webnovel

Tentenen

"Risa? Risa Reyes?

Napatulala lang ako. Hindi ko inaasahan na siya yung makikita ko. Nakatunganga lang ako at mukhang napansin niya yun kaya nilapitan niya ako. Konti na lang yung pagitan namin kaya napaatras ako.

"Risa?" tawag ulit niya habang hawak-hawak pa din yung twalya ko.

Humakbang ulit siya at nagtatakbo na ako palayo. Hindi na ako lumingon, dire-direstso lang ang pagtakbo ko hanggang sa muntikan na akong madapa dahil natapid ako sa bato pero nagpatuloy pa din ako.

Takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa narating ko yung cottage namin. Dali-dali kong inakyat ang hagdan papasok at agad kong binuksan ang pinto, sinara din agad ng sobrang lakas sabay lupagi sa sahig.

Hingal na hingal ako, ramdam ko din yung pawis ko sa noo at leeg ko o dahil lang yun na medyo basa pa ako pero ang alam ko lang pagod na pagod ako.

"Huy Risa!" sigaw ni Aya na nasa harap ko na pala.

Napatingin ako sa kanya. Hindi pa din ako makapagsalita.

"Kaninang kanina pa kita tinatawag, hindi ka naman sumasagot," dagdag pa niya, "Saan ka ba nanggaling at ganyan ang itsura mo? Sabi naman ni Lance ay kinuha mo lang yung twalya mo."

Napaikot ang tingin ko. Kumpleto pala ang barkada, kahit sina ate na kausap ni Lance at ang magsyotang laging magkadikit. Lahat sila sa akin nakatingin, mukhang nag-aalala.

"Risa, yung paa mo," pansin ni ate at sabay-sabay kaming napatingin sa paa ko.

Nagdudugo yung kanan kong paa. Hindi ko naramdaman yung sakit nung napatid ako sa bato kanina.

"Ano ba talagang nangyari?" si Aya ulit ang nagsalita, nilapitan na talaga niya ako at lumuhod sa tabi ko.

Nagsimula akong manginig at naramdaman ko yung hawak ni Aya sa balikat ko. Napatungo ako at unti-unting tumulo ang mga luha ko. Kahit na alam kong na sa akin ang atensyon nilang lahat, hindi ko mapigilan ang umiyak. Ang sakit ng lalamunan ko pati na ang paa ko at ang higit sa lahat, masakit ang puso ko.

Niyakap ako ni Aya, "Ssshh, ssshh, okay lang yan Risa. Tumahan ka na."

"Andito siya," bulong ko kay Aya na parang sa sarili ko lang din sinasabi.

"Ha?" mas lumapit pa sa akin si Aya.

"Andito siya," inulit ko, mas malakas na ng konti ngayon.

"Ha? Sino?" tanong ni Aya na mukhang naguguluhan pa din pero hindi nagtagal mukhang nagets din niya yung sinabi ko, "Ano? Paano?" sunod-sunod na tanong niya na mas lalong nakagulo ata ng isip ng iba naming kasama. Iling lang ang sagot ko sa kanya at mukhang naintindihan niya

Medyo tahan na ako pero wala pa din sa sarili. Nakapaligo na at nakapagbihis na din pero tuliro pa din. Lumipas ang araw ng natitirang bakasyon ko ng ganyan. Tuliro at hindi makausap ng tino. Hindi na din ako nakaka-attend ng piano lessons ko. Si mama na nga lang yung tumawag kay Miss Martha para sabihin na sa pasukan na lang ulit ako magle-lesson.

Almost isang linggo din na patay ang cellphone ko at nagkulong sa kwarto ko. Lalabas lang ako tuwing lunch at dinner. Akala ko mapapagalitan ako nila papa pero mukhang naintindihan naman nila ako. Hindi na kasi ito ang unang beses na nangyari sa akin. Binisita ako ng barkada ko pero hindi ako nagpakita sa kanila. Boring pero yun lang ang tanging alam ko na paraan para bumalik na ako sa dati. Natulog lang ako ng natulog kaya nung Monday ginising ako ni mama ng maaga, nagulat na lang ako.

"Ma, ang aga pa at tsaka hindi naman ako nakain ng breakfast ha," reklamo ko habang nakatalukbong ng kumot.

Hinampas ako at pinagalitan na, "Aba tong batang ito! Isang linggo na kitang pinagbibigyan. May pasok ka na ngayon. Bumangon ka na at maligo para makakain ka na."

Saka lang ako nag-alis ng kumot at inabot ang cellphone ko sa my side table. Binuksan ko at ang tumambad sa akin ay isang katutak ng messages at ang date ngayon. Wala akong nagawa kundi bumangon na pero dahil sa sobrang bagal ko, nasigawan ulit ako, "Mari Alyssa bilis bilisan mo na dyan! Malalate kayo ng ate mo!"

Kaya windang pa din ako pagdating ko sa school parang walang epekto yung pagkakaligo ko kanina. Syempre todo daldalan at kwentuhan silang lahat at ako nakatulog ata ako pagkaubob ko sa mesa. Ginising lang ako ni Aya ng dumating na yung teacher. Nung recess medyo tahimik pa ako kasi sobrang inaantok pa din talaga ako pero pagdating ng lunch, nabuhayan na ako.

Hinigit ko sila Mia at Dan papuntang room ng 3-A. Si Aya hindi na kailangan dahil dun naman talaga ang punta ng babaeng yun.

"Saan ba tayo pupunta Risa?" tanong sa akin ni Dan na may kasama pang pagtaas ng kilay.

Tumigil na lang ako ng paghila sa kanila ng nakarating dun. Bukas yung pinto nila at mukhang kakalabas lang nung teacher nila. Si Aya naman dire-diresto papunta sa kanyang Andy kaya sinundan na lang namin at mukhang napansin ata ako ni Lance.

"Risa!" bati niya agad sa akin, "Buhay ka na pala."

"Matagal na Lance," sagot ko sa kanya sabay irap.

Hinawakan niya ang ulo ko at hinaplos na parang aso. Syempre tinaboy ko yung kamay niya at sinamangutan. Nginitian niya lang ako at saka nagsalita, "Sayang nakaalis na kaagad si Stan pero sigurado ako matutuwa yun pag nakita ka na ulit niya ng masigla ka na."

"Che!" pagsusungit ko, "San ba nagpunta yung mokong na yun?"

Dahil sa hindi na kami war since nung nagswimming, kinakausap ko na ulit siya kaso hindi na kami kasing close gaya ng dati. Ito naman si Lance, nakwentuhan na ni ate tungkol sa nangyari sa akin kaya naiintindihan na niya ko. Ata lang naman yun eh pero ang sure ko ay kinuwento sa kanya ni ate dahil isang beses kinatok ako ni ate para sabihin lang yun. Kaya gawa din nun, medyo naiilang ako sa kanya.

"Pinuntahan na si Denise. Matagal ata silang hindi nagkita kaya namiss niya," paliwanag ni Lance sa akin. Sabay-sabay kasi naglulunch dito sa school namin dahil medyo malaki naman yung cafeteria para sa lahat ng estudyante.

"Ahh, kaya naman pala. Napadpad lang naman ako dito para ipaalala sayo yung bayad mo," paalala ko sa kanya habang nakalahad ang palad ko.

Binawi ko agad yung kamay ko, "Sabihin ko na lang kay ate dun sa cafeteria na ikaw ang magbabayad ng kakainin ko. Papayag naman siguro yun dahil kilala na niya ako."

Bago pa siya makasagot ulit, hinila ko na ulit palabas ng room sina Mia at Dan, "Bigay ko na lang name mo ha!"

"Akala ko ba bestfriends na kayo ni Lance?" tanong ni Dan.

"Oo nga pero nakakailang na kasi eh. Nagkakamabutihan na sila ni ate at tsaka alam niya na yung tungkol kay alam mo na," simpleng sagot ko sa kanya. Mukhang hindi kumbinsido si Dan pero mas pinili na lang niyang hindi pa ulit magtanong.

"Buti naman Risa at okay ka na," sabi ni Mia, napatingin naman ako sa kanya, "Dati inabot ng ilang linggo bago maging okay ka."

Natahimik lang naman ako hanggang sa nakabili na kami ng pagkain at nakaupo na ng dumating si Aya. Tsismis agad ang sinabi, "Nakita niyo na ba yung transfer student? Sabi nila lalaki daw at tsaka galing dun sa kabilang school."

"Hindi pa nga eh. Sabi din nila, dati na daw pumasok yun dito," sabi din ni Mia. Nakalimutan ko, lahat pala kami tsismosa.

"Ano bang year na?" tanong ni Dan.

"Teka nga lang," singit ko sa usapan nila, "Tingnan niyo si Andy mukhang may sasabihin ata. Kilala niya ata yung transferee."

Napatingin naman silang lahat kay Andy, "Eh?" gulat na nasabi niya.

"Kilala mo yung transferee, hon?" tanong ni Aya sa kanya. Mukhang mabubulunan na si Andy ng biglang dumating si Stan.

Hinampas niya yung likod ko, "Risa! Sa wakas, lumabas ka din ng kwarto mo. Nakailang beses ako nagpunta sa inyo pero wala, hindi mo pa din ako pinansin."

"Ano ba Stan?" reklamo ko habang nakahawak sa likod ko. Napalingon ako sa kanya. Hindi nagbago istura niya, ganoon pa din kagulo yung buhok niya pati na ang ayos ng uniform niya.

Ngiting aso na naman siya. Napangiti na lang din ako. Best friend pa din ang tingin ko sa kanya basta hindi niya kasama yung Denise. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din totally matanggap na mas pinili niya yung syota niya kaysa sa akin.

"Akala ko ba sinundo mo yung girlfriend mo?" tanong ko sa kanya ng napansin ko ngang hindi niya kasunod ito.

"Yep, kaso may kausap pa siya kaya naisipan ko munang tingnan kung nandito ka na nga," paliwanag niya habang naupo sa tabi ko.

"Oh tapos?" tanong ko sa kanya sabay halumbaba.

Inisnab naman niya ako at kinamusta niya yung iba kaya nagpatuloy ako sa pagkain. Hanggang sa ako na ulit ang kinausap niya, "Himala ata at ang ayos ng uniform mo ngayon. Pati necktie oh."

Hinila niya yung necktie ko. Hinablot ko naman agad, "Ginising ako ni mama eh. Nga pala, hindi ka ba kakain?"

"Aantayin ko na si Den," sagot niya sa akin. Mukhang tinamaan talaga siya.

"Sino bang kausap niya?" tanong ko ulit sa kanya.

Bigla naman niya binago yung topic ng usapan, "Gusto mo ihatid kita sa lessons mo mamaya? Wala pa naman kami practice, meeting lang."

"Eh? Himala ata. Hindi mo ihahatid si Denise mo?" pinangtaasan ko siya ng kilay.

"Hindi. Susunduin kasi siya ngayon," paliwanag naman niya habang pinaglalaruan yung mga daliri niya.

"Stan!" may tumawag na babae sa kanya. Napalingon kami at nakita ko si Denise.

"Den," tayo kaagad si Stan at nagpalinga-linga pa tila may hinahanap, "Si.."

Napatigil siya at napatingin sa akin. Ano naman kaya ang tinatago ng mokong na to sa akin? Napatingin naman ako kay Denise. Nakangiti lang siya at ganoon pa din siya, cute pa din ang dating. Lumapit pa siya sa amin at binati kami, "Ahh, hello po."

Tapos bumaling na ulit siya kay Stan. Dinig ko pa din ang pinaguusapan nila. Sa hindi malamang kadahilanan bigla akong kinabahan. Nagsalita na si Denise, "Yung friend mo nga pala, papunta na dito kaso hinarang siya ng mga 4th year eh."

"Sino bang friend mo yun?" tanong ko kay Stan, "Hindi ko ba kilala?"

"Ahh," mukhang nag-iisip pa si Stan kung ano ang isasagot niya sa akin ng biglang mas umingay sa cafeteria, napatingin naman ako. Biglang nagsalita si Denise, "Oh yan na pala yung friend mo."

Tinitigan ko naman ng ayos kung sino yung tinutukoy niya at tila tumigil ang mundo dahil yung nagpakita sa akin last week at ang friend ni Stan ay walang iba kundi si tentenen...

Si Keith.

If you enjoyed this, please drop a comment or vote with powerstone or share it with your friends. Sharing is caring. Haha. Thanks for reading!

I know, by now, you're probably tired of me promoting my other story. But if you're 18+, likes shoujo or josei manga, please check out Ugly Little Feelings.

Next chapter will be up by Wednesday

wickedwintercreators' thoughts
次の章へ