webnovel

February 15 (2)

At yun pinapasok ko sila sa loob at si Chester ay dumaresto sa pakikipaglaro kay na Tommy. Pagkadating namin sa salas, may inabot sa akin si Stan, "Pinabibigay nga pala ni Mommy."

Kinuha ko yung paperbag, "Ah, pakisabi salamat at happy new year na din."

"Oo nga, happy new year Risa," bati niya sa akin habang nilagay ko sa mesa yung binigay niya.

"Happy new year din," sagot ko para hindi masyado awkward. "Bakit ka nga pala napadpad dito Lance?"

Pati si Stan napatingin kay Lance. "Bibisitahin ko sana si Liza."

"Lumabas lang si ate kasama ni Mama. May binibili lang," sabi ko sa kanya habang binubuksan ang tv at naglilipat sa iba't ibang channel. "Hindi mo ba sinabi na pupunta ka ngayon?"

"Hindi eh. Surprise sana," sabi niya ng pabulong.

Tumango na lang ako. Hindi na talaga kasi ako interesado sa love life nila ng ate ko. Medyo awkward kasi lalo na kamukha pa naman ni Lance si Keith at tsaka ate ko yun. Nagkakatext pa din naman kami ni Lance after nung Christmas Ball kaso hindi na talaga kagaya nung dati na super duper chika mode kami palagi na parang bestfriends kami kagaya nung nagpapatulong pa siya sa akin. At mas awkward kasi nandito si Stan.

Lumipas ang ilang minuto at wala ng umimik sa amin. Nanuod na lang ako ng tv at silang dalawa ay ganoon din hanggang dumating nasi sina ate.

"Oh Lance, iho," yun agad ang bati ni Mama, "Stan, kamusta na?"

"Ayos lang po," ang sagot nilang dalawa. Tumayo si Stan para ibeso si mama, "Happy new year po, Tita."

"May ibinigay nga po pala si Tita, ma," dagdag ko naman.

"Happy new year din po Tita," bati ni Lance kay Mama.

"Lance?" medyo gulat na tanong ni ate, "Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto sana kitang surpresahin," sagot ni Lance tapos hinigit na siya ni ate palabas ng salas.

Si Mama naman nagpunta na ng kusina kaya kaming dalawa na lang ni Stan ang naiwan. Naupo na ulit ako dun sa kanina kong pwesto at ganun din siya ng bigla siyang nagsalita, "Dito ka na maupo sa tabi ko Risa para namang hindi tayo magkakila nan."

"Eh?" reaksyon ko agad, "Hindi na. Mas kumportable ako dito."

"Bilis na," hinigit niya ako, "Wala ka namang regalo sa akin last christmas."

Nagpumiglas ako, "Meron kaya. Hindi ka lang nagpunta dito nung pasko."

"Paano ako pupunta? Wala naman kayo dito nung pasko ah," pagdadahilan niya sa akin.

Natigilan ako dahil totoo yung sinabi niya kaya nahila niya ako dun sa tabi niya. Kaso tumayo ulit ako pero hinila niya ulit ako pabalik, "Ano ba Stan?"

"Dito ka nga sa tabi ko Risa."

"Kukuhanin ko lang yung regalo mo," tumayo ako at lumabas ng kwarto habang siya ay naiwan dun.

Bago ako bumalik sa salas nakita ko pumasok si ate na parang sobrang saya. Hindi ko na lang pinansin at binalikan ko na si Stan. Inihagis ko sa kanya yung regalo. "Oh, ayan na yung regalo mo. Sabi ko naman sayo nakalimutan ko lang nung Christmas Ball."

Natawa siya, "Sayang hindi ko to nakuha nung pasko."

"So anong ginawa mo nung pasko?" tanong ko sa kanya dahil kada magpapasko laging kaming dalawa ang magkasama ngayon lang hindi.

"Nagpunta kami ni Denise sa theme park," sagot niya habang inaalog yung regalo niya, "Buksan ko na to ha?"

Tumango ako at pinanood ko siya habang binubuksan yung regalo. Nakakahon kasi yung regalo, kasing laki ng kahon ng sapatos. Natawa naman ako sa reaksyon siya nung nakita niya kung anong laman.

"Wow Risa!" ang una niyang nasabi, "Totoo ba to?"

"Ano sa tingin mo? Mukhang peke ba yan?"

Tumayo na siya at nagtatalon na parang sira. T-shirt lang namang ang regalo ko sa kanya, hardcore fan kasi siya ng All Time Low. Tuwang tuwa siya samantalang ako natatawa sa itsura niya. "Hindi mo inexpect nu?"

"Mukha ba akong hindi nagulat?" sarcastic na sagot niya habang hinigit niya ako habang nagtatalon pa din siya.

Hinampas ko siya, "Tigilan mo nga yang kakatalon mo Stan. Nahihilo na ako."

Tumigil naman siya pero ang laki pa din ng ngiti niya. "Wala man lang ba akong thank you dyan?"

"Thank you Risa!" sigaw niya sabay yakap sa akin. "Ito na ata ang pinakamagandang regalo na natanggap ko."

Humiwalay na siya sa yakap namin at napaupo na lang ako sa sofa. Typical Stan. Napabuntong hininga na lang ako pero hindi din maalis ang ngiti ko. Ngayon na lang ulit kami nagkaganitong moment after nung lumuhod siya sa harap ko.

"Teka Risa, san mo nga pala binili to? Wala naman akong alam na mabibilhan nito bukod sa internet."

Napatigil siya sa harapan ko at napalunok naman ako ng laway. "Actually, Stan, matagal ko ng nabili yan."

"So matagal ng ready yung regalo ko?" tanong ulit niya.

"Oo," sagot kong maikli, "Bago pa naging kayo ni Denise, naorder ko na yan."

"Kaya pala," sabi niya habang napahawak sa baba niya.

"Anong kaya pala?" tanong ko habang tinitigan siya ng masama na medyo pabiro.

"Kasi hindi mo ako bibigyan ng ganito dahil alam kong galit ka pa din sa akin."

"Buti alam mo," bulong ko habang inirapan siya.

Tinabihan niya ako. "Sorry na Risa."

"Hay naku Stan. Alam ko na yang linya mo. At tsaka tanggap ko na din."

"Tanggap ang?"

"Tanggap ko na nakahanap ka na ng mas importante kesa sa best friend mo."

Tumayo na ako para umalis, "Umuwi ka na Stan. Hinahanap na siguro kayo sa inyo."

"Risa," tawag niya sa akin pero tuluyan din akong lumabas ng salas. Pero naabutan niya ako sa may hagdan.

"Mari Alyssa," tawag niya sa akin ng mahina habang hawak ang braso ko, "Pwede bang pakinggan mo muna ako?"

"Stan, pwede ba? Sa ibang araw na lang," sabi ko ng mahinahon dahil ayaw kong maiyak.

"Hindi ba pwedeng ibalik sa dati?" tanong niya na parang nagmamakaawa.

"Paano ba maiibalik sa dati ha, Stan?" ibinalik ko sa kanya ang tanong.

Naramdaman ko na lumuwag ang hawak niya sa braso ko kaya iniwan ko na siya dun at dumaretso na sa kwarto ko. What a nice way to celebrate the new year. Luhaan na naman.

Pagkalipas nun, ilang araw lang pasukan na naman. Tamad na tamad ako sa pagpasok pero no choice ako. Pagdating ko naman sa room todo daldalan at kwentuhan, pati kami nina Aya pero hindi ko pa din nakwento sa kanila yung nangyari sa amin ni Stan.

Lumipas ang mga araw at ang mga linggo, back to normal ang buhay ko, school at piano ang pinagkabusyhan ko. Nag-exams din kasi at buti na lang pasado ako lahat. Hindi ko na din masyado nakikita ang mga tao sa section a dahil sa sobrang busy tapos laging go home club ako dahil sa piano lessons ko. Nagkikita pa din naman kami ni Jared pero busy din siya dahil sa madami din sila ginagawa. Hindi naputol ang communication naming dalawa eversince nung Christmas Ball at totoong napalagay na ang loob ko sa kanya dahil nakwekwento ko sa kanya halos lahat except nung mga huling pangyayari sa amin ni Stan.

Lumipas ang buong January na hindi ko halos naramdaman at heto na ang February 14. Ang bilis ng mga pangyayari. Parang pagpasok ko valentine's day kaagad dahil ang daming puso na nakasabit sa school namin. Hindi ko talaga namalayan ang oras sa sobrang daming ginagawa at mas hindi ko inaasahan na kahit sobrang busy kami, ang dami pa din may pakulo ngayong araw ng mga puso. Kahit sa barkada namin dahil nung lunch, nakatanggap si Aya ng napagkalaking teddy bear galing kay Andy. Tapos eto namang si Mia, nakatanggap ng rose galing kay Dan. Nagkakamabutihan na ata sila.

Nagulat nga din ako, parang ang dami kong hindi alam pero natuwa na lang din ako kasi masaya ang mga kaibigan ko. Pero kahit sino naman ang lokohin ko, syempre nainggit din ako sa kanila. Kahit inaya nila akong lumabas after school dahil wala akong lessons ngayon dahil may date din si Ms. Martha, hindi pa din ako pumayag dahil ayaw ko naman maging sagabal sa date nila.

Sabay sabay naman kaming lumabas ng room dahil si Andy ay mag-iintay na lang sa may gate. Pagdating namin sa lobby. May nakita akong lalaki na may hawak na red balloons at red roses. Ang daming tao na nanonood. Andun din yung babae na medyo kinikilig at nahihiya. Pagtingin ko ng ayos dun sa dalawa, si ate pala at si Lance.

Niyaya ko na sina Mia at Aya lumabas kaso nagulat kami dahil biglang nagtilian yung mga tao. Paglingon namin, nagtatalon si Lance.

"OMG!" sabi ni Aya, "Sinagot na ata ni Ate Liza si Lance."

"Oo nga," pagsang-ayon naman ni Mia, "Tamo, pulang pula si Ate Liza."

"Buti naman dahil ang tagal na niya nanliligaw kay ate."

Napatingin naman sa akin yung dalawa pero hindi ko na lang pinansin. Pagdating ko sa bahay, nakareceive naman ako ng text galing kay Jared. Binati niya ako ng Happy Valentine's day kaso may klase daw siya hanggang gabi kaya hindi daw niya ako matugtugan.

Yun lang ang nangyari sa akin nung February 14. Pagkagising ko kinabukasan, inagahan ko talaga para hindi ko makasabay si ate dahil ayoko pang marinig ang kwento ng love life niya. Ayoko dahil nasa isip ko parang ang awkward kung hindi si Lance ang magkkwento sa akin. Dali dali akong kumain ng agahan at paglabas ko ng pinto, may nakita akong lalaki, may hawak siyang malaking unan.

"Shit!" napasigaw siya, "Ang aga mo naman ngayon Risa."

次の章へ