webnovel

8+8 (1)

Nagulat ako sa sigaw niya kaya napaatras ako dun sa may pinto namin. Mukhang nataranta siya dahil itinago niya sa likod niya yung unan kahit kita ko na naman yung hawak niya dahil sa sobrang laki. Hindi ko tuloy alam kung papasok ulit ako sa loob ng bahay o pupunta na ng school na parang walang nakita. Parehas hindi maganda kaya nagbaka sakali na lang ako na ilusyon ko lang lahat kaya naglakad ako papunta sa kanya.

"Eh?" lang ang reaction niya habang nahakbang siya palayo sa akin samantalang ako patuloy lang. Tinitingnan ko siya pero blangko pa din ang mukha ko.

Pero yung itsura niya nakakatawa, mukhang hindi niya talaga inasahan na maaga ako papasok ngayon. Tuloy pa din ako sa paglalakad ko hanggang sa nakalabas na ako ng gate namin at wala ng 3 meters ang agwat naming dalawa. Tiningnan ko uli siya pero ang kamay niya, nasa likod pa din. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa direksyon ng school.

"Eh?" mas malakas pa niyang sigaw. Napalingon ako. Tinaasan ko ng kilay.

"Papasok ka na agad?" tanong niya kaagad, "Hindi mo man lang itatanong kung bakit nandito ako?"

Tinitigan ko lang siya ng saglit at kinusot ang mata ko pero tinalikuran ko ulit siya. Naramdaman ko na medyo tumakbo siya papunta sa akin at saktong paglingon ko uli, nakita ko siya hawak hawak yung malaking unan na pilit niyang itinatago kanina.

"Hindi ka ba naliligaw Stan?" ang unang mga salita na lumabas sa bibig ko.

"Mali ka ata ng pinuntahan na bahay?" patuloy ko pang tanong sa kanya at hindi ko napigilan na mamewang.

Napabuntong hininga siya ng malalim. "Bakit ba naman kasi ang aga mo pumasok ngayon Risa?"

"Bakit? Masama bang pumasok ng maaga? Ano bang ginagawa mo dito Stan? Dun yung bahay ni Denise oh," sagot ko sa kanya na may kasama pang turo na parang alam ko talaga kung san nakatira si Denise.

"Agang aga naman ang sungit mo kaagad," bulong niya.

"Ikaw din, agang aga ang dami mo kaagad na reklamo," sagot ko sa kanya pero mukhang hindi niya alam na narinig ko yung bulong niya na malakas naman.

"So ano nga ang ginagawa mo dito?" tanong ko ulit sa kanya.

"May ibibigay sana ako sayo Risa," sagot niya ng mahina.

"Ano na naman yang drama mo Stan? Tapos na ang valentine's ah. Malayo pa din naman ang birthday ko."

"Bawal magbigay ng regalo?" palokong tanong niya sa akin.

"Sinabi ko bang bawal?"

Napatap siya sa noo niya, "Hoy, Mari Alyssa Reyes, tigilan mo na nga yang pangbabara mo sa akin. Hindi tayo matatapos dito nan."

Babarahin ko na sana ulit siya kaso tinakpan na niya yung bibig ko at nagsalita na siya ng nagsalita, "Ikaw naman kasi bakit ang aga aga mong papasok? Samantalang dati naman before 10 minutes pa bago magtime saka ka aalis sa inyo."

Gustong gusto ko na sana siya sagutin kaso ang higpit ng katakip niya sa bibig ko kaya ayun hinayaan ko na siya magtanthrum, "Surprise sana to pero lumabas ka na agad ng bahay niyo eh kadadating ko lang. Tapos parang wala ka lang nakita at didiretso ka na agad sa school. Tapos binabara bara mo lang ako."

Hindi ko na kinaya kaya sinipa ko na yung paa niya. Napasigaw naman siya dahil mukhang napalakas ata yung sipa ko. "Ang dami dami mong reklamo Stan. Ikaw naman tong may gustong magsurprise sa akin. Hindi ko na kasalanan kung ikaw ang nasurpresa ko."

"Risa!" sigaw niya sa akin.

"Hindi ka na nagbago. Ang sakit nun ha," sumeryoso na ang mukha niya pagkatapos sabihin yun.

"Pero Risa," simula niya, natigilan din ako, "Dito talaga sa inyo ang punta ko. Hindi ako naligaw. Ikaw talaga ang aabangan ko sana ngayon. Ikaw sana ang susupresahin ko."

Nagpatuloy pa siya, "Matagal ko nang plano to. Simula nung nagpunta ako sa inyo nung bagong taon. Pinag-isipan ko talaga kung paano ako makakabawi sayo. Alam kong ang laki na ng atraso ko sayo at ilang beses na kitang iniwan sa ere pero Risa, hindi kompleto ang buhay ko ng wala ka."

Tumigil na siya at parehas kaming natigilan. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung dahil sa nagulat ako sa sinabi niya o dahil sa ganun din yung nararamdaman ko o di kaya dahil namiss ko lang talaga siya. Pero kahit pag-isipan ko man ng matagal mukhang hindi ko din malalaman ang sagot. Dahil sa sobrang pag-iisip ko, itinulak na ni Stan yung unan sa mukha ko.

"Ahh!" napasigaw ng konti. Malaki kasi yung unan, mga kasing haba ko at medyo malapad lang sa akin ng konti.

"Halos dalawang buwan ko din yan pinag-ipunan. Ang mahal kaya nan," sabi ni Stan kahit hindi ko na siya masyado makita.

Tinitigan ko ng ayos yung unan at napanga-nga ako sa nakita ko. Nagsalita pa ulit si Stan kahit medyo wala na ako sa sarili ko, "Ang hirap pa hanapin nan. Late valentine gift at christmas gift ko sana sayo."

"Waaah!" sigaw ko kay Stan, "Si Kaname, Stan! Pano mo nakita to?"

I like this chapter so much. It makes me smile. I hope you enjoyed it too. I'd be extremely happy if you could check out my other story, Ugly Little Feelings. It's set in Japan about Fake Dating with smut in it. Thanks for reading! Drop a comment or a vote or a review.

wickedwintercreators' thoughts
次の章へ