webnovel

Naligaw na Demonyo (6)

Pagkabalik ko sa upuan, syempre hindi nawala ang panunukso ni Aya keso kung sino ba daw yun at may bago na naman daw akong prospect. Wala ng nagyaya sa akin sumayaw pagkatapos ni Patrick. Hindi nagtagal nagsimula na yung video presentation para sa mga seniors na naka-graduate na noong isang araw. Pagkatapos noon ay nagturn over na ang dating president ng student council saka nagsimulang mag-announce ng King and Queen of the night.

Tradisyon na sa school namin na ang King and Queen ay pipiliin sa mga seniors as their last memory of their high school life at Prince and Princess naman para sa juniors. Hindi na ako nagulat noong ang tawagin ay si Aya para sa Princess at si Stan para sa Prince. Ang dalawang pares ay nag-aantay sa may stage para sa huling award, ang Mr. And Ms. Head Turner. Isa sa senior ang tinawag para sa lalaki. Nang narinig ko ang Mari, si ate agad ang naisip ko dahil Mari Elizabeth ang buong pangalan ni ate.

"Hoy, Risa! Ano ka ba? Ikaw yung tinawag."

Wala na akong panahon magreact dahil itinulak na agad ako ng mga kaklase ko papunta sa harap. Magkahalong gulat at saya ang naramdaman ko na sinamhan din ng pagkahiya. Pagkatapos namin kuhanan ng picture, bumalik na kaagad kami ni Aya sa upuan.

Hindi nagtagal, nag-announce na ng last thirty minutes para sa dance floor. Tinanggal ko yung sash na binigay sa akin at ipinatong sa lamesa. Ito na ang panahon para puntahan si Stan sa lamesa nila.

"Hey, Dark Prince of the Night," bati ko sa kanya habang nakangiti.

Naglalaro siya ng PS Vita. Oo, hindi ko kinuha yung PS niya noong binalikan ko ang cellphone ko. Napatingin siya sa akin. Naupo ako sa tabi niya saka siya ngumiti at nagsalita. "Head turner ka na ng lagay na yan."

"Oo nga, may mali dun sa mata ng mga judges, dapat si Keith o Jesse ang nanalo bilang Prince," sabi ko naman sa kanya.

Natawa naman siya at inilagay niya yung PS Vista sa harap ko tapos inilabas niya galing sa bulsa niya ang charger. Ngumiti lang ako pero malungkot ako sa kaloob-looban ko. Kahit ako ang nagsabi nito pero hindi pa din mawala sa isip ko na ang pinili niya ay ang girlfriend niya.

Hinawakan ko lang yung PS Vita saka ko siya niyayang magsayaw. Noong una, tinanggihan pa niya ako dahil magseselos daw ang girlfriend niya pag nakita siyang nakikipagsayaw. Kaya pala hindi ko siya nakita nakikipagsayaw sa mga kaklase niya. Nandito nga pala ang girlfriend niya, kasama sa mga nagsayaw kanina.

"Come on, Stan. Ikaw na 'tong may sabi, best friend mo lang ako. Hindi siya magseselos."

Pumayag din siya at nagpunta na kami kung nasaan ang karamihan ng tao. Sa totoo lang, hindi ko naririnig ang kanta pati na ang ingay sa paligid namin lalo na noong iniligay na niya ang braso niya sa bewang ko at hindi ko napigilan hindi ngumiti habang tinitigan ko siya at ang kamay ko ay nakasabit sa leeg niya.

Ngumiti siya at lumabas ang dimples niya. Wala na atang mas sasaya sa akin sa mga panahong iyon.

"Ito ata ang kauna-unahang beses na magsasayaw tayo," sabi niya.

"Kasi kahit kailan, hindi mo pa ako niyaya," sabi ko sa kanya na pabirong nagtatampo, "Kung hindi pa ako ang nagyaya sayo."

Tumawa lang siya naman siya. "Pero sikat na sikat ka ngayong gabi ah."

"Oo, wala na daw kasi akong bantay."

Tiningnan niya ako sa mata. "Tama yan para makahanap ka na ng boyfriend tapos magdo-double date tayo."

Sa sinabi niya bigla kong naalala ang mga sinabi sa akin nina Aya at Mia pati na ang sinabi ni Keith. But it's already ruined. You already fell for him. Kahit kailan hindi magiging ikaw yun. Alangang best friend ka na lang forever.

"'Wag mong sabihin sa akin na namimiss mo na agad ang girlfriend mo." Ngumiti ako ng pilit.

Natawa siya pero ito ang sinagot niya. "Oo, sana nga siya ang kasayaw ko ngayon."

Ah, totoo nga ang sinabi nila sa akin. Nanghina ako at inalis ko na ang kamay ko sa leeg niya. Tumigil din ako sa pagsway at bago pa niya ako matanong kung anong problema, tiningnan ko siya.

"Stan, ngayon ko lang sasabihin ito at hindi ko na uulitin kaya parang awa mo na, 'wag mo akong iiwan. Mahal kita, Stan. Mahal kita ng higit pa sa kaibigan."

次の章へ