka na. Baka ako lang ang may kasalanan kung bakit di ka makatulog. Hahaha sige na. Bye! Good night, see you in my dreams! Haha" may pang-aakit na sabi nito.

"Tse!" sigaw ko at tsaka ko binaba ang tawag.

Pagtapos. Parang naging magaan naman na ang pakiramdam ko. Napangiti na lang ako ng di ko alam.

Lexter's POV

"Son, di ka pa matutulog?" napatingin ako sa pumasok sa terrace.

"Hindi pa Dad, maya-maya. Naghahanap kasi ako ng piece para sa presentation namin sa school." Sabi ko rito habang direktang nakatingin sa loptop ko.

"Ah, okay. After you finish that. Go to bed, okay?" paalala ni Dad bago lumabas ng terrace.

"Yes Dad" sagot ko rito.

Napatingin ako sa orasan sa loptop ko. And it's already passed 12 midnight. Hays ginabi na akong maghanap ng piece dahil galing pa ako sa Tagaytay dahil sa meeting na 'yon.

Nag-unat ako ng braso. Medyo inaantok na rin ako. Tumayo muna ako at kumuha ng kape sa kusina. Tulog na ang mga maid kaya ako na lang. Pagbalik sa terrace. Tumayo muna ako at nagpahangin habang humihigop ng mainit na kape.

Malamig ang simoy ng hangin ah. Napatingala ako sa langit. Maganda ang hugis ng buwa kasabay ng mga kumikinang na bituin sa langi. Ang payapa nilang tignan. While I am gazing at the stars. Bigla namang nabuo ang mukha ni Arni sa isip ko.

Ang mukha niyang inosente, at hindi mabasa kung ano ang nasa isip. Para bang wala siyang muwang sa mundo? Haha. And that's makes here more beautiful. Her catchy eyes and her perfect nose.

"Haha. Ano ba 'tong naiisip ko?" bumalik ako sa upuan ko at hinarap muli ang loptop ko. Nang nakita kong umilaw ang cell phone ko sa tabi ng loptop ko.

"Huh? Gabi na ah. Sino naman—" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita ko ang pangalan ni Arni sa cell phone ko.

Nagtataka ba kayo kung paano ko nakuha ang number niya? Ganito kasi 'yon.

Sa labas ng café sa hotel namin. Noong pumunta sila ni Leicy sa hotel para makita ako. That time, ang saya ng feeling ko.

Pauwi na sila 'non. Nang pumunta si Leicy sa reception para kumuha ng copy ng nga documents na gagamitin niya para magtrabaho ulit sa hotel namin sa sembreak.

Habang naghihintay kami ni Arni kay Leicy. Inilabas niya ang cell phone niya.

"May hinihintay kang text? Nino naman? Boyfriend mo?" natatawa kong tanong dito na may halong pang-aasar.

"Wala akong boyfriend." Inismiran ako nito. "Mama ko ang hinihintay ko mag-text" sabi nito.

"Ah, ganun ba? Edi.." bigla kong inagawa ang cell phone nito. "May hihintayin ka ng text ng boyfriend mo."

Pilit namang inaagaw nito ang cellphone niya, pero gawa na matangkad ako. Di niya ito maabot.

"Akin na 'yan Lexter!" sigaw nito pero natatawa lang ako sa kanya. Nang matapos kong tawagan ang number ko gamit ang phone niya. Ako na mismo ang nag-save ng number ko sa phone niya. At ang nilagay kong pangalan ay 'Poging Lexter' Hahaha. Binalik ko naman na sa kanya ito.

"Anong ginawa mo?" tanong nito habang inis na inis.

"Wala. Basta makikita mo rin." Natatawa kong sabi rito. Ngumuso naman ito sa akin at halatang asar na asar.

Bigla nang dumating si Leicy at umuwi na sila. Tinignan ko ang cell phone ko at ang pangalang nilagay ko sa kanya sa phonebook ko.

"Arnibabes." Natawa na lang ako sa nabasa ko."

Sinagot ko ang tawag niya. "Moshi moshi, bakit gising ka pa Arnibabes?" sagot ko rito.

"Did I wake you? Sorry di kasi ako makatulog eh. Sandali, anong Arnibabes?" rinig ko ang inis mula sa boses nito. Naiisip ko ang mukha habang inis na inis siya.

"Haha, di naman. Nandito pa ako sa terrace. Nagpapahangin. Bakit naman si ka makatulog? Hahaha. Iniisip mo ba ako?" pang-aasar ko pa rito.

"Mukha mo. Hindi ikaw." Narinig kong parang nabigla siya. "I mean, hindi—"

"Oy, oy, oy. Ikaw ah! Sino naman ang malas na lalaking iniisip mo?" pang-uusisa ko rito.

"Wala. At tsaka anong malas ka diyan! Suntukin kaya kita diyan." Tinawanan ko lang siya.

"Alam mo, matulog ka na. Baka ako lang ang may kasalanan kung bakit di ka makatulog. Hahaha sige na. Bye! Good night, see you in my dreams! Haha" I said to her seductively.

"Tse!" sigaw nito at tsaka pinutol ang tawag. Napatingin ako sa phone ko pag-alis ko sa tainga ko nito. Napangiti na lang ako.

Baka nga ako ang may kasalanan kung bakit pa siya gising. Haha. Naiisip pa rin kasi kita. Tinabi ko na ang phone ko at nag-focus na ulit sa loptop ko.

Abrylle's POV

"Laarni Saldivar…" mahina kong nabanggit ang pangalan niya habang nakatagilid sa kama at nakatingin sa lamp shade. "Mama…" inilagay ko naman sa dibdib ko ang kamay ko para kapain ang kwintas na bigay ni Mama. Pero nagulat ako ng wala akong makapa. Napaupo ako sa kama at tinignan ang kwintas sa leeg ko. Pero wala akong nakita.

"Nasaan na 'yon?" tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko sa kama at sa ilalim ng unan pero wala akong nakitang kwintas. "Shit! Not that necklace!" maktol ko. "Shit! It's my Mom's necklace! How could I—" huminto ako sa paghahanap ng maalala ko ang nangyari 'non.

"Tama!"

Kinaumagahan. Maaga akong pumunat sa gilig ng tulay kung saan ako tumalon 'non. Malaki ang kutob kong nahulog ko ito dito malapit. Hinanap ko ito sa damuhan. Pero wala akong makita.

"Nasaan na 'yon? Goddammit! Not that necklace." Angal ko sa sarili ko. "You're so stupid Abrylle!"

Sige lang ang hanap ko sa damuhan. Pawis na pawis na ako. Naka-uniform na ako pero wala akong pake.

"Abrylle?" napalingon ako sa likod ko. Nakita ko 'ron si Laarni na nakatayo at may pagtataka sa mukha. "A-anong ginagawa mo 'riyan?" sabi nito.

Doon ko lamang napagtanto na ang sagwa pala ng puwesto ko sa damuhan habang nakatuwad at naghahanap ng kwintas na nawawala.

Naglakad ito papunta sa akin. Inayos ko naman ang sarili ko. Nakita kong natatawa pa ito. Pinagtatawanan niya ba ako? -,-

Naupo ito sa damuhan. Iniwas ko naman ang tingin ko rito. Kumbaga sa babae, inismiran ko siya. Narinig ko ang bungisngis nito.

"Heto naman, ke-aga-aga eh, nakabusangot." Sabi nito habang natatawa. Hindi pa rin ako lumilingon dito. Halata ko ang pananahimik nito. Kaya naman nilingon ko ito. Paglingon ko rito.

Nanglaki ang mata ko sa nakita ko. Nakaharap sa mukha ko ngayon kwintas na kanina ko pa hinahanap habang hawak hawak niya. "Ito bang hinahanap mo?" tanong nito. Kukunin ko na sana ang kwintas pero bigla niyang iniwas ito. Nagtaka naman ako sa ginawa niya.

"Hep hep hep! Bago ko ibigay 'to sayo. Gusto ko mag-sorry ka muna sa akin." Naguluhan ako sa sinabi nito. Pero para matapos na ito.

"Sorry." Madali kong sabi rito.

"Yung sincere." Naningkit ang mga mata nito.

"Okay, sorry. Sorry na po." Walang buhay kong paghingi ng tawad dito. Kinuha naman nito ang kamay ko at inilagay ang kwintas sa palad ko. Napatingin ako rito.

"Sorry din kung nasigawan kita. Sorry din kung nangamba kang ibebenta ko ang partner ko." Nakayuko siya habang ako nakatingin sa kanya. Biglang umangat ang ulo nito at nagbanggan ang tingin namin. Ngumiti ito sa akin. "Partner na tayo ah?"

Parang nagliwanag ang buong paligid ko nang makita ko ang ngiti sa labi nito kasabay ang aninag ng pasikat na araw.

"O-oo." Sagot ko rito.

Sabay na kaming naglakad papasok sa school. Habang naglalakad kami. Tahimik lang ako. Ganun din siya, pero pansin ko ang sigla niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang katabi ko siyang naglalakad. Kaso bigla naman siyang lumingon sa akin dahilan para magkatinginan kami. Nagulat ako 'ron pero siya, ngumiti lang sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko rito at nauna sa kanya maglakad.

"Uy, sandali lang Abrylle! Hintay!" habol nito sa akin.

Nang makarating sa school. Naupo na ako sa seat ko. Ganun din siya at nag-aayos ng mga notebooks niya at hanggang ngayon, pinagmamasdan ko pa rin siya. Bigla namang lumapit si Lexter sa kanya.

"Ikaw Arni ah! Hahaha, sabi ko, ako ang tatawag sayo. Well, girls can't resist to call me." Sabi ni Lexter sa kanya.

"Aksidenteng tawag lang 'yon. Wag ka nga" pataray na sabi ni Laarni kay Lexter.

"Weh? Gusto mo ako na ang tatawag mamaya?"

Sa tanong 'yong ni Lexter. Parang nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may kung ano sa utak ko at gusto kong sapakin si Lexter. Si Lexter na kaibigan ko.

"Tse! Tumigil ka nga, tsaka di ko rin naman sasagutin" dinilaan pa siya ni Laarni.

"Hahaha—oh?" napatingin naman sa akin si Lexter at nagkatinginan kami. Masama ang titig ko rito. "Hahaha, good morning Abrylle!" bumati pa ito sa akin. "How's my friend?" dagdag pa nito. Napalingon naman sa akin si Laarni, malamang ay dahil kay Lexter.

"Psh." Sagot ko rito tsaka ko iniwas ang tingin ko. Narinig ko namang tumawa lang si Lexter.

Natapos na ang morning class. Lunch break.

"Arni, sunod ka na lang sa cafeteria ah?" –Leicy

"Bilisan mo Arnibabes ah? Hahaha" nagpanting ang tainga ko sa sinabi ni Lexter.

"Arnibabes?" –Leicy.

"Haha wala lang 'yon Leicy," naglakad na sila palabas ng room "Uy, kelan tayo magpa-practice ng kanta?"

"Ikaw? Busy ka eh."

"Hay nako, si Leicy talaga." Narinig kong sabi ni Laarni. Nang mapatingin 'to sa akin. "Di ka pa lalabas?" nagtatakang tanong nito sa akin. Nilibot ko naman ng tingin ang buong classroom. Kami na lang pala ang natira rito.

Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa at iniabot sa kanya. Nagtaka naman siya sa ginawa ko. "Anong gagawin ko rito?" tanong nito. Hay nako.

"Save your number" mabilis kong sabi sa kanya. Iwas pa rin ang tingin ko sa kanya.

"Ah, okay." Kinuha naman nito ang phone ko at nag-type ng number niya. "Ito na oh." Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang number niya.

Di ko na siya pinansin at lumabas na ng classroom. Habang naglalakad papuntang cafeteria. Nagiisip ako ng ipapangalan sa kanya.

"La-ar-ni." I typed in my phone. Then I press save. Sa wakas. May isa ng naka-save na number sa phonebook ko.

Bahagya akong napangiti at dumiretso na sa cafeteria.

次の章へ