webnovel

YOU'll SEE (3)

"Risa?" ang unang sinabi ni Keith pagkalabas niya.

"Okay ka na?" naman ang unang lumabas sa bibig ko.

Tumango siya at hindi ko naiwasan mapatingin dun sa classroom nila. Ang daming nag-aabang kung anong mangyayari. Napaatras na lang ako ng konti at halos magsisi dahil hindi ko napag-isipan ng ayos bago ko ginawa.

"Tara?" yaya ni Keith.

Hindi naman kami lumayo sa tapat ng classroom nila. Nandoon lang kami sa dulo ng hallway na tapat ng room ng section nila. Ipinatong ko ang dalawa kong braso sa pasamano at tiningnan ko ang quadrangle ng school namin. May mga ilang estudyante na nakaupo doon sa mga table pero hindi ganoon kadami. Medyo mga ilang minuto ang lumipas at wala pa din nagsasalita sa aming dalawa.

"Bakit ka nagkasakit?"

Nanlaki ang mata ko at napatingin ako kay Keith dahil ako ang unang nagsalita at hindi ko alam kung saan nanggaling yun. It just came out. Parang gumaan yung loob ko sa kanya. It was awkward yet I felt at ease. Totoo yung sinabi ko kay Aya kahapon, hindi ko talaga alam kung mahal ko pa si Keith. Ngayon na lang ulit may nagtanong sa akin nun pagkatapos nung nangyari ang Christmas Ball. Pero hindi pa din ako naniniwala sa lahat ng sinabi sa akin ni Keith at kaya nandito ako ngayon.

Napangiti siya at mukhang hindi din niya inaasahan na ako ang unang magsasalita. "Sinundan kita."

Hindi ko alam kung anong isasagot dun kaya tumahimik na lang ako at hinayaan ko na lang na siya ulit ang mag-salita, "Buti at hindi ka nagkasakit."

"Sana nga nagkasakit na lang ako," bulong ko ng mahina sa sarili ko tapos nginitian ko na lang siya ng konti at medyo pilit.

Gumalaw ako ng konti at hindi na talaga ako komportable. Tiningnan ko siya bago ako nagsalita. "Sorry nga pala kung bigla na lang ako umalis."

Tumango lang siya at nakangiti pa din siya. Huminga ako ng malamim bago tuluyan humarap dun sa harap ng room nila at nakasandal na ako dun sa pasamano dahil medyo mataas naman yun saka ko napansin na may mga nag-aabang pa din sa aming dalawa. Napakunot na lang ako ng noo.

"Maybe we should talk later," sabi ni Keith nang napansin niya kung saan ako nakatingin.

"Yeah, sa tingin ko nga," sagot ko sa kanya.

"After school?" tanong niya.

Napaisip ako at napahawak ako ng saglit sa labi ko. "May practice ako at hindi din ako aattend sa practice ng play."

"Pwede kitang antayin pagkatapos ng piano lessons mo."

Hindi ko inaasahan na yun ang isasagot niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Hi..Hindi na lang. Pagkatapos na lang ng piano competition saka ulit tayo mag-usap."

Tumigil siya ng konti pero sumagot din kaagad, "Sige."

"Una na ko," sabi ko sa kanya na medyo awkward.

"Sige. I'll see you at lunch." Tumango si Keith ng konti at ngumiti saka ako umalis at naglakad ng mabilis papuntang classroom ko.

Kung akala ko nakatakas na ko sa torture ng mga taong walang ibang magawa kundi tumitig at mag-assume, doon pala ako nagkamali. Pag pasok ko sa room, nakaabang sina Aya. Mukhang nakarating na sa kanila yung balita na pinuntahan ko si Keith sa room nila. Tanong sila ng tanong na halos gusto ko ng batuhin sila. Buti na lang at nag-ring na din yung bell.

Noong lunch naman hindi pa din natigil si Aya. Tumigil lang siya noong sinabi ko na:

"Nag-usap lang kami Aya! Walang nangyaring iba!"

Pero masyado pala akong naging kampante dahil nagsimula ulit si Aya ng dumating si Keith kasama si Stan at Denise. Halos batukan ko na siya para tumahimik lang lalo na nung tinanong niya si Keith, "Kayo na ba uli ni Risa?"

Feeling ko nalaglag ang panga ko nung narinig kong sinabi ni Aya yun. Pati si Mia hindi din makapaniwala na sinabi ni Aya yun. Ngumiti lang si Keith at umiling. Sa lahat ng tanong ni Aya, ngiti lang ang sagot ni Keith hanggang sa napagod din si Aya at tumigil na.

Mabilis lumipas ang natitirang oras ng Huwebes pati ang buong klase ng Biyernes. Like I always liked to say, Friday passed by quickly because it's Friday. Hindi pa din natural ang kibuan namin ni Keith. Hindi ko na siya iniiwasan pero hindi pa din ganun kadalas kami mag-usap. Wala din akong panahon para isipin si Keith o si Stan dahil kinakabahan na ako para sa piano competition. Kahit noong Biyernes, pauwi ako galing sa piano lessons, hindi ako mapakali dahil sa kaba.

Tumigil ako doon sa tindahan na malapit sa amin at bumili ng dalawang stick ng yosi. Ngayon ko na lang ulit gagawin ito simula noong nakita ako ni Lance pero kabang kaba ako at feeling ko puputok ang puso ko. Hindi ko kailangan alalahanin na makita ako ni papa dahil nasa bahay na siya at medyo gabi na. Medyo napaubo ako sa una kong langhap ng usok pero hindi din nagtagal kumalma na ang pakiramdam ko.

Hindi ako madalas manigarilyo at ngayon ko lang gagawin na dalawang magkasunod. Sinindihan ko na yung pangalawang stick gamit ang lighter na laging nasa bag ko. Ilalagay ko na sa bibig ko ng medyo humangin ng konti. Inalayo ko ng konti yung yosi.

"Risa! Ano yang ginagawa mo?"

Galit na boses ni Stan ang narinig ko. Napalingon ako sa direksyon kung saan galing yung boses at parang gumuho ang mundo ko. At lahat ng dugo ko sa mukha ay nawala. Stan looked furious. His eyes gleamed darkly under the moonlight.

Vote if you like this chapter or checkout my other story, Ugly Little Feelings. Thanks for reading! Don't forget to study and don't smoke. It's bad for your health. Plus it's more appealing to kiss a mouth that doesn't taste like ash and smoke. Hehe

wickedwintercreators' thoughts
次の章へ