webnovel

Naligaw na Demonyo (3)

Inalis ko ang pagkakadantay sa unan niya saka ako nag-unat. Waldstein nga yung kasalukuyang tumutugtog. "Pinanood ko yung video na kuha ni Tita," paliwanag niya.

Hindi ko siya sinagot. Para sa akin yun na ang pinakamasakit na ginawa niya. Tiningnan ko lang siya at mayamaya ay naupo siya sa may gilid ng kama. Sa tingin niya sa akin, alam kong gusto niyang magsorry. Kinuha niya yung unan na dinadantayan ko saka niya sinabi sa malumanay na tono. "Dito ka na kumain ng hapunan ha."

Tapos nahiga siya sa tabi ko. Nasa ibabaw niya ang unan na kinuha niya sa akin. "Ano? Tapos mo na yung isang route?"

"Hindi pa nga, nagkamali ako ng pili," sagot ko.

Gusto ko sana siyang dantayan at alam ko namang okay lang sa kanya pero may pumigil pa rin sa akin. Sa kisame siya nakatingin at sa pungay ng mata niya, tila'y inaantok ang best friend ko.

"Oi, Stanley, magpalit ka na ng damit." Itinulak ko siya sa binti gamit ang tuhod ko.

Unan naman ang isinagot niya sa akin. Ipinalo niya ng pabiro ang unan na hawak niya sa mukha ko at bago pa ako makaganti sa kanya ay nakatayo na siya. Sa lapad ng ngiti niya, hindi ko na napigilan at binato ko na siya ng unan. Hindi naman talaga siya tinamaan dahil nasalo niya ito bago pa dumampi sa kanya pero ang mga mata ni Stan ay nagniningning at sa ngiti niya ay handa na siyang gumanti. Dali-dali kong kinuha yung isa pang unan.

At bago pa magsimula ang aming pillow fight ay nagbukas ang pinto. "Kuya, Ate Risa, kakain na."

Binitawan ko yung PS Vita saka ako tumayo. Hinampas ko ng isa si Stan bago ko ihinagis pabalik sa kama yung unan. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero bago pa niya ako magantihan, kinuha ko agad yung PSV niya at nagtatakbo sa may pinto.

"Mari Alyssa." Ang isang kamay niya ay nakapatong sa balikat ko. Hindi kasi agad ako nakalabas ng pinto.

Tumawa si Stan ng daig pa niyang nakadiskubre ng bagong planeta at medyo kinabahan naman ako. "Ang bagal mo kasing tumakbo."

Nawalan na ako ng pag-aasa makatakas pero napansin ko si Chester na nakasilip sa may pinto. Tiningnan ko siya. "Chest, tulong!"

Dahil alam kong ako ang kakampihan ng kapatid niya, tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko at dumiretso na sa pinto. Si Chester naman ang nagsalita. "Kuya magbihis ka daw muna bago ka bumaba."

Dinilaan ko si Stan at ang ngiti sa aking mga labi ay tila mong nanalo ako. Nakalabas na ako ng kwarto niya at susundan ko na si Chester pababa ng hagdan ng biglang ipinulupot ni Stan ang braso niya sa leeg ko at hineadlock ako habang kinukutasan ang ulo ko. Medyo napasigaw ako dahil sa gulat at sakit. Wala akong nagawa kundi mapahawak sa bewang niya. Tumigil lang siya nang sumigaw na si Tita na kakain na.

Binitawan niya ako at tumatawa siya pabalik sa kwarto niya. Naka-shorts at sleevless na t-shirt na si Stan pagkababa niya. Todo tanong at kwento naman sina Tita at Tito noong buong hapunan keso ang tagal ko na daw na hindi pumupunta sa kanila. Pagkatapos kumain ay nagpunta kami ni Chester sa salas at nanood ng tv.

"Tapusin mo muna yung isang route bago ka umuwi," sabi ni Stan habang may dala dala siyang mangkok ng ubas. "Ihahatid na lang kita."

"Hindi na," sagot ko sa kanya sabay kuha ng ubas pagkaupo niya sa tabi namin ni Chester.

"Wala naman pasok bukas ah."

Hindi ako maalam magpakipot. Ang nasa isip ko ay wala namang masama at patapos ko na naman yung isang route nung laro. Habang naglalaro ako, silang magkapatid ay nanonood ng tv. Maaga pa ng natapos ko yung laro. Abot tenga ang ngiti ko dahil maganda ang ending. Gusto ko pa sanang laruin yung kasunod kaso alam ko pa din naman ang limit ko.

Walang pang alasnuebe pero nagpumilit pa din si Stan na ihatid ako sa may amin. Nang nakarating na kami sa tapat ng bahay namin, nagulat na lang ako ng napamura siya ng konti. "Nakalimutan ko itext si Den na tapos na akong magdota."

Hey, you, thanks for reading! I'm sure you're already expecting this by now. Please check out my other story, Ugly Little Feelings. It's featured in the FREE tab in the webnovel app under Potential Originals.

Twitter: @wickedwinter3

Like my writing? Buy me coffee? https://www.ko-fi.com/wickedwinter

wickedwintercreators' thoughts
次の章へ