webnovel

YOU'll SEE (1)

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakarating sa bahay. Ang alam ko lang dumating ako sa bahay at pagpasok ko sa pinto namin. Nagulat na lang ako sa sigaw ni mama, "Mari Alyssa! Anong nangyari sayo? Bakit basang basa ka?"

Malayong tinig lang ng boses ni mama ang naririnig ko habang tinatanong niya ako at itinutulak papuntang banyo. Kinuha din ni mama ang heater at iniwan na niya ako. Saka ako napaupo at napasandal sa may pinto. Niyakap ko ang aking tuhod at naghagulgol. Kahit gusto ko man pigilan dahil alam kung maririnig ako, hindi ko mapigilan ang mga luha ko at ang hinanakit sa puso ko.

Hindi pa din ako makapaniwala na nagsinungaling sa akin si Stan. Alam niya at nakita niya kung gaano ako nasaktan noong iniwan ako ni Keith pero hindi man lang niya sinabi sa akin. All he did was watched me suffer and go through hell. I trusted him but he betrayed me. My best friend chose to lie to me.

Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa kusina. Isang mangkok ng mainit na sopas ang nag-iintay sa akin. Si mama lang ang nandoon. Noong tiningnan ko ang salas saka ko nakita ang iba, si ate lang ang wala. Laking pasasalamat ko at kilala ako ng pamilya ko. Hindi nila ako tinanong kung bakit ako nag-iyak at kung bakit pugto ang aking mata. Ang tinanong lang nila ay kung saan ako galing at kung bakit ako nagpakabasa. Mga maiikling sagot lang ang ibinigay ko sa kanila.

Mabilis din ako nakatulog pagkatapos ko ayusin ang mga gamit ko na malamig lamig dahil sa pagkabasa buti na lang hindi nasira pati na ang cellphone ko. Hindi ako nag-isip ng kahit ano. Una, dahil ayoko. Pangalawa, gusto ko ng matulog para wala na akong maramdaman. Sleep lets you escape reality even for a little while. At kahit anong hiling ko pagkagising ko na sana magkasakit ako ay hindi nagkatotoo. Hindi masama ang pakiramdam ko. Wala na akong nagawa kung hindi bumangon bago pa ako akyatin ni mama.

Pagkadating ko sa school at sa classroom, busy lahat ng tao at nagkakagulo. Pagkababa ko ng gamit ko, tinanong ko ang katabi ko kung anong meron, ang sagot niya, "Nakalimutan kasi nila na may assigment tayo sa chemistry."

Napakunoot na lang ako ng noo saka nagpunta kay Dan. Mukha bang naalala ko pa yun kagabi? Dadali akong kumopya dahil pangalawang subject namin ngayon yun. Kaya nang dumating na ang recess, nakalimutan ko na halos lahat ng nangyari kaso biglang nagpakita si Stan sa room namin. Madalas kasi na sa room o sa hallway lang kami natambay pag recess, fifteen minutes lang kasi at may tindahan naman ng snacks sa second floor.

Tumayo agad ako sa upuan ko at dumiretso sa kabilang pinto para hindi makasalubong si Stan. Hindi pa ako handang harapin si Stan. Ni hindi ko pa naiisip yung sinabi sa akin kagabi ni Keith. Oo, galit ako sa kanya pero mas nangingibaw ang sakit kesa sa galit. Magulo pa ang utak ko at nababalot ako ng kaba nang nakalabas na ako ng room namin.

Nakahinga na ako ng maluwag ng nakalampas na ako ng room ng section a dahil nasa dulo ang cr ng babae samantalang sa kabilang dulo ang para sa lalaki.

"Risa." narinig kong may tumawag sa akin ng nasa tapat na ako ng hagdan. Dahan dahan akong lumingon dahil kilala ko yung boses. Nagdalawang isip pa nga ako kung hindi ko na lang papansinin at didiretso na lang dahil ilang hakbang na lang at nasa cr na ako.

"Stan?" ang una kong sinabi pagkaharap ko sa kanya.

Nandoon siya at nakatayo habang nakapamulsa. Hindi ako ngumiti. Hindi ko kaya. Straight face lang ako habang tinaasan ko siya ng kilay.

"Tatanong ko lang sana kung saan ka pupunta at hindi mo ako pinansin."

Pagkasabi niya nun biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ng pag-aalala. Lumunok muna ako bago ko siya sinagot, "Cr lang ako."

Hindi ko na inantay na magsalita pa ulit si Stan. Naglakad na agad ako papasok ng cr. Alam kong hindi pwedeng buong recess ako magtago sa loob ng cr. Kaya dahan-dahan akong lumabas at palingon-lingon dahil baka nag-aantay sa akin si Stan. At hindi nga ako nagkamali. Nandoon siya sa may pinto ng room nila at medyo nakakunot ang noo habang nag-iisip. Nag-isip agad ako ng plano kung paano ako makaka-iwas pero wala akong naisip.

Naglakad ako ng medyo mabagal at todo iwas ako ng tingin sa kanya. Bahala na si batman pag nilapitan niya ako. Yung puso ko sa lakas ng pintig ay parang tatalon na sa dibdib ko. Alam kong magtatanong si Stan kung anong nangyayari sa akin at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ayoko pa siyang komprontahin tungkol sa nalaman ko kagabi.

"Risa," tawag niya sa akin ng lumampas ako sa unang pinto ng room nila.

Napatigil ako pero hindi ko siya nilingon. Napakagat ako ng labi at unti unting akong nataranta dahil palapit na si Stan sa akin.

次の章へ