Medyo may kalakihan ang resort. Ilang kubo na iba't iba ang size din ang nasa pagilid. Mayroon ding building para sa mga kwarto at shower stands sa gilid. Isang malaking pool na walang slide ang nasa gitna at sa hindi kalayuan ay ang pambatang pool. May mga ilang puno din malapit sa pool kaya kahit maaraw, walang nakapigil doon sa mga kaibigan ni ate. Overnight talaga ang gusto ni ate kaso hindi piniyagan ni papa.
"Syempre itinext ko. Sinabi ko pa ngang kahit isama niya yung girlfriend niya," sagot ko kay Aya habang pinapanood ko silang dalawa maglagay ng sunblock. "Tapos hindi man lang nagreply."
"Akala ko ba okay na kayo?" tanong pa ulit niya.
Nagbuntong hininga ako. "Akala ko din."
"Hay naku, 'wag mo na lang isipin. Pinapatanong nga pala ni Andy kung anong kulay daw ang gusto mo."
Kakatapos lang maglagay ng sunblock nina Aya at Mia nang dumating si Lance dala dala ang kambal, nakahawak sa magkabilang kamay niya. Pagkatapos niyang iaabot kay Mama yung kambal, naupo siya sa tabi namin.
"Hindi pa kayo mag-swi-swimming?" tanong ni Lance.
Umisod ng kaunti si Aya para tingnan si Lance dahil nasa gitna nila akong dalawa. "Hindi pa. Ihinahanap pa namin si Risa ng bagong boylet."
Natawa ng konti si Lance. "May nakita naman kayo?"
Tumayo si Aya at namewang. Ang tingin niya ay nasa pool. "Wala pa nga pero mukhang nandyan ata yung fourth year na nagyaya kay Risa noong grad ball."
Napailing na lang ako kay Aya. Nag-iba din ang pinag-uusapan namin dahil napunta ito sa mga final grades namin at kung ano ang kanya kanyang section namin ngayong fourth year na kami pagpasok. Noong Abril pa nakuha ni Mama ang card ko at hindi naman ako masyado napagalitan dahil medyo okay ang mga marka ko. Nakapag-enroll na din ako at sa kauna-unahang pagkakataon ay napunta ako sa class c.
"Hindi ka ba nalulungkot at aalis na si Ate Liza?" biglang tanong ni Aya.
"Oo nga, going strong pa din kayo?" dagdag naman ni Mia.
Tumingin sa akin si Lance at parang nag-aantay kung may idadagdag pa ba ako. Umiling ako. Ayoko kong mag-comment sa love life ng ate ko lalo na't halos buong bakasyon ay nakita ko silang dalawa.
Parang biglang nahiya si Lance dahil tila napagtulungan namin siyang tatlo. "Umm. Oo-"
Napatigil siya dahil biglang umingay at nagdatingan na ang mga kaibigan ni ate kasi medyo umiinit na ng todo. Hindi na tuloy namin natanong kung saang tanong ang sagot niyang oo dahil tinawag na siya ni Ate. Tumayo na din kaming tatlo para sundan sila nang may bigla akong naaninag na dalawang pamilyar na silhouette. At noong tanaw na tanaw ko na sila, parang may biglang tumugtog na kanta sa utak ko. Unti unti din kumurba ang mga labi ko.
Lahat ng pag-aalala ko ng mga nakalipas na araw ay tila naglaho. Iba talaga ang epekto sa akin ni Stan lalo na at suot niya ang bigay kong regalo sa kanya noong birthday niya, tank top na The Reckless and The Brave ang tatak. Oo, kasabay kong binili iyon ng t-shirt na ibinigay ko sa kanya ng pasko para tipid sa shipping fee.
"Oh Risa," bati niya kaagad. "Na-"
Sinipa ko siya sa binti kaya napatigil siya at napa-aray.
"Ano na naman ang problema mo?" tanong niya habang hinihimas ang binti niya.
"Ayoko ng marinig na tumaba ako," sagot ko sa kanya.
Tumawa siya ng malakas tapos inakbayan niya ako ng walang pag-aalinlangan kahit na basa pa din ako. "Oo nga nu."
Pinalo ko siya ng pabiro sa dibdib niya pero nagpatuloy pa din siya. "Pero hindi naman yung ang sasabihin ko eh."
"Asa, boy. 'Wag ka ng magsinungaling."
"Swear." Itinaas pa niya ang kaliwa niyang kamay. "Ang sasabihin ko talaga dapat ay nangitim ka na ata. Bilis ah."
Siniko ko naman siya ng medyo malakas at napabitaw na siya. Pero ang sayang nararamdaman ko ay hindi matutumbasan. Pinansin ako ni Stan at higit pa doon dahil bumalik na kami sa dati na parang walang nangyari.
Hindi pa din nawawala ang ngiti ko kahit noong pinuntahan ko si Chester. Nagsorry pa nga siya sa akin dahil late daw nagising ang kuya niya kaya ngayon lang sila. Gusto ko pa sana siyang yakapin sa sobrang saya ko pero mababasa si Chester kaya hindi ko ginawa. Mayamaya ay nasa likod na namin si Stan. Kay Chester pa din ako nakatingin at niyaya ko na siyang kumain.
Maglalakad na kami nang inakbayan ulit ako ni Stan. Tiningnan ko siya ng masama pero medyo nakangiti pa din ako. Gusto ka ng magreklamo dahil sobrang touchy niya. Masama sa puso ko. Pero hinayaan ko na lang dahil mas okay ng mamatay sa saya kesa sa mamatay sa pagsisisi. Niyaya ko na din siyang kumain nang hindi siya natinag ng tingin ko. Todo ngiti pa din siya.